-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Maging #FinanciallyConcious Ngayong Panahon Ng Pandemic
September 02, 2020
Alam nating lahat na napakahirap maging financially stable dahil sa hinaharap nating pandemya. Challenging mag-manage ng finances lalo na sa panahong patuloy ang paghina ng ekonomiya na nagdulot na nga pagtaas ng bilang ng umployment rate sa 17.7%. Kailangan matutuhang maghigpit ng sinturon at bumaluktot muna sa sariling kumot.
Ngunit anu-ano nga ba ang mga money saving tips na kailangan mong alalahanin at sundin upang mapanatiling maayos ang kalagayan mo sa panahon ngayon? Basahin ang gabay na ito upang magkaroon ka ng ideya kung paano asikasuhin nang maayos ang iyong personal finances.
Tandaan na malalagpasan mo rin ito kapag nagsikap kang maging #FinanciallyConscious sa kabila ng mga pagsubok na ito.
Gumawa ng budget plan, expenditures record, at plan of action
Photo courtesy of Kelly Sikkema via Unsplash
Magiging maayos ang pagtugon mo sa personal finances kung magkakaroon ka ng ideya kung magkano ba ang kinikita at ginagastos mo kada buwan.
Mahalagang may visualization ka ng iyong financial history upang alam mo kung magkano ang pumapasok at lumalabas sa iyong pera.
Halimbawa, hindi ibig sabihin na nasa bahay ka lang ay nakatitipid ka na. Aminin suki, nabilang mo na ba kung ilang packages mula sa online stores ang dumating sa iyong bahay simula ang lockdown?
Maraming tao ang nag-iisip na malaki naman ang natitipid nila dahil hindi nila kailangan maglaan ng pera sa commute araw-araw o di kaya wala silang binabayarang renta ng apartment na iniwan sa Manila.
Tandaan na hindi sapat na dahilang gumastos ka nang gumastos dahil nawala ang ilang pinaglalaanan mo ng pera tulad ng dati. Ilan sa mga bagay na maaari mong alalahanin ngayon ay ang mga bayarin sa kuryente at internet, dalawa sa pinakamahalagang bagay ngayon.
Upang magkaroon ng mas mainam na action para ikaw ay maging financially stable, sundin ang sumusunod:
1. Alamin ang iyong total income kada buwan
Photo courtesy of Pixabay via Pexels
Mahalagang alam mo ang iyong net income, Tumutukoy ang net income sa sumatutal na bilang na iyong kinikita sa bawat buwan. Ang net income mo ang magiging basehan mo sa lahat ng plano na gagawin mo upang maging financially stable.
Isama mo rito ang income ng iyong partner o spouse, at siguraduhing nakabawas ang mga kaltas tulad ng taxes.
2. Alamin ang iyong total expenses kada buwan
Photo courtesy of Steveph via Pixabay
Ngayong alam mo na ang halaga ng pumapasok sa iyong pera sa isang buwan, kailangan mo namang gawan ng record ang iyong gastos. Paghiwalayin ang Income at Expenses sa magkaibang tab sheet. Makatutulong ito upang hindi maging magulo ang iyong financial record.
Matapos ang paglikha ng record, gumawa ng mga kategorya ng gastusin at sa ilalim ng mga ito ay ilagay ang mga bagay na napasasailalim sa bawat uring ito.
Halimbawa, sa kategorya ng Utilities, isulat sa baba ang electric bill, water bill, internet bill. Ilagay naman ang halaga ng gastos sa bawat item na ito. Gawin ito sa iba pang kategorya tulad ng Groceries at Renta.
Mas madaling magtipid kung may kaunti kang nakukuhang kaligayahan mula rito. Dahil ang pagtitipid ay parang pagpasok sa diet, mas madali mong makakamit ang goal mo kung paminsan-minsan kang kumakain ng matatamis kaysa buong-araw kang nangangarap na bumili ng mahal at sa masarap na ice cream.
Matapos isa-isahin lahat ng ito, sumahin naman ang magiging kabuuang halaga.
3. Pagkumparahin ang buwanang kita at gastos
Photo courtesy of StevePB via Pixabay
Ngayon nakalikha ka na ng personal financial history, ibawas ang iyong monthly expenses sa monthly income at tingnan ang halagang matitira. Ito ang magsisilbi mong savings.
Dalawa ang maaari maging reaksyon mo kapag nakita mo ang halaga na natitira sayo.
Una, maaari kang matuwa dahil malaki ang natitipid mo kada buwan. Kung ganito ang reaksiyon mo, wala kang dapat ipag-alala at ipagpatuloy mo lamang ang iyong ginagawa.
Ikalawa, baka isa ka sa mga taong manlaki ang mata at matumba sa upuan sa laki ng iyong gastos kada buwan.
Suki, ayos lang na mabahala ka sa umpisa subalit mali kung hahayaan mong maging ganito pa rin ang paglabas-pasok ng pera sa iyo kada buwan. Kaya mahalaga na magkaroon ka ng malinaw na budget plan.
4. Gumawa ng budget plan upang mapalaki ang savings
Photo courtesy of Nattanan23 via Pixabay
Ngayong alam mo na ang halaga ng iyong gastos kada buwan batay sa iyong personal financial record, kailangan mong lumikha ng mga paraan upang mas bumaba ang numerong ito kumpara sa iyong net monthly income.
Balikan ang iyong monthly expenses record. Tingnan ang bawat item na inilista mo at lagyan ng highlight na pula ang mga bagay na maaari mong isantabi muna. Halimbawa nito ay ilang bisyo tulad ng sigarilyo o di kaya mamahaling shampoo o sabon para sa mukha.
Ilagay sa panibagong papel ang mga bagay na ito at huwag kalimutang isama ang bawat halaga nito. Muli itong sumahin at ang halagang lalabas ay ang numerong matitipid mo sana kung pakakawalan mo muna ang mga non-essentials na ito.
Maaari mo ring piliin ang mga item mula sa iyong monthly expenses ang may mas murang brand alternatives para mas bumaba pa ang iyong gastos.
Maaari mo ring balikan ang ilang detalye tulad ng binabayaran mong subscriptions buwan-buwan. Baka puwede mo nang bitawan muna ang cable network connection ngayong mas nagagamit mo naman ang subscription mo sa ibang bagay tulad ng Netflix. Iwasan ang gastos na di mo naman lubos na napakikinabangan
Isang wais na money management guide ang pagkakaroon ng visualization ng iyong income at gastos ay makatutulong upang magkaroon ka ng mas epektibong aksiyon at plano sa iyong financial management. Mabusising proseso ito subalit masisigurado mo suki na makatutulong ito sa iyo.
Tandaan na hindi mo lubos na kasalanan kung hindi mo alam na malaki ang gastos mo sa bawat buwan kumpara sa iyong kinikita. Ang mali ay hayaan mo na lamang na ganito ang sitwasiyon mo dahil sarili mo lamang ang sasagip sa iyo.
5. Itabi ang iyong savings
Photo courtesy of Cottonbro via Pexels
Batay sa iyong nilikhang personal financial record, tumutukoy ang savings mo sa natitirang pera kapag ibinawas mo ang monthly expenses mo sa iyong monthly income.
Isantabi mo agad ito suki at siguraduhing may nakalaan account para rito bukod sa ginagamit mong cash card na para naman sa mga gastusin.
Mahirap sa ngayon na pumunta sa mga bangko dahil sa posibilidad na mahawa ka ng coronavirus. May ligtas at siguradong paraan online tulad ng Palawan Pawnshop Online Padala upang mai-deposit mo agad ang iyong savings nang hindi na pumipila bago mo pa ito magastos.
Dagdagan ang iyong net monthly income sa tulong ng sideline jobs
Photo courtesy of Andrea Piacquadio via Pexels
Nasa work-from-home setup ngayon ang karamihan ng mga empleyado upang maiwasan ang coronavirus.
Mayroong mga taong masaya sa ganito dahil nakakapiling nila ang kanilang mga pamilya, subalit mayroon din namang umaangal dahil anila mas nakapapagod ang work-from-home setup. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mong maghanap ng hobby na maaari mong pagkaabalahan upang malabanan ang stress.
Pero bakit hindi mo pagkakitaan o extra income na ito o talent na ito upang mapaunlad ang iyong financial situation? Makatutulong kung maghahanap ka ng swak na swak na sideline para sa iyong interes. Nag-enjoy ka nang gawin ito, kumita ka pa.
Tingnan ang mga sumusunod upang magkaroon ka ng ideya kung paano maaari mong maging investment ang iyong hobby at talent.
6. Magsimula ng online food business
Photo courtesy of Congerdesign via Pixabay
Suki, kung passion mo ang pagluluto, makiisa ka na sa isa sa pinakapatok na emerging small business idea ngayong panedmic— online food selling.
Ibahagi sa mundo ang nalalaman mong special recipes. Maaari mong gamitin ang iyong sariling social media account upang magpromote ng iyong mga ibinebenta. Ilan sa karaniwang binebenta ngayon ay mga kakanin tulad ng puto o kaya special baked goods gaya ng cookies at brownies.
7. Coaching at Online Lessons
Photo courtesy of Brooke Cagle via Unsplash
Maaari ka ring magbigay ng virtual coaching at online lessons depende sa hobby at interes mo upang makatulong sa savings. Hindi lamang ito para sa mga guro sa paaralan, puwede rin ito sa iba’t ibang uri ng services.
Halimbawa, maaari kang maging fitness coach kung marami kang alam na physical routines na karaniwan mong ginagawa sa gym bago ipatupad ang quarantine.
Maaari ka rin maging coach sa iba’t ibang bagay tulad ng vocal coaching upang matulungan ang mga taong nais matutong kumanta. Pumapatok din ang pagiging virtual assistant ngayon.
Invest in your talents suki and at siguradong makakukuha ka ng rewards mula rito!
8. Writing at editing services
Photo courtesy of 3844328 via Pixabay
Bukod sa mga nagsusulputang online stores, nagiging talamak na rin ang writing at editing online services. Dito maaaring ipadala ng mga mag-aaral o researchers ang kanilang sinusulat na papel o thesis upang ipasailalim sa proofreading.
Kung ang talent mo naman ay sa graphic design, maaari mo ring pagkakitaan ito sa pag-accept ng mga commission. Know your worth as an artist and make money out of it, suki.
9. Smurfing at online game markets
Photo courtesy of InspiredImages via Pixabay
Oo suki, maaari mo ring pagkakitaan ang husay mo sa mga online games upang makatulong sa iyong financial situation. Ilan sa mga karaniwang ginagawa ngayon ay ang smurfing.
Tumutukoy ang smurfing sa pagpapataas ng rank ng isang player sa mga online games. Maaaring bayaran ng isang tao ang isang smurfer upang pataasin ang rank nila sa isang game. Maaari din gumawa ng bagong account ang smurfer at ibenta ito sa iba. Madalas itong ginagawa sa mga laro tulad ng League of Legends, Defense of the Ancients, at Mobile Legends.
Bukod dito, nagiging source of income din ng iba ang pagbebenta ng ibang virtual items na matatagpuan sa loob mismo ng games tulad ng Animal Crossing: New Horizons at Pokemon Sword and Shield. Maaaring magrequest ang isang tao ng isang specific na item na babayaran niya bago ganapin ang trade.
Ilan lamang ito sa mga maaari mong pasuking sideline upang may maipangdagdag ka sa iyong net monthly income, suki! Nag-enjoy ka na, tumubo ka pa ng pera. Earn money while you kickback and relax sa tulong ng mga new emergent sidelines na ito.
Tingnan ang iyong inventory kung mayroon kang maaaring isanla o ibenta online.
Photo courtesy of Kampus Production via Pexels
Suki, kung wala kang oras pumasok sa sideline, tingnan mo kung mayroon kang nakaimbak na mga hindi na ginagamit na appliances o bagay na maaari mong ibenta online.
Makatutulong ito pandagdag sa iyong savings para sa iyong financia goals ngayong 2020, kahit sa panahon ng pandemya.
Ilan sa maaari mong ibenta ay mga damit na di na kasya, appliances tulad ng electric fan o aircon na di ginagamit ngayong malamig ang panahon, o mga gadgets na gumagana pa ngunit madalang nang gamitin. Maraming applications tulad ng OLX, Carousel, o Facebook market kung saan maaari mong gamitin upang maghanap ng buyer.
Bukod sa mga ito, maaari ka ring magsangla ng gintong alahas sa mga pawnshop tulad ng Palawan Pawnshop upang garantisadong mabilis at maayos ang iyong trasactions. Tandaan na magtiwala lamang sa partner na sinisigurado na sulit ang iyong bawat transaction.
Huwag hayaang nakatambak lang ang mga gamit at alahas na ito, Suki! Na-convert mo na ang mga gamit mo into cash, nakatulong ka pa sa iba!
Ilan lamang ito sa mga money management tips na maaari mong sundin upang masiguradong stable ang iyong financial situation ngayon may krisis. Mahirap man, ngunit kailangan talagang magsakripisyo.
Hindi pa huli para maging #FinanciallyConcious, Suki. Sundin ang mga gabay na ito upang masiguradong financially stable ka sa panahon ngayon.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024