Win-Win Money Currency Exchange Tips Sa Palawan Pawnshop

Blog

May 09, 2024

10-and-one-10-us-dollar-bills-050924

Sa ating mga Pilipino, traveller man or isang magiting na Overseas Filipino Worker (OFW), malaking bagay na may malapit at maasahang money exchange services para sa suportang kailangan ng pamilya.

Ito ay isang bagay na naiintindihan namin sa Palawan Pawnshop. Kaya naman ay sinisiguro namin na may convenient access ang lahat ng Pilipino sa sulit, maasahan, at malapit na currency exchange services para hassle-free sa pag-convert ng funds. 

Ang isa sa mga common na palitan ng pera dito sa bansa ay US Dollar to Philippine Peso, lalo na sa mga kababayan nating OFWs na nagpapadala ng pang-araw-araw na panggastos ng pamilya. Alamin dito kung ano pang currency ang pwede niyong maipa-palit at paano makakapagpapapalit.

Bakit Palawan Pawnshop ang best choice para sa currency exchange? 

Hindi naman sikreto na maraming currency exchange ang nakakalat sa bansa, lalo na sa mga syudad. Pero sigurado ka dapat na ang pagpapalitan mo ng pera ay mapagkakatiwalaan at siguradong hindi ka dadayain. Kaya naman piliin mo ang Palawan Pawnshop Money Changer para sa:

1. Mataas na exchange rate.

Syempre, saludo ang Palawan Pawnshop sa mga Pilipino kaya hindi sila kuripot pagdating sa foreign exchange rates, at hindi rin sila gahaman magpatong. 

Sure na sumusunod Palawan Pawnshop sa tamang exchange rate na binababa ng Banko Sentral ng Pilipinas sa publiko. Makakasiguro ang mga Pilipino that every peso will count. 

2. Mabilis makukuha ang pera.

Ang pagpapalit ng pera ay hindi dapat maging isang stressful na experience, lalo na sa ating mga magigiting na OFW, 

Sinisigurado ng Palawan Pawnshop ang hassle-free transactions sa inyo, mga Suki. Ang Palawan Pawnshop Money Exchange ay nag-ooffer ng mabilis, ligtas, at garantisadong transactions everytime kayo ay magpapapalit ng pera. 

With over 35 years in the industry, talagang na-establish na ng Palawan Pawnshop ang sarili as a seasoned financial service provider sa lahat ng Pilipino.

Palawan Pawnshop List of Accepted Money Exchange Currencies

Kung nagtataka ka kung ano-anong currencies ang pwede mo ipalit sa Palawan Pawnshop, hindi mo na kailangan tumingin pa sa iba. Narito ang full list ng currencies na pwede mong iexchange sa Palawan Pawnshop Money Exchange.

Asia Currencies: 

  • Thailand Baht
  • Bahrain Dinar
  • China Yuan
  • Japan Yen
  • Hong Kong Dollar
  • Singapore Dollar
  • New Taiwan Dollar
  • UAE Dirham
  • Korean Won
  • Malaysian Ringgit
  • Brunei Dollar
  • Kuwait Dinar
  • Qatar Riyal
  • Saudi Riyal 

US, European, Australian Currencies; 

  • US Dollars
  • British Pounds
  • Canadian Dollar
  • Australian Dollar
  • Euro
  • Swiss Franc
  • New Zealand Dollar

Kahit saan ka man sa mundo nagtatrabaho, sigurado kayong ang inyong mga padala ay magiging peso. Kaya’t sure na sure na may panggastos na ang iyong pamilya, kahit saan at kahit kailan.

Paano mag-Money Exchange sa Palawan Pawnshop

person-holding-black-android-smartphone-1Photo courtesy of Tech Daily via Unsplash

Napakadaling gamitin ang Palawan Pawnshop Money exchange, kaya ito ang best money changer sa Pilipinas. 

Narito ang mga kailangan mong ihanda kapag pupunta sa kahit anumang branch ng Palawan Pawnshop nationwide.

  • Ihanda ang mga foreign bank notes at ipakita ito sa Palawan Pawnshop branch associates upang ma-verify ang authenticity nang mga ito. 
  • Sagutan ang Money Changer (MC) ticket. Lagyan ito ng iyong pangalan, address, contact number, at iba pang mga kinakailangan na impormasyon. 
  • Kung ikaw ay first time customer sa money exchange, kailangan mong sagutan ang Customer Information Sheet (CIS). Ito ay alinsunod sa Know-Your-Customer (KYC) policy. ‘Wag kalimutan, ang Valid Identification Card ID, Suki! 
  • Pagkatapos ng documentary requirements, maari mo nang makuha ang peso equivalent ng pinapapalit mong foreign banknote.

MGA IMPORTANTE NA PAALALA:

  • Kung ang iyong transaction ay aabot ng ₱100,000 pataas, kinakailangan ng validation of purpose of transaction at Enhanced Due Diligence (EED). Kailangan mo maghanda ng mga kaukulang dokumento at 2 valid ID. 
  • Ang mga authorized transactions ay valid lamang sa mga ₱10,000 at pababa. Huwag kakalimutan na dalhin at ipakita ang authorization letter sa aming branch associates. 

Madali lang magtransact sa Palawan Pawnshop! Para mas mapadali ang iyong money exchange experience, narito ang ilang mga tips para sayo. 

1. Maghanda ng Identification Cards + Suki Card

Ano mang transaction ang gagawin sa Palawan Pawnshop, dala mo dapat lagi ang iyong mga Valid IDs at Suki Card. Narito ang ilan sa mga Valid IDs na pwede mong dalhin:

  • Passport
  • Police Clearance
  • School ID
  • OWWA ID
  • Alien Certificate of Registration
  • Drivers License
  • Postal ID
  • GSIS E-Card
  • Seaman's Book
  • Government Issued ID
  • PRC I.D
  • Voters ID
  • SSS Card
  • Senior Citizen Card
  • NBI Clearance
  • Company ID
  • OFW ID
  • Barangay Certification
  • Certification from the National Council for the Welfare of Disabled Persons

2. Alamin ang exchange rate bago magpapapalit ng pera 

Maari mong malaman ang foreign exchange rate sa foreign exchange market or humanap ng currency converter online. Pwede rin malaman ang exchange rates sa kahit anong Palawan Pawnshop branch. 

Syempre, hindi lang money exchange ang inooffer ng Palawan Pawnshop, marami pang transactions ang pwede mong magawa dito, para maging mas mabilis matapos ang iyong mga transaksyon.

Ang lahat ng services na ito ay pwede maging kaakibat ng money exchange services. Hindi mo na kailangan pumunta sa ibang lugar para magbayad ng bills, magpadala ng pera sa kapamilya, o i-deposit ang pera sa iyong savings account.

Key Takeaways

Naiintindihan ng Palawan Pawnshop ang halaga ng bawat perang pinaghihirapan at ipinadadala ninyo. Kaya sinisiguro naming ligtas at madali ang bawat transaction. Sa bawat transaction na iyong gagawin, tandaan ang mga sumusunod. 

  1. Pataas ang palitan ng pera sa palawan pawnshop. Sigurado na tapat ang magiging palitan ng pera dito, kaya ang bawat dolyar at piso na iyong pinaghirapan ay makakarating nang buo sa iyong pamilya. 
  2. Magdala ng Valid ID. Para mas mapabilis ang iyong money exchange transaction, siguraduhin na lagi kang may dalang Valid ID. Kailangan na kailangan ito para sa pagpapalit ng pera at iba pang transactions na iyong gagawin.
  3. One-Stop Shop ang Palawan Pawnshop. Kung mayroon ka pang gagawin pagkatapos ng money exchange, hindi mo na kailangan umalis sa branch. Marami pang services ang Palawan Pawnshop tulad ng bills payment, pera padala, money deposit atbp. 

Kaya ano pa hinihintay mo, suki? I-Palawan mo na yan! 

If you have any other questions, send us a message via our Facebook, X, Instagram, TikTok, and YouTube accounts. Let’s chat!

Share: