-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Don't Panic, Suki! A Wais Guide on COVID-19
October 12, 2020
Hindi biro ang COVID-19, Suki. Libu-libo na ang apektado nito sa buong mundo. Libu-libo na rin ang namatay dahil dito. Inaasahang tataas pa ang infection rates at death tolls kung hindi tayo magtutulong-tulong to stop COVID-19. Pero hindi ito oras para mag-panic, Suki! Kailangan lang nating maging maagap para labanan ang virus na ito. Narito ang simpleng guide para sa wais na Pinoy sa panahon ng COVID-19.
Ano ang COVID-19?
Photo courtesy of cottonbro via Pexels
Ayon sa World Health Organization o WHO, ang Coronavirus disease 2019 o COVID-19 ay isang bagong tipo ng nakahahawang virus na mabilis na kumakalat ngayon sa buong mundo. Pinaniniwalaang nagmula ito sa mga wet markets sa Wuhan, China at nagsimulang kumalat noong Nobyembre 2019.
Kahanay nito ang isa pang virus, ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at ang ibang karaniwang tipo ng trangkaso. Pero ang COVID-19 ay higit na malala sa kilala na nating sakit.
Sa ngayon, mayroon nang estimate na 500,000+ coronavirus cases sa buong mundo. Ang mortality rate ng COVID-19 ay nasa 4-5% ng naitalang kaso ayon sa WHO. Pero hindi dahil mababa ang mortality rate ay pwede nang magpabaya, Suki! Maaaring hindi pa ito ang totoong mortality rate dahil maraming taong may Coronavirus symptoms ang hindi nakakapunta sa ospital para magpagamot.
Mabilis pa ring kumakalat ang COVID-19 at dahil dito, dumarami ang mga nangangailangan ng medical help. If we don’t stop COVID-19, pwede pang tumaas ang mortality rate dahil magiging mas marami na ang bilang ng mga maysakit kaysa sa bilang ng mga medical professionals at hospitals na tutugon dito.
Ano ang mga symptoms ng COVID-19?
Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels
How do I know if I have Coronavirus? Ang karaniwang symptoms ng COVID-19 ay lagnat, ubo, at hirap sa paghinga. Ang mga malalang kaso ay na-de-develop sa pneumonia na pwedeng maging sanhi ng pagkamatay. Marami ring kaso ng COVID-19 ang hindi na-de-detect agad dahil maraming mga taong mayroong virus ang hindi nakakaramdam ng symptoms.
Base sa mga naitalang mga kaso, ang mga matatanda at may mga underlying medical conditions ang pinakamabilis tamaan ng COVID-19.
Paano na-i-infect ang isang tao ng COVID-19?
Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels
Kumakalat ang virus na ito sa pamamagitan ng respiratory droplets. Ibig sabihin, kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng simpleng pag-ubo o pagbahing. Pwedeng maiwan sa ere o sa surfaces ang mga droplets. Kapag nalanghap ito ng mga tao o ‘di kaya nama’y nahawakan at naipunas sa mata, ilong, o bibig, maaaring ma-infect sila ng COVID-19.
Lumalabas ang symptoms ng COVID-19 sa loob ng 14 na araw matapos ma-expose sa Coronavirus disease.
Kailan naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa loob at labas Pilipinas?
Photo courtesy of Markus Spiske via Pexels
Natala ang unang kaso ng COVID-19 noong huling bahagi ng 2019. Una itong nakita sa Wuhan, China, kung saan naglipana ang mga wet markets kung saan naglalaman ang mga patay at buhay na hayop na maaaring nagdala ng virus at ipinasa ito sa mga taong kumain nito.
Bago pa man ma-quarantine ang mga tao sa Wuhan, China, tinatayang humigit-kumulang 5 milyong tao ang umalis sa lungsod na ito papalabas ng bansa. Karamihan ay umalis para sa Chinese New Year celebrations. Tinatayang dahil sa malakihang pag-alis na ito, napabilis ang pagkalat ng COVID-19.
Sa ngayon, naka-recover na ang mga tao sa Wuhan dahil sa patuloy na bumabang bilang ng mga kasong naitatala sa lungsod at sa buong China. Ngunit hindi ito ang sitwasyon ng maraming mga bansa. Kasalukuyang naka-quarantine ang maraming mga bansa lalo na sa America at Europe para labanan ang pagkalat ng virus.
Enero 30, 2020 nang maitala ng Pilipinas ng unang kaso ng COVID-19 sa bansa. Noong February 2 naman naitala ang unang pasyente sa Pilipinas na namatay dahil sa COVID-19. Mula noon, dumami na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang sa nagdesisyon na ang gobyerno na i-lockdown ang Metro Manila noong March 15 para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 at na-extend naman ang quarantine sa buong Luzon noong March 17.
Sa ngayon, mas dumarami pa ang kaso ng infection at death dahil sa virus, lumalaki rin ang saklaw ng lockdown sa bansa.
Ano ang preventive measures natin sa COVID-19?
To stop COVID-19 spread in the Philippines, kasalukuyang sumasailalim sa State of Calamity ang buong bansa na ipinatupad noong March 17. Sa kondisyong ito, hindi maaaring lumabas ang mga tao liban sa pagbili ng mga pangangailangan o pagpapagamot.
Nagpatupad naman ng mga preventive measures ang mga Local Government Units o LGUs para tugunan ang mga basic needs ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap. Kasama dito ang libreng pagkain at libreng sakay papunta sa mga grocery at palengke. Nagtutulong-tulong na rin ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno kasama ang mga magigiting na public health workers para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 at gamutin ang mga mayroon nito.
Bakit patuloy ang pagkalat nito? Bakit ito tinaguriang pandemic?
Photo courtesy of Markus Spiske via Pexels
Ang mga virus tulad ng Coronavirus ay wala pang gamot. Kapag nagkaroon ng virus ang isang tao, kailangang palakasin ang kanyang resistensya upang labanan ang sakit. Maaaring maiwasang magkaroon ng virus gaya ng SARS o trangkaso kung mayroong bakuna. Ngunit dahil isang bagong sakit ang COVID-19, wala pang nadidiskubreng bakuna para rito kung kaya’t patuloy ang pagkalat nito sa buong mundo.
Dahil wala pang bakuna para i-prevent ang COVID-19, mabilis na naapektuhan ang mga tao ng sakit na ito. Sinasabi ring ang mga taong mayroong mild symptoms at mga taong hindi nakakaramdam ng anumang sintomas ang nagpapakalat ng Coronavirus disease.
Dahil sa mabilis na pagkalat na ito, tinaguriang pandemic ng WHO ang COVID-19 noong March 11. To stop COVID-19, hinihikayat ng WHO na manatili sa mga bahay ang mga tao at magsagawa ng social distancing para mapigilan ang patuloy na pagkalat ng Coronavirus disease. Kasama dito ang pagsuspinde ng mga klase at trabaho at pagkansela ng mga malalaking events.
Paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili at pamilya mula sa COVID-19?
Photo courtesy of EVG photos via Pexels
Madaling ma-overwhelm at matakot sa information na natatanggap mo araw-araw tungkol sa COVID-19. Pero hindi ito ang oras para mag-panic, Suki! Kailangang mo lamang sundin ang mga dapat gawin sa panahon ng public health alert. Ito ay para sa kapakanan ng iyong sarili at ng buong pamilya.
Sa kaso ng COVID-19, maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pananatili sa bahay. Lumabas lamang kapag may kailangang bilhin o bayaran. Para sa madaling transaksyon ng mga bayarin, maaaring lumapit sa kahit anong branch ng Palawan Pawnshop. Tiyak, Suki, walang hassle at convenient ang bills payment. Mapapadali pa lalo kung aralin mo na bago ka pa dumayo sa branch how to send money pati na rin ang mga type of IDs accepted tuwing magpapadala o tatanggap ng pera. Sa ganitong paraan, mapapaiksi ang bisita, at maiiwasan mo rin ang pabalik-balik na dalaw dahil sa may naiwan o nakalimutan ka. Tiyak, Suki, walang hassle at convenient ang bills payment – basta’t handa ka.
Kung kailangan mong lumabas, magsuot ng face mask at laging magdala ng alcohol, lalo na kung sa tingin mo’y mayroon na kayong mild symptoms ng virus. Ugaliin ding maghugas ng kamay at panatilihing malinis ang mga madalas hawakan na surfaces sa bahay. Turuan din ang mga chikiting na maging malinis sa sarili at maglinis ng tahanan. Liban pa sa proper hygiene, mainam ding palakasin ang resistensya sa pamamagitan ng pagkain ng mga masusustansyang pagkain at pag-e-ehersisyo.
Manood ng balita at bantayan ang mga updates tungkol sa isinasagawang community quarantine at iba pang mga ordinansa ng mga LGUs o mga batas na ipinapatupad ng national government. Humingi ng tulong sa emergency hotlines tungkol sa mga sintomas na nararamdaman mo bago pumunta ng ospital. Makakatulong itong malaman kung kaya bang tugunan ang mga symptoms sa loob ng bahay para hindi na kailangang dumagdag pa sa bilang ng mga patients sa ospital.
Paano makakatulong sa komunidad at sa bayan para labanan ang COVID-19?
Photo courtesy of Oles kanebckuu via Pexels
Sunding mabuti ang social distancing. Huwag nang lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan. Makakatulong ito sa pagpapatigil ng pagkalat ng Coronavirus disease. Kapag bumaba ang infection rate, makakabwelo ang ating mga medical professionals. Ibig sabihin, patuloy ang panggagamot nila sa mga maysakit nang hindi natatambakan ng mga pasyente.
Kapag nanatili tayo sa bahay, mababawasan ang mga mahahawa at liliit ang bilang ng mga kakailanganing gamutin. Maaalalayan natin ang ating mga doktor, nurses, at researchers para labanan ang Coronavirus disease.
Kung kaya rin ng inyong pamilya, maaari rin kayong makatulong sa pamamagitan ng pag-do-donate sa ating mga frontliners o kaya naman sa mga mahihirap na labis na naaapektuhan ng community quarantine.
Suki, tandaan na ang laban sa COVID-19 ay hindi lang laban ng isang tao o pamilya. Laban ito ng buong mundo, kung saan lahat tayo ay inaasahang tumulong. Do your part to stop COVID-19 by staying at home at pagsunod sa mga guidelines na ipinatutupad ng pamahalaan. Ang wais na Pinoy ay hindi nag-pa-panic. Be alert, not anxious. At kung may kakayahan ka, magkusang-loob na tumulong sa mga frontliners at sa mga mahihirap sa gitna ng kalamidad na ito. Mapapabilis ang pagsugpo sa Coronavirus disease kung lahat tayo ay nagtutulungan.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024