8 Eco-Friendly Tips Na Swak Ngayong Earth Hour

Blog

May 12, 2021

earth-hour-tips-eco-friendly

Ang Earth Hour ay gaganapin sa March 30 mula 8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi. Nais ng Palawan Pawnshop na tayo ay makilahok at makiisa sa tradisyong ito sa hangad na makatulong sa ating kalikasan.

Ang mga sumusunod ay 8 na eco-friendly tips na pwede mong gawing bilang pakikiisa sa Earth Hour 2019 kung ikaw ay nasa loob na ng inyong bahay:

Patayin ang mga ilaw

Eco-friendly tips

Photo courtesy Steve Johnson of via Pixabay

Ang pinakasimpleng magagawa mo sa inyong bahay ngayong Earth Hour ay ang magpatay ng mga ilaw. Magmula 8:30 to 9:30 ng gabi ay patayin lahat ng ilaw. Pero kung kakayaning mahigit sa isang oras na nakapatay ang ilaw ay mas makakatulong ito.

Sa anumang araw, ugaliin ding magpatay ng ilaw sa mga lugar na wala namang tao. Kung matutulog ay patayin din ang ilaw. Makakatulong ang pagpatay ng ilaw upang mabawasan ang background heat ng bahay at para na rin mabawasan ang konsumo ng kuryente.

Gumamit ng renewable energy

Gumamit ng renewable energy

Photo courtesy of Ulleo via Pixabay

Sa ibang bansa, marami na ang mga bahay ang gumagamit ng solar panel at iba pang mga renewable sources of energy. Makakatulong ito para mabawasan ang pagdepende sa commercial na kuryente. Maaaring hindi pa kakayanin na 100% na mapatakbo ng renewable energy ang inyong bahay, pero malaking tulong na ito. Maaaring may kaunting dagdag na gastos sa simula dahil sa pagbili ng solar panels o iba pang mga renewable sources pero sa katagalan ay mas magdudulot ito ng savings dahil mababawasan ang paggamit mo ng komersyal na kuryente na alam natin na pataas nang pataas ang singil.

Gumamit ng eco-friendly na kagamitan

Gumamit ng eco-friendly na kagamitan	Gumamit ng eco-friendly na kagamitan

Photo courtesy of Geralt via Pixabay

Isa pa sa ating eco-friendly tips ay ang paggamit ng mga appliances na environmental-friendly. Marami na sa mga makabagong teknolohiya ang ginagawang efficient ang mga kagamitan, kumukonsomo nang mas kaunting kuryente, at may mga features na tumutulong para maging eco-friendly ang mga ito.

Kung kaya naman ay palitan na ang mga lumang kagamitan, lalo na yung mga sira na. Sa katagalan ay mas makakamura pa kayo sa pagbili at paggamit ng mga makabagong appliances kumpara sa pagpapaayos ng mga ito.

Isa sa mga pinakabasic na kagamitan na dapat mong ginagamit sa inyong bahay ay ang led bulbs. Ito ay mas mabuting gamitin kumpara as mga tradisyonal na bumbilya na ginagamit sa bahay. Mas mababa ang konsumo nito ng kuryente, at mas nagtatagal din. Kaya’t umpisahan nang palitan na ang mga ilaw sa bahay.

Bawasan ang gamit ng plastic

Bawasan ang gamit ng plastic

Photo courtesy of Daraia Shevtsova via Pexels

Karamihan ng ating mga basura ay mga kagamitang gawa sa plastic. Ito ay sa kadahilanang matagal bago mabulok ang mga ito. Ang mga plastic na napupunta sa ating mga ilog at karagatan ay nakakain ng mga isda, pagong, mga ibon, balyena at iba pang mga hayop na nagsasanhi ng kanilang pagkamatay.

Kung kaya naman ay isa sa mga pinakamalaking green movements ngayon ay ang pagbawas ng paggamit ng plastic. Sa inyong bahay, bawasan ang paggamit ng mga single-use plastic. Ugaliing gumamit ng mga eco-bag, at kung maaari ay tanggihan na ang mga disposable spoon, fork, at straw. Gumamit ng mga reusable na alternatibo kagaya ng bamboo o metal na mga utensils.

Isama ang pagbawas ng plastic sa mga bagay na dapat mo baguhin ngayong taon gaya ng sa article na ito.

Gumamit ng eco-friendly na cleaning products

Eco-friendly tips

Photo courtesy of Mali Maeder via Pixabay

Lingid sa kaalaman ng nakakarami, malaki ang pinsalang dulot ng ilang mga cleaning products sa ating kalikasan. May mga panlinis ay sadyang nakakadulot ng polusyon sa tubig at sa hangin. Ang ilan dito ay mga panglinis na may mataas na phosphorus, nitrogen, at pati na rin ng ammonia.

Hindi lang din sa ating kapaligiran may masamang dulot ang mga ito kundi pati na rin sa ating kalusugan kaya naman ay dapat na bawasan ang paggamit ng mga ito, at dapat gumamit ng mga mas environment-friendly na alternatibo. Suriin ang mga cleaning products sa grocery at alamin kung alin sa mga ito ang nagsasabi na sila ay eco-friendly na.

Subukan ang magkaroon ng home garden

Subukan ang magkaroon ng home garden

Photo courtesy of Creative Vix via Pexels

Dahil sa urbanisasyon, nabawasan na ang mga puno at halaman. Dahil dito, nabawasan ang mga naglilinis ng hangin, pati na rin ang mga sumisipsip ng tubig ulan. Upang makatulong na tunay na maging “green” ay subukang magkaroon ng garden sa bahay. Magtanim ng mga halaman, lalo na yung mga madaling alagaan sa klase ng klima na mayroon sa atin. Kung kakayanin din ay maaring magkaroon ng home vegetable garden, lalo na ng mga herbs at spices. Nagkaroon ka na ng magandang garden, nakamura ka pa sa mga kinakailangan mong sangkap sa pagluluto.

Ugaliing mag-recycle

Ugaliing mag-recycle

Photo courtesy of Hamza Javaid via Unsplash

Hindi makakailang maraming kagamitan natin ang gawa sa plastic. Kaya’t maliban sa pagtanggi sa mga single-use plastic, ay dapat ugaliin din nating mag-recycle. Ang mga bagay na mayroon pang paggamitan ay dapat nating gamitin ulit. Isang halimbawa ay ang mga malalaking plastic na bote na pwedeng gawing mga paso para sa inyong home garden. Marami na ring mga recycling centers ngayon na ginagawang mga bagong eco-friendly na kagamitan ang mga plastic na bote. Maaaring gawin ito ngayong tag-init kagaya ng iba pang mga family summer acitivites sa article na ito.

Isa pang halimbawa ay ang mga papel. Marami nang mga paperless na pamamaraan ngayon at makakabuti kung sa inyong bahay ay tangkilikin ang mga ito kagaya ng sa mga bills. Ang simpleng bagay na ito ay makakatulong upang makabawas sa paggamit ng papel na nagmumula sa mga puno. Ang mga papel naman na ating ginagamit sa bahay ay maari ring dalhin sa mga facilities na ginagawa itong iba’t ibang mga uri ng recycled paper products.

Iwasang magsayang ng pagkain

Iwasang magsayang ng pagkain

Ang panghuling entry sa ating eco-friendly tips para makatulong sa Earth Hour ay ang pag-iwas sa pag-aaksaya ng pagkain. Maraming mga pagkain ang naitatapon lamang sapagkat hindi na maubos ang mga ito. Iwasan ang sobra-sobrang paghahanda ng pagkain. Siguraduhing magluto at bumili lamang ng sapat na pagkain upang hindi ito masayang. Sa ganitong paraan ay mababawasan ang iyong gastos sa bahay, at makakatulong ka pa upang mabawasan ang mga nasasayang na pagkain.

Maging Environment-friendly kahit hindi Earth Hour

Ang Earth Hour ay nagpapaalala na may magagawa tayo para matulungan ang ating kalikasan. Paalala ng Palawan Pawnshop na huwag lamang gawin ang mga tips na ito tuwing Earth Hour ngunit sa araw-araw. Ang kalikasan ay kailangan ng ating tulong hindi lamang isang oras sa isang taon kundi sa abot ng ating makakaya. 

Share: