Quick Escape: Barkada Destinations Near Manila

Blog

March 18, 2021

quick-escape-barkada-destination-beach-boat

The perfect location with the perfect people. Nothing beats the feeling of being together with your friends talaga, di ba, suki? Lalo na kung ito ay dahil sa isang weekend getaway na kasama ang  barkada. Kaya naman patok na patok talaga ang mga overnight getaways near Manila!

At dahil officially summer season na, Wag na muna sa inuman or usual na kain sa labas with the tropa. Perfect na perfect ang panahon para sa mga summer getaways. Siyempre importante na malapit lang at affordable para sa mga suki na on a budget.

From beach trips to hiking trips, we got your weekend adventure covered! Sure squad goals kayo ng barkada mo with an affordable weekend getaway near manila!

1. Say Haler sa Baler!

Mag-beach sa Baler

Photo Courtesy of Nathan Cowley via Pexels

Known as the birthplace of surfing in the Philippines, iba ang magic at charm ng Baler. After your barkada trip here, siguradong you’ll be coming back for more! Well hindi na surprising yun dahil Baler has so many things to offer: surfing, trekking, biking, at masasarap at murang mga chibog places!

Baler, Aurora is a 5-hour drive away from Manila using the NLEX-TPLEX-Pantabangan route kaya naman perfect ito for a weekend getaway with the squad. May mga bus din sa Cubao na pwede ninyong sakyan if you are looking to avoid drives o wala kayong kotse. As for places to stay, maraming mga hostels at homestays na pwedeng pagpilian para sa mga on a budget.

As for surf, eats, and drinks? Lahat ng ito mahahanap mo sa Sabang beach. Ito ay isa sa very accessible beaches in Baler kaya naman you’ll definitely have a blast, suki! 

2. I-conquer ang Mt. Daraitan at mag-tampisaw sa Tinipak River

Mag-trek sa Mt. Daraitan

Photo Courtesy of Belle Co via Pexels

May mga taong iba ang trip. Ito yung barkadang mahilig sa mountain views with matching chill time sa ilog. Ang suki suggestion namin? Mt. Daraitan plus Tinipak river combo para sa nature trip near manila ng buong squad.

Located at Tanay, Rizal, ang Mt. Daraitan ay parte ng sikat na Sierra Madre. Of course hindi ito all hype lang, suki! Mt. Daraitan will be serving you some mountain and nature realness with its collection of caves, limestone formations, and natural pools! Of course, kasama diyan ang cool waters of the Tinipak River.

Commutes to Mt. Daraitan range from taking the Cubao-Tikling route, Cubao-Antipolo Cogeo route, and EDSA Shaw-Tanay route. Lahat ito made possible by taking a jeep from Cubao and EDSA shaw going to Rizal and then taking a tricycle going to Brgy. Daraitan.

Mura, madaling puntahan, at super fun — perfect combination para sa weekend getaway ng mga suking barkada!

3.Mag-diving sa Anilao, Batangas

Mag-diving sa Anilao, Batangas

Photo Courtesy of Tirachard Kumtanom via Pexels

Hindi mapapasali ang Anilao, Batangas sa sumikat na kantang “Biyahe Tayo” for no reason, suki. Kilala ang Anilao bilang isang napakagandang dive site para sa mga mahilig mag-scuba diving. Nasa Batangas lang ito mga suki, so talagang swak to bilang destination ng inyong affordable weekend getaway near Manila!

Pwedeng puntahan ang Anilao gamit ang kotse or bus ride. At para mas maging hassle-free ang inyong weekend getaway with the barkada, consider staying at a dive resort para isa lang ang kakausapin niyo for both accommodations and diving.

4.Mag-beach trip sa Zambales coves

Mag-beach trip sa Zambales

Photo Courtesy of Belle Co via Pixabay

Para sa mga barkadang mahilig naman sa ihaw+beer+kwentuhan combo, isa sa mga most recommended barkada trip destination ang Zambales. Ang maganda pa dito, pwede kang mamili between Nagsasa, Anawangin, and Silanguin cove! Three coves na may ibat ibang feel and personality.

Pag pupunta sa Zambales, may mga bus lines na nag-ooffer ng routes coming from Cubao, Pasay, and even Caloocan. Para sa accommodations ng buong barkada, why not try camping? You can bring your own tent and sleeping bags or pwede din na mag-rent na lang ng mga ito sa mga nearby resorts. May mga cottages din na available for rent sa Zambales.

Zambales is really a great and affordable weekend getaway near Manila na dapat hindi palampasin ng barkada mo, suki!

5.Mag-trek sa Mt. Pinatubo Crater Lake

Mag-trek sa Mt. Pinatubo Crater Lake

Photo Courtesy of Belle Co via Pexels

Mt. Pinatubo — sobrang ganda talaga dito mga suki! If dati sa history books mo lang nakikita ang Mt. Pinatubo, why not consider trekking at Mt. Pinatubo Crater Lake? Hindi kayo madidisappoint ng barkada mo.

A visit to Mt. Pinatubo can be done by riding a bus mula sa Cubao or Pasay going to Capas, Tarlac. Pwedeng-pwede matapos ang hike sa Mt. Pinatubo Crater lake in just a day kaya naman makakatipid talaga ang buong tropa with this weekend getaway suggestion!

Kaya naman if you and your barkada is up for the adventure, pack your trekking gear and conquer Mt. Pinatubo! 

6.Maging one with nature sa Masungi Georeserve

Mag-trek sa Masungi Georeserve

Photo Courtesy of Bonbon Lang-es via Pexels

Kung mayroong perfect example ng nature trip manila, ito ang Masungi Georeserve na located at Baras, Rizal. Kumpleto ito with amazing views, fun obstacle relays, and mother nature as far as the eye can see.

Ang Masungi Georeserve ay mapupuntahan after a drive in Marcos Highway going to Rizal. May partnership din ang Masungi Georeserve with Tanlines para sa hop-on and hop-off service na makakatulong gawing hassle-free ang experience for the whole barkada.

Hindi lang oneness with nature kung hindi oneness with the whole tropa ang magiging ending niyo with a weekend getaway at Masungi Georeserve! 

7. Experience the beach at party life ng La Union

Mag-beach at party sa La Union

Photo Courtesy of Belle Co via Pexels

Recently nag-boom ang La Union as a quick affordable weekend getaway near Manila and for good reason! Hindi lang aesthetic ang mga shops at beaches ng La Union, talagang mafe-feel talaga ng buong barkada ang saya ng bonding time sa tabi ng dagat!

La Union is easily accessible using our public transportation system, kaya make the most out of it suki! Just go to Cubao and there are many bus lines that have La Union routes. As for places to stay, the famous Flotsam and Jetsam hotel is a must for barkadas na mahilig sa night life. San Juan Surf Resort naman para sa mga barkadang gustong maging “stoked”.

May plus side pa din naman ang Manila life — maraming affordable summer getaways na malapit lang dito! Hopefully with these barkada destinations, magkaroon ka ng bagong masasayang memories with your #Squad. Pagkatapos naman ng mga adventures near Manila, game na ba sa real life tropical paradise that is Palawan

Basta kahit saan man kayo mapadpad ng barkada, at kinailangan ng mabilis at accessible na solusyon ‘pag kinulang sa pera, may Palawan Pawnshop branches tayo na laganap sa buong bansa! Alamin how to send money or receive it, sa pagtawag lamang sa mga contact number of the branch closest to you, saan ka man naroroon sa Pilipinas.

Share: