8 Diskarte Tips Para Iwas Dyahe Sa Byahe Ngayong Tag-ulan

Blog

March 19, 2021

diskarte-tips-ngayong-tagulan

Pagkatapos ng nakalulusaw na init netong nagdaang Summer, walang tigil na pag-ulan naman ang kakaharapin natin dito sa ‘Pinas. Matinding hassle ‘to, suki!

Ganyan talaga ang buhay commuter. Asahan na ang paglusong sa baha, kawalan ng masasakyang bus o jeep, at mas matinding trapik. Sayang na nga ang porma dahil sa pagkabasa, doble pagod ka pa sa biyahe sa tag-ulan.

‘Wag na mag alala, suki. Bibigyan namin kayo ngayon ng commuter tips para maging mas komportable at ligtas ang daily commute kahit pa malakas ang buhos ng ulan para iwas dyahe kahit ayaw makisama ng panahon.

Siguraduhing safe at protektado ka ngayong darating na tag-ulan, suki!

Magdala ng payong - kahit walang ulan

art-creativePhoto courtesy of Adrianna via Pexels

Sa lahat ng commuter tips sa tag-ulan, imposibleng hindi mabanggit ang payong. At siyempre, alam mo nang kailangan magdala nito kapag umuulan.

Kaya lang, nakakatamad talagang magdala ng payong paminsan, lalo na kung hindi bagay sa porma o wala kang dalang bag. Kaya naman ang iba, hindi na binibitbit ang payong kapag maaraw naman bago lumabas ng bahay.

Ang kaso, sa bilis ng pagbabago ng panahon, baka sa byahe ka abutan ng ulan!

Siguraduhin na magdala ng payong, maulan man o hindi, para ready ka kahit saan at kelan ka abutan ng pag buhos ng ulan. Konting sakripisyo lang sa porma at hassle para makaiwas sa sakit at hindi kailanganing mag absent sa trabaho o sa eskwela.

Pag-isipan ng mabuti ang porma

architecture-brick-wallPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Ngayong tag-ulan, siguraduhin nating sakto ang suot natin para makaiwas sa dagdag hassle at sa diyahe.

Kung mayroon kang water-repellant jacket, eto na ang pagkakataong magamit ulit ito. Kung wala naman ay ayos lang, basta pumili ng mga damit na may kulay na hindi gaanong pansinin ang basa o ang dumi. Iwasang magsuot ng puti dahil kapitin ito ng putik at dumi.

Pagdating naman sa sapatos, iwasan ang mga mesh at canvas sneakers. Gumamit nalang ng mga sapatos na goma o leather ang itaas para hindi mabasa at madumihin ang iyong medyas at paa.

Marami kang pwedeng pagpilian na mga kasuotan sa tag-ulan. Pero sa huli, depende parin ito sa sarili mong style, trip, at mga damit na meron ka.

Magbaon ng extrang damit

closet-clothesPhoto courtesy of Francesco Paggiaro via Pexels

Kahit pa magdala ka palagi ng payong o magsuot ng jacket, hindi parin mawawala ang posibilidad na mabasa ka ng ulan. Kaya naman para maging handa ay magbaon lagi ng extrang damit na pamalit kung sakaling ikaw ay mabasa.

Kung mayroon kang locker o kahit anong mapaglalagyan sa opisina o eskwela, maaari mo rin itong gamitin para itabi ang iyong pamalit at hindi na kailanganing bitbitin pa.

Isa ito sa mga commuting tips tuwing umuulan na nakakalimutan o nakakatamaran ng marami sa atin pero isa sa pinakamalaking tulong para makaiwas sa dyahe sa pagko-commute.

Mga sandata kontra dyahe

blur-close-up-depthPhoto courtesy of Bui Huy via Pexels

Maliban sa payong at extrang damit, mayroon ka pang mga pwedeng dalhin na gamit sa tag-ulan para makaiwas sa hassle at dyahe habang nagco-commute.

Magagamit mo ang mga ito upang manatiling malinis at maporma kahit pa malakas ang buhos ng ulan.

1. Tsinelas
Para maiwasang mabasa ang sapatos at medyas sa byahe, maaari kang magsuot muna ng tsinelas at suotin na lang ang sapatos pagdating sa opisina o eskwela.

2. Plastic Bag
Magagamit mo itong lalagyan ng iyong sapatos o tsinelas, at pwede ring gamitin upang lalagyan ng basang damit matapos makapagpalit kung sakaling abutan ng malakas na ulan.

3. Tissue at Wet Wipes
Para manatiling malinis at tuyo, siguraduhing may dalang tissue at wet wipes na pwedeng pamunas sa mga nabasang sapatos, gamit, o katawan.

4. Alcohol at Sanitizer
Para makaiwas sa sakit dala ng maduming tubig sa baha, dapat ay mayroon kang alcohol at sanitizer na pwedeng gamitin sa kamay at paa.

5. First Aid Kit
Sakaling kailanganin, mainam na may baon tayong mga over-the-counter na gamot, adhesive bandages, at iba pang first aid essentials.

6. Snacks
Kung sakaling ikaw ay ma-stranded dahil sa matinding pag-ulan o pagbaha, mahirap mag-isip at maging alisto kapag gutom. Magbaon ng mga biskwit o iba pang pagkain na pwedeng pantawid gutom kung kailanganin.

Mag-ingat sa madulas na daan

architecture-automobilePhoto courtesy of Alex Pham via Pexels

Nakakatawa mang isipin, sobrang dyahe ang madulas habang naglalakad lalo kung nasa paligid ng maraming tao! Madudumihan ka na at masasaktan, maaaring mapagtawanan ka pa! Badtrip, ‘di ba?

Para iwas sa sobrang dyahe, maging alisto sa mga dinadaanan at huwag masyadong magmadali. Kung pwede, magsuot ng mga sapatos o tsinelas na makapit ang suwelas.

Don’t go with the flow

cars-city-cityscapePhoto courtesy of Mikechie Esparagoza via Pexels

Ngayong tag-ulan, magiging mas matindi pa ang trapik na mararanasan mo sa pagko-commute. Para makabawasan ang hassle sa byahe, subukang umiwas sa rush hour sa pamamagitan ng pagpasok ng mas maaga.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakaiwas ka sa rush hour, at walang kasiguraduhang hindi ka maiipit sa trapik anumang oras ka bumyahe. Susubukan mong hindi sumabay sa nakararami, mas malaki ang chance mo na magkaroon ng mas komportableng byahe.

Panatilihing may battery ang cellphone

battery-chargingPhoto courtesy of rawpixel.com via Pexels

Sa oras ng kalamidad, importante ang magkaron ng komunikasyon para ikaw ay mailigtas kung sakaling malagay sa panganib. At siyempre, pwede mo rin itong gamitin para ipaalam sa iyong pamilya na ikaw ay nasa ligtas na lugar.

Para masigurong bukas ang iyong linya ng komunikasyon, panatilihing may battery at load ang iyong cellphone. Kung maaari, ugaliin ding magdala ng power bank.

Para naman mapakinabangan mo ang fully charged mong cellphone sa oras ng emergency, siguraduhin nakasave ang mga emergency hotlines sa iyong contacts list.

Maging updated sa panahon

action-bicycle-buildingsPhoto courtesy of Genaro Servin via Pexels

Tiyak na alam mo na kung kailan ang tag-ulan sa Pilipinas. Pero alam mo ba kung kelan mismo bubuhos ng malakas ang ulan? Bilang paghahanda sa tag-ulan, ugaliing maging updated sa panahon gamit ang tv, radyo, o smartphone. May mga libreng online apps na pwede i-download tulad ng Accuweather, Hello Weather, at Weather Station.

Para sa mga estudyante, bantayan ang announcement ng local government para sa mga class suspensions. Para naman sa mga manggagawa, bantayan parin ang panahon upang maging handa sa mga dapat gawin sa tag-ulan lalo na sa pagbyahe. Sa paraang ito, matutukoy mo ang mga daan na may baha at makapagpaplano ng mabuti.

Hassle talaga mag-commute sa tag-ulan. Pero gamit ang mga tips na ito, makakasigurong mababawasan ang badtrip mo at makakaiwas sa dyahe ngayong rainy season. Sa huli, kaligtasan pa rin natin ang pinakamahalaga at gawin ang nararapat upang manatiling ligtas, tuyo, at malayo sa kapahamakan.

Share: