Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Mahal ang magmahal ngayon—ibang-iba sa panahon noon. Dati, namimitas lang ng bulaklak sa tabi-tabi ang mga lolo natin para suyuin ang iniirog nila. Ngayon, naglalakihang bouquet at lobo ang kadalasang nire-regalo lalo na tuwing Valentine's Day.
Kung hindi ganyan ang style mo, malamang simpleng Valentine's celebration ang trip mo. Kapos ka siguro sa budget. O nag-iipon kayo para sa kasal o sa magiging baby ninyo. Good job sa pagiging wais sa pera, mga momshie at papshie!
Narito ang ilang cheap date ideas para sa Araw ng mga Puso na pupusuan ng mga praktikal na mag-jowa.
1. Manood ng sine… sa bahay
Hindi ba mas masarap magrelax sa bahay habang nagmu-movie night at kaakbay si misis kaysa makipagsiksikan sa bus o MRT para lang manood ng sine sa mall? Pwede niyo pang isama ang alaga niyong aso sa movie marathon ninyo. #TeamBahay for the win!
Tip: Siguraduhing nababayaran bago mag-due date ang inyong cable TV bill. May Bills Payment service ang Palawan Pawnshop para lagi kayong on time sa pagbabayad ng bills. Tuluy-tuloy ang serbisyo ng cable niyo at walang patid ang movie date with your special someone.
2. Mag-HHWW habang nagfi-field trip sa Maynila
Polusyon, maruming kalye, magulo—yan ang Maynila para sa karamihan ng mga Pinoy. Pero alam niyo bang maraming nakatagong romantic na mga lugar sa siyudad na ito? Ilan sa mga ito ay pwedeng pasyalan ng mga nagde-date on a budget.
Mag-holding hands while walking with your special someone sa Escolta, Intramuros, Paco Park, at Luneta. Mag-food trip na rin sa oldest Chinatown sa Binondo! At bago magtapos ang araw, bisitahin ang Manila Bay at panuorin ang amazing sunset doon. Napakaraming memories sa isang buong araw pero wala masyadong gastos!
Tip: Mag-ingat sa mga snatcher at holdaper, lalo na sa Avenida at Recto. Magdala lang ng sapat na pera para sa inyong date at pamasahe.
3. Gawing Araw ng mga Pusa ang Araw ng mga Puso
Kung kakaibang experience ang habol ninyo at in love kayo sa mga pusa, spend your Valentine's Day sa isang cat cafe! Makipaglaro, bonding, at piktyuran sa mga cute na miming sa loob ng isang oras sa halagang hindi tataas sa Php 200. May libre pa kayong drinks!
Kung mas bet ninyo ang mga aso, may mga dog cafe din kayong mabibisita sa Metro Manila.
Tip: Sa ilang pet cafes, kailangan ng online reservation bago makabisita. Also, wag masyadong gigil sa paghawak sa mga pusa kung ayaw niyong umuwing maraming kalmot sa mukha.
4. Magpakabusog sa iba’t-ibang street food
Para naman sa nag-eenjoy kumain pero allergic sa paggastos, isa sa mga patok na Valentine's date ideas ay kumain ng iba't-ibang street food. Matatagpuan ang mga pinakasikat na street food stalls sa mga unibersidad gaya ng UP Diliman, UST, at FEU. Meron ding mga masasarap na street food sa Maginhawa sa Quezon City at Kapitolyo sa Pasig.
Tip: Hinay-hinay lang sa pagkain ng street food para hindi magloko ang tiyan. Ang pagkain ay parang pag-ibig din: nakakasama ang anumang sobra.
5. Bumirit sa videoke buong gabi
Mahilig ba kumanta ang special someone mo? Mag-eenjoy kayong pareho sa isang videoke bar na limang piso lang ang singil kada kanta. Unli birit from one to sawa!
Tip: Kung medyo palyado ka sa kantahan, daanin mo na lang sa sayaw o rampa. "Funny is the new pogi" na ang uso ngayon. Kaya show your moves, kuya!
6. Mag-moment with Mother Nature
Walang tatalo sa moment na kapiling mo ang mahal mo at solo ninyo ang isa't-isa. Yung feeling na walang iba kundi kayong dalawa lang sa mundo. Yihee!
Maraming perfect na lugar para sa ganyang moment. Sa Valentine's weekend, tumambay sa Sunken Garden sa UP at maglakad sa Oval habang nagkukuwentuhan at kumakain ng fishballs at kwek-kwek. Walang entrance fee dito kaya sulit na sulit ang date with your sweetheart.
Kung medyo adventurous at nature lovers din kayo, mag-eenjoy kayo sa La Mesa Eco Park sa QC. Mura lang ang entrance fee na Php 50. Pwedeng magpicnic, hiking, wall climbing, ziplining, at marami pang ibang activities kung may extra budget ka.
Tip: Mag-isip ng mga gimik para pataasin ang kilig factor at mas exciting ang inyong Valentine's Day nature tripping. Halimbawa, mag-fast talk ala-Tito Boy kayo na mabilis na batuhan ng mga tanong na sasagutin ng partner mo ("Sexiest part of my body?" "Kung ulam ako, ano ako?" “Ano ang paborito mong ginagawa ko?”).
7. Mag-cooking o baking showdown
Malaki ang nagagawa ng kahit mga simpleng gawain (tulad ng pagluluto) sa pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan. Agree? Pwes, ihanda ang mga sangkap at magtulungan kayong magluto para sa inyong Valentine’s candle-lit dinner sa bahay.
Tip: Para mas masaya ang bonding ninyo sa kusina, gawin ninyo itong parang kompetisyon. Maghanap ng bagong recipe na susubukan ninyong lutuin nang sabay. Ang matatalo ay ang paghuhugasin ng pinggan after dinner!
8. Spread the love!
Masarap sa pakiramdam yung marami kang taong napapasaya, hindi ba? Para sa isang makabuluhang Valentine's date, sumali kayo ng partner mo sa isang volunteer outreach activity. Nakatipid ka na, nakatulong ka pa!
Pwede kayong maging ate at kuya ng mga bata. I-share ninyo ang talent ninyo. O tumulong kayo sa mga coastal cleanup activities para mapangalagaan ang kalikasan. O kaya naman mag-volunteer sa tree-planting o mangrove-planting activities gaya ng “Love Affair with Nature” na ginaganap tuwing Valentine’s day sa Puerto Prinsesa City. Marami kayong experience at memories na babaunin pag-uwi.
Walang katapat na presyo ang pagmamahal. Ang importante, enjoy kayong magkasama ng special someone mo sa Araw ng mga Puso. Sa halip na gumastos nang malaki ngayong Valentine's Day, oras at effort na lang ang gastusin ninyo.