10 Bagay Na Dapat Mong I-Expect Sa New Normal

Blog

March 19, 2021

bagay-dapat-expect-new-normal

Maraming binago at babaguhin pa ang coronavirus pandemic sa buhay nating mga Pilipino. Hati ang mga eksperto sa palagay nila kung paano matatapos ang pandemic na ito. Ngunit iisa lang ang pinagkakasunduan nila at iyon ay ang pagkakaroon ng “new normal. 

Say goodbye na muna sa mga planong family summer activities at sa karaniwang pagpunta sa matataong lugar, suki. Hindi na magiging katulad ng dati ang pamimili ng groceries sa mall o kaya pagpapadala ng pera sa partner mong Palawan Express. Marami ang magbabago, suki. Pero all for the better at safety narin natin ito!

Hindi mo kailangan at lalong hindi dapat magpanic sa COVID-19 at sa mga pagbabagong dulot nito. Basahin ang article nito kung anu-ano ba ang mayroon sa new normal at paano masasabayan ito habang nasa bahay ka lang:

1. Pagbili ng grocery o pamamalengke

countertop-with-utensils-and-plenty-of-vegetablesPhoto courtesy of Ready Made via Pexels

Ngayong nag-uumpisa na muling buksan ang mga malls dahil sa unti-unting paggaan ng quarantine measures, dumadagsa na naman ang mga mamimili sa mga lugar na ito. Delikado ito dahil maaaring pabilisin nito muli ang transmission ng virus. 

Sa ilalim ng new normal, hinihikayat ang mga tao na bumili na lamang ng kanilang groceries at mga kailangan sa bahay, online. Maraming website tulad ng Minimart.ph, MetroMart, Pushkart, atbp. na maaari mong bisitahin upang bilhin ang iyong mga pangangailangan.

Mayroon ring pages kung saan maaari kang mamili ng iyong groceries gamit ang Facebook tulad ng Online Palengke. Para hanapin ang mga page na ito, search niyo lang sa Facebook o kaya sa mismong Facebook Marketplace feature.

Sa ganitong paraan, makakahanap ka ng online grocery na mabilis mong mapag-oorderan kung may kailangan ka sa bahay.

2. Pagbabayad ng bills sa bahay

person-holding-black-ceramic-teapotPhoto courtesy of Cottonbro via Pexels

Mapalad ang mga tao dahil karamihan ng mga essential utility services ay hinahayaang magbayad nang late ang mga parokyano nila habang nasa ilalim ng quarantine. Subalit, kung nais mong iwasan na matambakan at magpatong-patong ang iyong bayarin, may mga paraan din online kung paano magbabayad via online.

May online payment option ang Meralco na pwede mo bayaran via Paymaya, Gcash, at iba pang paraan. Sa mga ibang bayarin tulad ng mga renta sa bahay, maaari mong kausapin ang landlord mo na magbayad na lamang gamit ang bank transfer. 

Maging alisto lamang suki dahil talamak ang iba’t ibang uri ng scam tulad ng online o bank scamming sa panahon ngayon. Kung nakatanggap ka ng email o text na sinasabing baguhin mo ang iyong password, huwag itong pagkakatiwalaan agad. 

3. Gumamit ng food delivery services 

two-paper-bagPhoto courtesy of Erik Mclean via Unsplash

Suki, kung sawang-sawa ka na sa mga pagkaing delata o di kaya’y gusto niyong mag-celebrate sa bahay bilang pamilya, pwede ka ring um-order online ng iyong mga paboritong pagkain. 

Pumunta lamang sa website ng iyong paboritong fastfood chain at piliin doon ang mga items na gusto mong bilhin. Karaniwan ang pagbabayad dito ay cash kaya kahit wala kang online bank account ay pwede mo pa rin itong gawin. May apps din tulad ng GrabFood, FoodPanda, at kahit Angkas na tuloy ang serbisyo upang ma-satisfy mo pa rin ang mga cravings mo ngayong lockdown.

Support your local restaurants din, suki. Tingnan kung may delivery option ang mga kainan sa inyong lugar at subukang dito na lamang um-order. Maraming small businesses ang matutulungan sa simpleng pagbili mo ng pagkain. Nabusog ka na, nakatulong ka pa!

4. Gamitin ang pera padala sa tulong ng Palawan Pawnshop

visaPhoto courtesy of Mohamed_Hassan via Pixabay

Suki, maaari ka na ring magpadala ng pera sa iyong mga kamag-anak at kakilala na nangangailangang ng pera gamit ang pinakabagong Palawan Express Online Padala service ng Palawan Express Pera Padala.

Walang kuskos-balungos na padala from home ang pinaka-latest na tulong na handog ng Palawan Express upang masigurong safe na safe ang pagpapadala ng pera sa panahon ngayon. Kagaya ng nabanggit kanina, talamak ang online scamming sa mga bangko kaya minabuti ng Palawan Express na i-offer ang serbisyong ito upang masigurong ligtas ang iyong transaction.

Pumunta lamang sa Palawan Express Online Padala form at sagutan ito. I-double check  ito upang masigurong tama ang impormasyon iyong inilagay. Your money is in safe hands, i-Palawan mo na ‘yan!

Pag napadala na ang pera, paaalalahanan lang mga tatanggap ng pera na magdala ng isang (1) ID tuwing pupunta ng branch. Ang mga type of IDs accepted sa mga Palawan Pawnshop branches natin:

  • Driver’s License
  • Professional Regulations Commission (PRC) ID
  • Postal ID (New)
  • Person with Disability (PWD) ID
  • Card Government Service Insurance System (GSIS) E-Card
  • Social Security System (SSS) Card
  • Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card
  • Pag-Ibig Loyalty Card
  • Home Development Mutual Fund (HDMF)
  • NBI Clearance
  • Voter's ID
  • Senior Citizen ID
  • School ID
  • Philhealth Insurance Card
  • Company ID
  • Barangay ID
  • Tax Identification Number (TIN)

5. Mag-online shopping ng kagamitan

working-macbook-computer-keyboardPhoto courtesy of Negative Space via Pexels

Tulad ng pagbili ng groceries online, pati ang iyong pagshopping ay virtual na rin. Maaari itong gawin sa simpleng paggamit ng apps tulad ng Lazada, Shoppee, o kaya’y sa  mga social media platform tulad ng Facebook o Instagram. Dito ay maaari mo nang bilhin ang iyong mga hinahanap tulad ng mga damit, sapatos, o kaya mga hardware at ibang appliances tulad ng electric fan para sa mainit na panahon.

Paalala lang suki na maging alisto para safe ang online shopping experience mo. Isa pang paalala suki, huwag kalimutang i-disinfect ang mga gamit na mabibili mo online. Gumamit ng disinfectant tulad ng Lysol, alcohol, o kaya’y bleach na may halong tubig, o kaya ibilad ang gamit sa araw nang dalawang oras. Kung sa damit naman, labhan muna ito bago suotin.

Maging understanding din sa mga kuya at ate nating nag-dedeliver ng mga gamit na ito para sa atin. Huwag silang kalimutang pasalamatan, bigyan ng maliit na tip, o kaya’ mag-offer ng malamig na tubig o meryenda dahil kasama sila sa mga frontliners na nagbubuwis ng buhay para sa atin.

6. Matuto sa online learning at classes

woman-working-at-home-using-laptopPhoto courtesy of Vlada Karpovich via Pexels

May masamang epekto ang pagkaburyong sa iyong sistema tulad ng pagkakaroon ng brain athrophy o pagpurol ng utak. Dulot ito ng pagbababad nang sobra sa mga palabas at online games. 

Maraming courses online na maaari mong subukan upang maiwasan ito. Tingnan ang iba’t ibang subjects sa mga website tulad ng Coursera, Harvard University, at TESDA online courses.

Kung wala kang energy para tapusin ang mga ito, maaari ka ring maghanap ng mga games na bibigyan ka ng pagkakataong matuto tulad ng Power Up na handog ng NASA. Tandaan na hindi lamang sa mga chikiting available ang online learning kung hindi para kanino rin, no matter what age you are.

7. Work from home

woman-in-pink-crew-neck-t-shirt-using-laptopPhoto courtesy of LinkedIn Sales Navigator via Pexels

Ang work set-up na siguro ang pinakadama ang pagbabago sa ilalim ng new normal. Karamihan sa mga malalaking businesses ay sinisikap nang hikayatin ang mga empleyado nila na mag-trabaho sa kani-kanilang bahay. 

Ilan sa mga ito ay mga call center agents na binigyan ng PC at laptop ng kani-kanilang mga kumpanya upang makapagtrabaho sa bahay. Ganito rin ang ilang mga guro na kaniya-kaniya ang diskarte upang gawing online module ang classes para sa Summer Learning na karaniwang tinuturo sa loob ng classroom.

Asahan na ang ilang mga employers ay pananatilihin ang ganitong set-up upang maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao sa loob ng mga opisina.

8. Pagsali sa mga online meetings at discussion

people-on-a-video-callPhoto courtesy of Anna Shvets via Pexels

Patuloy na nilulusaw ng coronavirus pandemic ang boundary na naghihiwalay sa ating tahanan at lugar na ating pinagtatrabahuhan. Ang mga mahahalagang meetings at kumperensiya ay kasalukuyan nang ginawa sa tulong ng Zoom at Google Classroom. 

Maglaan ng isang tahimik na lugar sa bahay kung saan mababawasan ang ingay kung sakaling a-attend ka sa mga ganitong meeting, suki. Maaaring magsabit ng isang telang malinis na magsisilbing iyong background, o kaya mamili sa mga creative na presets at themes na available. 

Siguraduhin ding naka-off ang iyong mikropono upang ‘di makasagabal sa taong nagsasalita. Maging sensitive dahil maaaring mayroong makita sa iyong camera na di dapat makita!

9. Mag-exercise at home para fit and healthy

woman-doing-push-upsPhoto courtesy of Karl Solano via Pexels

Hindi nabibilang ang gyms sa mga essential services kung kaya hindi pa rin ito maaaring pahintulutang buksan. Hindi rin maaari lumabas at jogging nang basta-basta dahil maaari ka pa rin mahawaan nang sakit. 

Karaniwan ng mga tao ngayon ay gumagawa ng work-out plan at routine upang manatiling fit at healthy kahit na walang access sa fitness centers. Maaari maghanap online tulad ng mga simple at essential fitness home exercises for beginners o kaya mga exercise o zumba instructional videos.

Labanan ang pagkabagot at ang pag-gain ng weight gamit ang mga simple at easy-to-do routines na ito.

10. Online mass at religious service

brown-book-pagePhoto courtesy of Wendy van Zyl via Pexels

Hinihikayat ang publiko na iwasan pa rin ang pagpunta sa mga simbahan, worship centers, at mosque upang mabawasan ang bilis ng pagkalat ng virus. 

Karamihan ng mga religious groups ay may online services upang matugunan ang pangangailangan espirituwal ng mga tao. Kalimitan itong makikita sa Facebook page ng mga simbahan o kaya maaari ring maghanap sa Youtube nito.

Ilan sa mga ito ay ang Catholic Hub Philippines, Filipino Live Mass Today, Divine World Media PH, at AlQuranHD. Sama-sama tayong ipagdasal ang Pilipinas to pray the virus away. 

Ilan lamang ito sa mga pagbabagong dapat mong asahan sa new normal, suki. Mas pinaiigting ang paggamit ng online services upang maiwasan ang pagpunta sa mga matataong lugar. Tandaan lamang na think before you click lalo na sa mga transaksiyon na may kasamang pera. Kung fund transfer lang ang hanap mo, always trust Palawan Express to handle it with care. 

Sama-sama nating haharapin ang COVID-19 na ito mga suki! Hatid ng Palawan Express ay walang kuskos-balungos na serbisyo sa panahon na ito!

Share: