8 Tips Para Safe Ang Iyong Online Shopping This Christmas

Blog

May 12, 2021

online-christmas-shopping-safety-tips

Kahit anong hilig mo mag-shopping, bibigay ka sa traffic at siksikan tuwing holiday rush. Pila pa lang sa cashier at gift wrapping, naku tignan natin kung maging merry pa rin ang Christmas mo. Kaya naman tuwing sasapit ang Pasko, bentang benta ang online shopping lalo na sa mga millennials, busy professionals, busy moms, at mga taong galit sa hassle.

May catch nga lang d’yan. Una, sa picture mo lang nakikita ang bibilhin mo. Pangalawa may kaakibat na risk lalo na pagdating sa safety. Kaya naman it is important to know on how to stay safe when shopping online. Dito kasi kadalasan, bayad muna bago deliver. Bukod pa d’yan ang risk sa pagbibigay ng personal details at account o card details.

Pero don’t you worry dahil lahat naman ‘yan may solusyon. Basta maingat at wais ka, kering- keri mo ang online shopping.

Do it in private --- huwag sa public Wi-Fi, beshie!

Online shopping safety tips

Kung may pera ka na pang-shopping online, siguro naman afford mo ang private data or Wi-Fi. Hindi kasi secure ang public Wi-Fi na usually ay free para sa lahat ng customers sa isang mall o coffee shop. Huwag din gumamit ng public computer dahil hindi mo alam kung sino pa ang may access doon. Kaya ang rule: shop at home.  Mas komportable ka na, mas ligtas ka pa.

Doon ka sa tried and tested

buy from trusted online shopping sites

Maraming online sellers at online shopping websites na nagsusulputan. Dapat maging choosy ka. Kung may nasubukan ka nang online store dati at maganda ang naging experience mo, mas maigi kung doon ka na lang ulit bibili. Kung may kaibigan ka na nagbebenta online, okay din yun dahil at least kilala mo na at nakatulong ka pa sa negosyo niya. Kung first time mo naman sa isang shopping website, mag-research ka at magbasa ng reviews tungkol dito.

Secure logins, create strong password

secure logins

Ikaw ba yung tipong 123456 o ‘di kaya’y birthday ang ginagamit na password? Naku! Mahirap ‘yan, suki! Isa sa mga important online shopping safety tips na dapat mong isapuso ay ang pagkakaroon ng iba-ibang passwords para sa iba-ibang shopping accounts. Kapag kasi na-hack ang isa mong account, iyan din ang gagamitin ng cyber criminals para pasukin ang iba mo pang shopping accounts. And remember, pahirapan mo naman nang konti ang password mo. Suggestion: isang buong sentence tungkol sa mga gusto mo. Halimbawa “I love Brad Pitt.”

Importante rin na strong ang login mo sa mga shopping websites. Make sure na gagamit ka ng mga authentication tools na available gaya ng one-time code, fingerprint, at security keys. Ang username at password ay hindi sapat para tiyakin ang security ng account mo.

Hanapin ang “padlock”

visit secured websites

Paano mo malalaman kung secure ang website? Doon ka sa HTTPS at hindi HTTP. Ano ibig sabihin ng HTTPS? Hyper Text Transfer Protocol Secure. O ‘di ba? S stands for Secure! Isa itong online safety protocol that encrypts information para mapanatiling protektado ang mga data mo. Ang symbol niyan ay “padlock” kaya pag wala ito sa URL, magduda ka na.

No giveaways please, huwag basta magbigay ng impormasyon

Iwasan din na magbigay ng too much information, beshie! Iyon bang tipong mas marami pang nasabi kaysa sa hinihinging impormasyon. Halimbawa, sa bawat transaction, kapag hindi naman required field, hayaan mo na. Maging maingat din sa mga pinasasagutan sa’yo. Mother’s maiden name? Number of children? Gross monthly income? Aba, teka lang. Kailangan ba talaga ‘yan? Just fill out the required fields and then checkout. Kapag pakiramdam mo OA ang mga hinihinging impormasyon, sa next online shop ka na lang.  Tandaan mo na very precious ang personal data mo kaya dapat alagaan ito para ‘di pagkakitaan ng iba.

Checkout na? Safe payment options only

Safe payment options

Ito na siguro ang pinaka-crucial pagdating sa online shopping. Siguruhin na safe and secure payment options lamang ang gagamitin mo.

Credit cards ang isa sa mga pinakapopular na mode of payment. Pwede mo kasi ito kanselahin sa bangko mo kapag hindi na-deliver ang item sa’yo. Makakatulong din gumamit ng iba pang third party payment system gaya ng Paypal dahil may added security ang mga ito. Ang kagandahan din ngayon ay ang verification code na madalas ipadala sa mga buyer bago makumpleto ang transaksyon. Make sure na may ganitong verification process ang pagbabayad mo online. Makakabuti rin na huwag mong iwan doon ang credit information mo at i-enter na lang uli ang mga detalye sa susunod na transaksyon.

Kung walang credit card, pwede rin sa trusted na remittance center kung saan ka pwedeng maghulog ng bayad mo in a secure platform. Sa Palawan Express Pera Padala, siguradong secure ang bayad mo. Makikita mo rin ang status nito kung napadala na o na-claim na via text notifications at Palawan Express tracking. Bukod dito, lowest in the country ang minimum remittance rate nito.

Walang shortcut: Take time to read

Walang shortcut: Take time to read

Bago mag-shopping, magbasa ka muna. Basahin mo ang terms and conditions at refund at return policies. Paano kung ‘di kasya ang inorder mong damit o sira pala ang inorder mong gadget? Iyak ka na lang ba? Dapat basahin mo ang mga ganitong polisiya ng shopping website lalo na at hindi mo personal na nakita o na-test ang isang item. Kung walang return, exchange, o refund ang isang shopping website, mag-dalawang isip ka na.

Double check muna bago bayad

Double check muna bago bayad

Huwag kang atat! Bago mag-proceed sa checkout o mag-confirm ng payment, double check mo muna yung mga binibili mo. Tama ba ang size o kulay? May promo code ba na pwede ka magamit? Magkano ang delivery fee? Pwede ba ang cash on delivery? Once i-click mo ‘yan, madalas wala nang bawian kaya be very careful.

Totoong very convenient ang online shopping. Isipin mo nakaupo ka lang, nakapag-Christmas shopping ka na! Pero para tunay na enjoyable ang experience, top priority dapat ang safety. Huwag ipagwalang-bahala ‘yan dahil gaya nga ng sabi nila, nasa huli ang pagsisisi.

Share: