-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
13 Wais Online Shopping Tips For Your Christmas Shopping Sesh
May 10, 2021
Isa sa pinaka-exciting Christmas activities para sa mga Pinoy ang Christmas shopping. Pero sa gitna ng isang pandemic, hindi na natin magagawa ang nakasanayan nating shopping habits. Dahil sa banta ng COVID-19, mas ligtas ang mamili online kaysa sa mga mall.
Liban pa sa pag-iwas sa virus, maaari ka pang makatipid sa pamimili online. Kung newbie ka sa online shopping, huwag ka mag-alala, Suki!
Narito ang ilang online shopping tips and tricks para maiwasang mapagastos nang sobra ngayong Pasko.
Wais online shopping tips and tricks para hindi mabudol.
Dahil sa accessibility ng online shopping apps, napakadaling mag-unli “add to cart”. Magugulat ka na lang sa pag-check out na libu-libo na pala ang kailangan mong bayaran! With these tips, we’ll teach you how to save money while shopping online – kahit pa marami kang kailangan bilhin dahil napakahaba ng listahan ng reregaluhan.
1. Mag-set ng saktong budget.
Photo courtesy of Karolina Grabowska via Pexels
To save money sa mga app na ito, kailangan bago ka mag-order ay may game plan ka na. Mainam na magtakda ng striktong halaga ng pera na pwedeng gastusin bago mamili. Makakatulong ‘to na limitahan ang ‘yong shopping spree para ‘di ka sumobra at magulantang ‘pag magbabayaran na.
2. Kumpletuhin ng shopping list.
Photo courtesy of Cathryn Lavery via Unsplash
Laking tulong din ang paggawa ng shopping list ng Christmas gift ideas mo. I-lista at i-organize ang pinaplanong bilhin para sa mga kaibiga’t pamilya. I-grupo ang mga item na maaaring mabili sa iisang online shop para hindi na kakailanganing makipagtransaksyon sa maraming store. Makakatipid para sa’yo ang bumili sa iisang shop para mamaximize ang purchase discounts nila.
3. Mag-canvass ng mga seller at product.
Photo courtesy of Brooke Lark via Unsplash
Speaking of online stores, maraming shop sa Lazada o Shopee na pare-parehas ng mga binebenta – pero magkakaiba ang presyo. Huwag bumili sa unang shop na makikita. Suriing mabuti ang listahan ng shops at tignan kung mayroong nagbebenta sa mas mababang presyo.
4. Siguraduhing legit at trustworthy ang seller.
Photo courtesy of Sergey Zolkin via Unsplash
Hep hep hep! Nakahanap ka nga ng online store na mura kung magbenta pero baka modus naman ‘yan, suki! Bago magcheck out o magbayad, tignan ang mga customer review o magresearch tungkol sa nasabing shop. Marami nang iba’t-ibang uri ng scam ngayon, lalo na sa mga online store na nagbebenta ng peke o sirang item kaya kailangan mag-ingat!
5. Gumamit ng price tracker or notifications.
Photo courtesy of Afif Kusuma via Unsplash
Nakakita ka na ba ng perfect Christmas gift pero masyado pang mahal ang presyo? Kung inaasahan mong bababa ang halaga nito sa mga susunod na buwan, mag-install ka ng price tracker extension sa’yong browser para ma-notify ka kapag may discount o sale sa item na gusto mo.
6. Burahin ang browser history at cookies.
Photo courtesy of Burst via Pexels
Kapag nakikita ng ‘yong browser na nagsesearch ka ng isang specific na produkto, ang ipapakita n’ya sa’yong mga presyo ay mas tataas dahil alam n’yang gusto mong bumili nito. Para maiwasang ma-modus ng sarili mong device, burahin ang ‘yong browser history o cookies o kaya nama’y magsearch gamit ang Incognito mode para hindi matrack ang ‘yong activity.
7. Alamin kung aling MOP (mode of payment) ang pinakamatipid.
Photo courtesy of Mika Baumeister via Unsplash
Kahit saang online shop ka bumili, marami nang puwedeng MOP. Pero hindi lahat ay magkakaparehas ng presyo dahil maaaring may kakabit ng service fees. Bago magbayad, suriin muna ang mga additional fees na maaaring singilin. Baka imbis na makatipid ka’y mas lumaki ang gastos ‘pag basta-basta ka magbayad.
8. I-take advantage ang rewards para sa credit or debit card.
Photo courtesy of cottonbro via Pexels
Maraming bangko ang nagbibigay ng points o rewards sa madalas gumamit ng mga card nila. Magagamit ang mga points na ‘to para makadiscount sa iba pang item o service. Pero hindi pareparehas ang reward kada card kaya suriing mabuti kung anu-anong card ang pinakasulit gamitin sa online shopping.
9. Subaybayan ang mga sale at discount.
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Habang papalapit ang holidays, dumadami ang online stores na nagse-sale o namimigay ng discount. Madalas ding buong shopping site ang nagsasagawa ng malakihang sale, gaya ng 10.10 or 11.11 sales ng Lazada o Shopee. Markahan ang ‘yong kalendaryo at abangan ang mga araw na ‘to to save money in online shopping!
10. Sulitin ang cashback system.
Photo courtesy of Negative Space via Pexels
Isang paandar ng online shopping sites ang cashback, kung saan sa pagbili mo ng item ay puwedeng mabawasan ang presyo kung gagamit ka ng cashback voucher.
Puwede ka ring gumamit ng ShopBack app, kung saan puwede kang makatanggap ng ilang porsyento ng ‘yong binayaran sa isang partner store ng app. Halimbawa, nagbayad ka ng PhP 200 sa isang shop na may 10% cashback rate; ibig sabihin ay makakatanggap ka ng PhP 20 pagkatapos mong magbayad.
11. I-maximize ang free shipping.
Photo courtesy of Dan Dennis via Unsplash
Kasama sa site-wide sales at in-store offers ang free shipping vouchers. Sa katunayan, ang pagmaximize sa mga ‘to ang isa sa pinaka-importanteng online shopping tips and tricks.
Huwag maliitin ang mga free shipping vouchers dahil kung minsan mas mahal pa ang shipping fee kaysa sa binili mong item. Kaya maganda ring bumili ng maraming item sa isang store, para masulit ang free shipping vouchers sa mga transaksyong ‘yon.
12. Gamitin ang mga member or follower voucher.
Photo courtesy of Sincerely Media via Unsplash
Liban pa sa cashback at free shipping, mayroon ding mga special discount vouchers na maaaring makuha kapag nagfollow ka ng isang store o kaya naging bagong member ng online site. Malaki-laki rin ang nakukuhang discount sa gantong paraan kaya naman ang ibang online shopper ay ‘di na nagsawang gumawa paulit-ulit ng bagong account para masulit ‘to.
13. Humirit nang “Last price na po ba?”
Photo courtesy of Christian Wiediger via Unsplash
Kung bibili ka naman sa Facebook Marketplace o Carousell, huwag kalimutang magtanong kung anong pinakamababang presyo ang tatanggapin ni seller. Kung hindi nakaspecify sa post nila na no bargaining, huwag mahiyang humingi ng tawad. Lahat naman madadaan sa maayos na usapan, pati ang online shopping!
Strategy is everything, suki!
Para sa iilan, simple lang ang online shopping. Search, add to cart, check out. Pero para sa nagtitipid, isa itong strategy game na nangangailangan ng plano at diskarte para makatipid.
Kumpara sa nakaraang taon, tumaas ang bilang ng mga taong umaasa sa online shopping dahil sa COVID-19 pandemic. Asahang marami kang magiging kakumpetensya sa paghanap ng pinakamagagandang deal – lalo na sa paglapit ng Pasko. Pero don’t give up, suki! Sa lawak ng Internet, makakahanap at makakahanap ka rin ng deal na swak sa budget
Nakakatempt nga namang gumastos nang malaki ngayong Pasko bilang reward sa sarili sa pagsurvive ng 2020 – pero mas mainam na ilaan ang pera sa mas importanteng bagay gaya ng emergency or medical funds. Puwede ring magtabi ng pera para magdonate ng kahit kaunting halaga sa nangangailangan para mapasaya ang kanilang Pasko.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024