-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
10 Monthly Goals: Mga Bagay Na Dapat Gawin Tuwing End of the Month
March 19, 2021
Malapit na naman magkatapusan, mga bes! Sa madali’t salita, sweldo na naman at syempre, bongga na naman ang weekends natin! Kain dito, kape doon, shopping dito, at gimik doon. Sarap buhay, no?
Wala namang masama na i-treat natin ang mga sarili natin once in a while, ‘di ba? Alangan naman na puro kayod na lang tayo and no play at all. Pero syempre, just like with anything else, kailangan in moderation lahat. Lalo na sa hirap ng panahon ngayon, kung hindi tayo magse-set ng goals natin each month, aba’y walang mangyayari sa mga buhay natin, ‘di ba?
Ang tanong: may monthly goals ka nga ba?
Kung wala, don’t worry, be happy, mga Bes; andito ang Palawan Pawnshop to give you a list of achievable monthly goals na pwede mo subukan. Here are the things to remember during end of month:
I-budget nang tama ang Monthly Income
If ikaw yung tipong palaging nakakaranas ng “petsa de peligro” o yun bang halos hindi mo na malaman kung paano ito aabot sa next sweldo mo, aba’y you should stop for a while and reassess your financial situation. Ibig sabihin lang noon, hindi mo nahahawakan nang maayos ang monthly income mo. It really doesn’t matter kung maliit man ang sweldo mo; kung marunong kang i-manage nang maayos ang monthly income mo, you can easily pay all your bills on time while still have enough left para sa iba pang gastusin.
Isa sa mga pinaka-effective na paraan para ma-manage nang maayos ang buwanang sweldo ay dapat matuto tayong mag-budget. Maupo ka with a notebook and a pen at i-compute mo kung magkano ang take-home mong pera every month. Kapag nakuha mo na ang average monthly income mo, i-bawas mo na agad yung monthly expenses mo, which usually include utility bills, credit card bills, groceries, rent, monthly allowance (food and transport to and from work), etc. If meron ka pa iba pang kailangang bayaran like kung may utang ka sa nanay mo o sumali ka sa paluwagan sa office, mas maganda rin na isama mo na rin ang mga ‘to sa monthly expenses mo.
Ngayon, after mo mabawas sa average monthly income mo ang average monthly expenses mo, ang matitira dito ay ang iyong “cash-on-hand” na pwede mo gamitin pa sa iba pang bagay. Heto na yung pwede mo ipang-gimik, ipang-bili ng bagong sapatos, at kung ano pang trip mo sa buhay. Although mas marami ka pang pwedeng gawin sa pera na ’to na mas worthwhile but we’ll get to that later.
Maglaan Para sa Emergency Fund
Ayon sa mga eksperto, ang ideal na halaga ng emergency fund ay dapat may kakayanang buhayin ka ng hanggang three to six months. Ibig sabihin, kung sakaling mawalan ka ng income ngayon, mayroon kang sapat na pera na kayang i-cover ang lahat ng buwanang gastusin mo sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Kaya’t para masabing financially independent ka, dapat ay umpisahan mo nang magtabi ng pera para sa’yong emergency fund. At huwag na huwag mo ring gagamitin ito ng para sa kung ano-ano lamang. Kaya nga tinawag itong emergency fund ay para lang may mahuhugot kang pera sa mga emergency cases.
Maglaan Para sa Retirement Fund
Kung ikaw ay nasa edad 23 pataas pa lang, malamang iniisip mo na masyado pa maaga para mag-imbak para sa’yong pagreretiro. Pero ang totoo niyan, ito talaga ang ideal na edad para magsimula. Isipin mo na lang, Bes, na kung mas maaga ka maguumpisa, mas magkakaroon ka nang mas mahabang panahon para makapag-ipon nang mas malaki. Pangalawa, kung ngayon pa lang ay magiipon ka na, ‘di mo kailangan magtabi nang mas malaking halaga buwan-buwan. O ‘di ba? Win-win situation.
Maglaan Para sa Savings
Kung nagiipon ka na para sa emergency fund, bakit mo pa kailangan ng savings? Aba mga Bes, syempre kailangan mo rin ng extra money for other gastusin other than emergency cases. Kasi, unlike sa emergency fund na hindi mo dapat ginagalaw sa mga gastusing hindi naman talaga emergency, ang savings pwede—in moderation pa rin syempre, Bes!
Maglaan Para sa Insurance
Iba rin naman kapag alam mong insured ka, ‘di ba? ‘Di rin naman kailangang malaki ang itatabi mo para rito. In fact, sa halagang bente pesos (PhP20) ay maaari ka nang maging insured sa Palawan Pawnshop ProtekTodo. Kung matagal mo nang pinag-iisipan at sigurado ka nang gusto na kumuha ng insurance Suki, magtanong lamang at aralin ang mga detalye nito mula sa ating mga branch agents.
Maaaring malaman ang contact number of the branch closest to you sa ating branch finder sa website.
Maglaan Para sa Investments
Yes, pwede rin naman tayo mag-invest kahit paunti-unti lang. Isa sa mga popular na paraan ng pag-invest ay through jewelries. Ang maganda sa pag-invest sa mga alahas ay pwede mo sila gamitin sa pag-rampa mo tuwing weekends, at kung nangangailangan ka naman ng cash, isang takbo lang sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop, meron ka na agad extra money para sa mga gastusin mo. Of course, just make sure na matutubos mo ang iyong alahas on time nang hindi ito ma-remata.
Practice Real Work/Life Balance
Syempre, hindi lang naman pagbabayad sa utility bills at iba pang responsibilidad naka-focus dapat ang buhay mo. Like what I’ve earlier mentioned, hindi rin naman maganda na hindi mo i-treat ang sarili mo kahit paminsan-minsan lang. Kaya nga mas maganda na masunod mo ang tamang pag-budget ng iyong pera habang maaga nang sa gayun ay mas madali mong maabot ang target amount mo para sa emergency at retirement fund mo. Kung sakaling maabot mo within a few months ang target amount for your emergency fund, aba’y pwede mo na magamit ang extra money for treating yourself like, say, pampering yourself on a spa or maybe a fancy dinner date with your special someone once a month. Bongga ‘di ba?
Mag-exercise Tayo Tuwing Umaga
Seryoso, mga bes! Hindi na rin naman tayo bumabata kaya dapat iniisip na rin natin ang ating kalusugan. What better way to do that than to do some exercise sa umaga, ‘di ba? ‘Di naman kailangan mag-gym o mag-heavy lifting para dito. Kahit simpleng stretching at calisthenics lang sa bakuran n’yo o maging sa sala n’yo ay enough na para dito. ‘Di rin naman ito time consuming kasi mga nasa 15 to 20 minutes lang naman ang ilalaan mo every morning. Kung halimbawa ay kailangan mo umalis ng bahay ng 8AM, gumising ka ng 6AM para magkaroon ka pa ng oras para mag-almusal, mag-ehersisyo, at magmuni-muni sa umaga bago ka pa mag-ready papasok. Do this morning routine everyday and in just a couple of months siguradong mararamdaman n’yo ang difference sa inyong physical and even mental health.
Maglaan ng Oras Para Sa’yong Passion Project
May passion ka ba sa buhay? Mahilig ka ba sa photography? Magsulat ng poetries? O baka naman meron kang banda? Kung meron kang trip na mga “side activities” na ganito, bakit hindi mo sila gawing passion project? On your free time, pwede ka mag-enroll sa photography classes para mas ma-enhance pa ang kaalaman mo sa hilig mo. Or kung nagbabanda ka, eh ‘di igugol mo ang weekends mo rehearsing or writing new songs with your bandmates. Mahilig ka sa poetries? Write more during your free time and join poetry reading events. Maglaan ka ng oras sa passion mo at siguradong mas magiging fulfilling ang iyong buhay.
Learn a New Skill
Ang mga pagbabago sa mundo ay hindi natin mapipigilan kaya’t dapat ay handa rin tayo sa mga pagbabago na ito. This is why learning a new skill is so important, mga bes. Hindi lang para makibagay sa mga pagbabago ng mundo, kundi para na rin sa ating personal development. Kung halimbawa ay gusto mong matuto ng bagong language, aba’y marami itong maaaring buksan na oportunidad sa iyong personal at propesyonal na buhay. Lalo na kung ang napili mong lengguwahe ay yung in-demand ngayon.
See, mga Bes? Hindi naman ganoon kahirap mag-set ng monthly goals, ‘di ba? It’s just a matter of learning self control and properly allocating portions of your salary sa bawat importanteng aspeto ng buhay mo. Kaya mo yan, Bes! Sabi nga nila: kung may tiyaga, may nilaga. Kung susunurin mo ang mga tips dito, aba’y ‘di lang malamang nilaga ang ma-enjoy mo, baka naka-Kobe steak ka pa!
When it comes to paying your bills on time, the best way to pay your bills each month is through Palawan Pawnshop. Isa ito sa pinaka-convenient na paraan ng pagbabayad ng monthly bills katulad ng kuryente, tubig, at kung ano-ano pa. Hindi lang sa mabilis at maayos na serbisyo, ang Palawan Pawnshop Bills Payment Services ay siguradong may branch din na malapit sa inyo.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024