Mga Kwentong Suki: Waley Hasul Money Remittance Experiences

Blog

October 05, 2022

Mga-Kwentong-Suki--Waley-Hasul-Money-Remittance-Experiences

Parte na ng buhay ng bawat Pinoy ang pera padala o kilala sa tinatawag na money remittance. Mapa-domestic, international, o online man yan, napakahalaga na mayroon maaasahang money remittance services ang bawat Pinoy para matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Kung tiwala at kalidad lang din naman, isa ito sa mga rason kung bakit Palawan Pawnshop ang dabest money remittance partner pagdating sa iyong money remittance. Tunghayan ang iba’t-ibang kwentong Suki at ang kanilang waley hasul na experiences dito lang sa Palawan Pawnshop.

Ano ang money remittance?

Pero teka, bago ang lahat, ano nga ba ang remittance? Ang money remittance ay kahit anong pera na ipapadala mula sa isang lugar papunta sa iba pang lugar. Maaaring ito ay domestic, international, o kaya naman ay online padala.

Bakit importante ang remittance? Ano ang naitutulong nito sa ating mga Pilipino?

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mahalaga ang pagpapadala ng domestic at international money remittance. Eto ang pinagkukunan ng kabuhayan at savings ng mga Pinoy, lalo na sa mga kamag-anak na nasa ibang sulok ng Pilipinas. Pagdating naman sa pagpapadala ng pera abroad, malaki ang naitutulong ng remittances upang tumaas ang ekonomiya ng ating bansa. Kaya saludo kami sa Palawan Pawnshop sa ating mga ka-Suki na walang sawang nagpapadala, mapa-abroad man o mapa-lokal!

three-children-and-man-at-the-beachPhoto courtesy of Jove Duero via Unsplash

Mga Kwentong Suki: Ang Kanilang Waley Hasul Money Remittance Stories

Basta pera padala, laging maaasahan ang Palawan Express Service! Paano ka nga ba makakasiguro na hindi pambobola lang ang lahat ng ito? Basahin ang mga Kwentong Suki ng bawat Pinoy na magpapatunay sa ligtas, mabilis, at dekalidad na pera padala services ng Palawan Pawnshop.

Mula sa Mga Kasambahay Kasambuhay Winners

Para kilalanin ang hard work, humility, sacrifice, faithful service, at good example ng mga kasambahay, binuo ng Junior Chamber International (JCI) Senate Philippines, Inc. at ng Palawan Pawnshop ang Kasambahay Kasambuhay Pilipinas Awards, isang recognition at awards program dedicated para sa mga Pilipinong “Kasambahays.”

Ang mga kasambahay na ito ay ang mga yaya, driver, gardener, household cooks, at mga labandera na nag-dedicate ng kanilang serbisyo para sa kanilang mga amo o ikalawang pamilya:

1. Rebecca Pagrad, 2021 Kasambahay Kasambuhay Winner

Nasira ang bangkang pangkabuhayan ng kapatid ni Rebecca. Saan kukuha ng pangpaayos ang kanyang kapatid? Agad namang nakahiram ng pera at sa tulong ng money remittance ng Palawan, nakapagpadala ng walang hassle at mabilisan si Ate Rebecca sa kanyang kapatid.

2. Mary Grace Anieve, 2021 Kasambahay Kasambuhay Winner

Para kay Ate Mary, tiwala sya sa Palawan dahil sa mabilis, mura ang charges, maraming branches, at maraming paraan tulad ng Palawan Express Online Pera Padala. Dagdag pa dito, tunay niyang pinagkakatiwalaan ang Palawan para sa mga alahas na mura rin at magaganda ang quality. Kaya naman pati nga ang boss nya, tiwala na rin sa serbisyong Palawan!

3. Salvacion Hechanova, 2019 Kasambahay Kasambuhay Winner

May pamangkin si Ate Sally na nangangailangan ng oxygen para sa kanyang malubhang kondisyon. Alam ni Ate Sally na natatakot ang kanyang pamangkin tuwing mauubos na ang oxygen nito, kaya naman agad syang lumapit sa Palawan para sa mabilisang money remittance services. Masasabi ni Ate Sally na tunay na maaasahan ang Palawan dahil agad agad itong natanggap ng kanyang pamangkin.

4. Chona Caayon, 2019 Kasambahay Kasambuhay Winner

Napakalaki ng naitulong ng Palawan kay Ate Chona, dahil mabilis at maayos nyang naipapadala ang kanyang pinaghirapan sa kanyang mga mahal sa buhay. At hanga rin si Ate Chona sa mga mababait at matutulungin na staff ng Palawan Pawnshop na handang tumulong sa mga pangangailangan ng mga Suking tulad nya.

Mula sa mga Kababayan Abroad

Kabayan, san ka nagpapadala ng pera sa Pilipinas? Saan pa ba? Dun na sa mabilis at maaasahan na international remittance partner: ang Palawan Pawnshop! Narito ang ilan sa ating mga Suki abroad na nagtitiwala sa waley-hasul money remittance services ng Palawan.

1. KABAYAN Waitress: Sherryl Bartolome

Siguradong mabilis at madali ang pera padala ng ating mga Kabayan Waitresses abroad. Mabilis na ma-claclaim ang mga money remittance dahil sa higit na 6,000 network locations ng Palawan Pawnshop.

2. KABAYAN Seaman: David Escalante

Mahirap malayo sa pamilya, at siguradong miss na miss na ng ating mga kapamilyang seaman ang kanilang mga minamahal sa buhay. Madaling maipaparamdam ng bawat seaman ang kanilang pagmamahal sa mabilis at dekalidad na Palawan Express padala.

3. KABAYAN Nurse: Marie Gonzaga

Saludo ang Palawan sa dedikasyon ng mga medical frontliners, mapa-lokal man o abroad. Sisiguraduhin ng Palawan na makakarating ang iyong pinaghirapan sa panahong sila ang mangangailangan, saan mang sulok ng bansa nandun ang iyong mga minamahal sa buhay.

4. KABAYAN Chefs: Lilibeth Perez

Hindi man matitikman ng iyong pamilya ang iyong masasarap na lutuin, mararamdaman naman nila ang iyong pagmamahal at suporta sa kanilang mga pangarap at pangangailangan. Katuwang ng bawat OFW Chef ang Palawan sa pagpapadala ng pera.

U-1Photo courtesy of Christine Roy via Unsplash

Bakit nga ba Palawan Pawnshop ang dabest money remittance partner?

Hindi ka pa rin ba convinced, Suki? Hayaan mong ipamahagi namin sayo ang mga rason kung bakit tumagal kami sa industriyang ito. Basahin ang mga dahilan kung bakit tiwala sa Palawan ang aming mga Suki:

1. Mahigit 6,000+ branches and agent partners nationwide.

Saan mang sulok at parte ng Pilipinas, may Palawan Express na matatakbuhan para sa iyong domestic at international money remittance needs.

2. Pinakamababang transaction fee sa industriya.

Ang minimum pera padala fee namin? As low as 2 pesos, kumpara sa mga bangko at iba pang money remittance center na ang singil ay mula 15-25 pesos.

3. Palong-palo ang Suki Card benefits.

Hindi lang murang pera padala ang Suki Card benefits. Marami pang ibang benefits ang pagiging loyal tulad ng rebates, discounts, at affordable na insurances!

4. Mabilis na transaksyon.

Mapa-online man o in-person na transakyon, mabilis at walang kuskos baluskos ang aming mga serbisyon. In and out lang ang lahat ng transkasyon namin!

5. Waley hasul na proseso.

As easy as 1, 2, 3 sa sobrang dali ng aming money remittance services. Hindi na kailangan pa ng mga komplikadong proseso na hindi mo maiintindihan.

6. Ligtas na money remittance process.

Madali ang proseso, pero secured pa rin! Chinecheck lahat ng ID at meron kaming back-up security system para sa iyong mga impormasyon.

7. Maasahang staff at personnel.

Kailangan ng aming tulong? Welcome na welcome kang magtanong sa aming mga mababait at professional na staff.

8. Lagi kang updated sa bawat transaksyon.

Maaasahan mong iuupdate ka namin, Suki. Sa bawat transaksyon, meron kaming text updates na ipapadala para sayo at sa mga mahal mo sa buhay.

9. Trusted by over 2 million na Palawan Suki!

Pinagkakatiwalaan ng halos dalawang milyong Pilipino, dahil sa subok at maaasahang serbisyo ang Palawan Pawnshop.

10. #1 Pera Padala Partner for over 30+ years.

Matagal ng nagseserbisyo, at patuloy pang mag-seserbisyo sa mga susunod pang henerasyon ng mga Pilipino.

Tunay na mapagkakatiwalaan at iingatan ang iyong pinaghirapang pera sa Palawan. Kaya ano pang hinihintay mo?

Pera Padala? I-Palawan Mo Na! Ang number 1 pera padala ng bayan!

Magpadala na sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop, o kaya ay subukan ang Palawan Pawnshop Online Padala.

Share: