10 Pasko Minute-to-Win-It Games Para Sa Family Reunion Ninyo

Blog

March 19, 2021

pasko-family-reunion

eugene-zhyvchikPhoto by Eugene Zhyvchik on Unsplash

Ano ba ang program ng family reunion nyo tuwing Pasko? Kainan, bigayan ng regalo— tapos? Chikahan dito, kwentuhan doon. Kahit na nakakatuwa naman ngang magpalitan ng istorya, mas exciting siguro kung may iba pang gawin sa family gathering ninyo. 

Isang paraan para gawin ‘to ay maglaro ng games. Hindi ba ‘matik naman ‘yan dati sa mga birthday party o inuman? Ang matinong Filipino party ay laging may palaro muna sa mga bagets.

Iba rin talaga ang family bonding kapag lumalabas ang competitive spirit ng isa’t isa. Sure way din ‘to para bumuo ng masasayang memory kasama ang mga kaanak ngayong Christmas Season. Kaya kung nagpaplano na kayo ng family reunion nyo ngayon, isama na sa inyong party ideas ang mga games na ililista namin!

Malayo man, pero kasalo

Para sa mga kababayan nating OFW na malayo sa pamilya nila ngayong darating na pasko, may paraan din na makisalo sa kasiyahaan. How about mag-sponsor ka ng cash prize sa mga palaro? Maliit man tignan para sa’yo, pero sa pamilya natin malaking pagpapakita na ‘yan na naaalala mo sila.

At kung magpapadala ka ng pera Suki, handang tumulong ang Palawan Pawnshop dito. Sa Palawan Express Pera Padala online remittance services, nasolusyonan na nga ang probelmang how to send money sa pamilya, maaari pang makatulong maibsan ang lungkot na dulot ng pagiging malayo sa mga mahal sa buhay.

Game ka na ba? Game na!

At kung pa-games lang ang usapan, wala nang mas thrilling pa sa mga Minute-to-Win-It games. Ang Minute-to-Win-It games ay pwedeng laruin individually or in teams. Kaya naman swak na swak ‘to sa mga family gathering!

Narito ang  10 Minute-to-Win-It Christmas games na  talaga namang angkop para sa Kapaskuhan. Madali lang ihanda ang mga ‘to, dahil ang kailangan lang ay ilang minuto, isang G na G na host, at mga karaniwang gamit sa bahay. Hindi lang pang Christmas party ang mga game na ‘to. Puwede ring i-customize ang mga ‘to bilang parte ng family vacation activities.

Lahat ng larong ‘to ay pwedeng laruin nang sabay-sabay at magpapa-unahan ang mga grupo na matapos, o kaya naman, pwedeng isa-isang gawin ng mga grupo at pabilisan matapos in under one minute—depende sa kung anong bet nyo. Kayo na rin ang bahala kung tig-ilang member ang kada team, depende siguro sa kung ilang pamilya ang dumalo, o kung gaano katagal ang party nyo.

1. Wreath Relay

close-up-of-hand-holding-flowerPhoto by Markus Spiske from Pexels

Sa larong ito, ang kailangan lang ay Christmas wreath at isang pole na sasabitan nito. Pipila ang mga participants in teams. Isusuot ng unang member sa leeg niya ang wreath at pagkatapos ay ipapasa ito sa susunod na member nang hindi ginagamit ang kamay. Pag-bend lang ng mga tuhod ang pwedeng gawin para ipasa ang wreath hanggang maisabit sa pole.

Nakakatuwang masaksihan kung paano gagamitin ng mga player ang skills nila para mabilis na mai-transfer ang wreath, lalo na ng mga may rayuma na diyan.

2. Christmas Lollipop

red-lollipopPhoto Courtesy of Vova Krasilnikov via Pexels

Kakailanganin sa game na ito ang tatlong nut, straw, at pingpong ball. Nut as in yung metal na ginagamit sa pag-fasten sa hardware, at hindi mani, suki! Ang gagawin ng mga participant ay itatayo muna ang straw. Pagkatapos, ipapatong ang pingpong ball sa tatlong magkakapatong na nut. Tapos, isusuot ang mga nut at pingpong ball sa straw.

Maiiwan ang bola sa taas ng straw habang binababa ang mga nut. Dapat manatiling nakatayo ‘yong straw habang binababa yung stack ng nut. Isa-isang gagawin ito ng bawat team member. Kung matumba, uulit sa simula ang nagkamali, pero hindi ang buong team.

Masaya laruin ang game na ‘to lalo na kung mayroon pa sa pamilya nyong hindi aware kung pasmado sila. Pwes dito malalaman nyo na, suki!

3. Merry Fishmas

close-up-of-heart-shape-on-tablePhoto by Brigitte Tohm from Pexels

Kung gusto nyo malaman kung sino ang mangingisda sa past life nila, isama nyo ‘tong laro na ‘to sa listahan ng Christmas games nyo. Kakailanganin nyo ng mga candy cane na maliliit at malalaki. Pati na rin ng lubid at chopstick. 

Itatali ang malaking candy cane sa chopstick, habang may ihihilera na apat na maliliit na candy cane sa isang mesa. Hahawakan ng team member ang chopstick gamit ang bibig niya, at gagamitin ang malaking candy cane bilang panungkit ng maliliit na candy cane sa mesa. Uulit sa simula ang team member na magkamali.

4. Jingle in the Trunk

Sa game na ‘to, pwedeng mamili na lang ng isang member na magre-represent sa buong team, at hindi na kailangang buong group ang maglaro.

Kailangan dito ng 12 jingle bells at tissue box na walang laman. Ilagay ang mga bell sa loob ng box at itatali ang box sa bewang ng participant. Kekembot ang team member hanggang maubusan ng bells sa box. Kung sabay-sabay mag-lalaro ang mga team, pwedeng isang minuto lang nila kailangan gawin ang challenge, at pauntian ng bell na matitira sa box ang mga group.

Malalaman na kung sino ang pinakamagaling kumembot sa pamilya dito sa game na ‘to. Malay nyo, may nagtatago palang dancer sa pamilya!

5. Holiday Hustle

purple-ribbon-and-three-clothes-buttonPhoto courtesy of Erika Pugliese via Pexels

Kakailanganin ng larong ‘to ng dalawang meter stick, at isang roll ng ribbon. I-attach ang mga stick sa bewang ng mga player. Idikit ang roll ng ribbon sa dulo ng isang stick. Itali ang dulo ng ribbon sa kabilang stick na nasa isa pang player. Gamit lamang ang pag-ikot ng katawan nila, kailangang ilipat ng mga player ang buong roll ng ribbon sa kabilang stick.

Hinay-hinay lang dito, suki. Baka kasi may madaling mahilo diyan. Pero kung ang side-effects lang naman ay pagewang-gewang na paglalakad, e’di magiging nakakatawa pa ang magiging kalalabasan nitong laro para sa pamilya.

6. Christmas Nutstacker

bolt-bolts-carpentryPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Kailangan bumuo ng nut tower ng player gamit ang candy cane at plato sa game na ‘to. Hawak-hawak ang plato sa isang kamay, at candy cane na may nakasuot na 8 nut. Kailangan ipagpatong-patong ng player ang mga nut sa isa’t isa hanggang may nut tower nang nakatayo sa plato.

Ang mga laro talaga dito bawal sa pasmado, ‘no? Pero kung gusto nyong i-challenge sina tito at tita, sina lolo at lola, then this game is for you.

7. Ornament Relay

christmas-gold-ballsPhoto by Kaboompics.com via Pexels

Naaalala nyo pa ba ‘yong walang kupas na Filipino game na kalamansi relay noong bata kayo? Pwes, ganon na ganon ang ornament relay pero ang gamit ay Christmas ornament. Ang kailangan lang ay mga hindi babasagin na ornament, kutsara, at upuan.

Kaya kung gusto nyong i-relive ang 7-year-old-self nyong may hawak-hawak na kalamansi sa bibig gamit ang plastic na kutsara, para sa inyo ang larong ‘to.

Hahawakan ng mga player ang kutsara sa bibig nila at doon ipapatong ang ornament. Mag-uunahan silang maikot ang ornament sa upuang nakapwesto ilang metro mula sa pila ng team. Ipapasa ng player ang ornament sa naghihintay na kutsara ng susunod na player. Magsisimula ulit sa starting point ang player kapag nahulog ang ornament.

8. Reindeer Wrap

four-brown-conifer-cones-on-wooden-surfacePhoto courtesy of Lum3n.com via Pexels

Sa larong ‘to, kailangan ng brown crepe paper at reindeer antlers. Sa loob ng isang minuto, kailangan balutan nang buong-buo ng isang player ang teammate niya gamit ang crepe paper at isuot ang antler sa kanya.

Kapag naputol ang crepe paper, pwede pa ring ituloy ng player ang pagbabalot hanggang maubos ang oras. Para mas maging exciting at memorable ang larong ‘to, pwedeng imbis na reindeer ang gayahin, pabilisan na lang mag-costume bibilang isang beloved family member ng angkan. 

9. Jingle Bell Jolens

annie-sprattPhoto by Annie Spratt on Unsplash

Kung gusto nyo pa ng isang throwback sa childhood nyo, mayroon pa kaming isang game para sa’yo. Parang jolens lang, suki. Maghilera ng 5 na ornaments sa gilid ng isang mesa. Kailangang ihulog ng mga player ang mga ornament gamit ang pagrolyo ng bell mula sa kabilang dulo ng mesa. 

10. Let It Snow

Kahit walang snow sa Pilipinas, dadalhin natin ang winter wonderland sa family reunion nyo. Kakailanganin nyo ng mga bulak at dalawang bowl. Ang unang bowl ay puno ng bulak at nakapwesto sa isang dulo ng kwarto. Ang pangalawang bowl ay nakalagay sa kabilang dulo. Ang mga team ay magpaparamihan ng malilipat na bulak sa kabilang bowl.

Kapag nalaglag ang bulak, pwedeng bumalik na lang sa unang bowl para kumuha ng bago.

eugenePhoto by Eugene Zhyvchik on Unsplash

Simple lang ang lahat ng games at pwedeng laruin ng matanda at bata. Lahat din ng kailangan para dito, mabibili lang sa malapit na tindahan o kaya nama'y mahahanap lang sa loob ng bahay.

Pwede ka rin naman magpatulong sa mga dadalo na maghanap ng materials, o di kaya nama'y pwede mo ring isama sa pagpaplano ang pag-a-assign sa bawat pamilya na mag-isip ng sariling Minute-to-Win-It game na isasama sa listahan ng lalaruin sa inyong family reunion.

Pwede rin kayong mag-set ng isang grand brainstorming session tungkol sa activity part ng reunion para sa pagpaplano pa lang, nagsisimula na ang family bonding. Maganda ‘tong paraan para makilala pa ang mga kaanak na paminsan mo lang makasama, o ngayon lang makikilala. Mas mae-enjoy ng buong pamilya ang family reunion kung naging parte sila ng pagpaplano at pagbubuo ng activity, may Christmas games man o wala.

Share: