7 Rason Bakit Dapat Hindi Palampasin Ang Halaga Ng Barya

Blog

March 19, 2021

barya

Mahilig ka ba sa barya, Suki? O, ikaw ba ang tipo ng tao na mas gusto ang papel na pera kasi mas madali itong dalhin? ‘Di mo naitatanong pero malaki ang halaga ng barya. Maraming paraan para magamit ang piso-piso mo liban pa sa pamimili. Mula sa paghahanap ng hobby hanggang sa pagtulong sa kapwa, marami kang pwedeng paggamitan ng barya.

Huwag sayangin ang barya! Narito ang ilan lamang sa maraming gamit ng barya. Kaya, Suki, sa susunod na makakakita ka ng barya sa bag o bulsa, itago mo ito!

1. ‘Di inaasahang lifesaver

house-money-capitalism-fortunePhoto courtesy of Skitterphoto via Pexels

Suki, may mga pagkakataong bang hindi mo namamalayang naubusan ka na ng bills at wala o kulang na ang pambayad mo? Sa pamasahe man o tanghalian tuwing breaktime, minsan nahuhuli natin ang sarili nating tila zero na talaga. Pero wait, there’s more pa pala!

Sa mga ganitong pagkakataon, laking tinik ang nabubunot sa atin kapag may nakakapa tayong barya sa kasuluk-sulukan ng bag o bulsa natin. Sa mga moment na ganoon, nararamdaman natin talaga ang halaga ng barya!

2. Ipon ng buong pamilya

money-pink-coins-pigPhoto courtesy of Skitterphoto via Pexels

Ang maganda pa sa barya, madali itong ipunin ng kahit sino. Maghanap lang ng ‘di ginagamit na garapon o kaya bote at araw-araw maghulog dito kahit piso-piso lang. Nakapagrecycle ka na, nakaipon ka pa! ‘Di mo mamamalayan isang araw marami ka nang naiipon.

Swak na swak ‘to kahit sa mga chikiting na gustong mag-ipon. Mainam na habang bata pa ay turuan niyo na silang magtipid at magandang simula dito ang pagtatabi ng mga barya. Life lesson din ito para sa kanila na pahalagahan ang mga maliliit na bagay, dahil ito ang bumubuo sa mga mas malalaki at mas mahahalaga. Matuturuan din sila nitong paghirapan ang mga gusto nilang bilhin kahit sa paraan lang ng pagtatago ng piso-piso.

3. Instant math lesson para sa mga kids

photo-of-two-gold-colored-and-silver-colored-coins-standingPhoto courtesy of Mateusz Dach via Pexels

Speaking of lessons for the kids, pwede ring magamit ang mga barya para sa early math lessons ng mga bata. Kung ang mga anak mo ay nagsisimula pa lang sa formal school at nahihirapan sa math, pwede mong samantalahin ang pagiging easily understandable ng paggamit ng barya. 

Magandang gamitin ang mga barya para i-tutor sila ng simple math problems like addition o subtraction. Gamitin ang mga piso katulad ng nasa kanilang mga math books para i-represent ang bilang ng isang bagay. 

4. Barya lang po sa umaga!

kind-palm-with-coinsPhoto courtesy of Jordan Rowland via Unsplash

Malaki rin ang halaga ng barya para sa ating mga tsuper. Literal na mabigat man sa wallet, magandang lagi kang may dalang barya lalo na kung commuter ka. Malaking tulong para sa mga drayber ang baryang pamasahe dahil kailangan nila ng panukli sa buong araw na pamamasada.

Liban pa sa mga tsuper, nakakatulong din para sa mga grocery workers ang pagbibigay ng barya sa simula ng araw. Nakaka-panic man matanong bigla sa counter kung “May piso po ba kayo, ma’am?”, nakakatulong talaga ang barya sa kanila para maitabi nila ang papel na pera. Ginagamit nila ang paper bills para ipanukli sa mas malaking halaga ng pera gaya ng 1,000 o 500. Kaya naman, kung mayroon kang piso, Suki, ibigay mo na!

5. Barya for a good cause

woman-holding-coinsPhoto courtesy of Kat Yukawa via Unsplash

Kung baryamanin ka, Suki, pwede ka ring makatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pag-do-donate ng barya mo. Madalas tayong nakakakita sa counters ng metal na alkansya na nanghihingi ng barya para sa iba’t-ibang NGOs. 

Kung marami kang sobrang barya, maaari kang magbigay sa mga organisasyon na ito na nararamdaman talaga ang halaga ng barya. Ang mga piso-piso mo ay higit na ma-a-appreciate ng mga grupong ito. Bilang pagtuturo rin sa mga bagets na mag-ipon at tumulong, pwede mo silang hikayating itago ang kanilang barya-barya para ibigay sa mga nangangailangan.

6. Kasaysayan sa palad mo

round-silver-colored-liberty-coinPhoto courtesy of Jimmy Chan via Pexels

Ang pera ay tanda ng pagtakbo ng kasaysayan ng isang bansa. Mabilis na nagbabago ang lipunan at kasabay nito ang pagbabago ng anyo at value of coins. Kamakailan nga’y nagdulot ito ng pansamantalang kalituhan sa bansa dahil binago ang itsura ng mga barya.

Sa pangongolekta ng coins, makikita ang pagdaloy ng kasaysayan. Ang old coins na dati’y pinangpupusta lang ng mga chikiting sa kalsada, ngayo’y hindi na ginagamit pero mayroon pa rin ‘tong halaga, lalo na sa mga interesadong balikan ang history of money sa Pilipinas. 

Para rin ma-inspire ang iyong mga anak para maging interesado sa kasaysayan o kahit sa paghahanap ng hobby, pwede mo silang isama sa paghahanap mo ng old coins. Pwede mo ring ipasa sa kanila ang iyong koleksyon sa pagtanda nila.

7. Barya ngayon, libo na pagdating ng panahon

close-up-of-coinsPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

‘Di magtatagal ay mapapamahal ka na sa coin collection mo. Pero kung sa future ay magipit ka, pwede mong ibenta ang old coins mo. Isipin mo, ang mga halaga ng lumang barya ay malaki na ngayon kung ibebenta sa mga museum o kapwa collector, lalo na kung rare item ang naipon mo.

Pwede pa ngang ang rason ng pangongolekta mo ay ang pagbebenta nito sa hinaharap. Pwede mo itong isama sa listahan ng 2020 financial goals mo! Maganda itong motivation para galingan ang paghahanap ng historical currencies. 

Maliit man sa iyong paningin, malaki ang halaga ng barya sa maraming paraan. Kung alam mo lang kung paano sulitin ang paggamit nito, hindi ka mawawalan ng paraan para pagyamanin ang barya sa bulsa mo.

Share: