Ber Season Fever: How to Spend Your 13th Month Pay Wisely

Blog

November 22, 2022

Ber-Season-Fever--How-to-Spend-Your-13th-Month-Pay-Wisely

Konting tulog na lang “Ber” months na uli, Suki! Mula Setyembre, kinaugalian na ng mga Pilipino ang paghahanda para sa longest holiday sa bansa - ang Pasko. Bukod sa kaliwa’t kanang Christmas parties, family reunions, exchange gift celebrations, at kung anu-ano pang kaabang-abang tuwing kapanahunan ng Pasko, isa pa sa kinasasabikan natin ay ang makuha ang ating 13th-month pay.

Ano ang 13th month pay?

Ang 13th-month pay ay bayad na ibinibigay sa mga employees sa private sector bilang additional pay. Iba ito sa Christmas bonus na “discretionary” na ibibigay ng employers. May batas na sumasaklaw sa 13th month pay kaya’t lahat ng private employers ay required na magbayad nito bago sumapit ang December 24 bawat taon.

How to compute your 13th-month pay

Philippine-Money-on-Black-Surface-2Photo courtesy of Angie Reyes via Pexels

Ayon sa Presidential Decree (PD) No. 851 na nilagdaan noong December 16, 1976, lahat ng employers (private) ay required na magbigay sa kanilang mga employees na kumikita ng hindi hihigit sa Php 1,000 bawat buwan ng 13th month bago sumapit ang December 24 bawat taon.

Mababasa sa Section 2 ng Implementing Rules and Regulations ng PD No. 851 na ang 13th-month pay ay katumbas ng 1/12 ng basic salary ng employee sa loob ng isang calendar year.

Nakasaad naman sa Department of Labor and Employment (DOLE) Department Advisory No. 02 (2012) ang 13th-month pay computation:

Total basic salary earned during the year / 12 months = Proportionate 13th-month pay

Kasama sa computation ng “basic salary” ang lahat ng ibinayad ng employer sa employee bilang sahod sa trabaho, excluding allowances at mga benepisyo na hindi kasama sa regular o basic monthly salary. Ang mga sumusunod ay hindi kasama sa computation ng 13th-month pay:

  • Allowances (transportation allowance, clothing allowance, communication allowance, etc.);
  • Profit-sharing payments;
  • Cash equivalent of unused vacation and sick leave credits;
  • Overtime pay;
  • Premium pay;
  • Night shift differential;
  • Holiday pay; and
  • Other allowances and monetary benefits are not considered part of the basic salary

Kadalasan na tuwing Christmas season ibinibigay ang 13th-month pay. Ngunit maaari itong ibigay in installments basta maibigay ang buong halaga bago sumapit ang December 24. May mga employers na ibinibigay ang 50% ng mandatory benefit na ito sa Mayo bilang tulong pinansyal sa mga magulang may mga anak na papasok sa paaralan at ang 50% sa Disyembre bilang panggastos sa kapaskuhan.

Paano i-budget ang iyong darating na 13th-month pay

  1. Ipambayad ng utang
  2. Kumuha ng health insurance plan
  3. Bayaran ang annual premium ng iyong life insurance
  4. Bumili ng mga personal accident insurance para sa buong pamilya
  5. Maglagak sa iyong emergency fund
  6. Mag-invest sa mutual funds
  7. Bumili ng ginto as investment
  8. Mamuhunan sa maliit na negosyo
  9. Start that hobby!
  10. Mag-enroll sa short courses
  11. Magbigay ng gifts sa mga inaanak
  12. Maglaan para sa iyong ambag sa handaan
  13. Share your blessings with the less fortunate

Maging wais sa paggastos ng iyong 13th-month pay, Suki. Tandaan na hindi pa rin tapos ang COVID-19 pandemic. Kailangang maging handa ka sa ano mang emergency na maaaring dumating. Bukod pa rito, mataas ang inflation rate o ang price level ng mga bilihin at serbisyo. Inaasahan ng Asian Development Bank na tataas pa rin ang mga presyo hanggang 2023.

Narito ang 13 budget tips para sa iyong parating na 13th-month pay:

1. Ipambayad ng utang

man-in-White-and-Black-Stripe-Long-Sleeve-Shirt-Sitting-on-Blue-CouchPhoto courtesy of Karolina Grabowska via Pexels

Kung hirap kang i-full pay ang utang mo, ito na ang chance mo, Suki. Kung masyadong malaki pa ang balanse, kahit bawasan mo na nang malaki-laki ang principal loan amount.

Tandaan na ang iyong mga pagkakautang - sa mga lending companies, bangko o sa ibang tao - ay mga obligasyon na kailangang harapin. Unahin at tapusin na natin ang mga ganitong bayarin para iwas utang at makakasalaubong ng bagong taon nang maginhawa.

Para na rin sa peace of mind mo, Suki, bayaran mo ang mga loans mo.

2. Kumuha ng health insurance plan

Bago mo i-check-out ang mga nasa online shopping cart mo, tanungin mo muna ang sarili mo, “may sapat na ba akong insurance coverage?” Ang iyong life insurance plan ang sasagot sa iyong mga medical expenses kabilang ang mga gastos for outpatient, inpatient, emergency care and sometimes including dental and optical care needs.

Yes, makakatulong ang Philhealth at iba pang government-sponsored services. Ngunit parte lang ng total bill ang sasagutin nito. Mas mainam ang mayroong health insurance plan para wala ka nang aalahanin sa panahon ng pagkakasakit kundi ang gumaling agad.

3. Bayaran ang annual premium ng iyong life insurance

A-Paper-beside-a-Person-Typing-on-a-LaptopPhoto courtesy of Kindel Media via Pexels

Here’s a wais tip, Suki: bayaran mo na ang annual premium ng iyong life insurance. Mas makakatipid ka na dahil may discount ang annual mode, secured pa iyong peace of mind.

Must-have ang life insurance plan lalo na para sa mga breadwinners at heads of their families. An insurance can help ensure that your family is able to maintain a comfortable life kahit wala ka na sa mundo.

4. Bumili ng mga personal accident insurance para sa buong pamilya

Gawing makabuluhan ang paggastos ng iyong 13th-month pay. Ikuha ang iyong buong pamilya ng personal accident insurance. Pumili sa alin man sa mga Palawan ProtekTODO insurance policies na magbibigay tulong pinansyal sa panahon ng sakuna at aksidente. For as low as PHP 30.00 per year, pwede kang makakuha ng iba’t ibang benepisyo tulad ng monetary benefit for accidental death, accidental disablement and dismemberment, medical emergencies, etc.

Abot kaya ang mga insurance plans ng Palawan Pawnshop kaya’t kayang-kaya mong bilihan ang iyong buong pamilya.

5. Maglagak sa iyong emergency fund

A-Close-Up-Shot-of-Philippines-Peso-Coins-3Photo courtesy of Angie Reyes via Pexels

Gamitin ang iyong 13-month pay para sa iyong emergency fund, Suki! Ang emergency fund ay isa sa mga foundations of a good money management. As a rule of thumb, ang iyong emergency fund ay dapat sapat para sa tatlong (3) buwan na gastusin ng iyong pamilya. Ang pondong ito ng sasagot sa iyong mga gastusin sakaling bigla kang mawalan ng trabaho, mawalan ng pagkakakitaan dahil sa pagkakasakit, at kung anu-ano pang emergencies na makakaapekto sa iyong finances.

Ilagak mo ang iyong emergency fund sa isang bank account na madaling ma-access sa panahon ng pangangailangan. Tandaan na para lang ito sa emergency cases. Hindi ito pang-shopping!

6. Mag-invest sa mutual funds

Make your 13-month pay work for you, Suki! I-invest mo ang iyong darating na extra money.

Ang mutual fund ay isang legitimate investment scheme kung saan ginagamit ang pooled funds na pambili ng mga shares of stock, government or corporate bonds, at mga bank products. Experienced fund managers handle the funds kaya’t no need to exert effort managing your investment.

You may choose from a wide range of mutual funds in the Philippines, managed by banks and investment companies. Bisitahin ang Philippine Investment Fund Association para sa kumpletong listahan ng mutual funds, at ang performance ng mga ito.

7. Bumili ng ginto as investment

Close-Up-Photo-of-Golden-Rings-2Photo courtesy of Git Stephen Gitau via Pexels

Alam mo ba na ang ginto ay itinuturing na “safe haven” investment? Unlike the stock market, hindi gaanong malikot ang paggalaw ng presyo ng ginto at iba pang precious metals. Sa mga panahon ng economic uncertainties tulad ng pandemya, sa safe haven investments na less risky naglalagak ang mga investors.

Maaari kang lumahok sa public auctions ng Palawan Pawnshop para sa mga gold jewelry pieces. You can take advantage of high-quality jewelry at competitive rates.

Paano ka kikita sa ginto? You may resell it at a higher price o pwede mo ring isangla kapag kailangan mo ng pondo. Dahil tumataas ang halaga ng ginto, tumataas din potential ng iyong kita.

8. Mamuhunan sa maliit na negosyo

Pagkakataon mo nang simulan ang pagnenegosyo, Suki! Gamitin ang iyong 13th-month pay para sa maliit na negosyo na maaari mong palakihin.

Pwede kang magsimula ng isang online shop, physical sari-sari store, o isang maliit na kainan. Hindi kailangan ang malaking puhunan. Mas mainam nga na simulan mo muna nang simple at pag-aralan ang viability ng iyong negosyo as you move along.

9. Start that hobby!

A-Man-in-Blue-Jacket-Holding-a-CameraPhoto courtesy of Annushka Ajuha via Pexels

Ikaw ba ay may hobby? Kung halimbawa ay mahilig ka sa photography, bakit hindi ka mag-invest sa mga gamit pang-photography? Katulad kunwari ng camera na matagal mo na pinapangarap, o mga lens at iba pang accessories? Pwede ka rin naman mag-enroll sa mga seminars at workshops na maaaring magdevelop pa sa iyong talento at interes. Malay mo, balang araw, maging isang professional photographer ka pa. Baka maging source mo rin ito ng extra income. Anything is possible, Suki!

10. Mag-enroll sa short courses

“The best investment you can make is an investment in yourself,” ika nga ni Warren Buffett. You may consider using your 13th-month pay to enroll in short courses na patok sa iyong skills at interes. Pwede ka ring mag-aral para sa iyong negosyo tulad ng bookkeeping skills, social media management and online marketing.

Pwede ka ring mag-enroll sa free courses ng TESDA at gamitin ang iyong 13th-month pay na pambili ng mga kailangang equipment, kung meron man. With new knowledge and skills, you can boost your credentials at mapapa-unlad pa ang iyong negosyo.

11. Magbigay ng gifts sa mga inaanak

Close-Up-of-Woman-Hands-Holding-Christmas-GiftPhoto courtesy of ROMAN ODINTSOV via Pexels

You can share your blessings without going broke. Magbigay ng ligaya sa iyong mga inaanak sa darating na kapaskuhan by giving out cash gifts. Ilista ang pangalan ng bawat reregaluhan at may laan ng halaga ng iyong regalo. Para makatipid, ipadala ang iyong cash gifts through Palawan Express Pera Padala. Gagastos ka lang ng PHP 15.00 to 20.00 sa bawat PHP 901.00 to 1,500.00 na remittance transaction.

Sa bawat transaction, you will also earn Suki Points na pwedeng magamit pambayad sa remittance fees at discounts sa pawn interest. Tandaang gamitin ang iyong Suki Card every time you send money. Sulit na sulit, Suki!

12. Maglaan para sa iyong ambag sa handaan

Siyempre hindi mawawala ang mga kainan at parties sa paparating na Ber months. May mga family reunions, Chrismas parties with friends, Noche Buena, Media Noche, at kung anu-ano pang gatherings.

Wag mo namang gastusin ang lahat ng iyong 13th-month pay sa mga special occasions. Maglaan ka lang ng budget mo, Suki. I-suggest mo na mag-potluck ang mga attendees para tipid para sa lahat. Ang importante, you get to spend quality time with the people who matter to you.

13. Share your blessings with the less fortunate

A-Person-Handing-Over-a-Box-with-FoodPhoto courtesy of Julia M Cameron via Pexels

Kapag may sobra ka, Suki, ibahagi mo rin sa mga kapos-palad. May mga charity groups na nag-o-organize ng mga gift-giving projects tuwing kapaskuhan. Mayroon ding mga grupo na nangangalap ng mga donasyon para sa Noche Buena ng mga less fortunate families.

Share the blessings of your 13th-month pay! Ipadala ang iyong money gifts through Palawan Express Padala para masulit mo ang iyong donasyon.

Malapit na uli ang season of 13th-month pay, Christmas bonuses and other extra monetary benefits mula sa mga employers. Spend your money wisely, Suki!

Share: