Ano nga ba ang Fact at Fake Tungkol sa Pawn Loan sa Pinas?

Blog

June 14, 2021

hindi-lang-para-sa-mahirap

Nagdadalawang-isip o nag-aalangan ka bang kumuha ng pawn loan dahil sa naririnig mong haka-haka tungkol sa pawnshops?

Maraming maling akala tungkol sa pawning o pagsasangla. Para silang mga fake news na kumakalat sa Facebook feed mo. Mahirap kilatisin dahil mukhang legit. Hindi ka nga lang sure kung totoo o hindi ang nababasa mo.

Kapag nag-loan ka ba sa isang pawnshop, mapapa-OMG ka ba sa ganda ng quality ng pawning service nito? O mapapa-SMH (shaking my head) ka sa pagsisisi

Ano nga ba ang facts at alin ang fake news sa pagkuha ng loans? Alamin ang mga madalas na misconceptions about getting a pawn loan in the Philippines at bakit maling akala lang sila.

Fake: Lugi ang mga customer na nagsasangla sa pawnshop.
Fact: May mga pawnshop na tapat at fair sa presyo at pagseserbisyo.

Isa sa mga madalas na reklamo ng mga tao tungkol sa mga sanglaan ay ang mababang value na binibigay sa mga isasangla nila. Ang totoo niyan, depende sa kalidad ng alahas na iko-collateral mo ang ina-assign na value rito. 

Nasa pagpili ng tamang pawnshop \'yan. Siyempre, bilang nagsasangla, natural lang na gusto mong makuha ang pinakamataas na posibleng halaga para sa alahas mo. Sa Palawan Pawnshop, mataas ang tanggap o appraisal rate ng mga sangla. Siguradong exact ang value na binibigay sa mga sangla dahil chine-check nang maigi ang karat, bigat, at hitsura nito. 

Kung hindi ka kumbinsido, pwede ka namang pumunta sa pinakamalapit na branch at magpa-appraisal ng alahas for free. 

Fake: Scam ang pawnshops.
Fact: Hindi lahat ng nagbibigay ng pawn loan ay scammer.

Nakabalita ka na ba tungkol sa mga sanglaan na bigla na lang nagsasara nang walang pasabi sa mga customer nila kung paano nila mababawi ang sinangla nila?

Wala kang dapat ipangamba tungkol sa scams basta sa isang lisensyadong pawnshop ka makikipag-transact. Bago ka kumuha ng pawn loan, check mo muna kung rehistrado  ang pawnshop sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Lahat ng mga BSP-registered pawnshops sa bansa ay sumusunod sa mga mahigpit na patakaran ng Bangko Sentral para sa proteksyon ng mga consumers na gaya mo.

Eto pa: Ayon sa BSP, kakaunti lang ang mga pasaway na pawnshops sa Pilipinas—mga nasa less than 5% lang sila ng total pawnshops in the Philippines.

Fake: Para lang sa pagsasangla ang pawnshop.
Fact: Marami pang ibang money services na pwedeng gawin sa sanglaan.

Gold jewelry gif

Photo courtesy of GIPHY

Maraming money services ang pwede mong i-avail sa isang pawnshop na isa ring one-stop financial services partner, gaya ng pera padala, bills payment, money changing o foreign exchange, at cellphone e-loading. Mas convenient and less hassle na ang pag-aasikaso sa lahat ng financial transactions mo dahil nasa iisang pawnshop na ang lahat ng kailangan mo.

Fake: Mahirap ang makakuha ng loan
Fact: Madali lang itong gawin sa isang pawnshop!

Fake pawn loan

Photo courtesy of GIPHY

Masyadong kumplikado raw ang proseso sa pag-apply ng loan, sabi nila. Tinutukoy siguro nila ang mga loan sa bangko, kung saan mas marami at mahigpit ang requirements para sa loan processing.

Iba ang pagkuha ng pawn loan—mas madali at mas mabilis ang pagkuha nito kaysa sa bank loan. \'Yan ang bentahe ng pawnshops sa mga bangko lalo kung maliit na halaga lang ang kailangan mong i-loan. 

Sa pawning, walang kuskos-balungos dahil isang I.D. lang at ang iyong collateral gaya ng gintong alahas ang kailangan. Madali lang makukuha ang halaga ng pawn amount. Punta ka lang sa pawnshop, iabot ang iyong collateral, sumagot ng form, at presto! May pera ka nang panggastos para sa emergency.

Fake: Nakakalula ang interest rates.
Fact: Hindi totoo yan, basta marunong kang maghanap.

Iba-iba ang mga pawning interest rates sa Pinas. Pero alam mo bang may mahahanap kang kasing baba ng 1% interest? Sa Palawan Pawnshop, may sangla package na 1% interest lang ang babayaran kapag tinubos ang sangla sa loob ng 11 days. Mas sulit pa ang sangla mo kung gagamit ka ng Suki card for instant discounts and rebates.

Fake: Para sa mahihirap lang ang loans sa pawnshop.
Fact: Mayaman o mahirap, nakikinabang sa pawning.

Stressed girl gif

Photo courtesy of GIPHY

Porket nagsasangla sa pawnshop, dukha at kapit sa patalim na agad? Hindi ba pwedeng wais lang sa pera kaya kumukuha ng pawn loan?

Totoo naman na maraming gipit ang kumakapit sa mga pawnshop para sa kanilang panandaliang pangangailangan sa pera. Pero hindi lang para sa mahihirap ang serbisyo ng mga pawnshop. Halimbawa, sa Palawan Pawnshop, iba-iba ang mga customer. May estudyante, small business owners, empleyado, at iba pa. 

Ayon pa sa datos ng BSP, lahat ng mahihirap, middle class, at mayayaman ay naka-experience na ng financial transactions sa isang pawnshop.

Fake: Nasa madumi, magulo, at delikadong lugar ang mga pawnshop.
Fact: Maraming pawnshops na matatagpuan sa ligtas at malinis na lugar.

Importante ang kaligtasan para sa mga pawnshop customers dahil pera ang ginagamit sa transactions. Kaya sinisiguro ng mga nagpapatakbo ng mga pawnshops sa bansa na ligtas, maayos, at malinis ang location ng branches nila. 

Fake: Walang pakialam sa customers ang mga staff ng pawnshops.
Fact: May mga personnel na friendly at concerned sa kapakanan ng customers.

Hindi naman lahat ng ahente ng mga pawnshop ay masusungit sa mga customer o pangit ang kalidad ng serbisyo. Ayon sa pinakahuling survey ng BSP, maraming Pinoy na satisfied at kaunti lang ang problemang naranasan sa pakikipagtransaksyon sa mga empleyado ng pawnshops. 

Ang mga associates ng Palawan Pawnshop, laging handang tumulong sa mga customer nang may ngiti at mabuting asal. Kaya hindi ka mag-aatubiling bumalik para sa iyong sangla, money remittance, at iba pang financial transactions.

Naliwanagan ka na ba? Mag-aalinlangan ka pa bang kumuha ng pawn loan sa isang pawnshop? Bonggahan na ang benefits ng pakikipag-transact sa isang matatag, maaasahan, at mapagkakatiwalaang pawnshop sa Pilipinas!

Share: