-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Achieve Artistahin Looks na Swak na Swak sa Budget
May 10, 2021
Suki, ang kagwapuhan mo ba ay kinulang lang ng isang paligo kay walang kuskos-balungkos heartthrob Andre Paras? Feeling mo ba ay kailangan mo ng update sa iyong wardrobe para maging certified heartthrob ka? Wag nang mag-alala! Ang Palawan Pawnshop, hindi lang problema sa bulsa ang kayang solusyunan! Hatid namin sa iyo ang outfit ideas, fashion hacks, at grooming tips para sa iyo, poging suki!
Wardrobe must-haves para sa wais na pogi
Photo courtesy of Terje Sollie via Pexels
Hindi naman kailangang bumili ka palagi ng bagong mga damit para may new OOTD every time na may lakad ka. Ang mahalaga ay meron kang wardrobe essentials sa iyong mahiwagang cabinet na madaling i-mix and match sa ibang damit and accessories na meron ka na.
Ano nga ba ang mga pieces of clothing na magandang meron ka para madaling makapag-isip ng nakaka-gwapong mga outfit ideas? Ang ilan sa mga must have tops ay white button down shirt, good quality plain t-shirts, denim jacket, blue or gray suit, sweatshirt, polo shirt, at plaid polo. Para naman sa bottoms, of course ‘di dapat mawala ang denim pants, slim fit trousers, at plain shorts in various colors. Para sa shoes, essential ang pagkakaroon ng white sneakers, loafers, sandals, Chelsea boots, at pares ng black lace ups kung formal ang occasion.
Pero alam mo ba suki na ang isa sa mga fashion hacks para magmukhang bago ang OOTD mo ay kung ipa-pair mo ito sa mga accessories tulad ng gold that never gets old na necklace chain, wayfarer sunglasses, scarf, colorful socks, body bag, at wristwatch.
Tandaan lang suki na hindi naman kailangang bumili ka sa mga branded shops para masabing maganda ang OOTD mo. Kahit bumili ka ng cheap trendy clothes and shoes sa ukay-ukay o tiangge, okay na okay lang! Ang mahalaga good ang quality nito at pasok ito sa budget mo. Kung gusto mo naman magkaroon ng gold accessories to make you more gwapo, takbo na sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop sa inyo para makabili ng good quality at swak sa bulsa na mga alahas.
#OOTD for every occasion
Photo courtesy of Jennifer Irigoyen via Unsplash
Syempre hindi naman sapat na kumpleto ang wardrobe essentials sa cabinet mo para mapantayan mo ang looks ni heatthrob Andre Paras, kailangang i-mix and match mo ito! Halimbawa, kung may family date kayo sa weekend, isuot mo ung plain white t-shirt mo, light washed denim pants, at white sneakers. Para naman may added color, magsuot ng colorful printed socks at itupi ng konti ang pantalon mo para makita ito. Kung wala ka namang colored socks, pwede namang itali mo nalang sa bewang mo ang isang plaid polo.
May beach outing ba kayo? Syempre di mawawala dun ang picture picture. Look your best sa outfit idea na ito: magsuot ng white button down shirt o floral button down shirt pero huwag mo nang ibutones ung 3 buttons from top. I-pair ito sa isang colorful shorts. Syempre, para naman sa footwear, kunin na sa box ang pair of sandals mo. To top it all off, magsuot ng shades at beach hat.
Tag-ulan na naman ngayon. Para naman gwapo ka pa rin kahit na-ulan, magsuot ng white button down shirt at patungan ito ng plain colored sweatshirt pero ilabas ang kwelyo. Kung ayaw mo naman mag-sweatshirt, i-pair ito sa isang suit. I-partner ang top na ito either sa plaid or plain trousers. Magsuot ng boots para hindi mabasa ang paa, o pwede rin naman ng loafers. Wag kalimutan ang gold chain bracelet at watch para gwapong-gwapo ang look mo.
Hair Do ng mga gwapo
Photo courtesy of Marcelo Matarazzo via Unsplash
Isa sa mga hair trends for male hair ‘do ngayon ay ang long hair tied to a bun. Kung di mo naman bet ang pagkakaroon ng long ‘do, marami ring hair cuts na pwede mong i-try para naman makita ang kagwapuhan mo. Ang isang halimbawa dito ay ang buzz cut. Ito ay popular hair style para sa mga lalaki na gusto ng shorter trim para sa kanilang buhok. Pwede mong ipasagad hanggang gusto mo ang gilid ng buhok mo pero ang tuktok ay dapat sapat lang ang haba para ma-comb ito ng fingers mo. Ang maganda sa haircut na ito ay hindi siya mahirap i-maintain. Kahit you woke up like this pa, konting ayos lang, ready to go ka na. Kung medium naman ang hair length mo, pwede itong maging messy o classy style kung gagamitan mo ng wax, pomade, o hair gel.
Pang-dagdag pogi points ang proper hygiene
Photo coutesy of Superkitina via Unsplash
Oops, Suki. Syempre hindi lang hanggang looks dapat ang source ng pagiging gwapo mo. ‘Diba nakakabawas pogi points kapag may amoy kang di maganda? Bilang heartthrob, dapat may hygiene grooming tips ka rin na sinusunod. Kapag meron kang good personal hygiene, hindi ka lang magiging pogi, magiging healthy ka pa! Ito ang list ng simple grooming guide na pwede mong gawin everyday.
1. Maligo araw-araw. Sa paggawa nito, marami kang health benefits na makukuha kabilang na ang pag-boost ng iyong immune system. Kaya kahit na malamig pa ang panahon kung tag-ulan, ‘wag na ‘wag mong i-skip ang step na ito. Kung sakaling feeling mo eh sobrang dumi mo after work, pwede ka rin namang maligo bago matulog.
2. Gumamit ng deodorant at anti-perspirant. Tutulong ito para mag-amoy fresh ka every day at iwas sa pawis kahit na mainit ang panahon at madami kang ginawa sa work maghapon.
3. Maghilamos twice a day. Gawin ito after magpahinga pagkauwi sa bahay para matanggal ang mga dumi lalo na sa pollution at bago matulog.
4. Mag-toothbrush at floss araw-araw. Hindi sapat ang basta pagto-toothbrush, Suki. Dapat na mag-floss ka para sure na matanggal lahat ng dumi sa pagitan ng mga ngipin mo.
5. Magpalit ng underwear araw-araw at pagkatapos mag-work out. It’s a big no-no kung isusuot mo ulit for the second time ang underwear na nagamit mo na. Hindi lang ito kadiri, delikado pa. Isa sa dangers nito ay ang yeast infections. Kapag nagkaroon ka nito, kailangan mo pang uminom ng antibiotics para gumaling. O ‘di ba, gagastos ka pa. Kaya para maiwasan ito, sipagan sa paglalaba ng underwear at magpalit ng bago regularly.
6. Gupitan ang kuko. Basic grooming tip na ito, Suki! Kapag napansin mong humahaba na ang mga kuko mo, kunin na ang nail cutter at gupitan ito para masigurado na walang dumi na sisingit sa mga kuko mo. Once in a while pwede ka rin namang pumunta sa mga salon para sa iyong much deserved manicure, pedicure, and footspa.
7. Mag-shave araw-araw o kaya naman every weekend. Kapag regular mo itong gagawin, magmumukha kang neat and clean.
Improve your self-image
Photo courtesy of Gervyn Louis via Unsplash
Aside sa outfit ideas, hairstyle, at hygiene tips, may mga bagay ka pang pwedeng gawin para ma-improve ang iyong self-image at ma-achieve ang walang kuskos-balungkos heartthrob look ni Andre Paras. Kabilang na dito ang pag-eexercise every morning. Totoo, mahirap talaga mag-stick sa iyong exercise routine dahil sa busy schedules ng life pero kung susubok ka ng simple exercises for beginners, kayang-kaya mong maisingit ang exercise sa schedule mo.
Syempre kung may regular exercise, dapat din na may proper diet ka. Try to eat healthy, Suki. Sa halip na kumain sa fast food araw-araw, bakit ‘di mo subukang magluto ng healthy meal bilang baon mo sa work? Isa pa, pag nag-aral ka magluto, dagdag ito sa mga skills na alam mo. Eventually, mas magiging pogi ka sa paningin ng mga tao sa paligid mo.
Bukod sa pagluluto, baka may skill ka na gusto pang matutunan tulad ng pagtugtog ng gitara at pagkanta. Our learning never stops, Suki. Kapag pinagsikapan mong matutuhan ang bagong skill, makakatulong ito na ma-boost ang self-confidence mo. Syempre may maiko-contribute ka rin kapag may pa-talent showcase kayo sa team building o family reunion. Malay mo, hindi ka lang pambato dahil sa charming good looks mo, pero dahil na rin sa talent mo.
Pinaka-wais tip na pampa-pogi
Photo courtesy of Toa Heftiba via Unsplash
Ang totoong heartthrob hindi lang pogi sa panlabas kundi lalo nang pogi ang kaniyang mga katangian. Your attitide tells a lot about your personality--who you really are inside--more than sa iyong looks. Yung napakaganda mong mga damit, naluluma. Pati ang skills, minsan nalilimutan pero ang magandang ugali, hindi. Kaya naman, mag-effort ka Suki na i-cultivate ang magagagandang mga qualities tulad ng pagiging masipag, matulungin, at mapagmahal. Kaya naman, kung susundin mo ang mga fashion hacks, grooming tips, life advice na mababasa mo dito, ma-aachieve mo na talaga ang level ng pagka-heartthrob ni Andre Paras.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024