8 Financial Bucket List Ideas For Your Future

Blog

March 19, 2021

financial-bucket-list

Hindi na bata ang mga tulad mong millennial, Suki. Ang mga ipinanganak noong 80s hanggang late 90s ay mga grown-ups na. Kanya-kanya nang paghahanapbuhay at pagtataguyod ng pamilya. Pero hindi dahil nadagdagan na ang mga responsibilities mo ay hindi mo na pwedeng maabot ang mga pangarap na nakalista sa bucket list mo.

Dahil adulting na ang mga millennials, hindi na pwedeng maging padalus-dalos sa paggastos ng pera, kahit alang-alang sa mga goals mo. Kailangan pa ring maging mindful para sa future. 

Hindi rin naman matutupad ang marami sa mga pangarap mo kung wala kang pera. Kaya dapat mayroon ka ring financial bucket list ideas, kung saan nakalista ang mga wais financial goals mo na magiging pundasyon ng future mo.

Narito ang ilan sa mga financial goals na pwede mong idagdag sa bucket list mo, Suki!

1. Magkaroon ng savings account

cash-coins-money-patternPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Mahalaga ang may nakatabing pera kung sakaling magkaroon ng emergency sa pamilya. Hindi madaling humugot ng salapi kung saan-saan, lalo na kapag malaki ang kailangan. Madalas pa naman, mataas ang bayarin kapag nagkakasakit o kapag  naaksidente.

Laging may banta ng mga ganitong pangyayari kaya dapat palaging handa ang buong pamilya. Pwede mo ring hikayatin ang mga kapatid o magulang mo na mag-contribute sa savings account mo dahil para naman ito sa inyong lahat.

2. Asikasuhin ang insurance

accounting-analytics-balance-black-and-whitePhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Speaking of emergencies, dapat inaasikaso mo na rin ang iba’t-ibang klase ng insurance na makakatulong sa mga ganoong sitwasyon. Pag-usapan sa bahay ang mga kinakailangan para sa health, car, o house insurance ng pamilya. Huwag maliitin ang tulong na maibibigay ng mga insurance company kapag may hindi inaasahang pangyayari gaya ng mga aksidente o sakuna.

3. Magbawas ng utang

man-holds-10-u-s-dollar-banknotePhoto courtesy of Lukas via Pexels

Kung sa credit card man yan o sa kapitbahay, kailangang bahagi ng mga financial goals mo ang pagbabawas ng mga utang. Ang Pilipino pa naman, maraming bad money habits pagdating sa pagma-manage ng pera. Isa na riyan ang pagpapabukas lagi ng pagbabayad ng mga utang.

Hindi ka makakausad sa pag-iipon gamit ang iyong savings account o sa iba pang financial goals mo kung baon ka sa utang. Kung hindi kayang bayaran ang mga utang ng buo, maglaan ng pambayad sa mga ito kada sweldo.

4. Makiusap para sa pagtaas ng sweldo

photography-of-women-talking-to-each-otherPhoto courtesy of Christina Morillo via Pexels

Suki, matagal ka na ba sa trabaho mo pero maliit pa rin ang iyong sweldo? Isang magandang financial goal na makakasagot dito ay ang pakikipag-negotiate sa iyong boss para sa pagtaas ng iyong sweldo.

Ipaalala sa iyong boss na naging masipag at matalino ka sa trabaho at sa iyong palagay ay nararapat kang bigyan ng salary raise. Makakatulong ang dagdag sweldo sa pagtupad mo ng iyong mga pangarap at higit na makaka-alalay ka pa sa inyong tahanan.

5. Gumawa na ng retirement plan

people-on-seashorePhoto courtesy of Huy Phan via Pexels

Mainam ding ngayon pa lang, pinaplano mo na ang retirement mo. Kung balak mo mang mag-retire nang maaga o magtagal pa sa trabaho, ngayon mo na dapat ito iniisip dahil maraming kailangang paghandaan para rito.

Una, kailangan mong isiping mabuti ang panahon ng pagre-retire at ang dahilan ng pagreretiro. Mayroon ka pa bang mga pangarap na na nais mong maabot bukod sa pagtatrabaho? May mga pangarap ka bang naudlot dahil kinailangan mong maging breadwinner? Mula rito, kailangan mong tantyahin  kung magkano ang kakailanganin mong pera para masuportahan ang iyong sarili at ang pamilya mo sa iyong retirement. Mayroong mga ino-offer ang mga life insurance companies para sa retirement plan na pwede mong mapakinabangan.

Maganda ring isipin ngayon pa lamang kung papaano ka kikita ng pera nang hindi na lubog sa trabaho. Pwede kang magkaroon ng maliit na negosyo o kaya nama’y mag-freelance work na lang. Magbibigay ito ng panahon para sa’yo na maabot ang mga goals mo, pero mayroon pa ring perang pumapasok.

6. Mag-invest

airport-bank-board-businessPhoto courtesy of Pixabay via Pexels

Speaking of pera, mainam kung hindi ka lang umaasa sa sweldo para rito. Maraming investment options ang available para palaguin ang perang kinikita mo.

Makakatulong ito hindi lang sa pag-iipon para sa future mo pero pati na rin sa mga bayarin sa tahanan. Pwede rin itong maging family venture, kung saan kasama ang buong pamilya sa pag-iinvest sa isang business o sa stocks. Maaari ring maging interesado ang mga kamag-anak na OFW na palaguin ang perang ipinapadala nila sa inyo mula sa ibang bansa. 

7. Babaan ang mga gastos

Crucial sa kahit anong financial goal ang paniniguradong nagtitipid ka. Kasama rito ang paghikayat sa pamilya na magtipid sa kuryente, tubig, at internet. Pati na rin ang pag-iwas sa palagiang pagbili online o paglalakwatsa. Kung kaya namang magtimpi, ilaan na lang ang pera sa mga mas mahahalagang bagay tulad ng paghuhulog sa savings account o sa pagbabayad ng mga utang.

Kasama rin sa pagpapababa ng gastos ang overall na pag-e-evaluate ng lifestyle mo, Suki. Kailangan mong tignan kung mayroon kang mga hobby o libangan na pinagkakagastusan mo nang malaki katulad ng pag-inom o pagkain sa labas. Hindi naman mali ang mga ito, pero baka sobra na ang nababawas sa perang sana ay para sa future mo. 

8. Magkaroon ng “treat yourself” fund

pair-of-red-and-white-low-top-sneakersPhoto courtesy of Mateusz Dach via Pexels

Hindi rin naman masamang regaluhan ang sarili paminsan-minsan sa pamamagitan ng pagbili ng bagong damit o pagbabakasyon. Maganda lang na hindi ito masyadong mamahalin, o kaya nama’y hugutin ito sa iyong treat yourself fund.

Kung gusto mo talagang mag-travel o bumili ng bagong gadget, planuhin itong mabuti at ilagay ito sa kalendaryo upang makapag-ipon ka ng maayos. Maglaan ng pera mula sa sweldo para sa ganitong sitwasyon na gusto mo lang i-treat ang sarili mo at iwasang humugot basta-basta ng malaking pera mula sa sweldo, lalo na kung ang bahagi ng salary mo ay naka-budget na para sa ibang mga mahahalagang bayarin.

Makakatulong ang pagkakaroon ng listahan dahil malinaw mong nakikita ang mga kailangan mong gawin. Kung kaya nga, dapat sa bawat item sa listahan ay mayroon kang step-by-step plan kung paano ito ma-a-accomplish para magabayan ka lagi.

Huwag panghinaan ng loob kung hindi maabot ang iyong mga goals sa itinakdang panahon. Nagbabago lagi ang sitwasyon kaya dapat handa kang umangkop, Suki. Ang maganda naman sa mga goals ay kapag nagkulang ka sa unang attempt ay pwede kang sumubok muli. Walang limitasyon ang pangarap!

Share: