20 Filipino Traits to Avoid Para Sa Wais Na Money Management

Blog

March 19, 2021

money-management

Kilala ang mga Pinoy sa pagiging madiskarte sa pera; maraming kailangang bayaran at suportahan kaya naman rakstar ang mga Pinoy pagdating sa pagkita ng cha-ching. Kahit anong trabaho, kayang gawin. Dagdagan pa ng kaliwa’t kanang raket para lang masabayan ang pagtaas ng bilihin at pagdami ng pangangailangan sa bahay.

Pero kakambal ng pagiging madiskarte sa pera ang ilang mga hindi magagandang katangian ng mga Pilipino pagdating sa paghawak ng pera. Ang negative Filipino traits na ito ang minsang nagiging sagka sa paglago ng pera o kaya naman nagiging dahilan ng pagiging gipit ng pamilya pagdating ng emergencies.

Suki, narito ang 20 negative habits na dapat mong iwasan para makatipid at hindi mawalan ng cha-ching sa pinaka-crucial na panahon sa iyong buhay.

1. “Hindi ako magaling magbilang at magbudget.”

black-calculator-near-ballpoint-pen-on-white-printed-paper-53621Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Karaniwang bukambibig ng mga Pinoy ang pagiging hindi magaling sa Math. Sana sabi-sabi lang ‘to, ‘no? Pero mga suki, nagiging dahilan din ito ng marami sa atin kapag dating ng bilangan ng pera at hindi na malaman kung magkano ang nagastos.

Iwasan ito sa masinop na paglista o pag-take note ng mga nagastos, at pagbuo ng sweldo budget para sa nakatakdang panahon. Habang nag-aaral ka na rin kung paano mag-budget, maiging matutunan na rin how to send money sa Palawan Express Pera Padala. Bakit? Kasi ‘pag pinadala mo na agad ‘yong pera sa mga kapamilya’t pinagkakautangan mo, tiyak, ‘di mo na magagastos.

2. “Tinatamad ako!”

Kilala din ang mga Pinoy bilang mga tamad; kahit nape-pressure na ng maraming bayarin, hindi pa rin natitinag at nanantiling walang ginagawang trabaho. Minsan, mas pinipili nilang ipagpaliban o hindi na gawin altogether ang mga gawain dahil lang tinatamad sila. Kapag working adult ka na, hindi na puwede ang ganito. Malaki ang puwedeng mabawas sa sweldo kapag hindi nagawa ang task o kung hindi pumasok dahil sa katamaran. Puwede pa ngang umabot sa pagkatanggal sa trabaho dahil dito.

Kailangan iwasan ito dahil maraming pera ang nawawala habang nakatengga ka lang, suki. Ang oras ay ginto, ika nga kaya make every second count. Huwag kang papayag mag-tulog tulugan diyan, maraming oportunidad ang naghihintay sa labas (at loob) ng bahay.

3. “Late na naman!”

person-wearing-white-and-black-watch-1497531Photo courtesy of Francesco Paggiaro via Pexels

Isa rin sa pinakamatining na negative Filipino traits ang pagiging late o mas kilala bilang Filipino time. Alam niyo ba na ang pagiging late ay nakakaapekto sa trabaho, sa pagkita ng pera. Kapag late ka, may bawas sa sweldo. At kapag nakaltasan ka sa sweldo, parang nawalan ka ng pera na pwedeng ipanglaan sa mga gastusin.

Kung lagi kang late, sanayin ang ‘yong sarili na maagang makapunta sa work sa pamamagitan ng pagset ng ‘yong orasan in advance. Gigising ka na nang mas maaga, makakaiwas pa sa traffic. Pero huwag mong kalimutan na advanced ‘yang relo mo pagdating ng uwian, baka unahan mo pa ang boss mo palabas ng opisina!

4. “Pautang naman, 5-6!”

Kilala din ang mga Pilipino sa sistema nila ng pautang, ang five-six loans. Madalas natatali sa malaking utang ang mga Pinoy dahil madali ang pag-utang sa ganitong paraan. Hindi namamalayang gabundok na ang kailangan nilang bayaran.

Subukang ilista ang mga inutang at bayaran ang mga ito sa nakatakdang panahon, para hindi lumaki ang patong.

5. “Mamaya na lang!”

clear-glass-with-red-sand-grainer-39396Photo courtesy of Pixabay via Pexels

May tendency din ang mga Pinoy na ipagpabukas na lang ang mga bagay-bagay. Mamaya na, ika nga. Hindi ito magandang katangian pagdating sa mga utang at bayarin sa bahay. Kapag hindi nabayaran sa tamang oras ang mga ito, lalaki lang ang kailangang bayaran sa paglipas ng panahon.

Iwasang umutang ng malaki at sikaping mabayaran on-time ang mga ito, lalo na ang mga bills. Kung ang inuutangan mong kapitbahay ay makakausap mo pa para sa extension, ang tubig at kuryente puwedeng maputol kapag hindi nabayaran agad.

6. “Bahala na si Batman.”

Madalas nating sabihing “bahala na si Batman,” na parang mareresolba nito ang mga problema. May tendency ang mga Pinoy na hayaan na lang ang mga isyu sa pera na iresolba ang mga sarili nila, imbis na solusyunan ito harap-harapan.

Walang superhero na magliligtas sa atin sa money trouble, suki. Ang tanging tutulong sa atin ay ang sarili nating diskarte.

7. “‘Di bale na bukas!”

calendar-dates-paper-schedule-273153Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Minsan kulang ang Pilipino sa foresight pagdating sa money management. Madalas hindi natin nakikita ang pangangailangan sa future at nakapokus lang tayo sa mga ginagastusan ngayon.

Mag-invest o magtabi ng savings para sa mga susunod na taon. Para ito sa pag-aaral ng mga anak, o ‘di kaya naman sa mga emergency tulad ng pagkakasakit o aksidente. Mabuti nang ngayon ay maagap, kaysa gipit sa hinaharap.

8. “Gastusin na natin ‘to!”

Mapusok din ang Pillipino sa paggastos ng perang hindi nila hawak. Halimbawa nito ang pag-utang o paggamit ng credit cards para sa mga gastusin at ang paggastos agad-agad ng sweldo pagkakuha nito, na parang halos hindi mo na ito nahawakan.

Isang araw, makikita mo na lang ang sarili mo na ni sentimo wala nang hawak, dahil lahat napunta na sa pagbayad ng utang o pagbili ng mga luho. Panindigan ang budget na nabuo at magtabi palagi para sa mas importanteng bayarin.

9. “Magaling lang sa simula”

man-wearing-black-and-white-stripe-shirt-looking-at-white-212286Photo courtesy of Startup Stock Photos via Pexels

Isa pa sa negative habits ang “ningas cogon,” inihahalintulad sa cogon grass na mabilis masunog pero mabilis ding mamatay ang apoy. Ganito ang Pilipino pagdating sa responsibilidad, lalo na ang pagtindig sa budget. Sa simula, puwedeng sobrang eager mong sundin ang budget na itinakda mo, pero pagkatapos ng ilang linggo, baka unti-unti mo nang sinusuway.

Puwede ‘tong maiwasan sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa kaibigan o kapamilya para paalalahanan kang panindigan ang budget mo. 

10. “One-day Millionaire.”

Negative Filipino trait din ang pagiging “one-day millionaire,” o ang paggastos nang malaki sa maikling panahon, na parang hindi nauubusan ng pera. 

Ugaliing magtabi ang perang para sa bayarin hiwalay sa perang puwedeng gastusin para sa luho para hindi maubusan ng pera para sa mga importanteng bagay.

11. “Handaan na!”

avel-chuklanov-sedJnjrUMM8-unsplashPhoto courtesy of Avel Chuklanov via Unsplash

Kaugnay ng pagiging one-day millionaire ng mga Pilipino ang celebration mentality, kung saan todo buhos ng cha-ching ang mga Pinoy kapag mayroong okasyon. Pyesta man yan o kahit simpleng birthday lang, grabe makagastos ang mga Pinoy.

Hindi naman kailangan laging enggrande ang selebrasyon. Maganda nang maging simple, basta magkakasama ang pamilya’t kaibigan.

12. “Branded ang gusto ko!”

Mahilig ang mga Pilipino sa mga imported. Mas mahal ang mga ganitong produkto pero hyped sa ating mga Pinoy ang mga imported o branded na gamit.

Hindi natin kailangan ng mamahaling mga kagamitan. Para makatipid, dapat tyaong tumangkilik ng mga produktong sariling atin, o ‘di kaya nama’y bumili ng mga produkto para sa kalidad nito at hindi dahil as pangalan.

13. “Pabiling pasalubong!”

brown-shopping-bags-5956Photo courtesy of Kaboompics.com via Pexels

Mahilig ang mga Pinoy sa pag-hoard ng mga pasalubong. Kung OFW ka pa’t matagal nawala, ine-expect ng buong angkan na mayroon kang pasalubong para sa lahat.

Ang pag-all out sa pagbili ng pasalubong ay masakit sa bulsa. Hindi importante ang laki o dami ng regalo, ang mahalaga ay nakauwi ang mahal natin sa buhay at makakasama natin uli.

14. “Mama, Papa, padala ka naman dyan!”

Negative Filipino trait din ang pag-asa ng sobra-sobra sa mga OFW. Hinihingan sila ng pera para sa maraming bagay. Although naroon nga ang ating mga kaanak na OFW para suportahan tayo financially, hindi madaling kumita ng pera sa ibang bansa.

Dapat ikonsidera ang hirap na dinadanas ng ating mga OFW sa pagtatrabaho abroad at sikaping humingi lang labas sa scheduled padala kapag sobrang kailangan. Puwede kang rumaket muna, suki, para makatulong din sa kamaganak na OFW.

15. “Wala akong pakialam.”

silver-and-gold-coins-128867Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Makikita ‘to sa pagiging absent sa family discussions tungkol sa gastusin sa bahay. Halimbawa, nagtatrabaho pa rin ang iyong parents habang ikaw ay nagwo-work na rin at hindi nakikihati sa gastusin sa bahay dahil sila pa rin ang nagbabayad ng mga ‘to.

Sikaping magkusang loob na ring mag-contribute sa mga bills sa bahay.

16. “Ma, Pa, pahinging pera.”

Isa pa sa negative habits ang hindi pagkonsidera sa mga kumikita ng pera sa pamilya ng mga kaanak na hindi nagwo-work. Kaugnay ng pagtrato bilang ATM sa ating mga OFW, madalas asa tayo nang asa sa mga nagtatrabaho para sa mga luho natin. 

Kung gusto talaga natin bumili ng mga bagay labas sa  pangangailangan, dapat tayong maging considerate sa hinihingan natin ng pera.

17. “Nahihiya ako!”

photography-of-person-peeking-906018Photo courtesy of Noelle Otto via Pexels

May tendency maging mahiyain ang mga Pilipino pagdating sa pera. Isang halimbawa ang kahiyaang humingi ng tulong kapag gipit na. Makikita rin ‘to sa pagdadalawang isip na tumangan ng bigger responsibilities sa work para madagdagan ang sweldo.

Kung kinakailangan talaga, huwag mahiyang humingi ng saklolo. Ipaliwanag mabuti ang sitwasyon, pagusapan ang mga solusyon gaya ng pagdagdag trabaho o pag-freelance, tumupad sa tungkulin na dapat kaya mong pa ring gampanan ang magiging extra work mo.

18. “Gusto ko rin non!”

Isang negative Filipino habit ang crab mentality, o ang pag-iisip ng masama sa ibang tao dahil sa inggit. Nakakaapekto ‘to sa money management dahil may tendency ang mga Pilipinong gawing kompetisyon maski ang pagkita ng pera. 

Para maiwasan ang crab mentality, magpokus lang sa sariling pag-unlad at pagtatrabaho. 

19. “Bibili rin ako non!”

background-bags-black-casual-346751Photo courtesy of Porapak Apichodilok via Pexels

Gusto din ng mga Pinoy na mag-keep up sa ibang tao in terms of luho. Halimbawa, sumusunod sa trend, pero palagian ‘yong nagbabago kaya tayo palagian ding napapagastos.

Walang masama sa kagustuhang bumili ng mga sikat na bagay. Pero kung kalakhan ng ating kinikita ay napupunta sa ganitong luho, kailangan nang ireevaluate ang ating spending habits.

20. “Sige, okay lang ‘yang ganyan kamahal!”

May tendency din ang mga Pinoy na mamuhay sa lifestyle na mamahalin kung ikukumpara sa kinikitang pera.

Matutong makuntento sa kung anong meron ka ngayon, pero hindi naman masamang maghangad ng mas successful na buhay. Pero hindi natin ‘to makukuha kung gastos tayo nang gastos. Mas mainam kung magiipon tayo ngayon at magpapakahusay sa trabaho para mapromote; and in no time, mamumuhay na tayo kung paano natin gusto.

Mga suki, dahil likas na sa Pilipino ang ganitong mga pag-iisip, mahirap itong iwasan at iwaksi. Pero kung tatandaan natin ang golden rule na: unahin ang pangangailangan at mag-ipon para hinaharap, hindi tayo maliligaw. Hindi naman masama bumili ng gusto natin, pero kailangan kontrolin ito para hindi sumobra.

Share: