9 na Rason Para Magpadala Gamit Palawan Express

Blog

January 18, 2024

fast-money-remittance

Dad and daughter looking at each other concerned

Screengrab from Palawan Express Youtube

Kumukunot na naman ang noo mo sa kunsumisyon dahil kinukulit ka ni bunso sa tuition niya? Kung pwede lang sanang pumitas ng pera kung saan-saan, ano?

Kalma lang, mga mamshie at papshie! Breathe in… breathe out! Nakakapangit at nakatatanda ang kunsumisyon. Bago pa magsanib ang mga kilay mo at tumaas ang iyong presyon, tandaan mong may kasangga ka sa oras ng pangangailangan: ang Palawan Express Pera Padala!

Ito ang 9 pak na pak reasons kung bakit Palawan ang trusted partner ng mga magulang na gaya mo ay nagsisikap para may ipangtustos sa pag-aaral ng mga anak.

1. Pambili ng books at school requirements? Sagot ka ng Pera Padala!

Pambili ng books at school requirements

Screengrab from YouTube

Malayo ka man sa iyong pamilya, makasisiguro kang matatanggap nila agad ang perang padala mo para sa mga kailangan sa school, gaya ng mga libro, uniform, at school supplies. Para sa mga kababayan nating kumakayod abroad, mabilis na makakarating ang OFW remittance kapag pinadala ito through Palawan’s international remittance partners tulad ng Xpress Money, iRemit, at Xoom. Kaagad na matatanggap ng mga kaanak mo ang iyong money remittance sa pinakamalapit na Palawan Express Pera Padala outlet. Kaya hindi na made-delay ang panggastos sa school!

 

International remittance partner

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

2. Sa baba ng Pera Padala rates, hindi ka manghihinayang na mag-money transfer

Low money transfer rates

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Mahal na nga ang tuition sa Pinas, mahal pa ang remittance fees ng ibang mga money transfer business. Bad trip, ‘di ba?

Para hindi mabutas ang bulsa mo tuwing nagpapadala ka ng perang pangtustos sa school, go ka na sa lowest remittance fee ng Palawan Express. For as low as 2 pesos (yes, mga Suki—dalawang piso lang!), makakapagpadala ka na ng pandagdag sa baon ni Junior!

3. Money remittance na kasing bilis ng uppercut ni Pacmom!

 

Mabilis magpalada sa Palawan Pawnshop

Screengrab from Palawan Express YouTube

Mabagal na serbisyo? Ayaw ni Mommy D niyan! Kaya sa #paspas na serbisyo ng Palawan Express lang nagtitiwala ang ina ng Pambansang Kamao.

Ang pambayad sa school, hindi dapat nade-delay ‘yan. Hindi makakapag-final exam ang college student mo kung puro promissory note lang ang pinapadala sa school. Para makahabol kayo sa due date ng tuition fee, piliin ang money transfer service na efficient, automated, at hindi ka paghihintayin ng forever.

Sa Palawan Express, segundo lang after you send money, matatanggap agad ito ng anak mong nag-aaral sa Maynila.

4. #WalayHasul na Pera Padala? Walay problema!

 

Walang kuskos balungos

Screengrab from Palawan Express YouTube

Matindi na ang sakripisyo at pagod mo sa pag-iipon para sa kailangan ng mga anak mo sa school. Kaya ‘wag mo nang pahirapan lalo ang sarili mo sa money remittance service na maraming arte at cheche-bureche. Sayang lang ang oras mo, maii-stress ka pa.

Sa Palawan Express, #WalayHasul ang pera padala! Narito ang walang kuskos-balungos steps to send money to your loved ones:

  1. 1. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Express branch o Palawan Express Pera Padala outlet.
  2. 2. Isulat ang kailangang information sa Send Money Form. Siguraduhing nafill-out mo ang iyong name at cell phone number pati ang name at cell phone number ng taong tatanggap ng money remittance.
  3. 3. Kapag nakumpleto mo na ang form, ilagay ito kasama ang iyong valid ID sa tray na nasa counter.
  4. 4. Hintaying tawagin ng staff ang name mo. Kapag tinawag ka na, bayaran mo ang iyong principal remittance at kaukulang fee.
  5. 5. Pirmahan ang form at kunin ang iyong copy.

 

Sobrang dali lang, ‘di ba?

5. Secure ang money remittance

Walay hasul din ang pag-claim ng remittance sa Palawan Express. Saka nakasisiguro kang safe and secure ang transaction. Hindi mapupunta sa scammers ang pang-tuition ng anak mo.

Narito ang hassle-free and secure steps to receive remittance money via Palawan Express Pera Padala:

1. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch o Palawan Express Pera Padala outlet.

2. Isulat ang kailangang information sa Receive Money Form. Siguraduhing nafill-out mo ang name mo at name ng nagpadala ng pera. Kailangan mo ring isulat ang transaction code at halaga ng money remittance.

3. Kapag nakumpleto mo na ang form, ilagay ito sa tray kasama ang isa sa mga type of valid IDs accepted:

  • Driver’s License
  • Professional Regulations Commission (PRC) ID
  • Postal ID (New)
  • Person with Disability (PWD) ID
  • Card Government Service Insurance System (GSIS) E-Card
  • Social Security System (SSS) Card
  • Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
  • Pag-Ibig Loyalty Card Home Development Mutual Fund (HDMF)
  • NBI Clearance
  • Voter's ID
  • Senior Citizen ID
  • School ID
  • Philhealth Insurance Card
  • Company ID
  • Barangay ID
  • Tax Identification Number (TIN)

4. Pirmahan ang form at kunin ang iyong copy.

5. I-check at bilanging maigi ang pera bago umalis sa Palawan branch.

Tandaan, mga Suki: required na mag-prisinta ng isang valid ID para makapag-claim ng money remittance. ‘Yan ang pruweba mo na ikaw nga ang taong pagbibigyan ng pera.

6. May instant text kapag napadala at natanggap ang money remittance

Money remittance text alert

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

“Nakarating na kaya ‘yung pinadala kong pang-tuition? Sana umabot sa due date.”

Wala kang dapat ipag-alala dahil reliable at convenient ang money transfer sa Palawan Express. Ipaaalam agad sa ‘yo through text kapag oks na ang transaction.

How can you track your remittances and ang pag-verify ng status ng money transfer mo ay madali rin. Makakatanggap ka ng text confirmation kapag naipadala na ang pera mo. Makakatanggap din ng text ang pinadalhan mo na ready na ang cash for pickup. At kapag na-claim na ang money remittance mo, ipapaalam din ito sa ‘yo through text.

7. Para sa friendly staff ng Palawan, customers ang laging number 1!

Hindi ‘to bola! Committed ang mga empleyado ng Palawan Express na bigyan ka ng de-kalibreng serbisyo. Friendly at helpful ang staff, kaya nakaka-good vibes ang bawat transaction sa Palawan. Sa ilang minuto mong interaction sa kanila, makakalimutan mo kahit papano ang stress sa paghahanap ng sapat na pera para sa pag-aaral ng mga anak mo (Ay sorry, pinaalala namin. Peace ‘yo!).

8. Over 2,000 Palawan branches and Pera Padala outlets to serve you!

Over 2,000 Palawan branches and Pera Padala outlets to serve you

Screengrab from Palawan Express YouTube

Saan mang sulok ng Pinas, sure na may malapit na Pera Padala outlets at agents for sending money for your kid’s education. Palawan ang largest money transfer company in the Philippines na may mahigit 10 years of experience in the business. Kaya subok na ito!

9. Diri ka na sa trusted choice ng mga wais na magulang!

Ginagapang mo ang pag-aaral ng mga anak mo kahit mahal ang tuition at iba pang gastos para sa magandang kinabukasan nila. Para sa mga bagong bayani na pinahahalagahan ang edukasyon ng kabataang Pinoy, malaki ang tulong ng money remittance na mura, mabilis, at walang kuskos-balungos—‘yan ang serbisyong maaasahan mo mula sa Palawan Express.

Kaya diri ka na sa Palawan Express Pera Padala—ang money remittance na barato, paspas, ug walay hasul!

Share: