I-Celebrate Ang Araw Ng Kalayaan Sa Panahon Ng New Normal

Blog

March 19, 2021

celebrate-independence

Kumusta na sa “new normal”, Suki? Dahil limitado ang mga activities sa panahon na ito, kailangang maging creative sa pag-celebrate ng mga importanteng okasyon. Kahit hindi ka makapagdiwang kasama ang iyong mga kamag-anak, kaibigan at klasmeyts, may mga masasayang pamamaraan ng mag-celebrate ngayong may coronavirus pandemic.

Ipagdiwang ang araw ng kalayaan ng Pilipinas sa darating na June 12. Matapos ang higit 300 taon, natamasa rin ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa pananakop ng mga Kastila. Ang araw ng kalayaan ay isang pagbabalik-tanaw sa mahabang pakikibaka ng mga Pilipino para sa kasarinlan. Isa rin itong pagpupugay sa hindi matatawarang sakripisyo ng ating mga ninuno para sa kalayaan na ating tinatamasa ngayon.

Hindi kailangan ng magarbo salu-salo o maingay na selebrasyon. Ang importante ay maisapuso ang kahalagahan ng June 12 sa bawat Pilipino.

Narito ang iba\'t ibang paraan para i-celebrate ang Independence Day:

1. DIY Flag Making at isabit sa bahay

philippine-flagPhoto Courtesy of Krisia Vinzon via Pexels

A national flag is an essential symbol of sovereignty. Ito ang nagsisilbing mukha ng isang bansa sa global community. Dahil sa halaga nito, may batas para sa pagpapanatili ng integridad ng ating watawat (Republic Act No. 8491 or the Flag and Heraldic Code of the Philippines).

Ipagbunyi ang araw ng kalayaan with a fun family activity: Do-It-Yourself Flag Making. Gumamit ng colored papers, tela o kahit anong materyales na mayroon sa bahay. Get creative, mga suki! Siguraduhin na tama ang paggawa ng flag; blue sa taas, red sa baba, ang araw sa gitna, at ang tatlong bituin sa kada-corner ng triangle.

Para maging mas makabuluhan ito kasama ang mga chikiting, turuan o i-explain sa kanila ang importansya ng watawat at kung bakit ganon ang mga kulay at simbolo nito. Pagkatapos, isabit ito sa bahay (mas mainam sa lugar na makikita rin ng iyong mga kapitbahay tulad sa gate o pinto) bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng June 12.

2. Magluto ng ng paboritong putahe

kare-karePhoto Courtesy of Jonathan Valencia via Pixabay

Hinding-hindi mawawala ang pagkain sa ating kultura, suki! Kung gusto mo mas makilala at ma-appreciate ang Pilipinas, kailangan mo magluto at kumain ng Pinoy favorites.

Birthday man ‘yan o simpleng pagsasama sa bahay, hindi mawawala ang kainan saan mang parte ng bansa. Sa darating na Araw ng Kalayaan, maaari ka pa ring maghanda. Hindi kailangang magluto ng pang-fiesta. Sapat na ang ilang putahe ng karne o gulay para sa buong pamilya.

I-celebrate ang araw ng kalayaan at ang kulturang Pilipino sa pagluto ng mga lokal at tradisyonal na Filipino dishes. Pinakbet, dinengdeng, laing, sinigang, kare-kare o kahit tapsilog at adobo. Isama mo na rin ang mga Pinoy meryenda staples na biko, palitaw, suma, halu-halo at ginataan.

3. Gumawa ng mga Philippine-inspired art pieces

art-art-materials-artistic-arts-and-craftsPhoto Courtesy of JTMultimidia via Pexels

Dahil limitado ang paggalaw at paglabas ngayong may pandemic, mukhang matatagalan pa bago ka muling makakapamasyal sa ibang parte ng Pilipinas. Isantabi na muna ang mga road trips with your family and barkada. Ika nga, “stay at home today, so you could travel tomorrow.”

Sa June 12, i-celebrate ang napakagandang Pilipinas sa pamamagitan ng art activities. Mag-drawing o mag-paint ng iyong mga paboritong historical landmarks o kaya’y mga lugar na gustong-gusto niyo puntahan [agkatapos ng pandemic na ito.

Kung magaling kayo mag-drawing, edi mag-drawing! Mahilig ka bang mag-cross stitch? Pwede niyo itahi ang Banawe Rice Terraces o Chocolate Hills. Kung ano mang hilig niyo na art activity, subukan itong tipid at bucket-list-type na Indepence day activity.

4. Manood ng mga lokal films

popcorn-serving-in-white-ceramic-bowlPhoto Courtesy of Felipe Cardoso via Pexels

Ang mga pelikula ay isang uri ng art na nakakapagturo sa atin ng iba’t ibang aral tungkol sa past, present, at kahit sa future. Sa Araw ng Kalayaan, balikan ang kasaysayan ng Pilipinas. Manood ng mga epic o historical movies tulad ng:

  • Goyo: Ang Batang Heneral (2018)
  • Heneral Luna (2015)
  • El Presidente (2012)
  • Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (2004)
  • Dekada \'70 (2002)
  • Bayaning 3rd World (1999)
  • Jose Rizal (1998)
  • Oro, Plata, Mata (1982)

Kung gusto mo naman ng break sa mga seryosong pelikula, maari ka rin namang manood ng iba’t ibang lokal na pelikula na proud to be Pinoy! Maari kang mag-subscribe sa iWantTV, iFlix, o kaya naman ay abangan ang mga nakapilang palabas sa iyong tv provider.

5. Maglaro ng Independence Day Quiz Bee

analysis-blackboard-board-bubblePhoto Courtesy of Pixabay via Pexels

Bago nagkaroon ng COVID-19 pandemic, maraming mga busy na magulang ang halos wala nang panahon para sa kanilang mga anak. Nakatuon ang kanilng pansin sa paghahanapbuhay at pagtatrabaho sa bahay. Minsan, may panahon for weekend family activities, minsan wala.

Ngayong madalas na tayo sa bahay, aliwin ang buong pamilya with fun indoor games. Maglaro ng Independence Day Quiz Bee! Bukod sa masayang activity ito, mahahasa pa inyong kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas. Maari niyong gamiting ang mga sources na ito para sa mga tanong:

Pwede ring sumali ang mga kamag-anak at kaibigan sa ibang lugar sa pamamagitan ng video conferencing. Mag-Zoom o Facebook Video Chat na, Suki!

6. Rumampa sa Costume Competition

statuePhoto Courtesy of queenkuneho via Pixabay

Paano gagawing masaya ang araw ng kalayaan na hindi kailangang gumastos nang malaki? Have a Costume Competition at home! Gayahin ang kasuotan ng mga katipunero, ang mga ilustradong miyembro ng La Liga Filipina, o ang mga magigiting na heneral na lumaban sa mga Kastila.

Pwede ring rumampa bilang mga karakter sa literaturang Pilipino tulad nila Maria Clara, Juan Tamad, Prinsesa Leonora (Ibong Adarna), Aladin at Flerida (Florante at Laura), o si Crisostomo Ibarra.

Invite family and friends in other places to join! Pwedeng dalhin sa TikTok ang kompetisyon kung saan ang may may pinakamaraming boto ang mananalo.

7. Disconnect from the Internet and read a book

woman-reading-a-book-beside-the-windowPhoto Courtesy of Rahul Shah via Pexels

Bawasan ang paggamit ng social media at paglalaro ng online games. Hindi makakabuti sa kalusugan ang mahabang oras sa harap ng laptop, tablet o smartphone screen. Ugaliing mag-disconnect nang ilang oras sa isang maghapon. Mas maige na magkaroon ng isang araw na Internet and gadget-free.

Sa June 12, i-celebrate ng literaturang Pilipino. Balikan ang fictional worlds ng Noli Me Tangere (Jose Rizal), Mga Ibong Mandaragit (Amado V. Hernandez), Rosales Saga (F. Sionil Jose), at The Woman Who Had Two Navels (1961). Hindi lang naman mga classic ang pwede, kahit ang kwento ni Bob Ong, Eros Atalia, at mga lumang komiks ay pwede basahin para mag-unwind at magdagdag kaalaman.

8. Donate to a charity of your choice

woman-in-yellow-protective-suit-wearing-white-face-maskPhoto Courtesy of CDC via Pexels

Ang Independence Day ay hindi lamang para sa mga magigiting nating mga ninuno na lumaban para sa ating kasarinlan. Para din ito sa mga modern day heroes na nagsasabuhay ng kagitingan ng isang Pilipino. Kabilang sa mga bayaning ito ang mga frontliners ng COVID-19 pandemic. Bigyang pugay ang mga doktor, nars, medical technicians, radiologists, janitors, cooks, basurero, sekyu, despachadora, etc.

Sa araw ng kalayaan, magbigay suporta sa charity na tumutulong sa mga frontliners. Maaring magdonate ng cash, pagkain o kahit ano mang maaaring makatulong sa kanila.

I-celebrate araw ng kalayaan kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan. Gumagawa ng crafts (DIY flag), magluto ng mga paboritong putahe at manood ng historical movies. Pwede ring lagyan ng fiesta-themed decoration ang iyong bahay para sa isang celebratory ambiance.

Share: