Bakit Palawan Pawnshop Bills Payment Ang Waley Hasul Na Bayad Center

Blog

October 14, 2020

bills-payment-pps

 

Walang hassle at convenient bills payment sa Palawan Pawnshop

Nakaka-stress asikasuhin ang monthly bills payment. Alam mo yan—lalo na kung ikaw ang breadwinner ng pamilya. Tambak ang bayarin at nakakalito pa ang due dates. Ang hirap maglaan ng oras para magbayad ng bills since weekdays at office hours lang bukas ang mga kumpanyang tumatanggap ng bayad sa utility bills.

May malapit bang Palawan Pawnshop sa bahay o opisina mo? Alam mo ba na may Palawan branches na tumatanggap ng bills payment? Yes, mga wais na suki: may madali at mabilis na paraan para bayaran ang bills mo sa kuryente, tubig, internet, at iba pa. Eto ang five reasons kung bakit swabe magbayad ng bills sa Palawan:

1. Dahil ang taong busy, sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop kumakapit

Ang taong busy, sa Palawan Pawnshop kumakapit

 

Marami ka bang aasikasuhin today? Kailangan mo na bang tubusin ang sangla mo, magpadala ng pera sa probinsya, magpapalit ng dolyar, at magpaload ng cellphone? Tapos due date pa ng bayarin mo sa kuryente o tubig? 

Relaks, mga suking busy! Hindi mo na kailangang pumunta kung saan-saan at magpakahulas para tapusin lahat ng errands mo. Pwede mong gawin lahat ng ‘yan sa iisang lugar. Saan pa ba kundi sa pinakamalapit na Palawan branch! 

One-stop shop ang Palawan Pawnshop branch na may bills payment, sangla, pera padala, money changer, e-loading, at iba pang financial services. Lahat ng ‘yan, pwede mong gawin in one go! Hindi masasayang oras at pamasahe mo dahil fully computerized ang system at mabilis ang serbisyo sa Palawan. 

Ito ang billers na tumatanggap ng payment para sa utility bills:

Billers that accept bills payment

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Dahil accredited BAYAD CENTER branch ang ilang Palawan Express, pwede kang magbayad dito ng utility bills mo sa Meralco, Maynilad, Manila Water, PLDT, Globe, Smart, landline, internet broadband, insurance, cable TV, postpaid mobile, credit cards, at marami pang iba. Pasok din sa banga ang mga bayarin sa gobyerno gaya ng PhilHealth at SSS, pati tuition payment para sa STI at Adamson University.

In short, napaka-convenient ang serbisyo ng Palawan Pawnshop para sa mga Pinoy na busy at maraming bayarin.

2. Dahil allergic ka sa notice of disconnection

Unahan ang notice of disconnection

 

Sobrang hassle kapag paso na sa due date ang mga bayarin mo sa kuryente, tubig, telepono, internet, at iba pa. Maaari kang maputulan ng kuryente, tubig, internet, o cable TV kapag hindi ka nakapagbayad ng utility bills sa due date.

Kadalasan pa, ang payment for overdue bills ay tinatanggap lang sa mismong agency. Ang problema dun, malayo ang main branch o head office ng mga ahensiyang ito. 

Malapit na ba o ngayon na ang due date ng bills mo at may malapit na Palawan Pawnshop sa lugar mo? Unahan mo na bago dumating ang notice of disconnection! Go go go ka na sa Palawan bills payment branch at nang ‘di ka maabala sa pagbayad ng overdue bills.

3. Dahil sawang-sawa ka na sa forever… na pila

Serbisyong forever na maaasahan

 

Kapag sa bangko o mall ka magbabayad ng bills, isang mahabang pila ang sasalubong sa ‘yo pagpasok mo lalo na tuwing lunchtime, araw ng sweldo, o kapag malapit na ang closing time kung kailan mala-blockbuster sa sine ang pila. Usually, umaaabot sa kalahati hanggang isang oras ang paghihintay para lang makapagbayad ka ng bills sa bangko o mall. 

Sayang din ang oras. Katumbas na niyan ang isang episode ng paborito mong TV drama sa hapon. O makakauwi ka sana nang mas maaga. Kung nagta-trabaho ka, tapos na ang lunch break mo, stuck ka pa rin sa pila sa bangko.

Sa Palawan Express, may option ka na ngang mag bayad 24/7 bilang partner natin ang 7-Eleven, marami pang branches na pwedeng puntahan. Dagdag pa, may listahan pa ng address at contact number of the branch closest to you sa website. Kaya pwedeng pwede mong i-tawag muna kung busy day ba sa kanila bago pumunta.

Swerte mo kung may mauupuan ka habang nakapila. Eh paano kung wala? Sakit sa mga paa at binti lang aabutin mo. Kung senior citizen ka, baka umatake ang rayuma.

Bakit ka pa magtityaga na magbayad ng bills sa bangko kung may malapit naman na Palawan Pawnshop sa ‘yo na pwedeng tumanggap ng utility bills payment mo?

4. Dahil ayaw mong mabasa, maputikan, at lumusong sa baha

Convenient bills payment

 

“Heto ako-oh-oh-oh, basang-basa sa ula-ah-ah-an…” Ganyan ang rainy season mode ng mga nagtitiis na bumyahe, maulanan, maputikan, o kahit lumusong pa sa baha para lang umabot sa due date ng kanilang mga bayarin.

Lalo na tuwing tag-ulan, dyahe at malaking abala ang pumunta sa mall o sa malayong Bayad Center para lang magbayad ng bills. Bukod sa mukhang basang sisiw at dugyot ka na, magkakasakit at mapapagastos ka pa! Andyan pa ang tukso ng pagsha-shopping. Kung mamalasin ka pa, mahihirapan kang sumakay pauwi dahil sa trapik.

Kung may malapit na Palawan Pawnshop sa ‘yo, konting kembot lang at mababayaran mo na lahat ng utility bills mo. 

5. Dahil bet mo ang mababait at friendly staff ng Palawan

Friendly staff

 

Pumila. Abutin ang bill at bayad sa cashier. Tanggapin ang sukli at resibo. Alis.

Ganito lagi ang eksena tuwing nagbabayad ka ng bills sa mall, bangko, at iba pang payment centers. Parang robot ang kaharap mo sa counter, noh? 

Hindi naman ito big deal, pero iba ang epekto ng serbisyong may kasamang ngiti at mainit na pagbati mula sa staff ng Palawan Pawnshop bills payment center. Pwede mo pa ngang banatan ng joke ang staff ‘pag nababagot ka na, at tatawanan nila kahit korni ang hirit. Basta lang ‘wag kang magtatagal para ‘di ka makaabala sa ibang nakapilang customers. Nakakaganda ng araw at nakakabawas ng stress, ‘di ba? ‘Yan ang malaking difference ng Palawan! Friendly ang staff dito kaya good vibes ang pabaon sa ‘yo matapos mong bayaran ang bills mo.

Eto ang tips from Palawan para hindi mo problemahin ang utility bills payment mo:

 

  • Ilista lahat ng buwanang bayarin, amount due, at due date. Ipaskil kung saan madali mo lang itong makikita gaya ng ref at pinto.
  • Gawa ka ng bills calendar.
  • Maglagay ng reminder sa cellphone mo ilang days bago ang due dates.
  • Mas mainam kung gumawa ka ng regular schedule to pay your bills sa Palawan Pawnshop para isahang lakad na lang at hindi ka na pabalik-balik.
  • Magbayad nang maaga at huwag ipagpaliban ang mga bayarin.
  • Planuhing maiigi ang monthly budget mo para may sapat kang pondo for utility bills payment at nang hindi ka abutin ng due dates.

 

Bills payment na mabilis at walang hassle? Sagot ka ng Palawan Pawnshop—ang iyong one-stop shop hindi lang sa bayaran ng utility bills kundi pati sa pawning, money transfer, money exchange, e-loading, at marami pang iba.

Share: