Level Up this 2021 with these New Year’s Resolution Ideas

Blog

March 19, 2021

Level-Up-this-2021-with-these-New-Years-Resolution-Ideas

Tapos na ang 2020, suki! The enemy has finally been slain! Napakahirap man ng nagdaang taon dahil sa kabi-kabilang problemang tumama sa Pilipinas at sa mundo, heto ka pa rin at staying strong.

2021 is definitely gonna be the one. Kaya panahon na para pangatawanan ang iyong mga New Year’s resolutions para sa iyong personal at career growth. 

Papayag ka ba na coronavirus lang ang may bagong strain? Dapat ikaw rin suki ay mga pagbabagong gagawin for the better! Dahil let’s face it, marami pa tayong pagdadaanan sa taon na ito. Pero hindi ito sapat para manatiling nega all-year round.

balloons

Photo courtesy of Luca Upper via Unsplash

Kaya para sa mga loding suki na mayroon nang listahan ng New Year’s resolution, time to step up your game at gawin kahit isa man lang na bagay sa iyong listahan. Hindi naman kailangang bongga ito agad. Start with baby steps at lagi lang tandaan kung bakit mo gustong mag-grow as a person.

Para naman sa mga Suki na nag-iisip pa lang kung anong New Year’s resolution na pwede nilang gawin, huwag mag-alala dahil Palawan Pawnshop’s got you covered. Kayang-kaya mong gawin ang mga New Year’s bucketlist for the future na ito to become a better version of yourself.

Tara na at basahin ang mga sumusunod na New Year’s resolution ideas na kering-keri mo ma-achieve this 2021:

“I want to break free..”

break-free

 Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels

 

“It’s not you it’s me.” Ito na ata ang pinaka-gasgas na break-up line na ilang beses na nating narinig. Ngunit magagamit mo pa rin ito Suki para sa iyong New Year’s resolution.

This 2021 hindi mo lang dapat iwan ang kumare or kumpare mong toxic na laging pinagyayabang ang bagong bili niyang air fryer sa Facebook, kailan mo ring iwan ang unhealthy relationship mo sa iba’t ibang bagay tulad ng toxic habits sa work gaya ng pagtatrabaho during day offs.

Isang halimbawa nito ang toxic habit mo na lagi mong iniisip na kailangan lagi kang may progress at promotion sa work.  Hindi naman masama Suki to aim for excellence pero nakakapagod din na ilagay ang iyong sarili sa pressure cooker.

Make plans to break up with these habits and learn to detoxify for yourself from all the pressures and negativity. Kung pressured ka to acquire new things like your kumare and kumpare, pwede mo namang silang i-unfollow sa social media para di sila pakalat-kalat sa iyong timeline. 

Kung may toxic relationship ka naman sa iyong work, learn to set boundaries para magkaroon ka ng time for yourself. Isa kasi sa mga problema sa work-from-home suki ay wala nang clear division ang office time at leisure time. Makatutulong kung may susunding kang office hours na you will follow regardless kung matapos mo o hindi ang tasks mo sa araw na iyon. 

Isa pang magandang paraan para labanan ang burnout and to become healthier ang work-from-home setup ay ang pagbibigay ng oras sa pagtulog. 

Minsan kasi kaya ka napupuyat ay dahil pinipilit mong makabawi ng time for rest dahil nga nag-over time ka sa work. Kaya ayan, tuloy tuloy ang pagbababad mo sa ML o sa Netflix tuwing gabi. 

Kung may maayos kang oras na nakalaan para sa work at sa pahinga, mas mababawasan ang chance na ma-burnout ka which in turn lessens your chance to compensate by staying up late.

Start by finding ways to leave bad habits and everything else will follow, Suki!

“Mag-exercise tayo tuwing umaga…”

morning-exercise

 

Kung makakatulog ka nang maaga sa gabi, magigising ka rin nang maaga. Ibig-sabihin magkakaroon ka ng time para makapag exercise bago humarap sa panibagong araw.

Napakaraming benefits ang pag-eexercise tuwing umaga lalo na kung goal mong maging healthy at  bumalik ang iyong alindog ngayong taon. Kaya definetly pasok na pasok sa banga dapat ito sa iyong New Year’s resolution list.  

Di naman kailangang mag-gym pa o mag-heavy lifting lalo na ngayon na napakahirap mag-take ng risk para lang lumabas at pumunta sa gym. Sabi nga ni Kim Chiu, “bawal lumabas!” lalo na kung non-essential naman ito.

Sa katunayan hindi mo rin naman kailangang gumugol ng maraming oras para lang mag-exercise. Kahit mga 15 hanggang 20 minutes lang ng stretching, calisthenics, o jogging  in place pagka-gising sa umaga ay sapat na. Kahit isa lang sa 12 Home Exercises na ito for Beginners ay sapat na.

Maganda rin kung makapag-invest ka ng mga equipment na makakatulong sa iyo tulad ng elastic bands at dumbells. Imbis na gumastos ka nga mga kung anu-anong bagay sa online shopping apps ay make plans to invest on things that will help you.

Huwag maliitin ang malaking tulong na simpleng workout sa bahay dahil at siguradong magiging mas energetic at matalas ang pagiisip n’yo buong araw.

“Take care of your cha-ching…”

take-care-of-your-cha-ching

Photo courtesy of Stevepb via Pixabay

Sakit na ng mga Pilipino ang gumastos kahit hindi naman kailangan. Makikita ito lalo na kapag may mga piyesta dahil may mga taong handang mangutang para lang may maihanda sila para sa bisita. Sabi nga ni Jessie J., “forget about the price tag” lalo na kung unnecessary spending naman ito.

Aminin niyo mga suki, ‘di ba’t kahit alam niyong hindi naman ganoon ka-importante ang bagay na nakikita niyo online ay may temptation kayong bilhin ito?

Mas mahirap ngayon dahil inaalam ng iyong mga applications ang iyong deepest darkest desires kaya nga di nakapagtataka na iniisip mo pa lang kung kailangan mo na ba ng bagong Iphone 12 ay may tatambad na sa iyong ad nito sa timeline mo.

Ang ending tuloy hindi pa nga dumarating ang iyong sahod ay nagastos mo na ito. Kaya para maging Hello, Sahod, Goodbye Sahod no more, kailangan mo suki na magkaroon ng mas maayos na money management at budgeting plans this 2021.

Isang best tip para dito ay ang paglikha ng projected budget plan para sa mga susunod na buwan based on your salary. Guesstimate (wow bagong word) mo lang kung ano ba ang mga babayaran mo halimbawa sa next three months at i-compute kung magkano ang mababawas nito sa mga sasahurin mo. 

Makatutulong kung alam mo gumamit ng Excel sheet sa iyong laptop o computer upang mas maging systematic ang pagkukwenta mo ng iyong gagastusin. 

Bukod dito, subukan ding umattend ng mga seminars tungkol sa financial management at budgeting. Imbis na magbabad ka sa panonood ng K-drama at mag stalk sa mga paboritong mong artista, makinig ka na lang sa mga financial experts upang malaman kung paano mo pa ma-iimprove ang iyong financial lifestyle. Tutal, hindi naman matagal ang mga online seminars na ito minsa’y libre pa!

Habang tumataas ang bilihin ay kailangan din maging mas wais Suki. Kaya sikapin na masusunod mo ang iyong money management plans sa iyong New Year’s resolution not only for this year, pero para na rin sa iyong future. 

“Kabilin-bilinan ng lola…”

kabilin-bilinan-ng-lola

Hindi naman masamang lumabas paminsan-minsan ngayon kasama ang mga kaibigan. Halos isang taon na ring nakakulong ang mga tao kaya di talaga maiiwasan ang lockdown burnout.

In fact, kailangan din natin lumabas paminsan-minsan hindi lang para mag-unwind at mag-release ng stress. Makakatulong din ito upang makabawi ang iba’t ibang industriya na natamaan ng pagkalat ng coronavirus.

Be responsible at huwag pakampante, Suki. Iwasang lumabas ng isang beses sa isang linggo. Okay na ang once every two weeks or twice per month.

Kung ikaw ang alay ng tahanan-- ang bagong term para sa mga family members na naatasang mamalengke at mag-grocery-- iwasang . Stick to your task para maiwasan din ang risk nang sa gayon ay mga napamili mo lang ang iyong iuuwi at hindi sakit.

Always remember din suki na sundin ang COVID safety health protocols upang protektahan ang iyong sarili at mga tao sa iyong paligid. Cliche na kung cliche pero prevention is better than cure. Lalo na ngayon na hindi naman natin sure kung may matatanggap tayong vaccines.

“Til debt do us part…”

til-debt-do-us-part

May utang ka ba sa nanay mo? May pinagtataguan ka bang kakilala dahil sa utang? Maxed out na ba ang mga credit cards mo? Aba, mga suki, mahirap ang kalagayan na ito!

Tandaan mga mars at pards na savings ang iniipon at hindi utang. Kung may bills ka man na dapat bayaran, huwag nang lumabas para lang magbayad sa Bayad Centers. Mayroon namang Palawan Express Bills Payment na mabilis mong magagamit at safe pa.

Pero real talk, mayroon talaga na hindi maiiwasan na mangutang dahil hindi naman tumataas ang sahod ng karamihan habang patuloy ang pagtaas ng bilihin. Mayroon din na nanungutang para makapagpundar sa bagong negosyo lalo na sa mga nawalan ng trabaho.

Kung di talaga maiiwasan mangutang ay at least maging smart ka suki sa pag-handle nito. Make sure na may malinaw kang timeline at plano kung paano mo mababayaran ang mga ito.

Huwag mag-assume na magiging sucessful ang iyong business dahil hindi naman sa lahat ng pagkakaton ay ito ang nangyayari. Masakit pero kailangan tanggapin.

Tandaan lagi suki na laging maging handa sa worst case scenarios upang hindi ka mas lalong mabaon sa utang. Ika nga nila, how can you move forward if you’re weighed down by debt? 

“Saving all my love for you…”

saving-all-for-my-love

Ngayon naman kung bayad na lahat ng iyong utang, ito na ang magandang pagkakataon para mag-ipon

Napupuno ang kapaligiran ng mga di kasiguraduhan. Bukod sa hindi nakikitang sakit ay hindi rin masisigurado ng marami kung magkakaroon pa sila ng trabaho. Kaya upang maiwasang hindi mapadpad sa ganitong kalagayan ay kailangang magkaroon ng pera in case of emergencies.

Subukang itago kahit 10% ng iyong suweldo. Ilagay ito sa lugar or bank account na sure mong hindi basta-basta magagastos.

Kahit na maliit na halaga lang sa umpisa, Suki, ayos na. Ang importante, naumpisahan mo na mag-save at every sweldo ay huhulugan mo ito ng kung magkanong halaga. 

“Put your phone down…”

put-your-phone-down

Sa panahon ngayon ng social media, halos lahat tayo ay palaging nakangudngod ang mukha sa mga cellphone. Post dito, post doon, like dito, like doon, comment dito, comment doon.

Ngayong 2021, mahirap mang iwasan pero subukan pa ring bawasan ang paggamit ng devices para sa ibang bagay as part of your New Year’s resolution. 

Maaaring mag-aral na iba’t ibang crafts sa bahay o kaya magsanay mag-bake ng cookies na maaari mo ring pagkakitaan.

Yung librong binili mo na ginawa mong pang-design lang? Baka oras na upang pagpagan ang naipong alikabok dito at umpisahan nang basahin!

Pwede ring gawing libangan ang art. Mayroong mga mumurahing coloring book na very relaxing at fulfilling kapag nakikita mo ang iyong progress. 

Bukod sa masakit sa ulo ang palaging nakaharap sa maliliit na screen ng cellphone, naaapektuhan din ang relationship natin with our families and friends. Kaya, mga suki—hinay-hinay lang tayo sa social media this 2021.

“It’s more fun in the Philippines…”

its-more-fun-in-the-philippines

Paano mo nga naman ma-e-enjoy ang ganda ng Pilipinas kung napakaraming travel restrictions? Kung impossible for now na pumunta sa mga sikat ng lugar tulad ng Baguio at Tagaytay, baka pwede mong maging New Year’s resolution ang pagpunta sa mga malalapit na attractions sa iyong probinsiya o lugar!

Napakaraming mga hidden places waiting to be discovered sa Pilipinas. Why not try biking around? Great things happen in chance encounters with sabi nga nila.

Malay mo ma’y ma-uncover ka pa lang secret gem na hindi pa alam ng nakakarami. Ika nga nila, huwag maging dayuhan sa sariling bayan. Sa dami ba naman ng magagandang tourist spots dito sa bansa, siguradong hindi ka mawawalan ng makikita sa iyong probinsiya o siyudad!

Kakaumpisa pa lang ng 2021 at napakarami pang buwan para sundin ang isa sa mga New Year’s resolutions mo. Take it slow, 'wag magpadala sa pressure.

Tandaan na hindi mo ito ginagawa para sa iba kung hindi para sa sarili mo.

Share: