-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
10 Father's Day Gift Ideas Para Mapangiti Si Tatay
April 22, 2021
It’s the most wonderful time of the year—para sa mga tatay! Nalalapit na ang Father’s Day, may naisip ka na bang ideas kung paano i-celebrate ang araw na ito?
Itinakda ang Father’s Day para pasalamatan at bigyang-pugay ang mga mabuting tatay na nagbigay ng napakaraming sakripisyo para itaguyod ang pamilya. Ang suporta ng mabuting tatay ay nagpapatatag sa kanyang asawa at anak. Inuuna niya ang pangangailangan ng pamilya kaysa sa mga personal na kagustuhan at laging iniisip ang kapakanan ng kapamilya bago ang sarili.
Suki, tandaang hindi kailangan enggrande ang Father’s Day ideas for papa because it’s the thought that counts. Pwede kang bumili o pwede mong i-DIY katulong ang buong pamilya. Narito ang 10 simple and sweet Father’s Day gift ideas para mapasaya si super tatay sa araw niya!
1. Oras na para sa bagong pitaka
Photo courtesy of Robert Bogdan via Pexels
Ang mga tatay, kahit luma na at sira-sira ang kagamitan, ayos lang basta nagagamit pa. Isang magandang example nito ang mga wallet nilang siguro dekada na ang inabot hindi pa pinapalitan. Basta may barya at litrato ng pamilya, okay na ‘yan!
Bilang pasasalamat sa hirap na dinaranas ni Papa sa trabaho para lang may mailapag na pagkain sa mesa, isang wais Father’s Day gift idea ang bagong wallet. Kung mapamahiin kayo, lagyan niyo ng laman na pera o barya para hindi malas! Kung branded man o hindi, tiyak na matutuwa sila pagtanggap na ito.
2. Power up with a powerbank
Photo courtesy of Markus Winkler via Unsplash
Madalas ba maubusan ng baterya ang phone ni tatay kapag naglalaro, nanonood ng video, o nagvivideo call sa pamilya? Kung wala pa sa budget ang pagbili ng bagong phone, pwede mo munang bilhan mo ng matibay na powerbank si tatay.
Humanap ng powerbank na may 24,000 mAh o pataas para hindi mawalan ng energy ang cellphone. Tulad ng pag-energize ng mga chikiting kay Papa, ang powerbank ay ang mura at portable itong solusyon para wala nang abala sa games at video calls.
3. Bagong damit para kay tatay na matipid
Photo courtesy of Kai Pilger via Pexels
Kung pati sa damit ay tinitipid ng tatay mo ang sarili n’ya, baka kailangan na ng Father’s Day intervention! Maraming bargain sa mga mall o kaya nama’y sa mga online shop tuwing dumadating ang araw ng mga ama. Siguraduhin sulitin niyo ito!
Tanungin ang mga kapatid kung may ipon silang pwedeng ibigay o kaya’y mga extra cash sa mga raket na ginagawa para magka-shopping budget. Hindi naman kailangan sa mall agad ang punta, suki. Pwedeng-pwede kayo pumunta sa mga ukay-ukay at mamili ng mga damit na bagay na bagay kay tatay. Sundin ang secondhand shopping guide para siguraduhin na okay pa ang damit para gamitin sa pang-araw-araw.
4. Locally made footwear
Photo courtesy of Andy Garza via Unsplash
Mahilig ba si tatay sa sapatos? O iisang sapatos lang ang ginagamit niya sa pang-opisina, pang-gala, at pag-simba? Kung ano man ang rason, regaluhan natin ang busy nating Tatay ng bagong sapatos!
Hindi naman kailangan mamahalin ang sapatos. Pwedeng-pwede mo siyang bilhan ng mura at matibay na local footwear brands na proudly Pinoy. ‘Di hamak na mas matatag ‘to at mas affordable kaysa sa mga branded na sapatos. Sulit at swak na budget, sakto pa sa hilig ni papa!
5. Healthy organic coffee
Photo courtesy of Nao Triponez via Pexels
Hindi kumpleto ang umaga ni tatay nang walang kape.? I-level up ang almusal sa pamamagitan ng pagbili ng masarap at all-natural na kape!
Tama na muna sa karaniwang 3-in-1. Maraming epekto ang pag-inom ng instant coffee na masama na hindi natin namamalayan. Subukan ang mga local coffee beans o coffee ground para mas healthy at natural na pampagising. Pwede niya gamitin pang-araw-araw o kaya’y pang-special na okasyon lang, siguradong magugustuhan ng tatay mo ang all-natural coffee na ‘to.
6. Personalized mug
Photo courtesy of Madison Inouye via Pexels
Para may kapares ang masarap na kape ni tatay, regaluhan din siya ng isang personalized mug. Bumili ng mga plain na kulay na mug, at mga palamuti o pintura tulad ng acryllic paint, colored pentel pens, o kaya nail polish— oo nail polish, suki! Ito ang mga steps at ideas para pinturahan ang mug ni Tatay sa Father’s day.
Para mas makulay at creative, humingi ng tulong ng mga chikiting para i-decorate ang isang plain mug. Pwede rin kayong magpasadya ng mug at maglagay ng picture o quote.
7. Mag-invest sa home grill
Photo courtesy of Min An via Pexels
Mahilig din ba sa inihaw na tsibog si papa? Bakit hindi mag-invest sa sariling home grill ng pamilya? Mayroong mga nabibiling mura at matibay na grill sa palengke at kahit sa online shops.
I-spoil si tatay sa araw n’ya at magluto ng mga pinaborito n’yang inihaw na putahe! Imbitahin na rin ang mga kapitbahay na fellow erpats (konti lang, ha! Social distancing muna, suki.) na para sa isang Father’s Day barbeque celebration!
8. Reverse pera padala
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Kung hindi niyo kasama si tatay sa Father’s Day dahil siya ay isang modernong bayani o isang magiting na OFW, why not send him money for a change?
Gumawa ng small business idea o kaya’y rumaket muna para makapag-ipon ng pera para mapadalhan si papa ng perang pang-blowout o kaya pang-shopping. Lumapit lang sa kahit anong Palawan Express Pera Padala branch para sa trustworthy money remittance para padalhan ang ‘yong tatay this Father’s Day.
9. Photo album flashback
Photo courtesy of Valeria Boltneva via Pexels
Sa tulong ng mga kapamilya at kabarkada ni tatay, pwede kang gumawa ng yearbook ng mga lumang litrato nilang magkakasama, kung saan mayroong mga message para sa ‘yong beloved papa.
Pwede niyo din i-remake o gawin ulit ang mga paboritong larawan niyo nung mga bata kayo at i-compile sa isang album. Isa ‘tong activity na ikatutuwa ng buong pamilya! Maghanap lang ng mga memorable picture kasama si papa at i-restage ito muli years after.
OFW man o hindi, tamang-tama ito para sa mahal nating tatay.
10. Throwback playlist
Music lover ba si tatay? Fan ng Beatles, Queen, o Nirvana? Gawan s’ya ng throwback playlist at ilagay sa phone, USB, o CD para mapakinggan sa byahe papuntang trabaho. Pwede kang humingi ng tulong mula kay nanay para piliin ang mga paboritong kanta ni papa. Pwede mo rin ilevel up ang playlist sa paglagay ng cover songs na gawa ng pamilya para kay papa.
Hindi kailangan mamahalin ang Father’s Day gifts mo sa ‘yong pinakamamahal na tatay. Ang wais na pamilya ay hindi tinitignan ang presyo. Ang importante ay pinag-isipan itong mabuti kasama ang buong pamilya. Hindi nga kailangan lahat ng regalo ay surprise kay tatay. Puwedeng kasama rin s’ya sa pagplano ng araw niya.
A big part of who we are is because of our fathers. Huwag kalimutang pasayahin ang inyong mga ama sa Father’s Day, suki! Kung hindi kayo ang tipo ng pamilya na nagse-celebrate, bakit hindi simulan ngayon? It’s never too late to start a Father’s Day tradition para pasalamatan si tatay.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024