New Year, New Me: 10 Bagay Na Dapat Mo Na Baguhin This 2019

Blog

May 04, 2021

ppsplaceholder-1

Tuwing Bagong Taon, nakahiligan na nating mga Pinoy na gumawa ng mga sari-sarili nating bersyon ng New Year’s resolution. Ibig sabihin lang noon, napagnilay-nilayan lang natin ang papatapos na taon at napagisip-isipan na may mga bagay sa ating mga sarili (personal man o sa career) ang kinakailangan ng improvement. Kaya’t heto tayong lahat, pagsapit ng “ber” months, kanya-kanyang gawa ng listahan ng “things to change for the new year.” O ‘di ba, new year, new me lang ang peg?

Wala namang masama doon, ‘di ba? Syempre lahat naman tayo gusto ng pagbabago for the better, ika nga. Ang kaso lang, halos lahat ng “resolutioners” ay masigasig lang sa pagbabago sa umpisa—matapos lang ang isang buwan, balik na naman tayo sa dati nating gawi.

Bakit nga ba palaging fail ang New Year’s resolution natin? Aba’y paano ba naman natin maa-achieve ang mga goals natin kung ang mga ito’y:

  1. hindi makatotohanan,
  2. hindi pinagplanuhan, at 
  3. walang timeline?

Kaya’t ngayong bagong taon, kung gusto natin talaga ng pagbabago sa ating mga sarili, pagplanuhan natin ng mabuti, gawan natin ng achievable na timeline, at, more importantly, gawin nating makatotohanan ang ating mga new year’s resolution.

Kayo, mga kasuki? Meron na ba kayong sariling listahan na makatotohanan at achievable? Kung wala pa, Palawan Express Pera Padala is here to help. Here are 10 easy to achieve resolution ideas that you can add to your personal list of New Year’s resolution 2019:

“Rock-a-bye, baby on the tree top…”

Oo, mga suki, matulog ka lang nang sapat at nasa oras ay malaking bagay na para sa pagbabago ng buhay mo ngayong 2019. Karamihan kasi sa atin ay palaging kulang sa tulog dahil sa sobrang gimik o trabaho, o imbes na matulog na ng maaga, magdamag pang nakatutok sa cellphone. Ang nangyayari tuloy, wala tayong sapat na lakas at talas ng isip para magawa ang mga dapat nating gawin kinabukasan. Kaya’t ngayong 2019, sanayin natin ang ating mga sarili na matulog nang maaga.

“Mag-exercise tayo tuwing umaga…”

Kung makakatulog ka nang maaga sa gabi, magigising ka nang maaga. Heto na ang pagkakataon mong makapag-ehersisyo sa umaga. ‘Di naman kailangang mag-gym pa o mag-heavy lifting. ‘Di rin kailangan na maggugol nang maraming oras para lang mag-exercise. Sa katunayan, kahit mga 15 hanggang 20 minutes lang ng stretching, calisthenics, o jogging pagka-gising sa umaga ay sapat na. Try n’yo ‘to, mga suki, at siguradong magiging mas energetic at matalas ang pagiisip n’yo buong araw.

“There’s no time to waste…”

Sakit nating mga Pilipino ang mañana habit o ang pagpapaliban ng mga gawain natin until the last minute. Aminin n’yo mga suki; ‘di ba’t kahit gaano pa ka-importante ang bagay na kailangan nating gawin ay madalas na ipagpapa-bukas pa natin? Katulad na lang halimbawa ng pagbabayad ng utility bills—bakit pa natin paabutin yung dumating ang disconnection notice bago natin bayaran? Minsan pa ay napuputulan pa tayo ng kuryente o tubig bago pa natin mabayaran. Ang ending tuloy, magbabayad pa tayo ng penalties at reconnection fees. Eh kung binayaran agad natin ang monthly bills natin sa Palawan Express Padala Bills Payment, eh ‘di hindi na tayo na-hassle. ‘di ba? Kaya’t ngayong 2019, iwasan na ang mañana habit.

“Kabilin-bilinan ng lola…”

Hindi naman masama gumimik paminsan-minsan. In fact, kailangan din natin ‘yan to unwind at mag-release ng stress. Pero kung inaaraw-araw mo na, aba’y ibang usapan na ‘yan. Bisyo na ‘yan! Kaunting kontrol lang sa pag-inom, mga suki. Dahil hindi lang ‘to masama sa kalusugan, mabigat din sa bulsa kung araw-araw ay nasa gimikan ka.

“Smoke gets in your eyes…”

Kung ang pag-inom ng alak ay kailangan natin kontrolin, ang paninigarilyo naman ay dapat talagang itigil na nang tuluyan. Alam naman nating lahat kung gaano ito kasama sa ating kalusugan. Alam din naman nating lahat na nakakasunog din ‘to ng budget. Kung talagang desidido kang tumigil sa pagyoyosi  pero hirap kang gawin, subukan mong unti-untiin. Kung halimbawa ay nakaka-isang kaha ka sa isang araw, subukan mong bawasan ng hanggang sa kalahating kaha sa unang buwan. Bawasan mo ito paunti-unti every month hanggang sa kayanin mong tuluyan na tumigil sa paninigarilyo bago pa matapos ang 2019. Mahirap sa umpisa, oo, pero isipin n’yo na lang ang mabuting maidudulot nito sa inyong buhay.

“Til debt do us part…”

May utang ka ba sa nanay mo? May pinagtataguan ka bang kakilala dahil sa utang? Maxed out na ba ang mga credit cards mo? Aba, mga suki, mahirap yang kalagayan mo; hindi ka uusad sa buhay niyan. Ika nga nila, how can you move forward if you’re weighed down by debt? Isa pa, kapag marami kang pinagkakautangan at pinagtataguan, syempre liliit ang mundo mo. Ang maipapayo lang namin sa’yo ay i-tigil mo na ang pagtatago at harapin ang iyong mga pinagkakautangan nang mapagkumbaba at may dignidad. Bigyan mo sila ng totoong at malinaw na plano at timeline kung paano at kailan mo sila mababayaran. At kung hindi mo kayang bayaran nang isang bigayan, makiusap ka at siguraduhing mababayaran sila nang paunti-unti.

“Saving all my love for you…”

Bayad mo na ang lahat ng mga utang mo? Ito na ang magandang pagkakataon para mag-ipon hindi para lang sa ‘yong kinabukasan, kung hindi pati na rin sa mga mahal mo sa buhay. Iba na rin ang may ipon, ‘di ba? In case of emergencies o kung gusto mo magbakasyon nang biglaan with your family, o ‘di kaya naman ay may biglaang kailangang ipagawa sa bahay na medyo magastos, alam mong mayroon kang paghuhugutan ng pera anytime. Kahit na maliit na halaga lang sa umpisa. Ang importante, naumpisahan mo na mag-save at every sweldo ay huhulugan mo ito ng kung magkanong halaga.

“It’s too late, baby, now it’s too late…”

“Filipino time?” Gasgas na ‘yan, mga suki! Ang uso ngayon ay laging on time. So, make an effort not to be late sa mga appointments mo. Bukod sa mga emergency situations, wala naman talaga iba pang valid reason para ma-late tayo. Halimbawa: alam mo na namang ma-trapik sa EDSA, bakit naman 30 minutos lang ang ibibigay mong palugit sa oras ng iyong appointment sa Makati kung manggagaling kang Quezon City, ‘di ba?

“Put your phone down…”

Sa panahon ngayon ng social media, halos lahat tayo ay palaging nakangudngod ang mukha sa ating mga cellphone. Post dito, post doon, like dito, like doon, comment dito, comment doon, selfie dito, selfie doon, scroll dito, scroll doon—‘di ba talaga tayo nagsasawa? Bukod sa masakit sa ulo ang palaging nakaharap sa maliliit na screen ng cellphone, naaapektuhan din ang relationship natin with our families and friends. Kaya, mga suki—hinay-hinay lang tayo sa social media this 2019.

“It’s more fun in the Philippines…”

Enjoyin naman natin ang ganda ng Pilipinas, mga suki. Ika nga nila, huwag tayong maging dayuhan sa sariling bayan. Sa dami ba naman ng magagandang tourist spots dito sa bansa, siguradong hindi tayo mawawalan ng mapupuntahan sa taong 2019.

Kaya ngayong 2019, kalimutan na natin ang “how to be you po” at at palitan natin ng “how to change for the better.” Hindi naman ganoon ka-kumplikado ang mga listahan na ito basta’t desidido lang tayong sundin at gawin. Makakabuti rin na isipin na ang lahat ng ito’y para rin sa kapakanan ng ating pamilya. Kung gagawin natin silang inspirasyon, tiyak na sisiw lang sa’yo lahat ‘

Share: