Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Wala nang kukurap dahil ilang araw na lang ay Pasko na. May plano ka na ba? Ang Disyembre ay isa sa mga paboritong buwan ng magkasintahan para magpakasal. Full of love kasi ang kapaligiran at malamig pa ang simoy ng hangin kaya perfect season talaga para sa mga nagmamahalan.
Kung gusto mong maging perfect Romeo sa iyong Juliet this Christmas, try mong maging mas creative sa iyong Christmas date ideas. Dinner + sine na naman ba? Naku, baka maipit at ma-hassle lang kayo dahil sa dami ng tao sa mall kapag ganyang panahon. Don’t worry dahil hindi naman kailangang maubos ang lahat ng Christmas bonus mo para lang mapakilig mo ang iyong special someone. Maraming tipid date ideas na for sure ay magiging memorable for both of you.
Para mas maging espesyal, surprise him or her with a truly extraordinary gift. Buy him or her a gold jewelry na pwede niyang gamitin sa pang-araw-araw man o sa mga espesyal na okasyon gaya na lang kapag nagde-date kayo. Dito naman, pwede ka bumawi pero pasok pa rin sa budget. Impress your significant other with a piece of jewelry from Palawan Pawnshop. Ito yung mga na-remata na alahas mula sa Palawan Pawnshop Bili-Sangla service na pwede mong mabili nang hulugan. O ‘di ba? Masu-surprise mo na ang mahal mo, alaga pa ang budget mo.
Gold jewelry plus panalong Christmas date? Siguradong merry ang magiging Pasko n’yo.
Sabay na mapa-wow sa sunset
Sa bilis ng buhay, hindi mo na halos mamalayan ang mga simpleng miracles sa paligid mo, gaya na lang ng pag-sikat at paglubog ng araw na dalawa sa mga pinakamagagandang bagay na pwede mong masaksihan.
After work, maglakad-lakad sa gilid ng Manila Bay. O kaya umakyat sa rooftop ng inyong bahay o lumabas sandali sa balkonahe. Pwedeng fishballs at gulaman o ‘di kaya naman ay chips at red wine lang ang pagkain. Umupo, huwag muna mag-check ng cellphone, at panoorin ang paglubog ng araw. For sure, masasambit mo ang “Thank God, and ganda ng mundo.” Refreshing din ang experience na ito. It will clear your head, ika nga. At para masaksihan mo ang ganung milagro kasama ang mahal mo sa buhay ang pinakadabest na pakiramdam.
Couple who volunteers together, stays together
Ang sabi nga nila, sharing is caring. This Christmas, maraming grupo ang magsasagawa ng outreach sa mga shelter, ospital, at eskwelahan. Marami ring activities ang iba’t-ibang organisasyon at NGO gaya ng mass feeding, environment programs, gift-giving, pagtatayo ng bahay, etc. Kaya isa sa pinaka-unforgettable date ideas in Manila ay mag-volunteer together.
Imbes na gumastos sa fancy dinner at ubusin ang oras sa traffic at kaka-gala sa mall, magbahagi na lang ng blessings sa mga mas nangangailangan. Kahit oras mo lang, malaking bagay na. Kapag nakatulong sa simpleng paraan, for sure na kikiligin ang puso mo nang totoo.
Go camping under the stars
Kung nature lovers kayo na magkasintahan, the perfect date is to go camping. Maraming campsites near Metro Manila kung saan pwede kayo mag-DIY camping. Nand’yan ang Anawangin Cove at Nagsasa Cove sa Zambales, Fortune Island sa Batangas, at mga nauusong glamp sites sa mga beach resorts kung pasok sa budget. Pwede kayo mag-bonfire, uminom ng beer, mag-heart to heart talk at kung anu-ano pa under the stars.
Picnic ba kamo? Pwede na sa bahay ‘yan
Kung ‘di n’yo trip ma-hassle sa traffic, mag-stay na lang kayo sa bahay. Isa sa no-fail na budget-friendly dates ang mag-prepare ng dinner sa bahay. Hindi lang ‘yan about the food kundi ‘yung buong proseso. Mamamalengke ng ingredients, ihahanda ang mga rekado, at magluluto ng mga paborito n’yong pagkain. Pwede kang maglatag ng picnic set-up sa sala o mag-candlelit dinner. Samahan mo lang ng wine ‘yan, talbog na ang mga pasosyal na restaurant.
After dinner, pwede kayo maglaro ng board o card games. Ang matalo, siya ang maghuhugas ng pinggan. O ‘di ba? Hindi lang sweet, competitive pa ang date n’yo.
Warm your hearts with a Christmas movie marathon
Kung gusto n’yong manood ng pelikula na nakapagpapasaya ng kaluluwa, manood kayo ng Christmas movie. Ngayong Pasko, maglista kayo ng inyong top 3 o top 5 at mag-movie marathon sa bahay. Mula sa Hollywood movies hanggang local flicks, marami kayong pagpipilian. Lahat ng mga pelikulang will definitely warm your hearts. Para legit na DIY date idea, maghanda na rin ng popcorn, chips, at drinks.
You’re a Pro! Pataasan ng Score sa Karaoke
Hindi ka Pinoy kapag hindi ka mahilig sa karaoke o videoke. Kaya naman perfect na Christmas date or any season for that matter ang videoke kahit pa sa bahay lang. Mas mataas ang tono, mas maganda. Keber sa nawawala sa tono o tyempo, ang importante ay give it your all. Just remember na wag solohin ang mikropono ha. Naku, away ‘yan. Konting beer at pulutan, solb na solb na ang date n’yo ni sweetheart.
Bisikleta at sightseeing outdoors
Malamig at presko ang simoy ng hangin habang papalapit ang Pasko. Kaya naman, kung malapit kayo sa QC Memorial Circle, Bonifacio Global City, o sa kung saan man na open grounds, try n’yo mag-bike for an hour. Enjoy the sights! Sa pagmamadali kasi natin sa araw-araw, baka ‘di na natin napapansin ang ating mga paligid at magandang chance ito para muling ma-appreciate ang outdoors. Okay na for dinner ang mga madadaanan na nagbebenta ng street food. Fresh air + fishballs + people watching = epic date night.
Bumisita sa mga Christmas attractions for free
Very festive ang paligid tuwing Pasko. Maraming must-see Christmas attractions ang pwedeng puntahan sa Metro Manila for free. Nandyan ang taunang pailaw sa Ayala Triangle sa Makati, Christmas on Display sa Greenhills, Giant Christmas Tree sa Araneta Center, Christmas Light Tunnel sa may Tiendesitas, at mga kumukuti-kutitap na bahay sa Policarpio street. Ilan lang ‘yan sa mga pasok sa tipid date ideas in Manila. Paminsan-minsan lang maka-libre kaya sulitin n’yo na. Pampaganda pa ‘yan ng Instagram feed n’yo.
Maging creative ka lang, malayo ang mararating ng budget mo. Wala lang naman kasi ito sa lugar o sa kakainin niyo, kundi sa buong experience. Wala ‘yan sa laki ng gastos, kundi nasa pagiging sincere at heartfelt ng bawat moment n’yo together.