-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
5 Kwentong COVID-19 About Filipino Resilience and Kindness
March 19, 2021
Isa sa pinakakilalang Filipino values ang pagiging resilient ng mga Pinoy. Kahit anong pagsubok ay kayang harapin. At kung kaya pa ay tutulong pa sa iba, diba, Suki?
Bilang daanan ng matinding bagyo at madalas bisitahin ng malalang tag-init, hindi na bago ang pagsubok sa Pilipinas. Nasubok na ng kasaysayan ang Filipino resilience at lalo lang itong tumatag sa pagdaan ng mga taon. At sa kabila ng hirap ng buhay, bukas pa rin ang puso ng mga Pinoy para tulungan ang mga nangangailangan.
Ngayong panahon ng COVID-19, talaga namang nasubukan ang katatagan ng mga Pilipino. Pero sa kabila ng hirap ng buhay at banta ng sakit, patuloy lang na ipinamalas ng mga Pinoy na sa walang kapantay na lakas at kabutihang loob nila.
Handog ng Palawan Pawnshop ang 5 kuwentong COVID-19 na nagpakita ng Filipino culture of resilience and kindness sa gitna ng krisis.
1. Libreng bisikleta para kay Lolo
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Dahil limitado pa rin ang bumabyaheng mga bus at jeep, minabuti ng mga manggagawa ang gumamit ng bisikleta para pumasok sa trabaho. Ang ibang hindi makabili ng bike ay tinahak ang kalsada nang naglalakad.
Isa si Lolo Carlos Samonte sa mga ‘to. Araw-araw, naglalakad siya mula Pasay hanggang Makati para magtinda ng candy. 83 years old na si Lolo pero kahit umulan o umaraw, tuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. Kitang-kita talaga ang Filipino resilience sa tatag ng mga matatandang gaya ni Lolo Carlos.
Bago pa man magkaroon ng COVID-19, pangarap na ni Lolo na makabili ng bike. Gamit ang parte ng ayuda mula sa gobyerno, sinubok nyang tawaran ang isang bike para ma-afford ‘to. Pero imbis na ibenta sa kanya sa mas mababang halaga, ibinigay na lang ng may-ari nang libre ang bike.
Laking tuwa ni Lolo Carlos na nasuklian ang kanyang sipag at tatag ng kabutihang loob ng kapwa. Kahit karamihan ng Pilipino’y gipit ngayong panahon ng krisis, marami pa rin ang handang tumulong at magmalasakit sa nangangailangan—isa sa pinakamatingkad na Filipino values.
2. Mga gurong buong-pusong nagsisilbi sa mga estudyante
Photo courtesy of Christina Morillo via Pexels
Para protektahan mula sa virus ang mga estudyante, guro, at personnel ng mga paaralan, minabuti ng gobyerno ang pag-adopt ng distance and online learning bilang bagong parte ng new normal. Isa ‘tong malaking pagsubok sa lahat ng stakeholder ng schools dahil hindi lahat ay marunong gumamit at mayroong access sa computer o tablet.
Pero para mapagsilbihan ang mga estudyante, tina-tiyaga ng mga guro ang pag-aaral tungkol sa new normal. Sa kabila ng banta ng virus, handa ang mga guro na pumasok sa eskwela o matuto ng bagong pamamaraan ng pagtuturo para sa mga bata. Isa si Orlyza Rosales sa mga gurong ‘to. Sabi nga niya sa isang interview sa Rappler:
“This is our vocation. So even if it’s difficult, because it is our work, we love it and we love our students. Whatever challenges we face, we want to help our students because they’re having a hard time now too. If we give up, what happens to them?”
3. Dobleng kalbaryo ng mga overseas Filipino frontliners
Photo courtesy of CDC via Pexels
Malaking pagsubok din ang kinakaharap ng mga Filipino frontliners sa ibang bansa. Maraming nurse at doctor ang kasalukuyang nagtatrabaho abroad para sa kanilang pamilya. Sa panahon ng COVID-19, dagdag kalbaryo pa ang virus sa pagkalayo ng mga Filipino frontliners sa kanilang pamilya.
Na-feature ang istorya ni Divina Guerrero, isa sa magigiting na frontliner sa Italy. Lubos ang pagmamahal niya sa kanyang mga pasyente sa kabila ng hirap ng trabaho. Mismong pamilya na nga ni Guerrero ang gustong patigilin s’ya sa pagtatrabaho habang may virus. Pero patuloy pa rin s’ya sa paglilingkod sa mga may sakit, gaya ng libo-libong Pilipino sa ibang bansa.
Talamak ang takot at trauma sa mga hospital. Mabigat din para sa mga gaya ni Guerrero ang malayo sa pamilya. Pero lahat ‘yon ay hinaharap nila para matulungan ang mga may sakit at ang pamilya dito sa bansa. Sadyang likas sa Filipino culture ang pagiging matulungin, kahit saan man sa mundo.
4. Tulong-tulong para kay manong tsuper
Photo courtesy of Rainier Ridao via Unsplash
Simula ng lockdown noong March, hindi na nakabyahe ang mga jeepney driver dahil ipinagbawal ito ng gobyerno. Kahit noong ang kalakhan ng bansa ay community quarantine, limitado pa rin ang traditional jeepneys na pinapayagang pumasada.
Hindi lang COVID-19 ang ikinakaharap ng mga tsuper. Ngayong 2020 din napipintong kumpletuhin ang jeepney phaseout, kung saan papalitan ng mga e-jeep ang mga traditional na jeep sa kalsada. Dahil sa kawalan ng hanapbuhay, pinili ng maraming driver ang mamalimos sa kalsada. Marami sa kanilang walang ibang trabahong mapasukan at ang iba pa nga’y nakatira na sa jeep dahil walang pambayad ng renta.
Ang dapat sana’y unti-unting pagbalik ng mga jeep sa kalsada ay naunsyami uli ngayong idineklara ang MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) ang Metro Manila at iba pang malalaking lungsod sa bansa.
Hindi matatawaran ang Filipino culture na malalim na pagmamahal sa pamilya. Kahit nauwi sa pamamalimos, basta may mai-uwing pangkain ay gagawin ng mga tsuper.
Naantig naman ang maraming Pilipino rito at marami ang nagtayo ng community donation drive para sa mga tsuper. Bumuhos ang tulong sa mga initiative na ‘to; mula pera hanggang pagkain, kahit maliit na tulong ay pinagpapasalamat ng mga drayber habang naghihintay na makabyahe muli.
5. Mainit na pasasalamat sa magigiting na frontliner
Photo courtesy of Negative Space via Pexels
Isa sa mga importanteng lesson ngayong COVID-19 ay ang pagpapasamalat at bigay importansya sa ating mga health workers.
Para pasalamatan ang mga health workers sa katapat nilang hospital na Adventist Medical Center, nag-organize ng isang malaking pagbibigay-pugay para sa mga frontliners ang community ng La Verti Residences sa Pasay.
Sabay-sabay na nagpalakpakan at kumaway ang mga residente sa mga health care workers. Habang halos lahat ng mga balcony ay may nakasabit na banners na nagsasabing: thank you to our frontliners!
Naluha sa pasasalamat at tuwa ang mga healthcare workers na noo’y kahit isang buwan pa lang natatambakan ng mga COVID-19 patients ay talagang sinubok na ang katatagan. Pinarangalan din ng Commission on Human Rights ang mga frontliner noong Araw ng Kagitingan, at inihalintulad sa mga dating bayani dahil sa kanilang bravery at resilience.
Hindi pa man malinaw kung kailan sila lubos na makapagpapahinga mula sa dagok ng COVID-19, ang mga recognition na katulad nito ay ganito ay nakapawi rin ng pagod kahit papaano para sa mga frontliner.
Napakabigat ng COVID-19 para sa lahat, lalo na sa mga manggagawang hinaharap ang banta ng pandemya araw-araw. Hindi uusad ang bansa kung wala ang kanilang kagitingan at katatagan. Pero hindi ibig sabihin nito’y kaya na nila harapin ang krisis nang sila-sila lang—mabuti na lang likas sa Filipino culture ang magtulungan at magdamayan.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024