Balikbayan Box Mainstays na Inaabangan ng Buong Pamilya

Blog

May 12, 2021

shoes-balikbayan-box

Maraming bagay na unique sa ating mga Pilipino. ‘Yun bang tipong ‘di mage-gets ng iba kahit kailan. Gaya ng matamis na spaghetti, paggamit ng balde at tabo, pagkain nang nagkakamay, pagmamano, naka-sachet na shampoo at paminta, sangkaterbang piyesta, at kung anu-ano pa. But these are the things that make us special.

Gaya rin ng kultura ng pagpapadala ng balikbayan box. Dahil sa sampung milyong Pilipino na nasa ibang bansa, naging tradisyon ang pagpupuno ng balikbayan box at ang pagpapadala ng mga ito tuwing Pasko. Tayo lang ang lahi sa buong mundo na makaka-gets kung bakit excited ang mga pamilya ng Overseas Filipino Workers na makatanggap ng corned beef, kape, toothpaste, at lotion. Iba ba ang lasa? Mas mabango ba? Hindi rin naman pero lasang imported at amoy imported. Sapat na ‘yun.

Higit sa lahat, galing sa puso. Para bang ikinahon ‘yung pagmamahal at binuksan mo sa araw ng Pasko. Para bang ikinahon ‘yung taun-taon na pangungulila at napawi ng mga ngiti ng mga tumanggap ng regalo.

Kapag Pilipino ka, makaka-relate ka. Sabay-sabay tayong magbukas ng mahiwagang balikbayan box.

Tamis para sa mga na-miss

Tamis para sa mga na-miss

Photo courtesy of pixel1 via Pixabay

Mahilig sa tsokolate, o kahit anong matamis ang mga Pilipino. Sweet tooth, ika nga. Lalo na kung imported. Kaya naman hindi kumpleto ang balikbayan box kung walang kahon at supot ng chocolates, candies, and biscuits. Kadalasan, nakalagay sa mga magagandang lata ang mga biscuits at cookies na hindi magagawang itapon ni nanay o lola. Panigurado gagawin na itong lagayan ng sinulid, butones, at kung ano pang anik-anik.

De-lata para sa pamilya

Foreigners will never understand why Filipinos are so delighted to receive SPAM, corned beef, ham, and sausages. But yes, receiving imported canned goods is a big deal. Nandyan din ang sosyal na ketchup at olive oil. For several months, makikita niyong naka-display sa mga aparador ang mga ito, in full view of vistiors. These are consumed slowly dahil nga medyo ilang buwan din ang bibilangin bago ang susunod na balikbayan box.

Pak na pak na breakfast pack

Ito ‘yung kape at creamer. Sa regular na bisita ng mga Pinoy sa grocery, mga naka-pack lang na kape at creamer ang binibili nila. Kaya sobrang espesyal na ng kape kapag naka-bote. Minsan sinasamahan din ito ng mga imported na jam at spreads. Pati ‘yung syrup na ginagamit sa pancakes, kasama na rin.

“Size 8 ako ha”

Box of Nike shoes

Photo courtesy of Pexels via Pixabay

Sa tuwing may aalis na balikbayan, imbes na mag-goodbye, size ng paa ang sinasabi ng mga Pilipino. Kaya naman, hindi mawawala sa padala ang mga pares ng sapatos. Madalas naka-balot ito sa mga tuwalya o t-shirt. Sayang kasi sa space kung isasama pa ang kahon.

Samu’t-saring apparel

Bukod sa sapatos, lagi ring present sa balikbayan box ang mga branded na damit at bags. Meron din namang tindahan ng mga imported apparel sa Pilipinas, pero iba pa rin pag hinalukay mula sa balikbayan box. Ang tingin din ng maraming Pilipino, mas mura ang mga T-shirts, blouses, at bags na galing sa ibang bansa dahil nakaiwas ito sa buwis.

Bagong gadgets para sa bagets

Child using tablet

Photo courtesy of StockSnap via Pixabay

Ito na siguro ang mga pinakabalot-balot ng mga OFWs sa lahat ng laman ng kahon. Ito rin ang mga matagal pinag-iipunan ng mga kababayan natin abroad. Nandyan ang mga bagong cellphones, tablets, game consoles, at MP3 players. Siguradong solb ang pasko ng bagets kapag may bagong gadget.

Amoy branded at imported

Para sa mga Pilipino, espesyal na regalo ang pabango. Sa mga mall kasi sa Pilipinas, mahal ang branded at original na pabango. Kaya naman kahit cologne gaya ng Vctoria’s Secret, malaking bagay na kapag inireregalo. Kapag may nagsabi na “uy, ang bango mo ah,” ang sagot dyan ay “galing sa tita ko sa States.” Instant sikat ka na.

Pampa-beauty in a box

Ang mga Pilipina, kayang tipirin ang pagkain pero hindi ang supply ng whitening na sabon at lotion. Kaya wala ang bawat balikbayan box, may mga extra large na bote ng lotion at mga pack na sabon. Meron ding shampoo at conditioner. Paminsan, meron ding make-up. Kung tutuusin, meron din naman nito sa mga grocery, membership stores, at duty free shops sa Pilipinas pero kung may pamilya ka abroad, hindi mo maiisip na bilhin ang mga ito para sa sarili mo.

Toys for bunso

Gifts for babies

Photo courtesy of 5712495 via Pixabay

Kung may mga bata sa pamilya, hindi mawawala ang ilang stuffed toys at de-bateryang laruan sa balikbayan box. Toys can really bring out the biggest smiles among children. Para bang kumikislap ang mata nila pag may nakitang Barbie, robot, kotse, at kung anu-ano pa. Si bunso, malamang ilang buwan ding yakap-yakap sa pagtulog ang kanyang natanggap na stuffed toy.

Health is wealth

Kahit nasa ibang bansa, updated ang mga kababayan natin sa estado ng kalusugan ng bawat miyembro ng kanilang pamilya sa Pilipinas. Sinisipon si bunso, inuubo si tatay, nilalagnat si kuya, o kaya nirarayuma si nanay. At bilang likas sa mga Pinoy na mag-alala, laging ay espasyo para sa vitamins at health supplements ang balikbayan box.

Pero bukod sa puno ng pagmamahal na balikbayan box, meron pang isang music to Filipino’s ears: tracking number. Malaking negosyo ang international money remittance sa Pilipinas dahil nga sa dami ng Pinoy na umaasa sa perang padala mula sa ibang bansa. Para sa mga nagpapadala ng perang pinaghirapan nila, mahalagang sigurado sila na safe na makakarating sa kanilang pamilya ang pera. Gaya na lang ng Palawan Express Pera Padala na may 35 global partners kaya sure ka na secure ang pera mo. Over 2,000 din ang branches ng Palawan Pawnshop at Palawan Express sa buong Pilipinas kaya siguradong madaling ma-claim ng pamilya mo ang iyong padala. Bukod sa mabilis at hassle-free, mura rin ang Palawan Express rates kumpara sa ibang remittance centers.

Ngayong Pasko, sana’y alalahanin nating mga makakatanggap ng pera at balikbayan box na higit pa sa materyal ang nais ipahatid ng mga regalong ito. Ang bawat laman ng kahon at bawat sentimo ng pinadalang pera ay pinaghirapan. Ika nga, love in a box. ‘Yan ang paraan ng mga kababayan natin sa ibang bansa na saan man sila mapadpad, hinding hindi sila makakalimot sa pamilyang iniwan sa Pilipinas.

Share: