Walang E-Load? Heto Ang Online Hobbies na Mamimiss Mo

Blog

April 22, 2021

apr-eloading-online-hobbies-6

Dahil sa stay-at-home policies ngayong pandemya, marami sa atin ang nagkaroon ng oportunidad para mag-explore ng mga bagong hobbies. Ang mga activities na nagbibigay aliw sa atin ay nakakabuti, especially sa panahon ngayon na may kinakaharap tayong krisis. Kumbaga, it gives us a break from the stress and recharges us for the work ahead.

At the same time, nakaka-connect tayo sa ibang mga taong may similar na hobbies sa atin, bonding moments kasama ang mga kapamilya’t kaibigan, new friendships naman sa mga bago nating kakilala. In the end, mayroon tayong strong social support sa gitna ng pandemya.

Marami sa mga hobbies na kinahiligan natin lately ay may kinalaman sa ating mobile phones. Ito ang teknolohiyang pinaka-accessible sa atin, kaya naman dito tayo bumabaling para sa ating pag-enjoy. Dito sa Palawan Pawnshop, mas madali nang mag-explore ng hobbies at makapag-surf online gamit ang aming e-loading services. Madali, mabilis, at walay hasul ang aming serbisyo, Suki – hindi ka mabibitin sa online recreational activities mo.

Mga Hobbies na Pwede Mong Ma-enjoy with Palawan Pawnshop

Mas masaya ang leisure time kapag powered by load ang smartphone mo. Sa simula’t sapul pa lang naman talaga ‘di mo magagawa kung wala kang load ano, Suki?

Heto ang ilan sa mga online hobbies na siguradong kawiwilihan mo:

1. Social Networking

Dahil limited ang physical interactions natin sa mga kaibigan at kapamilya ngayong pandemya, we turn to social media to stay connected. Sa Facebook o Instagram tayo nangungumusta o nakikipagkulitan sa kanila, leaving comments sa posts nila tungkol sa new recipes na nasubukan o updates sa fitness journey.

Pero bukod sa pakikipag-interact with your loved ones, ang isa sa mga hobbies na maaari mong ma-enjoy pa ay ang pag-expand ng iyong network sa social media. Sumali ka sa mga facebook groups na swak sa iyong mga interests. Maraming mga closed groups ang dedicated sa iba’t ibang mga topics, mula sa pagsisimula ng in-demand small business, hanggang pagiging plantito o plantita hanggang sa pagiging fans ng isang loveteam.

apr-eloading-online-hobbies-1Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Kapag naging member ka ng mga grupo na ito, mas marami kang matututunan sa mga topics na curious ka, and at the same time, mapapalawak mo pa ang social circle mo.

Although meron namang free Facebook, mas mabuti pa ring gumamit ng mobile data kung may spare budget para mas marami kang ma-explore sa social media platforms. Bumisita sa malapit na Palawan Pawnshop branch para siguradong walang abala sa pag-connect sa online world.

2. Gaming

From Call of Duty to Mobile Legends to Genshin Impact, marami ang nahuhumaling sa games ngayong pandemya. Sa marami, ito ay escape sa mga stress ng distance learning at work-from-home. Sa iba naman, ito ay masayang pastime kasama ng mga kaibigan.

apr-eloading-online-hobbies-2Photo courtesy of SCREEN POST via Unsplash

Kung gusto mong subukan ang hobby na ito, kailangan mong bumili ng game credits, like Steam Wallet Codes, Garena Shells, o Razer Gold para makapaglaro. ‘Wag mag-alala Suki, usually, walang charges ang pagbili nito. For every peso, you can buy one Garena Shell or one Steam Wallet Code. Nagayon naman, paano nga ba makakabili ng game credits?

Madali lang ‘yan Suki. Pumunta lamang sa Palawan Pawnshop, ibigay ang subscription number, at bayaran ang amount na nais i-paload. Mas madali pa sa paglaro mismo ng games.

3. Video Streaming

Halos lahat ngayon ay hooked sa panonood ng entertaining videos online. Marahil, may mga pina-follow kang Youtube vloggers, umaantabay sa next shopping haul nila o skincare routine. Pero bukod sa vlogs, pwede ka ring mag-stream ng mga pelikula at series sa Netflix o Iflix. Panoorin muli ang mga movies ng paborito mong teen love teams o kaya naman ay magbabad sa k-drama.

apr-eloading-online-hobbies-3Photo courtesy of Caspar Camille Rubin via Unsplash

Para walang interruption sa iyong movie or vlog marathon, laging siguraduhing may load. How can I buy e-load online? Simple lang. Maaari kang mag-load gamit ang ang app ng Coins.ph o Paymaya. Makaka-receive ka pa ng cashback for every e-loading transaction mo.

4. Music Streaming

Ngayong pandemya, music ang naging comfort ng marami sa atin. Ito marahil ang kasama mo sa pagtulog sa gabi o paggising sa umaga. Kahit habang nagtatrabaho o nag-aaral, mayroon tayong pinapatugtog na music in the background. Sa gitna ng krisis, marami rin sa mga favorite mong artist ang naglabas ng bagong album na syempre ay di dapat palampasin. All in all, music streaming ang isa sa mga na-develop nating hobbies ngayong pandemya.

apr-eloading-online-hobbies-4Photo courtesy of Fixelgraphy via Unpslash

Pero bukod sa mga paborito mong artists, mag-explore ka pa ng mga bagong genre ng musika. I-avail ang e-loading services ng Palawan Pawnshop at mag-register sa premium accounts ng Spotify o Apple Music para ad-free ang pakikinig ng mga bagong songs.

5. Paggawa ng online content

Habang tayo ay kumokonsumo ng content ng iba, maaari rin tayong gumawa ng sariling atin. Basta may mobile phone ka at load, kayang-kaya mo nang makipagsabayan sa iba pang mga Tiktok o YouTube creators. Heto ang ilan sa mga tips para siguradong patok ang content mo sa online world:

apr-eloading-online-hobbies-5Photo courtesy of cottonbro via Pexels

  • Sumali sa mga challenges. Minsan, di mo na kailangang mag-isip pa ng content na ilalagay sa iyong profile. Maaari kang sumabay sa mga challenges na popular as of the moment. Aralin ang mga dance craze at subukan ang mga dares.
  • Mag-focus sa how-to’s. Syempre, kailangan mo ring mag-isip ng content na uniquely yours. Ang pinakamabisang way to do this ay gumawa ng how-to videos, mga skills na mastered mo na. Kahit gaano pa iyan ka-simple, kahit pa iyong pagtiklop ng damit nang mabilisan, papatok iyan kapag makakatulong sa madla.

Muli, importante na may sapat na load ang iyong mobile phone. Tuloy-tuloy ang ligaya sa Tiktok, at more importantly, walang panic moments sa pagkaubos ng load.

Paano I-Power-Up Ang Hobbies With Palawan Pawnshop

Ang susi sa mga online hobbies na ito ay mobile data powered by load. While you can buy e-load online, maaari ka ring magpa-load sa Palawan Pawnshop. Mapa-Globe, Smart, Sun, Cherry, o Red pa man yan, sakop yan ng e-loading services namin, Suki! Isama mo rin diyan ang Talk 'N Text, TM, at ABS-CBN Mobile.

In just three simple steps, may load ka na galing sa Palawan Pawnshop:

  1. Pumunta sa Palawan Pawnshop branch.
  2. Ibigay ang iyong Subscription Account Number or Mobile Number, kung ano ang applicable.
  3. Bayaran ang balance.

Maaari mo ring kargahan ang iyong mobile wallets na Paymaya at Coins.ph sa aming branch. Sa panahong you can’t go out of the house and you need to buy e-load online, siguradong may makukuha ka sa iyong virtual wallet.

At the same time, pwede ka ring bumili ng actual game pins sa amin, suki. Bukod sa garena shells at steam wallet codes, available ang PlayPark, Cherry Credits, Gameclub, at iba pang codes sa aming e-loading services.

Ngayong panahon ng pandemya, i-explore ang iba’t-ibang mga hobbies na magagawa mo gamit ang iyong mobile phone. Makakatulong ito sa pag-pawi ng pagod sa trabaho o pag-aaral, plus, magkakaroon ka pa ng bonding moments with your loved ones.

Share: