-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
6 na Bagay na Dapat Tandaan Bago Magpadala ng Pera Abroad
June 14, 2021
Bilang isang OFW, alam at ramdam mo ang kahulugan ng sakripisyo. Nilalabanan mo ang pagiging homesick kahit sobrang nami-miss mo na ang iyong mga mahal sa buhay. Tinitiis mo ang hirap at pagod sa iyong trabaho. Dugo at pawis ang pinupuhunan mo para matiyak ang magandang kinabukasan para sa iyong pamilya.
Pero may isang bagay na hindi mo dapat isinasakripisyo: ang pinaghirapan mong pera na ipinapadala mo sa Pilipinas. Siyempre, gusto mong buo at safe itong makakarating sa iyong loved ones through Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala.With Palawan as your remittance partner, walang aalalahanin ang tatanggap ng padala mo dahil mura, mabilis, at walang kuskos-balungos ang serbisyo rito.
Para sa sulit na money transfer, pag-isipan mong mabuti kung paano, saan, at kailan ka magre-remit. Anim na importanteng bagay ang dapat mong itanong sa sarili mo at ilang tips before you send money to the Philippines.
Tanong #1: Makakarating ba ang padala ko?
Mahirap nang mabiktima ng mga scam na remittance outlets abroad. Para kang pinaasa sa wala. Baka ang ending ay mangutang ka sa kapwa mo OFW para may maipadala ka sa Pinas. Eh paano kung gipit din at hindi ka mapautang ng mga kababayan mo?
Kaya pumili ka ng kilalang company na may magandang track record at mahabang experience para sigurado kang laging makakarating sa loved ones mo ang perang pinapadala mo.
Iwasan mo ring magpadala ng pera through postal services dahil bukod sa matagal itong makakarating, maaari ring mawala o manakaw ang pera mo.
Para mas madali ang pagpili, check mo ang listahan ng Palawan Express international remittance partners para malaman kung merong malapit sa \'yo. Lahat ng mahigit 35 global partners ng Palawan ay pinagkakatiwalaang money transfer businesses sa buong mundo. Kabilang dito ang best international money transfer companies tulad ng Xoom, MoneyGram, iRemit, Western Union, at marami pang iba. Secure din ang transactions sa major banks gaya ng BPI, BDO, Metrobank, at PNB na nagpa-process ng remittance abroad.
Kailangan mo ring i-consider ang security ng perang padala mo kapag nakarating na ito sa Pilipinas. Kung hindi secure ang remittance transaction, may tsansang ibang tao a.k.a scammer ang kukuha ng pera sa halip na \'yung taong padadalhan mo nito.
Sa lahat ng Palawan Express branches, required ang magprisinta ng isang valid ID pati ang detalye ng pera padala (transaction code, sender’s name and contact number, and the amount sent). Kung sino lang ang nilagay mong receiver sa iyong remittance, sa kanya lamang iaabot ang iyong pera from abroad. \'Yan ang peace of mind para sa \'yo at iyong pamilya!
Tanong #2. Sulit ba magpadala ng pera abroad?
Tumataas ang presyo ng mga bilihin at bayarin ngayon sa Pinas, kaya malaki ang maitutulong ng sulit na pera padala sa iyong pamilyang umaasa sa ‘yong kita from abroad.
Isa sa mga una mong iche-check ay ang exchange rate o palitan ng piso sa dolyar, riyal, dirham, o ibang currency sa bansa kung saan ka nagtatrabaho. Malaki ang epekto ng exchange rate sa halaga na maire-remit mo. Madalas din itong magbago. Iba-iba rin ang exchange rates ng mga money transfer services. Kaya ikumpara at i-monitor ang rates sa mga dyaryo at TV.
Importante ring tingnan ang pera padala rates o ang service fee na sinisingil ng money remittance company. Lugi ka pati ang tatanggap ng pera kung masyadong mataas ang remittance fee.
Bukod sa mababang service fee, siguraduhing walang babayaran ang receiver ng padala mo para buo at walang kaltas ito. Sa Palawan Express, hindi mababawasan ang halagang pinadadala mo dahil walang fees na sinisingil sa receiver ng remittance. May dagdag na savings pa tuwing gagamitin ang Suki card dahil sa instant rebate kada transaction.
Tanong #3: Matatanggap ba \'to agad ng pamilya ko?
Depende kung keri ng pinili mong remittance center to send money to the Philippines sa loob lang ng ilang minuto. Hindi ‘yung tipong mas mabagal pa sa pagong ang serbisyo at mamumuti na mga mata ng pamilya mo sa kahihintay ng padala mo. At kung sa Palawan Express ang cash pick-up ng tatanggap ng padala mo, hindi ka mangangamba na baka ma-delay ang panggastos ng iyong pamilya.
Isa ang Palawan Express sa biggest money transfer businesses sa Pinas with its more than 2,000 branches nationwide. Malaking tulong \'yung may malapit na Palawan branch sa pamilya mo para kunin ang perang galing abroad, lalo na kung sa malayong probinsiya sila nakatira at may emergency. Halimbawa, kung kailangan ng pera para maipanggamot kay Inay, makakatulong ka agad kahit napakalayo mo sa pamilya mo.
Tanong #4: Saan walang hassle magpadala at tumanggap ng remittance?
Kilala ang mga Pinoy sa pagiging matiisin at matiyaga, pero pagdating sa pera, ayaw mo ng hassle, ‘di ba?
For sending money abroad: Electronic transfer ang pinakamadaling paraan—hindi mo na kailangang pumila o maghabol sa closing hours ng remittance center. Convenient din ang bank remittance. Halimbawa, kung sa Singapore ka nagta-trabaho, maraming bank remittance centers sa Lucky Plaza sa Orchard Road kung saan pwede ka ring magbayad ng SSS at Pag-IBIG mo.
For receiving money in the Philippines: Lalayo pa ba tayo? Eh \'di siyempre sa Palawan Express na pinakamalapit sa iyong pamilya! Isang valid ID lang at ang transaction details ang kailangan para ma-release ang remittance sa receiver ng pera padala mo. No need for more documents at iba pang ka-ek-ekan!
But wait, there\'s more! May text notification ding matatanggap ang receiver once available na ang remittance mo for pick-up para alam niya kung kailan siya pupunta sa Palawan Express. \'Di na kailangang magpabalik-balik sa branch para lang i-check kung pumasok na ang pera. Oh \'di ba, walang hassle!
Tanong #5: Ok ba ang customer service nito?
Mae-experience \'yan ng iyong mahal sa buhay kung sa Palawan Express nila kukunin ang iyong pera padala from abroad. Friendly at helpful ang Palawan staff na laging happy to serve all customers, kaya hindi mag-aatubili ang iyong pamilya na dito palagi mag-claim ng iyong remittance.
At sa remittance center kung saan ka nagma-money transfer, kung palangiti rin at mukhang good mood ang staff na nag-aasikaso ng remittance mo, parang feeling mo ay nasa Pilipinas ka pa rin. Para kang may kababayang handang tumulong sa ‘yo.
Siguraduhin mo ring makikipag-transact ka lamang sa isang kumpanyang may customer service hotline na mapagtatanungan o mahihingan mo ng tulong tuwing may concern o problema ka sa iyong padala.
Tanong #6: Lagi ko ba \'tong maasahan?
Subok na maaasahan ang isang money remittance service kung lagi itong bukas para sa customers at hindi magloloko ang computer o system nila. Halimbawa, for electronic transfers, dapat laging gumagana ang website ng remittance company.
Bilang isang masipag na Pinoy worker abroad, lagi kang maaasahan ng mga boss. Pagdating sa pera padala, dapat maaasahan din ang serbisyo gaya mo.
Makakaasa naman ang iyong pamilya rito sa Pinas ng serbisyong maaasahan. Bukas ang branches ng Palawan Express 7 days a week, kahit may holiday, para mag-release ng cash remittance.
Handa ka na bang magpadala ng pera sa iyong loved ones? Siguraduhing tama ang pinili mong remittance center to send money abroad at sa Palawan Express kukunin ang iyong padala.
Para sa mga Darna at Captain Barbell ng pamilyang Pilipino a.k.a. mga bagong bayaning katulad mo, deserve mo ang kalidad na money remittance service na hinding-hindi dapat isinasakripisyo. Alam ng Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala ang mahalagang papel mo \'di lamang sa iyong pamilya kundi pati sa ekonomiya ng bansa—kaya ito ang trusted partner ng maraming OFWs sa money transfer.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024