-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Negosyo Budgeting 101: Mga Tips Para sa Bagong Negosyante
July 05, 2021
Alam mo ba ‘yung sinasabing leap of faith? Minsan daw sa buhay ng tao kailangan mo mag-take nito. Iyon bang hindi ka sigurado sa kalalabasan, pero ika nga, tiwala lang.
Maaaring na-experience mo ito nang tanggapin mo ang isang trabaho, nag-invest sa bahay, o kaya na-inlove. Ganyan din sa pagsabak sa pagiging negosyante. Sabihin na nating nag-research ka o nag-seminar, pero hindi nawawala ang risk o ‘yung katotohanan na tumataya ka lang din. Pwedeng maging okay, pwede ring hindi.
Hindi biro ang pagtatayo ng patok na negosyo. Hindi lang dapat tiwala at lakas ng loob ang kailangan. Dapat ay samahan mo din ng puhunan sa kaalaman kung papaano paunlaring ang gusto mong negosyo. Para sa isang bagong negosyante, kahit pa mesa lang ‘yan sa labas ng bahay na siyang gamit mo sa pagtitinda ng meryenda, mahalaga na alam mo ang basics of budgeting. Mahirap yung nagtataka ka kung nasaan napunta ang kinita mo at kung saan ka na naman hahanap ng pang-abono kinabukasan. Naku, delikado ‘yan.
‘Di bale, ang iyong trusted one-stop money services shop ay narito para magbigay ng simpleng budgeting tips na siguradong kayang-kaya mong gawin bilang bagong negosyante.
1. Gumawa ng realistic budget
Una sa lahat, dapat meron kang budget. Para saan ba ito? Hindi ito para maging very strict ang pag-manage sa finances. Para lamang itong guide para makagawa ka ng mas mainam na desisyon sa pagbibili. Sa mga sumubok ng magandang negosyo sa bahay, makakatulong ang budget sa pagkakaroon ng kumpiyansa sa paghawak ng pera. Isa itong business tool na ‘di mo dapat katakutan. Dapat think positive.
Ang pinakaimportanteng negosyo tip for budgeting 101 ay maging realistic. Dapat din naka-base ito sa aktwal na sitwasyon o calculated projections. Halimbawa ay sa presyo ng bilihin, renta, utilities, at sakop ng taong gusto mo pagbentahan. Huwag masyadong mahigpit na tipong sa kakatipid mo ay halos wala nang nabiling supplies.
2. Lista is life!
Dapat laging may record ka ng lahat na pumapasok at lumalabas na pera. Halimbawa, bumili ka ng sangkap para sa raket mong pagbebenta ng meryenda gaya ng turon, ginataan, pansit, gulaman, at kung anu-ano pa, dapat nakalista ang expenses pati na pamasahe, gas, mantika, etc. Ang mga maliliit na bagay kasi kapag nakalimutan mo, gugulatin ka na lang. Kumbaga, dapat ilista ang lahat ng operational costs mo, kahit pa maliit na negosyong pambahay lamang yan.
Kung meron kang assistant o kaya empleyado, dapat alam din niya kung paano maglista ng gastos at kita. Pagkatapos ng araw, ang target ay dapat nailabas ang puhunan na paiikutin at may kaunting sobra. Over time, ang mga negosyong maliit ang puhunan ay madaling mapalago dahil alam mong napupunta sa tama ang pera mo.
3. Set your priorities straight.
Isa sa dapat matutunan ng bawat bagong negosyante ay kung paano mag-prioritize. Dapat unahin ang mga expenses na hindi pwedeng i-kompromiso. Kung meron kang inuupahang pwesto, dapat unahin ang renta, utilities, at sahod ng mga empleyado. Sanayin ang sarili na unahing bayaran ang mga ito dahil ito ang pundasyon ng magandang negosyo.
Ang pag-pa-prioritize ay applicable din sa pagpili ng mga gastusing directly nakakadagdag ng kita kaysa doon sa mga hindi. Halimbawa, sa karinderyang negosyong pangkabuhayan, maaari mong i-prioritize ang mga ingredients ng pagkaing patok na sa mga suki mo. Sa mga ulam na bago pa lamang sa panlasa, maaari mong i-adjust muna ang quantity habang pinupulsuhan kung papatok ba ito sa mga suki mo.
4. Ibalik ang inutang
Madalas itong mangyari sa mga maliliit na negosyante. Kunwari, may-ari ka ng karinderya. Bigla kang naubusan ng load sa cellphone. Sasabihin mo, kuha nga muna ako sa kaha ng singkwenta pesos, balik ko mamaya. Pero ang ending, makakalimutan mo at ‘di na mababalik. Ganito kasi ‘yan, may pinaglalaanan ang bawat sentimong nasa kaha mo. Kaya ugaliin na ibalik ang hiniram na pera para magamit ito sa dapat paggamitan.
Para iwas amnesia sa hiniram na pera, gawing habit ang paglilista nito katulad ng paglilista ng iba pang mga utang. Importanteng routine ito sa mga nagsisimula ng negosyo sa bahay kung saan napakadaling ma-blur ng lines between personal and business finances.
5. Be flexible.
Okay lang na baguhin ang budget. Kaya nga budget e, ‘di naman ten commandments. Ang kagandahan nga sa pagba-budget at paglilista ay nakikita mo kung saan ka nagkukulang o sumo-sobra. Kumbaga, nakikita mo kung saan ka pwedeng mas maging efficient. Kapag napapansin mo na parang lumiliit ang kita o masyadong lumolobo ang gastos, baka kailangan nang amyendahan ang budget. Maging flexible at mag-adjust.
6. Expect the unexpected.
Isa sa mga budgeting tips for business owners ay ang maging handa sa mga hindi inaasahan. Kaya nga dito na naman papasok ang flexibility. Kung noong nagsimula ka ay 40/L lang ang kinakarga mong gas sa pang-deliver mong tricycle o van, ngayon nasa 60/L na dahil na din sa pagtaas ng demand dito. Hindi naman pwedeng hindi ka mag-adjust. Kaya dapat always ready. Hindi lahat ng bagay napa-plano.
Laging tandaan, change is constant. Kahit nga iyong mismong patok na negosyong maliit ang puhunan ngayon ay maaaring hindi na ganoon ka-popular in the next month or two. Kaya naman, dapat maging wais din sa pagpili ng mga business ideas na susubukan.
7. Humanap ng suki na supplier!
Feeling mo ba medyo lumolobo masyado ang gastos mo kaysa kita? Baka naman kasi hindi sulit ang mga nakukuha mong materials sa supplier mo. Dito mo gamitin ang husay mo sa research. Sa Facebook pa lang, makakakita ka na ng best deal. Halimbawa meron kang salon, naku sa Binondo at Divisoria lang makikita mo na lahat ng kailangan mo! O kaya naman, pinapalago mo ang iyong e-loading business, na isa sa mga magandang negosyong kahit nasa bahay ka lang, maki-partner sa Palawan Pawnshop. Sulit na ang puhunan mo, maximized pa ang profit.
Mahalaga rin na mag-build ng magandang relasyon sa supplier mo para makakuha ng discounts at laging bago o latest pa, for sure, ang ibibigay niyang produkto sa’yo.
8. Huwag sayangin ang points.
Halos lahat ngayon meron nang loyalty points. Sa mga nagnenegosyo, malaki ang maitutulong ng money saving tip na ito. Kung meron kang sari-sari store, siguradong hahakot ka sa points na pwede mong i-redeem. Kung ikaw naman ay nag-o-online negosyo o nagbebenta ng iba’t ibang produkto virtually, at kailangan mong makipag-transaksyon sa mga remittance centers para sa bayad, makakaipon ka din ng points gamit ang loyalty card.
Halimbawa na d’yan ang Palawan Pawnshop Suki Card na nagbibigay ng discount sa sangla, remittance fee, at rebates sa pag-claim ng padala sa lahat ng Palawan Pawnshop branches. Wag ismolin ang points na ‘yan dahil malaking bagay rin ‘yan kapag naipon. Siguradong makakabuti ‘yan sa earnings mo.
9. Ready for emergency.
Para hindi ka mahilo sa kakahanap kung saan kukuha ng pera, ugaliin na isali sa pagba-budget ang emergency fund. Dedepende ang amount sa mga risks sa industriya mo.
Importante ito kahit pa naka-jackpot ka na sa isang magandang negosyo sa probinsya. Wala tayong kasiguruhan kung gaano tayo maaapektuhan ng susunod na bagyo, lindol, o pandemya. Kaya dapat laging may back-up funds para ma-prokektahan ang mga negosyong iyong pinaghirapan.
10. Humanap ng business partner na maaasahan
Malaking bahagi ng tagumpay o pagbagsak ng mga negosyong Pinoy ay ang mga tao o empleyado nito. Mahalaga na nauunawaan ng mga empleyado nang husto ang negosyo at ang ang industriya nito. Dapat nauunawaan nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng budget, at syempre, ang basic accounting skills na kakabit nito.
Higit sa lahat, dapat mayroon silang malasakit sa’yo at sa negosyo. Kahit sinong negosyante ang tanungin mo, ang heart and soul ng kahit anong negosyo ay mga taong nagpapatakbo nito. Kaya kapag nakita mo na ang mga taong ito, alagaan at gawin silang tunay na bahagi ng negosyo.
Totoong hindi biro ang mag-negosyo pero hindi rin biro ang balik nito kapag naging matagumpay. Malaking bahagi nito ang tamang diskarte sa pagba-budget. Madalas ay hit or miss ito pero huwag basta-basta susuko.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024