7 DIY Christmas Decoration Ideas Para Sa Matipid Na Pasko

Blog

October 01, 2020

DIY-Christmas-Decoration-Ideas

Magpapasko na naman Suki and you know what that means – gastos! Kahit sa pagpasok pa lang ng mga ‘ber months’ ay marami na sa mga Pinoy ang nagpaplano para sa kanilang Christmas celebrations. Pero dahil sa ongoing pandemic, magiging kakaiba ang pasko natin this year.

Buhat ng social distancing at health protocols, marami sa atin ang nawalan ng trabaho. Dahil dito, naghihigpit ng sinturon ang maraming Pinoy na maaaring umabot hanggang pasko. Gustuhin man natin bonggahan ang selebrasyon, mahirap nang maglustay ng pera sa gitna  ng krisis.

Isa sa ino-all out ng mga Pinoy ay ang decorations. Libu-libo ang nagagastos para sa mga ilaw, garland, at Christmas tree. Para makapagtipid sa pasko this year, bakit hindi mo subukang mag DIY Christmas decorations, Suki? Makakapag-ipon ka na ng perang pambili ng regalo’t pagkain, puwede mo pang gawing family bonding ang paggawa ng mga dekorasyon.

DIY Christmas decorations – achieve!

Kahit may ilang buwan pa bago sumapit ang Disyembre, ngayon pa lang ay nagsisimula nang magsabit ng dekorasyon ang sambayanan. Para sa mga nagtitipid at ready to DIY, narito ang Christmas decorations you can make yourself.

1. Garlands 

diy-christmas-garland

Photo courtesy of Mel Poole via Unsplash

Tools and materials needed:

  • Colored o art paper
  • Pencil
  • Stapler, glue, o tape
  • Scissors
  • Twine, o sinulid

How to make your own garlands:

Hindi kumpleto ang pasko nang walang makukulay na garland na nakasabit sa mga pinto’t bintana. Para gumawa ng DIY garlands, kailangan mo lang magbaon ng creativity. 

  1. Mag-isip ng bonggang garland design na maaaring gawin. Pwede kang magsearch sa internet ng pattern o kaya nama’y gumawa ng bagong design nang sarili.
  2. I-drawing ang design sa colored paper upang gawing at gupitin ‘to. Mas makulay, mas maganda!
  3. I-dikit ang mga nagupit na papel sa twine o sinulid. Pwede kang gumamit ng stapler o kaya nama’y glue or tape para rito.

2. Tree ornaments

diy-tree-ornament

Photo courtesy of freestocks.org via Pexels

Tools and materials needed:

  • Ribbon, twine, o sinulid
  • Gunting

How to make your own tree ornaments:

Sawa ka na ba sa mga bilog na nakasabit sa Christmas tree ‘nyo, Suki? Bakit hindi i-personalize ang mga ito?

  1. Maraming materyales ang pwedeng gamitin sa paggawa ng homemade tree ornaments. Mula sa lumang laruan hanggang sa recycled bottles, pwedeng talian ng ribbon o sinulid para masabit sa Christmas tree.
  2. Mas maganda rin na makatulong ang bawat miyembro ng pamilya sa paggawa ng unique tree ornament na batay sa ugali o mga hilig nila. Magiging mas memorable at creative ang pasko kung lahat ay nag-effort!

3. Christmas socks

diy-christmas-stocking

Photo courtesy of Irina Iriser via Pexels

Tools and materials needed:

  • Medyas
  • Pencil
  • Stapler, glue, o tape
  • Ribbon, twine, o sinulid
  • Thumb tacks
  • Gunting
  • Colored o art paper

How to make your own DIY Christmas socks:

Patok ang Christmas socks sa mga chikiting na excited sa regalo. Dito, puwedeng maglagay ng mga kendi, barya, at maliliit na laruan para sa mga bata.

  1. Magtipon ng mga medyas – mas maganda kung mas malaki at kung hindi na ginagamit.
  2. Magdrawing ng design sa colored paper at gupitin ‘to. Kung katulong ang mga bata, bantayan ang paggupit nila para maiwasan ang aksidente. Pwede ring isulat ang pangalan bilang design para may palatandaan kung sino nagmamay-ari ng Christmas socks.
  3. I-dikit ang mga ginupit gamit ang tape. Pwede ring gumamit ng glue gun at stapler, pero maaaring masira nito ang tela ng medyas kaya mas mainam na lumang medyas ang gamitin.
  4. Gamit ang thumb tacks o kaya ang ribbon o string, isabit ang finished Christmas socks sa sala.

4. Santa hats

 

diy-santa-hat

Photo courtesy of Mel Poole via Unsplash

Tools and materials needed:

  • Red colored paper/cartolina/felt paper
  • Measuring tape
  • Scissors
  • Stapler/tape/glue
  • Pencil
  • Cotton balls

How to DIY your own Santa hats:

Isa ring karaniwang Christmas decoration ang Santa hats. Maganda ang mga ‘to lalo na sa photo op ng buong pamilya sa harap ng hapag kainan.

  1. Gamit ang measuring tape, sukatin ang ulo. Ilapat ang sukat sa napiling papel at markahan ang haba.
  2. Pagbatayan ang marka para gumupit ng semi-circle sa papel.
  3. I-rolyo ang ginupit na parte para gumawa ng cone. Ipagdikit ang dalawang dulo gamit ang glue o stapler.
  4. Gamit ang glue, idikit ang mga bulak sa ibabang bahagi ng Santa hat. Magdikit din ng iilan sa tuktok.

5. Parol

diy-parol

Photo courtesy of Marta Branco via Pexels

Tools and materials needed:

  • PET plastic bottles
  • Colored paper
  • Glue gun
  • Scissors
  • Twine, o sinulid

How to DIY your own parol:

Syempre hindi kumpleto ang Paskong Pinoy kung walang parol. Sa katunayan, malaki ang nagagastos ng mga Pilipino sa pabonggahan ng mga parol. Pero karaniwan ding dini-DIY ang mga ‘to gamit ang recyclable na materyales.

  1. Bote man o papel ang gagamitin, simulan ang paggawa ng parol sa pagsketch ng nais mong hugis. Pwedeng star-shaped lang o kaya nama’y nakapaloob sa bilog ang star.
  2. Sundan ang hugis na ‘to sa pagdikit ng mga nalinis nang plastic bottle o nagupit na colored paper. Puwedeng designan ng mga tansan o kaya glitters para maging mas makinang.
  3. Huwag kalimutang talian sa tuktok ng bituwin gamit ang twine o makapal na sinulid para maisabit ang ‘yong DIY parol.

6. Gift wrappers

diy-gift-wrapper

Photo courtesy of freestocks via Unsplash

Tools and materials needed:

  • Cartolina
  • Coloring o drawing materials

How to DIY your own gift wrappers:

Isa pang pwedeng handmade Christmas decoration ay ang paggawa ng sarili mong gift wrapper. Imbis na bumili pa ng pambalot, pwede ‘nyong i-customize ang gift wrappers ‘nyo sa pag-lagay ng drawings o quotes.

  1. Ilatag ang cartolina para guhitan o sulatan. I-sali rin ang mga bata sa creative activity na ‘to. 
  2. ‘Pag final na ang piece of art mo, maaari mo na itong gamiting pambalot.

7. Candle holders

candle-holder

Photo courtesy of Nubia Navarro via Pexels

Tools and materials needed:

  • Candles
  • Hindi na ginagamit na mga clear na baso at flower vase
  • Marbles o makulay na bato

How to DIY your own candle holders:

Gawing magical ang pasko sa pamamagitan ng paggawa ng candle holders! Hindi na kailangan bumili pa ng mamahaling holder at sa halip ay gumamit ng common household items.

  1. Linising mabuti ang vase o baso para maging malinaw ang pagsinag ng ilaw mula sa loob.
  2. Puwedeng lagyan ng disenyo ang labas ng baso o vase gamit ang glitter glue.
  3. Dagdag disenyo rin ang paglagay ng mga jolen o makulay na bato sa loob ng vase o baso, kung saan ipapatong ang kandila.

Dagdag tips for DIY Christmas decorations

Kung first time ‘nyong subukan ang DIY Christmas decoration ideas na ‘to, huwag mag-alala. Narito ang ilang tips para mas mapaganda at maenjoy ‘nyo ang paggawa ng homemade Christmas decorations.

1. Gawing proyekto ng buong pamilya!

christmas-with-family

Photo courtesy of freestocks.org via Pexels

Huwag solohin ang ganap at isali ang buong pamilya sa paggawa ng decor! Ang essence naman ng pasko ay ang pag-spend ng time kasama ang mga mahal sa buhay. Kahit hindi pa pumapatak ang Disyembre, huwag palampasin ang pagkakataong makabonding ang iyong pamilya.

2. Recycle when you can.

recycled-christmas-wrapper

Photo courtesy of Mel Poole via Unsplash

Liban pa sa paggawa ng sariling decoration, makakatipid ka rin kung irerecycle mo na lang ang mga nagamit noong nakaraang taon o kaya nama’y i-recycle ang idi-DIY mo ngayong taon sa susunod na pasko.

3. Gawin itong tradisyon kada taon.

family-christmas-tree

Photo courtesy of Jonathan Borba via Unsplash

Kung tingin mong mag-e-enjoy ang buong pamilya sa pagdi-DIY ng Christmas decorations, bakit hindi ito gawing yearly tradition? Pwede ring mag-host ng friendly competition sa pamilya kung sino makakagawa ng pinaka-bonggang decorations para mas ma-excite ang lahat sa activity na ‘to.

Hindi maikakaila ang laki ng perang inilalaan ng mga Pilipino para sa mga Christmas decoration. Pero sa panahon ng krisis gaya ng COVID-19, hindi maling isantabi muna ang perang para sana sa decor at ilaan ‘to sa mga mas importanteng bagay. 

Tinuro sa atin ng COVID-19 na maaaring magbago ang buhay sa isang iglap. Liban pa sa pang noche buena o pangregalo sa pasko, kailangan ding magtipid para maghanda sa mga medical or financial emergency.

Share: