I-Level Up Ang Saving Sa Win-Win Ipon Challenges Na Ito!

Blog

May 09, 2024

close up photo of pink piggy bank used for savings

Sabi nila, kahit na tumataas ang presyo ng mga bilihin, importante pa din dapat na makapagtabi ng savings. Pero sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, nakakapag-ipon ka pa ba, Suki?

Sa dami ng post at Tiktok trend, isa sa karaniwang solusyon na ginagamit ngayon ng Pinoy ay ang sumali sa mga “ipon challenge.” Kaya naman kinuha namin ang dabest at pinaka-effective na ipon challenge out there para masubukan mo at nang makasimula ka na sa pag-iipon.

Andito lang ang Palawan Express-Palawan Pawnshop para tulungan ka sa pag-pundar ng pera gamit ng Padala to Bank Account. Pwede kang bumista sa 13,000+ branches nationwide para agad-agad na ma-transact ang naipon mo at maka-iwas sa mabigat-sa-bulsa na transaction fees. Pwede rin magbayad through the PalawanPay App para mas pina-bilis na serbisyo.

Kaya tara na’t mag-ipon, Suki!

  1. Ipon challenge para sa mga beginner 
  2. Ipon challenge sa mga may timeline
  3. Master Ipon challenge 

SUKI TIP: Iba-iba ang timeline, budget, at kakayahan ng bawat tao kung kakayanin ba ang maghulog ng ganoong amount kada-araw, linggo, o buwan na walang naku-kompromiso na pangangailangan tulad ng pagkain o kaya utility bills.

Ipon challenge para sa mga beginner 

Goal:₱10,000

Hindi kailangan maging komplikado ang pag-iipon ng mas malaking halaga. Mag-set lang ng realistic na timeline para mas madali mong ma-budget at ma-track ang ipon mo. Sa ganitong paraan, hindi mo mararanasan ang sobrang gipit sa sarili. Mas sustainable din at makakayanan mong ma-achieve ang target savings amount.

Tulad ng sinasabi namin noon pa, kahit barya lang yan, kapag naipon yan sa wallet mo ay dumadami 'yan at malay mo makabuo pa 'yan ng isang malaking halaga. Kailangan niyo lang ng:

  • 100 na ₱ 1.00
  • 100 na ₱ 5.00
  • 100 na ₱ 20.00
  • 100 na ₱ 20.00
  • 100 na ₱ 50.00
  • 14 na ₱100.00

Ipon-challenge-template-050924

Walang timeline ‘yan mga Suki, kaya kahit kailan na may barya kayo ay pwede kayo maghulog! 

Kung ang goal mo ay maka-ipon ng PHP 20,000 sa loob ng 6 months, isa sa pwede mong gawin ay ang magtabi ng certain amount tuwing sweldo o cut-off, bago ang ibang gastusin. Maaring magtabi ng PHP1,700 kada cut-off at ilagay sa alkansya o sa savings account.

Pwede rin gamitin yung barya challenge sa taas, doblehin lang ang kailangan:

  • 200 na ₱ 1.00
  • 200 na ₱ 5.00
  • 200 na ₱ 20.00
  • 200 na ₱ 20.00
  • 200 na ₱ 50.00
  • 28 na ₱100.00

Isa pang strategy para makapag taguyod ng savings ay tignan ang mga expenses mo. Saan ka pwedeng magbawas ng budget? Tignan kung saan napupunta ang karamihan ng iyong pera o sweldo, bukod sa utilities, rent, pagkain, o tuition. 

Para sa iba, mas madaling ma-hit ang goal amount sa pamamagitan ng paghanap ng mga sideline o part-time ideas na makakadagdag sa ipon.

Ipon challenge para sa mga may timeline

Goal: ₱10,000 

Kung may timeline naman ang savings goal mo, maari kang magbawas ng mga gastos na karaniwan ay napupunta sa luho, tulad ng online shopping o mga biglaang yaya sa galaan.

Dahil short term ang goal mo, ibig sabihin din ay saglit lang ang commitment na kailangan mong ilaan para makamit ang goal amount na gusto mong makita sa iyong savings account. Maaari ding gumamit ng piggy bank at maghulog ng pera araw-araw o tuwing linggo.

Para maka-ipon ng PHP 5,000, ito ang mga kailangan mong ihulog kada araw sa ayon sa tagal na gusto mong ipunin:

 

Araw-araw

Linggo-linggo

1 Month

₱170 

₱850

2 Months

₱85

₱425

3 Months

₱55

₱275

5 Months

₱35 

₱175

 

Kung hindi naman consistent ang halagang mahuhulog sa alkansya araw-araw, pwede din ang staggered savings. 

Halimbawa, pwede kang maghulog ng tuwing Lunes, bago ang lahat ng gastos para sa linggong paparating, at maghulog paunti-unti. Pwede mo din naman gawin na weekday lang ang hulugan para ma-enjoy mo rin ang pera mo kapag weekend.

Isa pang ipon challenge para sa mga may tight deadline ay ang pagta-taas ng hinuhulog na pera kada-araw para mas malaki ang nalilikom, tulad nalang ng 5K Ipon Challenge na ito para sa isang buwan:

31-days-ipon-challenge-template-050924

Kada araw ay tumataas ang presyo na kailangan ihulog para makuha ang 5K sa isang buwan.

Master Ipon Challenge 

Goal:₱10,000 or more

Para sa long-term goals mo tulad ng downpayment para sa lilipatan na bahay, college tuition ni ate, o kaya’y pangkalusugan— bagay ang slow and steady approach ng pag-iipon.

Maaari mong gawin ang 52-week challenge at magtabi ng ₱100-200 araw-araw. Sa ganitong paraan, makaka-ipon ka ng ₱36,500 hanggang ₱73,000 sa dulo ng taon. Pwede mo ding gawin ito upang mag-ipon ng pambili ng mga regalo sa Pasko para sa pamilya at mga kaibigan!

Kung target mo ay mag-ipon ng emergency fund na ₱100,000, maari mong itabi ang extra mong cash sa high-interest savings account. Maraming pwedeng pagpilian na mga bangko o online savings accounts na nag-ooffer ng mga rate mula 4% hanggang 5%. 

Madalas ka bang kumakain sa labas, o nagpapa-deliver ng pagkain? Pwede mong bawasan kung gaano kadalas ito ginagawa. Palagi ka bang pumapayag sa mga imbitasyon na pumunta sa lugar na malayo at mahal ang pamasahe? Mas pabor ba sayo ang pumunta sa grocery kaysa mamalengke?

Pwede ka din gumamit ng expense tracker para makita mo ang lahat ng gastusin, at i-identify kung saan ka pwede magbawas ng gastos. Gumamit ng piggy bank, o gumawa ng separate na bank account na paglalagyan mo ng mga ipon. 

Bukod dito, maraming patok na negosyo ang pwede mong masimulan gamit ang puhunan as low as PHP1,000!

Ipon Challenge na, Suki!

Sa metikulosong financial planning at madisiplinang pag-handle ng pera at pagsagot sa gastusin, mas madaling magkaroon ng proteksyon laban sa inflation. Sa pamamagitan ng pag-iipon, maasahan na sa oras ng mga emergency o pangangailangan, may maaasahan tayong pang-gastos at pang-salba. 

If you have any other questions, send us a message via our Facebook, X, Instagram, TikTok, and YouTube accounts. Let’s chat!

Share: