Mga Ber-ry Beautiful Tourist Destinations Sa Pinas Ngayong Ber Months

Blog

May 10, 2021

mga-panalong-tourist-spots-na-magandang-puntahan

Tapos na ang summer pati ang tag-ulan. Pumasok na si Amihan kaya lalamig na naman ang simoy ng hangin at hahaba ang gabi. Pero alam naman natin sa Pilipinas, laging bida pa rin si haring araw kahit Ber months season na. Kaya naman all-year round ay perfect time para mag-bakasyon.

 At kapag bakasyon ang usapan, hindi naman masho-short ang Pinas d’yan. Kahit ano pang trip mo, ‘di mo na kailangang lumayo, siguradong meron niyan dito. Kaya travelers, pack your bags and get ready to be amazed by the beautiful tourist spots in the Philippines, come summer or Ber months.

 

Other side of Cebu

Other side of Cebu

Hindi lang Lechon, Danggit, Dried Mangoes, at Magellan’s Cross ang meron sa Cebu.  Mapa-North or South Cebu, maraming nakakabighaning beaches ang probinsya. Isa ang Cebu sa mga hindi madalas dalawin ng ulan o bagyo kaya parang laging summer ang vibe. 

Sa Norte, pwedeng mag-scuba diving, skim boarding, at thresher shark watching sa Malapascua island. Nandyan din ang Camotes islands na grupo ng mga white-sand islands. Ang seafood dito, sobrang fresh na, mura pa. Gusto mo bang ma-experience ang love at first sight? Punta ka sa Bantayan island.

Sa bandang South naman, perfect for snorkeling at island hopping ang Moalboal. Kung gusto mo mag-level up at lumangoy with whale sharks, go ka na sa Oslob. Just make sure na maging responsible traveler at sumunod sa mga patakaran para ma-protektahan ang mga gentle giants ng karagatan.

 

Sorpresa ng Siquijor

Sorpresa ng Siquijor

Notoryus ang Siquijor sa witchcraft at sorcery. Parang local Harry Potter lang! Pero kung may kakaibang magic man ang Siquijor, yan ay ang gandang taglay niya. You will be pleasantly surprised ika nga.

Siquijor is one of the best Philippine tourist spots that is still waiting to be discovered. Sa port pa nga lang, siguradong hahanga ka na. Pwede mong malibot ang Siquijor sa pamamagitan lang ng trike na uupahan mo sa halagang PhP1,000. Makakapunta ka na sa Salagdoong beach kung saan pwede mag-cliff dive at sa Cambugahay beach kung saan pwede ka mag-ala Tarzan.

 

Tide is high in Siargao

Tide is high in Siargao

Para sa surfers, perfect time ang Ber months para pumunta sa surfing capital ng bansa na Siargao. Mas matataas at aggressive kasi ang mga alon simula Oktubre kaya for sure, mapapalaban ka talaga. Pinakasikat d’yan ang Cloud 9. Bukod sa surfing, pwede rin subukan ang river rafting. Sulit din ang island hopping dahil bawat islang puntahan mo, siguradong mamamangha ka sa ganda.

 

Mga paraiso ng Palawan

Mga paraiso ng Palawan

Noon yatang nagsabog ng kagandahan sa mundong ibabaw, gising na gising ang Palawan. Kasi naman, talagang kulang ang isang linggo para maikot mo ang mga world-famous na tourist spots ng Palawan. Sa listahan ng anumang top 20 tourist destinations in the Philippines o in the world, maka-ilang beses babanggitin ang Palawan. 

Simulan natin sa Puerto Princesa. Pinakasikat ang Underground River na isa sa New Seven Wonders of the World. Pero bukod d’yan, pwede rin mag-side trip sa katabing mga isla sa Honda Bay.

Next is El Nido na kayang pagandahin ang kahit anong selfie. Ibang klase ang ganda ng mga lagoon dito, sandbars, secret coves, at mga beach. Hindi rin siyempre papatalo ang Coron. Sa Kayangan lake at Twin Lagoons pa lang, quota ka na.

Sumisikat na rin ang San Vicente sa Palawan. Dito matatagpuan ang sinasabing longest white beach sa bansa.

 

Dumaguete will get you

Dumaguete will get you

Madadagit talaga ng Dumaguete ang puso mo kapag sinama mo ito sa mga travel goals mo. Isa sa pinagmamalaki ng probinsya ay ang Apo Island kung saan pwede kang mag-swimming with the pawikans o sea turtles. Tuwing Ber months, medyo low tide kaya kahit snorkeling lang, madaling maka-spot ng pawikan.

Isa pa sa mga pinupuntahan sa Dumaguete ang Manjuyod sandbar. Para raw itong Maldives of the Philippines dahil sa linaw ng tubig, pino ng buhangin, at mga stilt houses. Isa pa marahil ay dahil isa sa stopover mo papunta sa Manjuyod ay ang Bais kung saan may dolphin watching, gaya sa Maldives. Siyempre pa, ang world-famous na Sans Rival at Silvanas, sa Dumaguete rin matatagpuan.

 

Panalo ang saya sa CDO

Panalo ang saya sa CDO

Kung ikaw yung tipong mahilig sa thrill at trip ang makalaglag-puso na adventure, hindi ka bibiguin ng Cagayan de Oro. Kapag ber months, mas thrilling ang white water rafting sa Cagayan River. Bonggang adrenaline rush ang aabutin mo. Isama ang mga barkada na kayang sumigaw at tumili ng pangmatagalan.

 

Soul searching sa Camiguin

Soul searching sa Camiguin

Katabi ng CDO ang napakatahimik at kalmado na isla ng Camiguin. Underrated kung ikukumpara sa ibang tourist spots pero di naman pahuhuli sa ganda.

For travelers going to Camiguin, pwedeng mag-cool down sa mataas na Katibawasan falls, Santo Nino Cold Springs at Ardent Springs. Pwede rin mag-chill sa White Island kung saan may view ka ng mga sikat na bulkan ng Camiguin. Kung gusto mo naman na tahimik lang at mag-munimuni, bumisita sa Sunken Cemetery, Old Vulcan walkway, at church ruins.

 

Behold the beauty of Bohol

Behold the beauty of Bohol

Bukod sa Boracay at Palawan, Bohol na siguro ang isa sa mga best Philippine Tourist Spots na kilala all over the world. Panglao pa lang, solb ka na. Sa ganda nito, paborito na ring venue para sa mga beach at destination weddings. Isang hilera rin ng budget at luxury resorts ang makikita dito kaya very tourist-friendly. Kung gusto mo i-explore ang underwater beauty ng Bohol, recommended ang Balicasang Island, Arco Point, at Cantagay Marine Sanctuary. 

Kahit ber months season, there is always a reason to travel around the Philippines. Kung pagdating lang naman sa beautiful tourist spots, saganang sagana tayo d’yan. Para sa hassle-free na bakasyon, pwede kang kumontak ng local tour service at bayaran ang services nila through Palawan Pawnshop. Tandaan Suki, na kahit saan man kayo ng pamilya, maaasahan mo na mayroon tayong Palawan Pawnshop branch na maaaring lapitan kung sakaling kailanganin ng tulong pinansyal. Maaaring malaman what is the contact number of the branch closest to your current location sa ating branch finder sa website.For sure kasi, may malapit na branch kahit saan mo man trip magpunta. Kaya wag na magpatumpik-tumpik pa at ikutin na ang Pilipinas.

Share: