8 Summer Activities Na Sulit Para Sa Buong Pamilya

Blog

May 12, 2021

pinoy-kids-playing

Huwag sayangin ang oras sa kakatunganga this summer at sulitin ang mahabang break ng mga bata para sa iba’t-ibang summer activities for the whole family.

Suki, sulitin mo na ang summer kasama ang iyong kids! Narito ang ilang summer activities for the whole family. 

Ukay-ukay para sa buong pamilya!

Uso sa Amerika ang spring cleaning. Dito naman sa Pilipinas, perfect time for general cleaning ang summer dahil pwedeng makatulong ang mga chikiting at mas maraming panahon para gawin ito. Hindi naman kailangan na minsanan, pero maigi kung merong mga tina-target na areas sa bahay. Gawing mas masaya with some giling-giling music and games. Mas maayos ang cabinet, panalo. Mas makintab ang sahig, mas panalo!

Panahon din ito para piliin ang mga bagay na hindi na masyadong ginagamit pero pwede pa pakinabangan ng iba. Halimbawa na lamang ang mga libro, laruan, o mga damit na ‘di na kasya. Pwede rin ang mga bag at sapatos, pati na ang mga abubot sa bahay. Mag-set up ng simpleng ukay-ukay sale sa harapan ng bahay. Ang makukuha na pera, pwede nang pambili ng school supplies para sa pasukan. Mainam din ito para maaga pa lang, matutunan na ng mga bata na hindi basta-basta ang kumita ng pera at mag-ipon.

Kain sa labas…in style

Kain sa labas in style

Sobrang init ‘di ba? Para kang nasa oven kapag nasa loob ng bahay. Kaya naman minsan, mas enjoy pang kumain na lang sa labas --- labas ng bahay. Siyempre, dapat may bubong ha? Dahil baka sunburn o heat stroke ang mapala niyo niyan, besh.

Isa sa family activities na pwedeng gawin ay mag-picnic sa labas. Pumili ng lugar na malilim at presko. Mag-latag ng picnic blanket at maglagay ng tolda kumas sulit na sulit ang quality time ng pamilya. Ihain ang favorite snacks and drinks at samahan pa ng board o card games.

Summer treats na pagkakakitaan

Kumpleto ba naman ang summer ng Pinoy kung walang ice candy, mais con yelo, o halo-halo? Kaya no doubt, ito ang isa sa pinakamagandang negosyo tuwing summer. Madali na, enjoy na, maliit pa ang puhunan.

Isang maliit na mesa lang sa harap ng bahay, may instant tindahan ka na. Pwedeng mag-tinda ng halo-halo, mais con yelo, ice pops, at kung anu-ano pa. Kung namomroblema ka sa puhunan, maraming paraan na pwedeng i-consider! Isa sa pwede mong gawin ay mag-sangla.

Ang Palawan Pawnshop nag-o-offer ng pinakamababang interest at mataas na appraisal sa iyong sangla. Kung tutubusin mo nga ang sinangla mo sa loob ng 11 na araw, 1% lang ang interest. Sulit diba? Lalo pa pag kumuha ka ng Suki card, sa halagang P50.00 lang maaari ka nang makakuha ng instant discount sa pawn interest at remittance, rebates, at iba pang perks. Alamin lamang what is the contact number of the branch closest to you, Suki at tumawag upang alamin ang iba pang mga detalye ng mga serbisyong ito.

Home gardening for a healthy family

Home gardening for a healthy family

Kung gusto n’yong ilapit sa nature ang mga anak ninyo na nakasubsob na lang maghapon sa cellphone, isa ang home gardening sa mga kid-friendly activities na pwede n’yong gawin as a family. Depende sa espasyo sa bahay, maraming iba’t-ibang klase ng garden setup ang pwedeng gawin. Kung indoors, swak na d’yan ang mga decorative plants sa paso o ‘di kaya’y herb garden sa kusina. Kung may sobrang lupa sa tabi ng bahay na pwedeng taniman, pwede kayong magsimula ng vegetable garden para sa susunod na pagluluto ng pinakbet, sure kang fresh at organic lahat ng gulay.

Olympics sa kusina

Tray of eggs

Kusina ang isa sa pinakamabisang bonding areas sa bahay. Lahat kasi ng bagay sumasarap kapag may kasamang pagkain. 

Ngayong summer, mag-diskubre ng mga recipes na madali lang at simple ang mga ingredients. Pwede rin mag-bake ng cookies o cupcakes. Kapag na-perfect niyo na ang recipe, pwede pa ito gawing negosyo. Maaari kayong mag-offer ng food trays sa mga kapitbahay lalo na tuwing weekend o ‘di kaya naman ay pastries na pwedeng baunin kahit saan.

Larong Pinoy 101

Family summer activities - larong Pinoy

Kung ang mga anak n’yo ay laging nakatutok sa telebisyon o ‘di kaya ay bumubutingting ng cellphone, marami siyang bagay na hindi mararanasan. Gaya na lamang ng pakikipaglaro sa mga kapitbahay. Aminin natin, iba ang larong kalye. Alam pa ba nila ang piko o patintero?

Kaya naman isa sa summer tips na magtuturo sa inyong mga anak na mas maging well-rounded habang kayo naman ay feeling nostalgic ay ang pagtuturo sa kanila ng mga tradisyunal na larong pinoy. Mabuti sa mga bata ang na-e-exercise ang katawan at nagiging komportable sa pakikipag-kaibigan.

Bisikleta for the win

Biking summer activity

Masarap maglibot ngayong summer. Pero kung kapos sa budget, ok na rin na mag-ikot na lang sa komunidad. Siguradong marami pang sulok niyan ang ‘di n’yo nadidiskubre.

Mag-bike habang ine-explore ang paligid. Mag-meryenda sa panaderya, bumisita sa simbahan, maglaro sa park, mag-window shopping sa mga specialty at antique shops, at mag-selfie kung may makitang magandang spot. Magugulat ka na lang na sa pagmamadali mo araw-araw, ang dami mo pa lang nalalagpasan.

After-dinner games

After-dinner games

Kadalasan panonood sa T.V ang kasunod ng dinner. Pero ngayong summer at walang homework ang mga bata, mag-spend ng quality time as one family. Paminsan-minsan ibahin din ang routine at mag-introduce ng ibang pwedeng gawin tulad na lang ng family game night. Pwedeng card game o board games. Pwede ring trivia. Simpleng premyo lang para sa winner, okay na.

Hindi naman mahal mag-bonding. Nasa inyo na lang ‘yan kung gaano kayo ka-creative. Ang mahalaga ay sulitin n’yo ang panahong magkakasama ang buong pamilya.

Share: