Mga Eksenang Nakaka-Shookt Kapag May Naniningil ng Utang

Blog

May 12, 2021

pps-singil-utang-horror-stories

Mas nakakatakot ‘yung lalapitan ka ng naniningil ng utang

Mas nakakatakot ‘yung lalapitan ka ng naniningil ng utang kesa sa lumilipad na ipis. Naranasan mo na ba itong nakaka-shokot na singil-utang horror stories?

Mas nakakatakot ‘yung lalapitan ka ng naniningil ng utang

Photo courtesy of GIPHY

Ano ang mga moment na nakakasindak sa 'yo? Flying ipis? White lady? Masungit mong biyenan? Eh 'yung may naniningil ng utang mo pero wala ka pang pambayad?

'Yun lang. Minsan talaga, kapag humiram ka ng pera, kailangan mo ng extension. Nagkaroon ng emergency sa pamilya kaya nagalaw ang perang pambayad sana ng utang. O hindi sapat ang kinita mo ngayong buwan kaya kinapos ka.

Pero kahit ano pa ang dahilan mo kung bakit hindi ka pa makakabayad agad, hindi lahat ng inutangan mo ay maiintindihan ang iyong sitwasyon. Sandamakmak na galit, sermon, talak, at parinig o bashing sa Facebook ang titiisin mo sa mga pinagkakautangan mo.

Eto ang pitong nakakatindig-balahibong over-the-top situations tuwing singilan ng utang. Naranasan mo na ba ang mga eksenang ito tuwing may naniningil ng utang mo?

1. Nagiging instant ninja kapag andyan na ang naniningil

Nagiging instant ninja kapag andyan na ang naniningil

Photo courtesy of GIPHY

"Waah, paparating na si kumpare! Sabihin mo umuwi ako sa probinsya!" Bilin mo sa iyong kapitbahay habang kumakaripas ka ng takbo papunta sa banyo nila para magtago. Lalabas ka lang kapag surebol na nakaalis na ang taong matagal mo nang pinagkakautangan.

Sa galing mo sa pag-iwas, na-master mo na ang mga pamamaraan ng isang tunay na ninja. Para kang bulang mabilis maglaho. Nakapagpalit ka ng cellphone number at nagbago ng pangalan sa Facebook (sabay unfriend na rin para hindi ka na mahanap). Aba, matinde! Kulang na lang ay mag-ninja costume ka na rin para hindi ka makikilala ng mga tao.

Pero kung sa Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala ka magsasangla para makapag-loan, wala kang rason para ma-stress o magtago kapag due date mo na. Sa abot-kayang halaga, pwede kang mag-renew kung hindi mo pa kayang tubusin ang sangla mo sa loob ng 30 days.  

2. Laging praning

Madalas ka bang napapraning dahil lagi mong iniisip kung paano ka makakabayad sa iyong mga inutang? Yung hindi ka makatulog sa gabi sa pag-aalala na lolobo ang babayaran mong interes kapag na-delay ka sa pagbayad. 

Meron ding ibang madaling kabahan o magpanic tuwing nagri-ring ang telepono o may kumakatok sa pinto sa takot na baka ayan na ang naniningil ng utang. 

Nakaka-stress! Sa susunod na kailangan mong humiram ng pera, go ka sa pawnshop na may lowest interest rates at interest packages na mapagpipilian para sa sangla na kayang-kaya mong bayaran. 

3. Yung nakakalimutan mo kung kailan ka dapat nagbabayad

Singil ng utang

Photo courtesy of GIPHY

"Hala, ngayon ko pala dapat bayaran ang utang ko! Akala ko next week pa."

May mga tao talagang sa dami ng responsibilidad at iniisip sa buhay ay nakakalimot ng mga importanteng bagay, tulad ng petsa ng bayaran ng utang. 

Buti na lang, kapag nagsangla ka sa Palawan Pawnshop, may matatanggap kang text notification kapag malapit na ang due date mo para mapaghandaan mo nang maigi ang pagtubos mo. 'Wag kang mag-alala—friendly ang text reminder kaya no need to panic.

4. Wagas humingi ng extension

Eto 'yung mga moment na umuusok na ang tenga ng naniningil sa 'yo kasi wagas ka kung makahingi ng extension. Yung tipong pinagpapawisan ka nang malamig dahil sa totoo lang, hindi ka sigurado kung kailan ka talaga makakabayad. 

"Sige, bukas." "Pwedeng sa akinse na lang pagkatanggap ko ng sweldo?" "Pramis, babayaran ko na talaga sa katapusan." Pagdating ng katapusan, walang paramdam.

Ang pasensya, parang pera rin 'yan—pwedeng maubos sa isang iglap. Kaya kung mangungutang ka, siguraduhin mong maibabalik mo ang pera sa tamang oras. 

Sa Palawan Pawnshop, hindi na magiging issue ito. Kung kailangan mo ng extension, madali silang kausap. Hassle-free ang renewal ng pawn sa kahit saang Palawan branch. Saan ka pa?

5. Iiyak ka na lang at magmamakaawa

Naubusan ka na ng eksplanasyon sa taong pinagkakautangan mo, kaya naiyak ka na lang habang nakasandal sa pader at dahan-dahang bumababa. Parang eksena sa isang teleserye na mala-kontrabida sa pagkasungit 'yung naniningil sa 'yo at ikaw naman, nagmamakaawa ka for a second, third, o fourth chance.

Para hindi ka humantong sa ganitong sitwasyon, piliing mabuti ang iyong pagkakautangan. Hindi 'yung hampaslupa ang trato sa 'yo porket may utang ka sa kanya. 'Yung feeling mo may dignidad ka pa rin kahit may utang ka. Parang 'yung friendly at mababait na associates ng Palawan Pawnshop. 

6. 'Yung ikaw na nga ang may utang, ikaw pa ang galit

Yung ikaw na nga ang may utang, ikaw pa ang galit

Photo courtesy of GIPHY

Eto naman 'yung mga may utang na nagiging mala-Incredible Hulk at nagwawala kapag hindi na nakapagtimpi sa naniningil na medyo beast mode din. Mala-action movie noong dekada '90 ang eksena: may hagisan ng mesa, mga kapitbahay at tanod na umaawat, habang ikaw ay nakikipaghamon ng suntukan at ang taga-singil ng utang mo, nanlilisik ang mga mata at ready to fight na.

7. Naubusan ka na ng pake

Naubusan ka na ng pake

Photo courtesy of imgflip

Sa pagkabaon sa utang, may mga taong nauubusan ng pakialam sa mga bagay-bagay. Eto 'yung sandamakmak na tawag, text, FB chat, at email na ang natatanggap pero wapakels sa utang. Siguro kapag napagdaanan mo na lahat ng emosyong pwede mong maramdaman kapag sinisingil ka ng utang, may mga panahon na namamanhid ka na rin.

Pero siyempre, ang utang ay utang. Ang perang hiniram ay dapat na ibinabalik ayon sa napagkasunduang petsa. Ito ay isang responsibilidad na hindi dapat tinatakasan. 

"Alam ko naman 'yon. Eh may magagawa ba ako kung talagang sagad na ang budget ko ngayon?"

May magagawa ka, suki. Kung baon ka sa utang, subukan mong bayaran ito nang paunti-unti (daanin sa lambing at konting charm ang pakikiusap sa pinagkakautangan mo). Mas mabuti na 'yun kaysa sa pinatatagal mo pa ang utang lalo na kung mataas masyado ang interes nito. 

Makakatulong din sa pagbabayad mo ng utang ang pagsasangla ng alahas sa isang pawnshop na may napakababang interes para madaling bayaran at hindi ka mabaon sa utang. Sa Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala, hindi mo na pagdadaanan ang mga tipikal na singil-utang horror stories. 

May iba't-ibang sangla packages kang mapagpipilian, at tiyak may isang interest package na swak sa budget mo. Pwede mo ring i-extend ang due date ng sangla mo sa pamamagitan ng pag-renew ng pawn mo. Narito ang mga steps sa pag-renew ng sangla, ayon kay Pareng Benjie.

steps sa pag-renew ng sangla

Photo courtesy of Palawan Pawnshop - Palawan Express Pera Padala Facebook page

Share: