How to Calculate Your 13th Month Pay at Paano ito Tipirin

Blog

November 24, 2020

13th-Month

“Ang Pasko ay sumapit; tayo ay mangagsi-awit…”

Talaga namang napakasaya ng Paskong Pinoy. Sa kabila ng pandemya, napakarami pa ring bagay na dapat nating ipagdiwang at ipagpasalamat! Ang mahalaga ay kasama natin ang ating mga mahal sa buhay. At bukod sa kaliwa’t kanang Christmas parties, family reunions, exchange gift, at kung anu-ano pang kaabang-abang tuwing kapanahunan ng Pasko, isa pa sa mga kinasasabikan natin ay ang makuha ang ating 13th month pay.

Para sa mga bagong graduates na kakaumpisa pa lang magtrabaho at nagtatanong kung ano nga ba ang 13th month pay, tumutukoy ito sa bayad na ibinibigay sa mga empleyado ng isang private company para sa kanilang serbisyong ibinibigay. Entitled ang isang empleyado sa 13th month pay kapag nakapagtrabaho siya sa isang kumpanya sa loob ng isang buwan. Tandaan na iba ito sa Christmas bonus, Suki! Ang Christmas bonus naman ay boluntaryong binibigay ng iyong employer lalo na kung mabait si boss. Kaya wag isipin na “bonus” ang iyong 13th month pay dahil pinaghirapan mo ‘yan!

When do you receive your 13th month?

Kailan nga ba natatanggap ang 3th month? Malapit na at konting kembot na lang, Suki. Ayon sa R.A. 10653, kailangan maibigay ng iyong employer ang iyong 13th month pay bago ang December 24. Kaya know your rights Suki dahil deserve mo itong makuha lalo na sa daming nangyari ngayong 2020.

How do you compute your 13th month pay?

Ngayon naman basic math muna tayo. Heto ang simpleng math ng 13th month computation, Suki. Madali lang dahil ang halaga ng iyong 13th month pay ay ang base monthly salary mo multiplied sa bilang ng buwan ng pagtratrabaho mo, divided sa bilang ng buwan sa isang taon (12), Sa madaling salita ito ang formula:

((BASE SALARY x (No. of Months You Worked) ÷ 12) = 13th Month Pay

Sabihin natin halimbawa na ang base salary ni Pareng Benjie Paras ay 25,000 per month (wow, yaman, pengeng cheeseburger?). Ipagpalagay na 8 months lamang siyang nagtrabaho sa kaniyang company dahil hindi na niya ma-take ang attitude ng mataray nilang HR. Ang sample computation ng kaniyang 13th month pay ay ito

((25,000 x 8) ÷ 12 = 16, 666.67

Dito makikita na ang 25,000 multiplied by 8 ay 200,000. Kapag na-divide ito ng 12 ay makukuha na ang eksaktong halaga ng 13th month pay. Madali lang di ba? Hindi mo kailangang maging math whizz para malaman kung paano ba mag-compute ng 13th month pay. Mahalagang paaalala lang Suki na ang monthly base pay ay hindi ang bayad na nakukuha mo na idinagdag na ang iyong benefits tulad ng rice at clothing allowance. Basahin lamang ang iyong employment contract dahil nakasaad naman lahat ng ito rito.

Ngayon expert ka na Suki kung ano ba ang 13th month pay at paano ito ma-compute, malamang ngayon pa lang pinaplano mo na kung ano ang gagawin mo sa Christmas bonus mo, no?

Balak mo ba bumili ng pinaka-latest na model ng cellphone gaya ng Iphone 12? Nag-iipon ka ba para ba sa pinaka-inaabangan mong out-of-the-country trip with your special someone after the pandemic? O baka naman nakalaan na ang perang matatanggap mo para sa mga ipangreregalo mo sa iyong mga magulang, kapatid, at mga inaanak?

Kahit ano pa man ang iyong plano, the smart thing to do is to not spend all of it in one go. Imbes na gumastos halimbawa nang sobrang laki para sa mamahaling Christmas decor na ipopost mo lang naman sa social media, bakit di ka na lang maghanap ng Budget-Friendly Christmas Decor ideas?

Of course! How and where to spend your 13th month pay is entirely up to you—pinaghirapan mo ‘yan eh. Wala namang masama sa pag-treat mo sa sarili mo o sa mga mahal mo sa buhay. Pero, mahirap naman na sa isang iglap lang, mauubos agad ang pinagpaguran mo, ‘di ba? ‘Ika nga nila: “Ubos, ubos biyaya, bukas nakatunganga.”

So paano ang gagawin mo sa oras na matanggap mo na ang iyong pinakahihintay na Christmas bonus? Here are some helpful tips on how to spend your 13th month pay wisely:

1. Magbayad ng utang.
13-month-pay-paano-gagastusin-1

Kung may utang ka (mapa-credit card man o sa kaibigang matagal mo nang tinataguan) mabuti pang bayaran mo na agad ang mga ito. Magpapasko na—mas magandang salubungin ang Pasko at bagong taon na walang utang na iniisip. At isa pa, para ka na rin may “clean slate” next year kapag nabayaran mo na ang mga utang mo.

2. Mag-invest sa iyong hobby o passion.
13-month-pay-paano-gagastusin-2

Ikaw ba ay may hobby? Kung halimbawa ay mahilig ka sa photography, bakit hindi ka mag-invest sa mga gamit pang-photography? Katulad kunwari ng camera na matagal mo na pinapangarap, o mga lens at iba pang accessories? Pwede ka rin naman mag-enroll sa mga seminars at workshops na maaaring magdevelop pa sa iyong talento at interes. Malay mo, balang araw, maging isang professional photographer ka pa.

3. Magtabi para sa emergency fund.
13-month-pay-paano-gagastusin-4

Magtabi ng kahit na kaunti para sa emergency fund lalo na ngayon na nakakatakot ang ating panahon dahil kahit anong oras ay maaari kang magkasakit. “Di ba’t mas smart kung mayroon ka palaging perang nakatabi na maaaring hugutin sa oras ng pangangailangan—mapa-emergency man o hindi. Ideally, ang emergency fund mo ay dapat na may halaga katumbas ng six months ng iyong living expenses. Kung wala ka pa nito, maaari kang maglaan ng kaunti mula sa iyong 13th month pay para maumpisahan mo na ang pagtatabi para sa iyong emergency fund.

4. Magtabi rin para sa retirement fund.
13-month-pay-paano-gagastusin-5

Mas wais din kung ngayon pa lang ay nagiipon ka na para sa iyong pagretiro mo para pagdating ng panahon. Ang sabi nga nila, it’s never too early to start saving for your retirement. Kaya kahit na you’re in your 20s pa lang, mas mainam na mag-start ka nang mag-imbak for your retirement para pagdating ng iyong pagreretiro, sitting pretty ka na lang.

5. Magbukas ng bank account.
13-month-pay-paano-gagastusin-6

Hindi lamang for emergency or for retirement, kundi pati na rin sa iyong savings. Tutal ang 13th month pay naman ay maaari natin sabihing “extra money” lamang, kaya’t magandang gamitin mo na lang ang parte nito para sa iyong kinabukasan.

6. Mag-invest.
13-month-pay-paano-gagastusin-7

Mutual funds, unit investment trust funds, stocks, at real estate ay ilan lang sa mga maaari mong invest-an. Pwede ka rin mag-invest sa mga gamit katulad ng mga alahas. ‘Di ba’t ang mga alahas na gawa sa ginto at iba pang mamahaling bato at elemento ay madali mong i-sangla sa Palawan pawnshop kung sakaling kapusin ka sa pera? Kung may maisasangla ka nang alahas, magpunta lang sa branch closest to you at alamin ang mga detalye sa pagsasangla, Suki.

7. Gamitin pang-puhunan sa isang maliit na business.
13-month-pay-paano-gagastusin-8

Matagal mo na bang balak magbukas ng maliit na sari-sari store sa tapat ng inyong bahay? Gusto mo bang rumaket sa pagbebenta ng pabango o makeup online? Pangarap mo bang magkaroon ng sarili mong stand sa mga food bazaars? Ngayong may “extra money” ka na, bakit hindi mo subukan? Maliit na puhunan at diskarte lamang ang kailangan. Kapag nag-click ang naisip mong business, eh ‘di mayroon ka pang extra income.

8. Kumuha ng insurance.
13-month-pay-paano-gagastusin-9

Hindi natin alam kung saan at kailan mangyayari ang mga aksidente sa buhay, Suki. Pero mabuti nang handa palagi at subukan ang ang ProtekTODO insurance ng Palawan Pawnshop! Isa itong mura at praktikal na accident insurance plan na maaaring mag-cover ng motorcycle accident, permanent disablement or dismemberment due to accident, loss of life, o mga sakuna tulad ng sunog at iba pa. Masama man isipin ang mga ganitong bagay, it’s better to be safe than sorry, mga Suki!

9. Treat Yo’self!
13-month-pay-paano-gagastusin-10

Hindi naman masama na i-treat mo ang sarili mo paminsan-minsan. Kung halimbawa ay matagal mo nang pinapangarap na makapunta sa Palawan, bakit naman hindi, ‘di ba? Tutal, ang 13th month pay mo naman ay Christmas bonus mo sa isang taon mong pagtitiyaga at pagsisipag sa iyong trabaho.

10. Share your blessings.
13-month-pay-paano-gagastusin-11

Ang sabi nga nila, Christmas is all about giving and sharing. Kung sa tingin mo ay sobra-sobra naman ang biyayang natanggap mo ngayong taon, mas mabuti sigurong mag-share din tayo sa iba pang nangangailangan. Napakadali magpadala ng pera kahit kanino dahil sa partner mong Palawan Express. Hanapin lang ang pinakamalapit na branch ng Palawan Express sa iyong area at garantisadong safe ang iyong pagpapadala ng pera!

Pwede tayo magdonate sa simbahan at sa mga medical frontliners natin, o pwede rin naman nating ipadala sa isang charity organization na tumutulong sa mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo at sa mga tinamaan ng COVID-19.

Once a year lang natin natatanggap ang ating Christmas bonus o 13th month pay. Let’s make the most out of it at pagplanuhan natin ng maayos kung paano at saan natin gagamitin ang biyayang ito. At kung balak mong magpadala ng pera sa mga mahal mo sa buhay sa probinsya, mas mainam na ipadala ito sa Palawan Express Pera Padala para makasigurado na ang iyong pinagpagurang pera ay makakaabot ng mabilis kahit saan pa man sa Luzon, Visayas, o Mindanao.

Kung magdodonate, maaari rin naman itong ipadala through Palawan Pawnshop Pera Padala. Upang malaman ang mga detalye patungkol sa how to send money o kaya naman how to receive money, maaari ring magkonsulta sa ating mga branch associates.

Happy wais-spending, mga Palawan Suki!

Share: