Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Ang sarap sana magrelax sa isang engrandeng bakasyon kasama ang buong pamilya sa beach, 'di ba? O di kaya'y mamasyal sa Baguio o Tagaytay. Kaso, sapat lang ang budget mo para sa pang-araw-araw ninyong pangangailangan.
Hindi naman kailangang gumastos nang malaki para mag-enjoy kayo ng iyong pamilya. May mga simpleng family bonding moments na walang katapat na presyo: ang halakhakan at hagikgikan ng mga bata, ang sweet moments ninyo ni mister o misis (yihee!), at ang mga ngiti sa labi ng lahat.
Hindi n'yo rin kailangang lumabas ng bahay para malibang. Matindi ang trapik ngayon kahit Sabado at Linggo. Kung madalas kayong mamamasyal sa mga mall at park, mapapagod kayo at mauubos ang oras ninyo sa byahe.
Narito ang anim na family bonding ideas para mag-enjoy kasama ang pamilya nang hindi napapagod at gumagastos nang malaki.
1. Sama-samang manood ng paborito ninyong TV show
Picnic sa Luneta? May mas murang alternatibo 'yan. Maglatag lang ng banig sa sala at maghain ng paboritong meryenda ng pamilya, at sama-sama kayong manood ng nakakaaliw na palabas sa TV. Susyal, may pa-family picnic ka sa loob ng bahay! Makaka-relax na kayo, busog pa kayo sa pagkain at aliw.
Kung naka-subscribe kayo sa cable TV, mas bongga! Marami kayong pagpipiliang channels at palabas. 'Wag lang kakalimutang magpa-e-loading palagi ng iyong cable TV account para hindi maputulan ng serbisyo at tuluy-tuloy ang inyong family bonding.
Kung iba-ibang shows ang trip ng bawat miyembro ng pamilya, pwede ninyong i-schedule ang panonood. Halimbawa, ngayong Linggo, mga paboritong cartoons ni bunso ang panonoorin ninyong lahat. Sa susunod naman, pagbigyan si mister na makapanood ng basketball games. At sa susunod uli, toka mo naman para sa mga gusto mong panooring teleserye at foreign dramas.
2. Mag-streaming ng movies sa internet
Madalas ba kayong manood ng sine? Mahigit PHP 200 ang ticket sa sinehan. Kung lima kayo sa pamilya na manonood, isang libong piso na agad ang pakakawalan mo. Isang libong pawis at luha rin ang tutulo sa 'yo dahil mapapagastos ka na naman. Hindi pa kasama sa gastos ang pamasahe at pagkain sa mall.
Eh kung sa bahay na lang kayo manood ng pelikula? Mas makakamura ka kung gagamit ka ng isang internet video streaming service. Kada buwan, mahigit PHP 100 lang ang babayaran mo.
Oh 'di ba, ang mura? Kahit buong baranggay pa yayain mong manood! Basta mayroon kang internet sa bahay at laging may load ang iyong account, unli ang panonood ng movies kasama ang iyong pamilya.
3. Matutong maglaro ng online games kasama ang bagets
"Online games? Pambata lang 'yun!"
Porket kinahihiligan ng mga bata ang paglalaro ng games sa internet, wala kang K maglaro. Baka matuwa pa ang mga tsikiting kapag nagpakita ka ng interes sa nilalaro nila. Magpaturo ka kaya maglaro ng isang game?
Malay mo, baka maging malupet ka na ring gamer. Kapag kabisado mo na ang moves, pwede na kayong sabay na maglaro ng iyong anak. Oh 'di ba, parang ang cool mong magulang! Naks!
4. Turuan mo ang mga bata ng mga larong Pinoy
Masyado na bang nalilibang ang mga anak mo sa paglalaro sa cellphone o computer? Pwes, sanayin mo silang maglaro sa ilalim ng araw sa inyong bakuran. Turuan mo sila ng mga paborito mong larong Pinoy noong kabataan mo: patintero, piko, sipa, tumbang preso, langit-lupa, tagu-taguan, at marami pang iba!
Siguradong mae-enjoy ng mga anak mo ang ganitong klaseng bonding! Mag-video ka gamit ang iyong cellphone habang naghahabulan at naghaharutan ang mga bata. Upload mo rin sa Facebook o YouTube 'yung happy moments ng family mo para i-share sa mga friends at kamag-anak ninyo. Siguraduhin na laging may load ang phone mo para walang aberya ang pag-upload at post ng family videos ninyo.
5. Makipagkumustahan sa inyong loved ones abroad
Mahirap ang maging pamilyang OFW. Madalas, hindi ninyo kasama ang asawa o anak mong nagta-trabaho abroad tuwing may espesyal na okasyon gaya ng Pasko at mga kaarawan.
Nami-miss na ba ng pamilya ang inyong kamag-anak na OFW? Kung siya ang laging tumatawag sa inyo, bakit hindi ninyo siya sorpresahin (lalo sa birthday niya) ng isang tawag? Sa panahon ngayon, mas mura na ang international voice at video calls. Pero siyempre, kailangan mong magpa-e-loading muna bago tumawag kung wala ka nang load. Sigurado, mapapaiyak sa tuwa ang OFW ninyo kapag narinig na niya ang boses niyong lahat.
6. Gumawa ng masayang selfie music video
Mahilig ba mag-selfie ang buong pamilya, mula kay nanay hanggang kay bunso? Bet niyo rin bang sumayaw at kumanta? Eto ang isang exciting family bonding idea: gumawa ng music video sa loob ng bahay habang nagse-selfie.
Hindi naman kailangang bonggang song-and-dance number ito. Basta makuhanan kayo ng video na nag-eenjoy habang kumakanta at sumasayaw sa iba't-ibang lugar sa bahay, winner ang music video. Kahit sa cellphone mo lang ang gamit mo sa pag-video, keri na 'yun!
'Pag buo na ang video at aprub na ng buong pamilya, upload mo na agad sa Facebook. Pero bago mo gawin 'yan, check mo muna kung may sapat kang load para sa mobile data. Kung kukulangin, bumili ka ng load sa e-loading station.
Malay mo, maging viral ang video ng family mo at maging internet sensation kayo!
Para sa mura at walang hassle na bonding with your family, sa bahay na lang kayo magbakasyon o magliwaliw. Marami kayong pwedeng gawin gamit ang inyong cellphone, computer, internet, o cable TV.
Kung kailangan mong magpa-load agad para sa family bonding ninyo, madali at mabilis lang bumili ng load sa e-loading service ng Palawan Pawnshop—ang matatag, maaasahan, at mapagkakatiwalaang financial services company in the Philippines.