Paskong Pinoy 101: Budget-Friendly Christmas Decor Ideas

Blog

March 19, 2021

budget-decor-ideas

Magpapasko na naman, mga suki! Malamang sa malamang, unti-unti na kayo bumibili ng mga kakailanganin n’yo para sa inyong Noche Buena. Sigurado rin na naguumpisa na tumambak ang mga regalo sa ilalim ng Christmas tree n’yo. At siyempre pa, hindi makukumpleto ang paskong pinoy kung hindi pa nakasabit ngayon pa lang ang inyong mga Parol, mga Christmas lights, at kung ano-ano pang Christmas decorations na lalong nagpapasaya sa ating Pasko.

Ano? Hindi pa kayo naguumpisa maglagay ng Christmas decorations sa bahay n’yo? Hay naku, mga suki, dapat by now mahihiya na si Santa Claus sa dami ng Christmas lights at Parol na kumukutitap sa labas ng bahay n’yo. Kung hindi ka pa nakakapaglagay ng mga decors at kulang ka sa budget, aba’y hindi problema ‘yan—marami namang nabibili na budget-friendly Christmas decorations sa mga palengke, tiangge, malls, at maging sa mga kalsada. Kung talagang ayaw mo talaga gumastos para sa mga palamuti at gusto mo lang ilaan ang pera mo para sa Noche Buena, pwede rin naman na gawin n’yo eto sa mga sarili n’yo. Ang kailangan n’yo lang ay maging malikhain. Heto at merong mga DIY Christmas decors na pwede mong gawin:

Christmas Decoration Ideas #1: Recycled Christmas Tree

Recycled Christmas tree

Gamit ang mga lumang dyaryo, mga kahon, lumang egg tray, maging ang mga lumang Palawan Express Pera Padala Remittance forms ay maaari ka na makagawa ng kahit maliit man o full sized na Christmas tree. Heto ay isa lang sa mga malikhaing DIY Christmas tree ideas na gawa sa mga recycled materials ang maaari mong gayahin:

Christmas Decoration Ideas #2: DIY Christmas Wreath

DIY Christmas wreath

Isa pa sa mga popular na Christmas décor hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ay ang Christmas wreath na madalas na sinasabit sa mga pintuan at bintana. Katulad din ng homemade recycled Christmas trees, pwede ka rin gumawa ng wreath gamit ang mga lumang dyaryo at iba pang gamit na gawa sa papel na nakatambak lang sa inyong bahay. Katulad na lamang nitong napakagandang Christmas wreath na ito na gawa sa lumang phonebook.

Christmas Decoration Ideas #3: DIY Christmas Ball Ornaments

DIY Christmas balls ornaments

Syempre kung may Christmas tree ka, meron ka rin dapat Christmas ball ornaments na isasabit mo dito. Hindi ka na kailangan pa gumastos nang malaki para sa mga popular na palamuti na’to. Ang kailangan mo lang ay ang mga sumusunod: Styrofoam ball , ribbon, crepe paper, gunting, glitters, glue gun, at karayom.

Christmas Decoration Ideas #4: DIY Sock Snowman

DIY sock snowman

Kung meron kang lumang medyas na nakatambak lang sa’yong aparador ay pwede gawin itong nakakatuwang snowman na ito. Ang kailangan mo lang ay lumang puting medyas (syempre, siguraduhin lang na malinis!), bigas o buhangin na ibubuhos sa loob ng medyas at gagamitin para ma-korte nang tama ang snowman, retaso o mga punit na tela (preferrably yung may matingkad na kulay o yung may makulay na pattern) na gagamitin bilang scarf, mga butones, at map pins para sa mga mata’t ilong. Simple lang naman gawin ‘to at kapag nagawa n’yo na, maaari n’yo na gamitin ito na pang-decorate sa pasimano ng mga bintana o kahit sa center table sa inyong sala.

Christmas Decoration Ideas #5: DIY Advent Calendar

DIY advent calendar

Para sa ating mga Pinoy, ang kapaskuhan ay nagsisimula pagpasok pa lang ng “ber” months. Aba’y apat na buwan din ang hihintayin natin para sa pagdating ng pinaka-araw ng pasko. Kaya’t para lalong ma-excite ang mga chikiting sa inyong bahay, gumawa ng homemade advent calendar para ma-countdown niyong pamilya ang pagdating ng Pasko.

Christmas Decoration Ideas #6: Gift Pillows

Gift pillows

Para magmukhang regalo ang mga throw pillows natin sa sofa sa sala, palitan lang ito ng kulay pulang o green na pillow case at lagyan ng ribbon na kulay green (kung pula ang pillow case) o pula (kung green ang pillow case. Pwedde din naman magkapareho ang hulay ng pillow case at ribbon, depende sa’yo kung ano gusto mo. Sobrang simple lang, ‘di ba?

Christmas Decoration Ideas #7: DIY Parol

DIY parol

Kumpleto ba naman ang Pasko kung walang Parol na nakasabit sa bahay natin? Madali lang gumawa nito. Ang kailangan mo lamang ay mga patpat na  gawa sa kawayan, cellophane o papel de hapon, glue, rubber bands, at gunting. Kung hindi ikaw yung “handyman” type, pwede rin naman magpatulong sa mga kamaganak o kaibigan na may kakayanang gumawa nito. Syempre, depende sa’yo kung gaano ka-garbo o kasimple ang parol na gagawin mo.

Christmas Decoration Ideas #8: Christmas Candy Jars

Christmas candy jars

Para mas mukhang masagana at masaya ang Pasko n’yo sa inyong tahanan, gumawa ng Christmas candy jars na pwede ipang-decorate sa inyong sala. Ang kailangan n’yo lamang ay mga lumang garapon na hindi n’yo na ginagamit, ribbon na iba’t iba ang kulay, at samu’t saring candies na nabibili lang sa sari-sari store. Punuin n’yo lang ng makukulay na candies ang mga garapon, lagyan ng palamuti gamit ang mga ribbons, at voila—meron ka ng Christmas candy jars!

Christmas Decoration Ideas #9: DIY Belen in a Jar

DIY Belen in a jar

Ang belen o nativity scene ang isa sa mga pinaka-paborito nating dekorasyon tuwing Pasko. Makikita natin ‘to kung saan-saan—mula sa mga bahay hanggang sa mga harapan ng mga simbahan tuwing kapaskuhan. May makikita ka ring belen na gawa sa kung anu-anong materials at meron iba’t ibang hugis at laki. Katulad na lamang nitong malikhaing interpretasyon ng paborito nating belen na kayang-kaya nating gawin sa ating mga sariling tahanan. Gumuhit at gupitin lang sa papel ang mga hugis ng mga pangunahing karakter at setting sa nativity scene katulad nila Joseph, Mary, at syempre ang sabsaban kung saan pinanganak ang Panginoon. Idikit ang mga ito sa mga garapon at lagyan ng kandila sa loob at sindihan at may instant belen ka na.

Christmas Decoration Ideas #10: DIY Christmas Tree Star Topper

DIY Christmas tree star topper

And last but not least, pwede tayong gumawa ng sarili nating Christmas tree star topper. Para may personal touch at kakaiba, bakit hindi mo subukang gumawa katulad ng nasa larawan sa baba. Kailangan mo lamang ng isang Styrofoam ball, barbecue sticks, PVC pipe na may habang 3 pulgada, glue, at metallic gold (o kung ano man ang nais mong kulay) na spray paint.

Kita n’yo na, mga suki? Madali lang naman gumawa ng paraan para pagandahin ang ating mga tahanan ngayong kapaskuhan. At ‘di na kailangan pa bumili ng mga mamahalin at magagarbong decorations para gawin ito. At ang maganda pa dito, hindi lang kayo mas makakamura sa pagpapaganda ng bahay n’yo, pwede n’yo pang gawing family bonding itong paggawa ng mga easy DIY Christmas decorations na ito. 

At kung may kailangang ipadalang pera sa mga mahal sa buhay saan man sa bansa, ang Palawan Express Padala ay may branches nationwide. Alamin lamang ang mga detalye patungkol sa how to send and receive money, at ang contact number ng branch nearest you sa website. Kaya’t para walang hassle sa pagpapadala ngayong Pasko, sa Palawan Pawnshop ka na.

Share: