-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Wais Money Changing Tips Para Maging Merry ang Christmas
December 03, 2021
Jingle bells, jingle bells, jingle all the way! Kumusta, Suki? Handa ka na bang mamahagi ng pamasko sa iyong mga inaanak, katrabaho, kapamilya, at kapwa tao?
Ikaw ba ay isang OFW o balikbayan na gustong magdiwang ng Pasko at Bagong Taon dito sa Pilipinas kasama ng iyong pamilya at mga kaibigan?
Malamang ay may dala kang foreign currency na siyang gagamitin mo para mamili ng regalo o mapagpadala ng pera sa mga kamag-anak at kaibigan mong malayo sa iyo para di man kayo magkita, maipadadama mo sa kanila ang iyong pamaskong regalo.
Bagaman lumuluwag na ang mga restrictions sa Pilipinas ngayong pendemya, para mas safe na ma-enjoy ng mga Pilipino ang Pasko at Bagong Taon, huwag maging masyadong kampante, Suki. Mag-transact lamang sa pinakapinagkakatiwalaang mong money changer, and Palawan Express!
Kung Dollars o iba pang foreign currency ang pocket money mo this Christmas, swak talaga sa iyo Suki ang money changing tips sa article na ito.
Totoo, maraming mga money exchange businesses sa Pilipinas kung saan ka pwede magpa convert ng dollars to pesos. Pero kailangan maging wais sa pagpili ng currency exchange service provider nang matiyak na makukuha mo ang highest money value ng currency mo.
Tandaan, pinagpaguran mo iyan, Suki. Ika nga eh blood, sweat, and tears ang puhunan sa perang kinita mo sa ibang bansa.
8 Money Changing Tips: Mga Dapat Tandaan Kung Magpapapalit ng Pera
1. Makipag-transaksyon lang sa mga safe at authorized money changer
Wag na tayo magpatumpik-tumpik pa, Suki. When it comes sa usapang pera, Palawan Pawnshop ang pinaka maaasahan mong kakampi at katuwang para makuha mo ang best value for your money.
Dito sa one-stop-money-shop, pwede kang mag-sangla, magpadala ng pera, at magpapalit ng foreign currency bills mo to peso. Marami ring branches ang Palawan Express kaya kahit saan ka man sa Pilipinas nakatira, makakapag papalit ka ng iyong pera.
Para hindi ma-scam ngayong pasko, ang money changing tip na dapat mong tandaan ay iwasang magpapalit ng pera sa black market exchanger o mga illegal shops na nag-o offer ng unrealistic exchange rate!
‘Pag nakuha na nila ang pera mo, itatakbo na nila ito at maglalaho na parang bula. Kadalasan na, mga foreigner ang target nilang mabiktima, kaya naman, to save your money mula sa mga scammers, huwag nang balakin pang makipag transaksiyon sa kanila.
Para malaman kung safe at secure ang transactions ng isang money changer, dapat ito’y isang legit business dito sa Pilipinas, rehistrado, at awtorisado ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Tiyakin din Suki na located ang money changer na pupuntahan mo sa isang lugar na ligtas, malinawag, matao, at may high-level of security nang sa gayon ay di ka atakihin sa puso sa takot na baka manakawan ka at mapunta pa sa mga masasamang loob ang perang gagamitin mo para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
2. Make sure na hindi fake ang foreign currency bills mo
Sa kahit anong financial transaction tulad ng money exchange saan man sa mundo, bawal ang fake.
Masakit sa puso ang umasang paglabas mo ng money changer ay may peso ka nang magagamit pang savings, pang shopping, pang-Aguinaldo, at para sa emergency only to find out na hindi maiko-convert ang dollars mo to peso dahil peke ito.
Kahit pa maglulupasay, umiyak, mag-walling, o magwala pa nga na parang kontrabida sa teleserye, walang money changer sa Pilipinas ang tatanggap at magpapalit ng pekeng pera.
Paano mo malalaman kung tunay o peke ang hawak mong pera? Madali lang malaman kung peke ang bills dahil kakaiba ang itsura nito sa isang tunay na dolyar. Kung hindi mo naman gamay ang pag-check ng pera kung tunay o peke ito, narito ang ilang tips para masigurong tunay ang iyong U.S. dollars:
- Kapain ang kada bill. Medyo makapal at magaspang ang tunay na bill.
- Itapat sa ilaw ang pera at i-check kung may watermark o dobleng imprenta ng mukha. Halimbawa, sa isang $100 bill, dapat ay dalawang mukha ni Benjamin Franklin ang makikita mo.
- Kung halagang $5 at mahigit ang pera mo, naka-print ang halaga sa bandang kanan sa ibaba. Kapag tinagilid mo ito, magbabago ang kulay ng numero.
3. Ingatan na huwag mapunit o madumihan ang iyong dollar o ibang foreign currency bills
Maraming mga financial institutions tulad ng money changer ang hindi tumatanggap ng mga bills na may punit o madumi.
Hindi naman sa nag-iinarte sila na tanggapin ang pera mo. Ang totoo Suki, nagiging mapili at maingat ang mga financial institutions sa pagtanggap ng mga bills na may punit o sobrang dumi para matiyak nila na hindi fake ang foreign currency bill na papalitan nila.
Kaya naman, itago at ingatan mo ang iyong dollar o iba pang foreign currency bago ito papalitan. Kapag naunahan ka ng aso o baby mo na punitin at paglaruan ang perang pinaghirapan mo sa abroad, mababawasan ang budget na pinaghirapan mo para sa darating na Pasko.
4. ‘Wag nang ipilit ang magpapalit ng foreign coins
Maaaring hindi tanggapin at palitan ng kahit anong bangko o money changer sa Pilipinas ang mga foreign currency coins na meron ka. Para mas maging mabilis at walang hassle ang iyong currency exchange transaction, paper bills lang ang dalhin at papalitan.
Eh paano na ang foreign coins mo?Isama mo na ito sa iyong travel abroad checklist kapag babalik ka du. Syempre magagamit mo pa ulit ‘yan kaya itago mo na lang muna! Pero kung dito ka na sa Pinas mananatili, gawin mo nalang souvenir ‘yan! Ipa-frame at i-display sa bahay. Oh ‘di ba, instant coin collector ka na! Sosyal!
5. I-check ang latest conversion ng peso rate today
Fluctuating ang value ng peso, Suki. Depende sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa, maaaring bumaba o tumaas ang value ng peso to dollar o iba pang foreign currency.
Para matiyak na hindi masyadong mababa ang palit ng pera mo na inooffer ng mga bangko o money changer ang pupuntahan mo, it is best to check the peso rate today before ka magtungo sa papalitan ng pera.
At bilang wais na Suki, make sure na magpapalit ka doon sa legit money changer na nag-o offer ng hindi binarat na currency exchange para ma-maximize mo ang pera mo.
6. Count your money bago at pagkatapos magpapalit
Bago pa lang umalis ng bahay, tiyakin kung magkano ang dollar or anumang foreign currency ang dala mo. Kung ayaw mong ma-holdap at umuwing luhaan at sugatan, huwag na huwag kang magbibilang ng pera sa pampublikong lugar!
Kung magko-commute o maglalakad ka papunta sa papalitan ng pera, ingatan at laging bantayan ang bag mo. Mainam kung magsasama ka ng kaibigan o kamag-anak para safe ka at ang pera mo.
Makakatulong kung isususlat mo sa isang papel o i-se save sa phone mo ang halaga ng papapalitan mo (isama mo na rin ang serial number kung napa-praning ka) para maiwasan ang kaba at stress na baka mali ang halagang pinapalit mo.
Isa pang money changing tip na di dapat kalimutan, Suki: Bago ka umalis sa counter, o sa money changer, bilangin nang maigi ang peso na ipinalit sa foreign currency mo.
Nakakahiya at hassle na babalik ka sa money changer o bangko para magreklamo na kulang ang halagang inabot sa’yo. Yun naman pala, tama ang perang binigay sa’yo, hindi mo lang nabilang nang maayos o di mo lang matandaan ang halaga.
7. Iplano maigi kung paano itatago ang pera nang ito’y di makuha sa inyo
Kung malaki ang halaga ng perang pinapalit mo, don’t put all your eggs in one basket Suki! Dahil pag nakuha sa iyo ang basket, ba-bye pera.
Kaya naman tiyakin na bago pa lumabas ng money changer o bangko, hatiin ang pera at ilagay ito sa iba’t ibang bulsa o parte ng bag mo at ng kasama mo para matiyak na hindi ito makukuha o mananakaw.
Kung sakali, pagkagaling mo sa money changer o after ng currency exchange transaction mo sa bangko, maaaring i-padala to bank account mo na agad sa Palawan Express counter para manatili itong ligtas.
8. Magkaroon ng money mindset sa pag-avail ng money exchange services
Hindi biro ang mangibang bansa para lang magkaroon ng mas magandang buhay dito sa Pilipinas. Kaya dapat maging matalino ka Suki kung kailan ang pinaka the best time para magpapalit ng pera. Kung nakita mo sa forecast na mababa ang palit ng dolyar sa peso, huwag ka munang magpapalit kung may extra ka pa namang budget.
Kapag tumaas ang palit ng pera, diretso ka na sa Palawan Pawnshop at magpapalit ng pera para makuha mo ang pinakamataas na value ng pera na pinagpaguran mong kitain sa ibang bansa. Ito rin ang tamang time para magpapalit ka ng mataas na halaga ng dolyar para sulit ang transaction mo.
Kahit sa pagpapapalit ng pera, daig ng wais ang masipag! Kung susundin mo Suki ang walong money changing tips na ito, tiyak na masusulit mo ang foreign currency na kinita mo sa ibang bansa.
Kung kailangan mo ng currency exchange services at loyal customer ka ng Palawan Pawnshop, ‘wag ka nang lumayo. Bukod sa sangla at pera padala, makakaasa kang secure ang lahat ng money changing transactions dito. Kaya hindi ka mag-aalangang magpapalit ng kahit malaking halaga ng Dollar, Yen, o Riyal.
May reliable security guard kada branch para sa safety ng lahat ng customers. Honest din ang staff ng Palawan kaya tama ang bilang ng pera na iaabot nila sa iyo, kahit i-triple check mo pa bago ka umalis!
Ang Palawan Pawnshop ay tunay na maaasahan, isang katangian na taglay at ipinagmamalaki ng mga Pinoy tulad mo, Suki. Kaya magtiwala ka lang sa pawnshop at money changer na pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino for over 30 years!
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024