-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Suki’s Wais Guide to A Clean Home Ngayong Tag-Ulan
October 12, 2020
Kahit maka ilang kanta ka pa ng rain rain go away, Suki, nothing can stop the rainy days from coming. Dahil malamig at basa ang panahon at kapaligiran tuwing tag-ulan, maaaring maging hamon ang pagpapanatili ng isang malinis at safe na bahay. Putik, tubig, buhangin, ilan lamang ito sa mga dumi na maaaring pumasok sa bahay tuwing umuulan kaya minsan hassle ang maglinis.
Mahalaga ang home clean up sa panahon ng tag-ulan dahil kalimitan, maraming nagkakasakit sa panahong ito. Ayon sa Department of Health (DOH), ang ilan sa mga pangkaraniwang sakit tuwing tag-ulan ay diarrhea, typhoid fever, cholera, leptospirosis, malaria, at dengue. Malimit ding magkaroon ng disgrasya sa panahong ito. Masakit sa ulo at sa bulsa kapag may isang nagkasakit o naaksidente sa pamilya. Kaya tandaan Suki, prevention is better than cure.
Isang paraan para maprotektahan ang iyong sarili at pamilya laban sa mga naglilipanang sakit ay ang pagpapanatili ng isang malinis na bahay.
Dahil mahalaga sa Palawan Pawnshop ang kalusugan mo at ng pamilya mo, ito ang 11 clean home guide na dapat mong sundin para di ka mahirapang panatilihin ang isang malinis at ligtas na tahanan.
1. Inspeksyunin at linisin ang bubong at mga alulod.
Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels
Ang bubong at mga alulod ang ilan lamang sa mga bahagi ng bahay na hindi madalas mabigyan ng atensyon. Para ‘di makalimutang linisin, isama sa iyong cleaning schedule ang pag-iinspeksyon at paglilinis sa mga ito bago pa ang tag-ulan.
Tanggalin ang mga tuyong dahon at kung ano pa mang mga dumi na maaaring naipon dito. Makakatulong ito sa maayos na pagdaloy ng tubig ulan sa mga alulod. Tignan kung may butas ba ang bubong na nangangailangan ng mga repairs nang sa gayon ay matiyak na walang papatak na tubig ulan sa loob ng bahay niyo.
2. Tiyaking walang pesteng housemate sa bahay.
Kapag maulan at hindi malinis ang bahay mo, tiyak may makikitirang peste sa bahay niyo tulad ng daga, ipis, at iba pa. Hindi mo gugustuhing tumira kasama sila dahil nagdadala sila ng mga sakit.
Para matiyak na walang pesteng housemate sa bahay, sundin ang clean home solutions na ito, Suki: sarahan ng anumang butas na maaaring pasukan ng mga daga. Linisin din ang mga sulok ng bahay na maaaring pamahayan ng mga ipis. Huwag mag-iwan ng pagkaing di natakpan. Huwag mong bigyan ng dahilan ang mga pesteng na manatili sa iyong tahanan.
3. Patuyuin ang sapatos at payong sa labas ng bahay.
Photo courtesy of Jill Wellington via Pexels
Suki, tandaan: a clean home is a safe home. Ang pagpapanatili ng isang malinis na bahay ay makakatulong na makaiwas ang pamilya mo hindi lang sa sakit kundi pati sa mga hindi inaasahang aksidente. Tuwing maulan, madulas ang mga nilalakaran dahil sa tubig. Bagaman masarap sa feeling ang ma-fall, ang totoo Suki, masakit kapag ang sasalo sa’yo ay hindi ang taong crush mo, kundi ang malamig at matigas na tiles o semento ng sahig niyo.
Para maiwasan ang aksidente sa loob ng bahay, gawing habit ang pagpapatuyo ng mga basang sapatos at payong sa labas ng pintuan. Tiyaking laging may nakahandang floor rug sa bahay kung saan pwedeng magpunas ng paa para hindi madulas sa loob ng bahay. Para maiwasan ang aksidente sa labas ng bahay, regular na walisan ito nang matanggal ang mga basang dahon na maaaring maging sanhi ng pagdulas.
4. Mag-general cleaning once a week.
Photo courtesy of Gustavo Fring via Pexels
Alam namin na busy ka sa trabaho at iba pang gawain Suki, kaya baka maisip mo, how to clean home fast nga ba? Para hindi ka ma-hassle sa paglilinis ng tahanan, Suki, una, isangkot mo ang iyong pamilya sa paglilinis. Kapag tulong-tulong kayo, mas gumagaan ang trabaho. Remember, to clean the home is everyone’s responsibility, hindi lang ni Mommy.
Isa pa sa mga clean home tips na pwede niyong sundin Suki ay ang pag-general cleaning once a week. Kung tulong-tulong at regular kayong mag-gegeneral cleaning sa bahay, maiiwasan ang pagtambak ng mga kalat at dumi sa loob ng bahay na maaaring pamuhayan ng germs at iba pang sakit. Makakatulong rin ito para mapanatiling maaliwalas ang iyong bahay kung saan masarap magpahinga at mag-relax lalo na’t malakas ang ulan sa labas.
5. Isampay ang damit na nabasa sa ulan bago ilagay sa labahan.
Photo courtesy of Susanne Jutzeler via Pexels
Kung naulanan ka pauwi, maligo at magpalit agad ng tuyong damit para hindi magkasakit. Pero huwag agad ilagay sa labahan ang damit na nabasa. Patuyuin muna ito sa banyo. Ang basang damit ay mas kinakapitan ng alikabok. Kapag hindi ito natuyo at inilagay mo agad sa labahan, mas mahirap matanggal ang mga alikabok at dumi na naipon dito. Pero kung pinatuyo mo muna ito, hindi ka maha-hassle sa paglalaba, Suki, promise!
6. I-disinfect ang sahig at high-touch areas sa bahay.
Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels
Para matiyak na malinis ang bahay, huwag kalimutan mag-disinfect sa bahay, Suki! Minsan kasi kahit pa malinis ang bahay mo, maaaring may mga germs, virus, at bacteria na nananatili pa rin dito. Kaya naman, gumamit ng disinfectant para linisin ang sahig, kasama na rin ang high-touch areas at gamit sa iyong bahay. Sundin ang instructions sa iyong disinfectant nang sa gayon ay talagang goodbye ang virus sa loob ng iyong bahay.
7. Regular na itapon ang basura at mag-declutter na rin.
Photo courtesy of Juan Pablo Serrano Arenas via Pexels
Kahit pa maulan sa labas at hassle ang lumabas para magtapon ng basura, huwag kang tamarin na itapon ang basura regularly. Kapag natambak ang basura sa loob ng bahay, babaho ito at pamamahayan ng mga langaw at ipis. Kapag napuno na ang iyong trash bin Suki, panahon na para itapon ito. Itapon din agad ang mga nabubulok na basura tulad ng mga vegetable and fruit peels. Linisin din maigi ang basurahan ninyo at i-disinfect ito.
Speaking of pagtatapon ng basura, i-check niyo na rin Suki kung merong items to recycle kayo sa bahay. Makakatulong ang pagre-recycle pati sa kalikasan. Isa pa, maganda rin na mag-declutter na rin kayo tuwing tag-ulan para hindi matambak ang mga items na hindi ginagamit d'yan sa bahay niyo. Ibenta o idonate ang mga ito para may extra cash o di kaya ay makatulong din sa iba.
8. Tiyaking mayroon kang cleaning supplies.
Photo courtesy of klimkin via Pixabay
Imposible ang isang clean home kung wala kang cleaning supplies, suki. Kapag mamimili kayo sa grocery, huwag kalimutang bumili ng cleaning supplies tulad ng sabon, bleach, at disinfectant. Huwag din kalimutang mag-stock ng cleaning items tulad ng dishwashing sponge at mga basahan.
9. Hugasan ang pinagkainan.
Photo courtesy of Kelly Lacy via Pexels
Kapag maulan ang panahon at katatapos lang kumain, nakaka-tempt na matulog at humilata na lang. Normal ito pero fight this feeling, Suki! Huwag agad humiga pagkatapos kumain. Para matunawan ka, hugasan mo na ang pinagkainan niyo nang mapanatili mong malinis ang iyong bahay. Makakatulong din ito para maiwasan ang pagkakaroon o pagdami ng mga ipis at langaw sa bahay niyo.
10. Tiyaking walang nakaimbak na tubig ulan sa labas ng inyong bahay.
Photo courtesy of distelAPPArath via Pixabay
Uso ang dengue at malaria sa panahon ng tag-ulan. Para maging safe kayo sa mga sakit na ito, huwag hayaang magkaroon ng nakatambak na tubig sa labas ng iyong bahay. Regular na linisin at tuyuin ang paligid ng inyong bahay kapag humupa na ang ulan. Takpan din ang mga drum ng tubig nang sa gayon ay hindi ito pamugaran ng mga lamok na maaaring dengue carrier.
11. Sundin ang schedule ng paglilinis.
Photo courtesy of Bich Tran via Pexels
Para magkaroon ng safe na bahay, hindi sapat na cleaning supplies lang ang meron ka, Suki. Syempre hindi naman nila malilinis ang bahay mo kung hindi mo sila gagamitin. Kailangan ang dedication at pagsunod sa clean home schedule na itinakda ninyo bilang pamilya. Kung susundin ang schedule at itinakdang house chores ng bawat family member, makakatulong ito para mapanatili ang isang malinis at ligtas na tahanan.
Minsan, hassle talaga ang paglilinis ng bahay lalo na kapag tag-ulan at malamig ang panahon. Sa halip na matulog at mag-chill lang tuwing pumapatak ang ulan sa bubong ng bahay niyo, sundin ang clean home tips dito kahit pa sa loob lang ng 20 minuto kada-araw nang sa gayon ay makapagpahinga ka sa isang clean and safe home kung saan ligtas ang lahat mula sa sakit.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024