12 Home Exercises For Beginners | Palawan Pawnshop

Blog

June 14, 2021

beginners-home-exercises

Magsisimula na ang Nutrition Month 2019 at ang theme ngayong taon ay “Kumain ng wasto at maging aktibo...Push Natin ‘To!” Ikaw ba, suki? Nagagawa mo bang kumain ng tama at naipagpatuloy mo ba ang iyong fitness routine noong nagdaang summer?

Mahirap nga naman ang mag-stick sa exercise routine kapag busy sa trabaho, sa school, at sa pag-aalaga sa pamilya.

Isa pang challenge para sa ating mga gustong magpapayat ang hassle ng pagpunta sa gym o pag-exercise outdoors habang umuulan. Ngunit paano nga ba ma-achieve ang health goals kahit tag-ulan?

Handog ng Palawan Pawnshop ang basic exercise guide na ‘to para maipagpatuloy ang inyong workout routine at home o kahit sa labas ng bahay nang hindi na kailangan pang lumayo. Hindi na kailangan ng gym membership at siguradong kayang kaya itong gawin sa loob lang ng ilang minuto.

Tara, silipin natin ang mga workout routines for beginners na pwede rin sa mga experienced fitness enthusiasts!

Push-Ups

body-fitnessPhoto Courtesy of Keiji Yoshiki via Pexels

Ang push-ups ay isa sa mga pinakasikat na beginner workouts at home without equipment dahil sa sobrang simple at sobrang epektibo nito. Hindi ka lang pagpapawisan at makapagtutunaw ng body fats, makakapagpalaki ka pa ng muscles sa maraming parte ng iyong katawan gaya ng chest, shoulders, triceps, biceps, at abs.

Squats

activewear-activityPhoto Courtesy of Oleg Magni via Pexels

Isa pang karaniwang routine na dapat kasama sa iyong gym workout plan for beginners ay ang squats. Ngunit kahit ang mga experienced fitness enthusiasts ay isinasama ito sa kanilang free weight workout routines. Pero para sa mga nagpapapayat, ang bodyweight squats ay malaking tulong para makapagtunaw ng body fat habang nagbubuild ng muscle sa lower body natin.

Plank

Woman-in-Black-Tank-Top-and-Black-Leggings-Doing-YogaPhoto Courtesy of Elina Fairytale via Pexels

Mukhang madaling gawin, pero tiyak na mararamdaman mo ang sakit at pagpapawis matapos mong manatili sa plank position nang ilang minuto. Ang planking ay malaking tulong ‘di lang sa pagpapapayat ng buong katawan, kundi para narin sa pagpapaliit ng tyan! At sa sobrang simple nito, isa ito sa mga exercises na maaari mong gawin araw-araw nang walang mintis.

Pero ang pinakamalaking benepisyo ng plank ay ang pagpapalakas ng ating core para maging handa sa mas matitinding exercise.

Burpees

active-wear-blondePhoto Courtesy of Li Sun via Pexels

Kung gusto mo ng tumatagaktak na pawis at maramdaman ang pagod sa pag-eehersisyo, subukan mo ang burpees. Isa ito sa mga sikat na exercise for beginners to lose weight dahil sa pagiging high-intensity workout nito para sa buong katawan. At dahil ‘di rin nito kailangan ng malawak na space o equipment, pwedeng pwede ka nang mag exercise sa bahay kahit anong oras na gusto mo.

Sit-ups

active-adultPhoto Courtesy of Pixabay via Pexels

Kung nagtataka ka kung anong oras dapat mag-exercise, walang tama o maling sagot. Ang importante ay magawa mo ito araw araw. Pero alam mo bang bago ka pa man bumangon sa higaan ay pwedeng pwede ka nang magsimula mag workout?

Ang sit-ups ay isa sa mga classic body weight exercise na pwede mong isama sa mga ehersisyo at aktibidad mo araw-araw. Ito ay malaking tulong para mapalakas ang iyong core muscles at makalusaw ng taba. Subukang mag sit-up bago bumangon ng kama para magkaron ng energy bago ka pa man mag kape!

Mountain Climbers

bodybuilding-exercisePhoto Courtesy of Li Sun via Pexels

Kung gusto mo ng high-intensity workout kagaya ng burpees, ang mountain climbers ay isa sa mga pinakamagandang exercises. Isa ito sa mga pwede mong gawin kung nagiisip ng paraan kung paano magkaron ng shape sa katawan. Ang mountain climbers ay whole body workout na tiyak na makakapagpapawis at makakapagpabawas sa iyong body fat.

Jumping Jacks

sportPhoto Courtesy of Keifit via Pixabay

Siguradong alam na alam mo na kung ano ang jumping jacks, at nasubukan na ito kahit isang beses. Pero mukha mang simple at pang warm-up exercise lang, ang jumping jacks ay malakas makapagpapawis at makapagpataas ng energy lalo para sa mga beginners.

Isa ito sa mga exercise na pwedeng gawin sa bahay para makapagbawas ng timbang at makapagpapawis. Subukang maka-at least 50 jumping jacks at tiyak na mararamdaman mo ang tagaktak ng pawis at kapaguran.

Tuck Jumps

casual-contemporaryPhoto Courtesy of Archie Binamira via Pexels

Kung gusto mo ng ehersisyong gaya ng jumping jacks na mas focused sa lower body mo, subukan ang tuck jumps! Magsisimula kang nakatayo at pupunta sa squat position hanggang sa malapit ang iyong tuhod sa dibdib, at mabilis mong ituwid ang iyong katawan at tumalon. SA pagbagsak mo ay dumeretso sa squat position at gawin ito ng paulit ulit.

Ang tuck jumps ay makapagpapalaks sa iyong lower body habang ini-improve ang iyong cardio para sa higher endurance at pagtunaw ng body fat.

Pull-Ups

edgar-chaparroPhoto Courtesy of Edgar Chaparro via Unsplash

Kung gusto mo ng toned upper body, ang pull-ups ay isa sa pinakamagandang options. Para mag-pull-ups kahit walang gym membership, kailangan mong maging creative sa paghahanap ng bar na pwede mong paglambitinan. Kung mayroong playground malapit sa iyong tinitirhan, siguradong makakahanap ka ng bar na bagay sa activity na ito.

Medyo mahirap man makahanap ng pull-up bar, sobrang sulit naman dahil sa bilis makapagburn ng calories gamit ang workout na ito.

Stair Climbs

cliquePhoto Courtesy of Clique Images via Unsplash

Kung nakatira ka sa 2-storey na bahay at mayroon kayong hagdan, pwedeng pwede mo itong gamitin para mag ehersisyo!

Maliban sa normal na pag akyat mo sa hagdan ninyo, maglaan ng oras para mag ehersisyo sa pamamagitan ng pag-akyat at pagbaba sa inyong hagdan. Tiyak na mapapagod ka at mapagpapawisan matapos lamang ang ilang balik at kasabay nito ang pagpapabilis ng pagtunaw sa iyong body fat.

Kung walang hagdan sa bahay ay maaaring maghanap ng pampublikong lugar kung saan pwedeng gawin ang activity na ito.

Jogging

adventure-athletePhoto Courtesy of Pixabay via Pexels

Siyempre, hindi mawawala sa listahan ang isa sa mga pinakasikat na exercises para sa mga beginner.

Ito ay dahil sa sobrang simple at sarap sa pakiramdam ng exercise na ito lalo na kung may kasama! Huwag mag-alala, hindi mo na kailangan alamin ang tamang pag-jogging lalo kung nagsisimula ka pa lang dahil tiyak na nagawa mo na ‘to mula pagkabata.

Mag-ingat lamang sa pag-jogging sa mga kalsadang maraming sasakyan at maging alisto sa iyong dinadaanan para maging ligtas.

Walking

activity-fitness-footwearPhoto Courtesy of Daniel Reche via Pexels

Para sa mga beginners na may kataasan ang timbang o para sa mga senior citizens na concerned na sa kanilang mga tuhod, ang walking ay simple pero epektibong paraan para makapagbawas ng timbang.

Pwede mo rin itong gawin bago o pagkatapos ng iba pang exercise sa list na ito, o isingit sa gitna ng work hours sa opisina.

Maglakad for 20 minutes at dagdagan ng kaunti ang bilis kumpara sa normal mong lakad at tiyak na mararamdaman mo rin ang pagpapawis.

Hindi madaling magstick sa ating workout routine, lalo kung ito ay komplikado at kailangan pa ng gym membership at equipment. Pero sa tulong ng article na ito, mayroon ka nang mga pagpipiliang exercise na pwedeng-pwede mong gawin araw-araw, kahit pa sa loob lang ng bahay!

Pero siguruhin ding alalahanin ang ating kaligtasan kahit sa pag-eehersisyo at kumonsulta sa inyong doktor para sa mga aktibidad na bagay sa inyo depende sa inyong kalusugan.

Share: