6 Tips Para Sa Paskong Hindi Bitin Kahit Na Quarantine

Blog

November 27, 2020

christmas-tips-quarantine-og

Binago ng COVID-19 ang ating mundo mula nang kumalat ito noong simula pa lang ng 2020. Kasama sa mga maapektuhan nito ang marami nating kinaugalian tulad na lang ng pagdiriwang natin ng Pasko. Marami na tayong pinagdaaan bilang Pilipino kaya alam nating makakahanap pa rin tayo ng paraan kung paano mag-celebrate ng Christmas habang may pandemic.

Kung Christmas is in your heart agad Suki ngayon pa lang September, malamang nag-iisip ka na ng mga Christmas celebration ideas during the pandemic. Huwag mag-alala dahil nandito ang mga pangmalakasang Christmas celebration guide ng Palawan Express upang samahan kayong mag-enjoy sa pasko habang may quarantine!

Basahin ang mga sumusunod upang malaman kung paano gawing masaya at budget-friendly ang Christmas holiday sa kabila ng pandemic:

1. Christmas reunion with social distancing.

christmas-tips-quarantine-1Photo courtesy of Kyle Head via Unsplash

Malaking bahagi ng ating Pasko ang pagsasalo-salo sa Noche Buena kasama ang ating pamilya at kamag-anak. Ngunit dahil sa COVID-19, hindi muna pwedeng mag-imbita ng maraming tao sa ating mga bahay.

Sakaling malapit lang si tito at tita, maaari silang imbitahan pero siguraduhing may suot ang bawat isa na personal protective equipment (PPE) gaya ng facemask at faceshield. Alamin din ang nakatakdang quarantine protocols sa inyong mga barangay.

Subukang i-set up ang Noche Buena sa malawak at bukas na espasyo tulad ng garden kung saan maaaring paghiwa-hiwalayin ang mga upuan. Limitahan din ang mga kinagawian tulad ng pagmamano at pagyayakapan.

Ngunit para siguraduhing mas ligtas, puwede namang mag-set-up ng online reunion. Ngayon pa lang ay mag-practice na kung paano mag-set ng Zoom meeting o Google meet.

Maaaring isaksak ang iyong laptop o device sa mga karaniwang smart TV upang mas malaki ang screen at mapapadaling makita ang mga kamag-anak. Kaya habang kumakain ng Noche Buena ay parang magkakasami pa rin kayo, at ramdam pa rin ang presensya nila. Safe na, techie at modern pa!

Totoo Suki, malungkot na hindi natin sila makikita sa personal ngayong darating na Pasko subalit hindi naman ibig sabihin nito na hindi natin sila pwedeng makasama. Isipin mo na lang, nakatipid ka sa iyong pamasko sa mga pamangkin. Dahil sa halip na pamasko, mamahagi na lang ng “Pa-mask Ko” si tito at tita!

Pasensyahan na sa mga bagets dahil tipid mode muna si tito’t tita.

2. Virtual simbang gabi with the family.

christmas-tips-quarantine-2Photo courtesy of Shalone Cason via Unsplash

Isa pang mahalagang tradisyong kailangan muna nating ipagpaliban ngayong Pasko habang may pandemic ay ang simbang gabi.

Karaniwang dinudumog ng tao ang simbahan para sa pagdiriwang na ito. Subalit hindi muna pwede ang ganitong mass gathering upang di kumalat ang COVID-19 sa inyong lugar.

Tulad ng virtual reunion kasama ang kamag-anak, pwede rin munang virtual ang pakikipagkita kay God upang makaiwas sa sakit. Maraming online live streaming ng misa na makikita sa iba’t ibang website tulad ng Facebook at Youtube. Halimbawa nito ang TV Maria na regular na nag-u-upload ng videos.

Huwag hayaang kunin ni COVID-19 ang diwa ng Pasko, Suki, Go digital at panatilihin ang ating mga tradisyon!

3. Pag-aralan kung paano magluto ng Filipino Christmas kakanin.

christmas-tips-quarantine-3Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

Hindi kumpleto ang Pasko kung hindi tayo gigising nang maaga para lang makabili ng fresh na fresh at mainit na puto-bumbong at bibingka. Talaga namang bahagi ang mga ito ng mga bagay na nagpapa-Pinoy sa ating Pasko.

Pwede namang suportahan ang small business ng iyong mga kapitbahay sakaling magbenta sila ng mga ito. Tulong na rin natin ito sa ating kapwa. Ugaliing suportahan ang ating mga kakilala sa kanilang mini-business habang may pandemic to share the Christmas blessings!

Pero kung gusto mong gawing mas special ang iyong puto-bumbong at bibingka para sa iyong pamilya, bakit hindi mo pag-aralan kung paano ito gawin? Tingnan ang sumusunod kung paano lutuin ang mga Christmas kakanin na ito:

How to Cook Puto-Bumbong

Ingredients:

  • Glutinous rice flour
  • Ube powder
  • Niyog
  • Asukal na pula
  • Margarine or butter (tunaw o ‘di tunaw)
  • Dahon ng saging
  • Tubig

Stes:

  1. Paghaluin ang ube powder at rice flour sa isang mangkok.
  2. Dahan-dahang buhusan ito ng tubig hanggang sa makalikha ng mala-dough na mixture.
  3. Lagyan ng butter o margarine ang isang plato gamit ang brush.
  4. Hulmahin ang nalikhang dough at hubugin ito nang bilohaba.
  5. Ipatong ang nahubog na dough sa platong nilagyan ng butter.
  6. Maaari na itong ilagay sa steamer at hintaying maluto sa loob ng tatlong minuto.
  7. Budburan ng kaunting niyog at patungan ng butter bago ihanda. Maaari ring lagyan ito ng pulang-asukal sakaling gusto mo gawing mas matamis.

How to cook bibingka

Ingredients:

  • Rice flour, 2 cups (500 ml)
  • Baking powder, 1 kutsara (15 ml)
  • Asin, 1 teaspoon (5 ml)
  • Itlog, 3
  • Asukal, 3/4 cup (185 ml)
  • Gata, 1-1/2 cup (375 ml)
  • Tunaw na butter, 1/3 cup (80 ml)
  • Dahon ng saging, 4 pieces na ginupit nang pabilog na 8 inches kalaki
  • Optional toppings:
    • Itlog na maalat, 1 hiwain sa ¼ kalaki na slices
    • Niyog, 2 Tbsp (30 ml)
    • Grated cheddar cheese, 2 Tbsp (30 ml)

Steps:

  1. Ihanda ang oven gamit sa pamamagitan ng pag-preheat nito sa 350 degrees Fahrenheit o 180 degrees celsius.
  2. Paghalu-haulin ang dry ingridients tulad ng flour, baking powder, at asin sa isang mangkok. Siguraduhing mahahalo ito nang maayos.
  3. Batihin ang itlog sa isa pang mangkok. Patuloy lamang itong batihin kapag idinagdag na ang asukal at tinunaw na mantikilya.
  4. Idagdag nang salit-salitan ang harina at katas ng niyog sa mangkok na pinagbatihan ng itlog. Ihalo ito sa mangkok na pinagbatihan naman ng dry ingridients pagkatapos.
  5. Ibuhos ang nalikhang mixture sa isang baking pan.
  6. Ilagay sa oven at hayaan itong maluto sa loob ng 20 to 25 minuto. Malalaman mong luto na ang iyong bibingka kapag brown na ang ibabaw nito.
  7. Ihain ang bibingka matapos itong palamigin nang bahagya. Maaaring patungan ng keso, asukal, at mantikilya upang mas maging matamis at malinamnam ang mga ito.

The best enjoy-in ang puto-bumbong at bibingka kapag kasama ang pamilya pagkatapos ng inyong virtual simbang gabi, Suki. Partneran ito ng bagong-kulong kapeng barako para mainitian ang inyong sikmura.

4. Create Christmas decorz kasama ang mga chikiting.

christmas-tips-quarantine-4Photo courtesy of Natalie via Pexels

Suki, malamang bored na bored na sa’ting mga bahay ang ating mga chikiting dahil ang tagal na nilang hindi pwedeng lumabas dahil sa pandemic. Kaya kailangan nating makahanap ng paraan upang tulungang ma-activate ang kanilang utak para hindi ito pumurol dahil sa pagbababad sa gadgets.

Kaya para magkaroon ng family bonding at activity, hikayatin silang gumawa ng iba’t ibang proyekto na maaari mong gamitin para sa Christmas decoration.

Pwede silang turuaan kung paano gumawa ng parol gamit ang straw at iba pang materyales. Samahan silang gumawa ng Christmas jingles na pwede niyong kantahin na magkasama para sa kaniyang online carolling kay ninong at ninang.

Mainam din kung makakapag-practice silang gumuhit o magpinta habang may quarantine. Naturuan mo na silang maging creative, nakahanap ka pa ng paraan kung paano makatipid sa Christmas decorations ngayong pasko!

Hindi naman kailangan gumastos nang malaki para sa decorations. Maging super nanay at super tatay para sa’ting mga junakis sa tulong ng iba’t ibang Christmas budget friendly crafts for kids.

5. Gumawa ng fun Christmas videos kasama ang pamilya.

christmas-tips-quarantine-5Photo courtesy of Josh Willin via Pexels

Nagsusulputan na naman ang mga Christmas songs sa paligid natin Suki, at more than ever, kailangan natin ang mga ito upang ipaalala sa’tin na magiging masaya pa rin ang Pasko kahit na may pandemya.

Para magkaroon ng unique style ng pagbati sa iyong mga kapamilya o social media friends at followers, bakit hindi subukuang gumawa ng fun Christmas videos tulad ng mga nakikita sa TikTok na maaari mong i-share sa araw ng Pasko? Pwedeng-pwede mo itong ibahagi sa maraming sites tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram.

Pwede pa ngang hikayatin ang iyong mga kamag-anak na magkaroon ng online dance battle kung sino ang magkakaroon ng pinakamagaling na dance cover ng ‘All I Want for Christmas is You’ ni Mariah Carey! Ang matatalo siyempre kailangang may parusa.

Mahalagang pagtibayin ang samahan ng ating pamilya sa paparating na pasko dahil sila ang kasama natin habang may pandemya. Siguradong sisikat kayo dahil sa mga dance challenge at battles na ito kaya ngayon pa lang ay mag-practice na!

6. Celebrate Christmas with our medical frontliners.

christmas-tips-quarantine-6Photo courtesy of Wetmount via Pixabay

Sa kabila ng ating pagsusumikap na panatilihin pa ring masaya ang pasko, alalahanin nating marami pa rin sa’ting mga bayaning frontliners ang malamang ay hindi makakasama ang kanilang pamilya dahil sa kanilang tungkulin.

Sa halip na maghanda nang magarbo sa noche buena at gumastos nang malaki para sa mga dekorasyon, pwede namang mag-donate na lamang tayo ng tulong sa mga medical workers.

Marami ring paraan upang ipaalam sa kanila ang ating pasasalamat. Pwedeng padalhan sila ng mga munting regalo sa pag-drive through natin sa mga ospital o kaya ipaalam sa kanila na pinapahalagahan natin sila sa pamamgitan ng pagsabi ng ating pasasalamat.

Bukod sa kanila, marami ring kapwa natin ang kailangan ng tulong dahil sa epekto ng pandemya sa’ting lipunan. Napakaraming paraan upang tulungan natin ang mga ngangailangan ngayong may krisis.

Marami tayong maaaring gawin upang maipagdiwang pa rin ang Pasko sa kabila ng pandemya. Hindi kailangan gumastos nang malaki para lamang sa magarbong handa at mamahaling dekorasyon. Ang mahalaga, kasama natin ang ating pamilya Suki, at nakakatulong tayo sa’ting kapwa habang may COVID-19. Kapit-bisig lang, Suki. Kakayanin natin ito!

Share: