Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Meron ka bang #TravelGoals? Siguro may listahan ka ng mga lugar na pinapangarap mong puntahan. Siguro inalam mo na rin kung ano ang masarap kainin sa mga lugar na ‘yun. Malamang din na-praktis mo na ang no-look at kunwari candid na pose para sa iyong Instagram feed.
Pero hindi lang dapat d’yan natatapos ang travel goals mo! Kapag nagbabakasyon ka, dapat meron ka ring goals para ikaw ay maging certified #ResponsibleTraveler. Kahit sa mga simpleng paraan, ipakita mo na may care ka for mother nature. Nakita mo naman siguro ang nangyari sa Boracay, ‘di ba? Ayaw na nating mangyari pa ‘yan sa ibang beaches natin, lalo na at #Blessed tayo sa mga pinakamagandang beaches sa buong mundo. Sa Palawan pa nga lang , sure na solb ka na.
Kaya paano nga ba mag-travel with care?
Plastik na hindi walastik
Tanong: Mahirap bang magdala ng sarili mong bote ng tubig? Hindi naman, ‘di ba? Isa sa mga paraan para maging environment-friendly ang inyong bakasyon ay magdala ng reusable water bottles. Madami namang lugar na pwedeng mag-refill. Bawas gastos na rin dahil instant makakatipid ka ng bente pesos dahil may dala ka ng sarili mong tubig.
Pwede mo rin namang gamitin ang water containers na ito kapag bibili ng soft drinks o iba pang inumin. Imbis na sa plastic cup, idiretso na lang sa container mo. Huwag na ring gumamit ng straw. Tanggihan na rin ang plastic spoon, fork, at pati stirrer. Meron namang totoong utensils na pwedeng gamitin.
Throw that trash away, okay?
Napakasimple nito pero napakarami pa ring hindi marunong sumunod. Isa sa pinakamadaling responsible travel tips ay ang itapon mo nang maayos ang sarili mong basura. Kung may mga bitbit kang chichirya, huwag mong iwan sa mesa o itapon sa kalsada. Humanap ng basurahan at i-dispose ito nang maayos. Kung wala namang basurahan, ilagay mo muna sa iyong bag o bulsa at sa makikitang basurahan na lang itapon.
Huwag gambalain ang kapaligiran
Isa pa sa mga paraan para maging responsible traveler ay ang hindi paggambala sa kapaligiran. Iwasan na guluhin ang mga hayop sa kapaligiran lalo na pag ipinagbabawal ng lugar. O kaya naman pag nasa beach, iwasan ang pagtapak sa mga corals o pagpitas sa mga bulaklak sa paligid.
Mga simpleng guidelines lamang ito para ma-enjoy ng lahat ang kanilang bakasyon. Ika nga: Leave nothing but footprints, take nothing but pictures, and kill nothing but time.
Piliin ang walk, walk, walk mantra
Maraming isla sa Pilipinas na masarap libutin, halimbawa na lang ang Coron, Palawan. Kapag nasa munisipalidad na kayo, kaya niyong pumunta sa palengke o restaurants nang naglalakad lang dahil halos lahat naman magkakadikit. Huwag nang mag-tricycle o kaya jeep.
Sa Baguio, pwede ka namang pumunta sa SM mula sa Mines View Park na naglalakad lang kaya iwasan na rin ang pagsakay sa taxi. Sa mga lugar na pwedeng gumala gamit ang bike, subukan na wag nang magdala ng kotse. Para mabawasan ang air pollution sa kalikasan. Nakatulong ka na sa environment, healthy living ka pa! Oh ‘di ba!
Maging matipid sa tubig at kuryente kahit sa bakasyon
Kung gusto mo ring maging responsible traveler, subukan na hindi i-max out ang pagpapalit ng bed sheets, tuwalya, o ang paggamit ng kuryente at tubig sa iyong hotel. Malaking konsumo sa tubig ang pagpapalit ng bed sheets at pagpuno sa bathtub ng tubig. Iwasan din na iwanang nakabukas ang aircon o t.v. ng hotel pag nasa labas ka naman buong araw.
Go ka na sa eco-hotels
Bago mag-book ng hotel, isipin din ang carbon footprint ng mga ito. Kadalasan, kapag mas maraming star, mas mataas ang konsumo. Kaya sa susunod na biyahe mo, tignan din ang mga maliliit na hotel na mababa ang carbon footprint at tangkilikin ang mga ito. Halimbawa, pwede mong i-consider ang mga kubo-style na accommodation na may magandang ventilation para naman tipid sa aircon. Alamin din kung aling hotels ang sumusuporta sa local businesses gaya ng pagkuha ng mga bangkero o tour guide sa local communities, o yung mga gumagamit ng mga sangkap mula sa local suppliers.
Tikman ang lokal
Ang sabi nga nila: When in Rome, eat as Romans eat. In short, #EatLocal kapag nagta-travel. Isipin niyo na lang ang mga sosyal na coffee shop at fast food chains, milya-milya pa ang pinanggalingan ng mga sangkap nila. Malaki ang konsumo para lang sa isang meal. Kaya doon ka na lang sa simple na, authentic pa. Ang maganda dito, nakatulong ka pa sa local communities sa lugar na binisita mo.
Carpool o commute
Kung may biyahe naman ng bus sa pupuntahan niyo, mas makakatulong kay Mother Nature kung mag-commute ka na lang. Siyempre, iba ang comfort kapag may sariling sasakyan pero isipin niyo lang menos sa gas yun at toll na rin! Wala pang mapapagod sa pagmamaneho kasi lahat kayo pasahero lang.
Kung marami naman kayo at mas praktikal na magdala ng sariling sasakyan, planuhin ang dadaanan n’yo para ‘di sayang sa gasoline. Mag-carpool na lang din kaysa hiwa-hiwalay pa. Instant road trip na rin na may jamming pa kasama ang barkada.
Maging wais sa tour packages
May mga tour activities na hindi aprub ang environmental at wildlife activists. Gaya na lamang ng mga dolphin na nagpe-perform, pagsakay sa elepante, o kaya naman pagkuha ng litrato kasama ang mga whale shark. Makakabuti na magbasa-basa tungkol sa tamang pag-trato sa mga wildlife at captive animals. Makakabuti rin na kumuha ng local guide na sadyang may malasakit sa kanilang komunidad.
Maging wais buyer
Natural na sa atin na bumili ng souvenir kapag bumibisita sa isang lugar. Siyempre kailangan may remembrance. Pero maging mapanuri pa rin at siguraduhin na ang mga souvenir ay hindi nakakasama sa kapaligiran gaya ng pagkuha ng shells o perlas.
Masarap mag-travel lalo kapag with care. Tandaan na kung hindi natin aalagaan ang mga tourist spots natin, wala nang aabutan pa at ma-e-enjoy ang mga darating na henerasyon.