-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
23 Fire Prevention Lessons na Dapat Tandaan ng Pamilya
May 03, 2021
“Sunog! May sunog!” Iyan ang sigaw ng mga tao sa Pasig Line Street, Sta. Ana Manila noong nagkasunog nitong bagong taon. Nasa 600 na pamilya ang nabiktima ng sunog na ito at tinatayang nasa halagang Php2.5 million ng ari-arian ang natupok ng apoy. Walang sinuman ang gustong masunugan dahil ito ay tunay na nakaka-trauma.
Kung nasunugan ka na dati, Suki o nakasaksihan mo na itong mangyari sa iba, mahalagang matuto ng ilang fire prevention lessons na dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng sunog para ma-ensure ang inyong property at family safety.
Ang fire prevention na isinasagawa sa Pilipinas tuwing Marso ay isang paraan para turuan ang lahat na maging pamilyar sa sanhi at panganib ng sunog, pati na mga praktikal na paraan para maiwasan ito. Itinuturo rin sa mga tao kung ano ang dapat gawin kung sakaling magkasunog para maapula ito at mailigtas ang pamilya.
Malaki ang kapakinabangan kapag pinakinggan, tinandaan, at susundin mo Suki ang mga ito. Maiiwasan mo ang sunog at magiging handa ka kung sakali mang mangyari ito. At dahil we care for you, Suki, narito ang 23 fire prevention lessons na natutunan ng mga nasunugan o nakasaksi ng sunog dati na makakatulong sa’yo.
-
1. Planuhin kung paano lilikas
Magkaroon ng family safety plan meeting at pag-usapan kung paano kayo lilikas kung sakaling magkasunog sa inyo. Turuan ang mga miyembro kung paano lilikas sa nasusunog na bahay lalo na kung mausok na sa loob. Alamin ang posibleng mga fire exits sa mga kwarto at buong bahay niyo kung saan ligtas na makakalabas ang mga miyembro ng pamilya pati na ang mga alagang hayop.
Ideally, dapat makahanap kayo ng dalawang fire exits para lagi kayong may pangalawang option kung sakaling hindi kayo makakalabas sa pintuan. Magtakda rin ng isang meeting place ng bawat miyembro ng pamilya kapag nakalikas na sila sa kanilang nasusunog na bahay.
-
2. Praktisin ang evaluation plan
Para maging tunay na handa at makita ninyo kung paano niyo i-aapply sa totoong buhay ang fire safety lessons na binuo niyo bilang pamilya, praktisin ito. Kadalasan na madilim at mausok kapag may aktwal na sunog kaya maganda kung sasanayin ninyong kapain ang daan palabas ng inyong kuwarto o bahay nang nakapikit at puntahan ang napagkasunduan ninyong lugar kung saan magkikita-kita.
Magandang oportunidad din ito para turuan ang mga bata at ibang miyembro ng pamilya kung paano tatanggalin ang screen o babaklasin ang rehas ng mga bintana kung sakaling hindi sila makakalabas sa pinto kung may sunog.
-
3. Magsagawa ng sariling fire drill sa bahay
Bukod sa evacuation plan, magandang paghandaan din ang mga paraan upang maprotektahan ang sarili sa panahon ng sunog. Tandaan na nakamamatay ang usok. Kaya naman, kung sakaling makapal na ang usok, gumapang palabas ng bahay at takpan ang ilong at bibig ng binasang tela.
Kung sakaling masunog ang damit mo, tandaan ang “stop, drop, and roll.” Huminto agad, dumapa sa sahig, takpan ang iyong mukha gamit ang mga kamay, at magpagulong-gulong hanggang sa mapatay ang apoy. Ensayuhin ito kasama ang mga bata para matandaan nila kung paano ito gagawin.
-
4. Tiyaking laging nakahanda ang “Go Bag” ng pamilya
Hangga’t maaari, maganda kung may go bag ang bawat miyembro ng pamilya. Kung laging ready ang go bag at mga nilalaman nito, matitiyak ninyo na matupok man ng apoy ang bahay niyo eh meron pa rin kayong damit, pagkain, tubig, pera, gamot, first aid kit, at mahahalagang dokumento. Huwag kalimutang maglagay ng listahan ng mga phone numbers ng lahat ng miyembro ng pamilya at mga emergency hotlines
-
5. Pakiramdaman kung mainit ang pinto bago ito buksan
Isa pang fire safety lesson na dapat tandaan ay kung aalis sa isang bahay na nasusunog, huwag buksan agad ang pinto dahil baka nasusunog ang lugar sa likod nito. Pakiramdamang mabuti ang doorknob at pinto. Kung mainit ito, maghanap agad ng ibang labasan.
-
6. Isara ang pintuan ng kuwarto o bahay na nasusunog
Isa ring fire prevention lesson na dapat tandaan ay isara ang mga pintuan kapag lumikas kayo sa isang bahay na pinagmumulan ng sunog para hindi na ito lumaki o kumalat pa lalo na kung wala pa ang mga bumbero sa iyong lugar. Kapag nahipan ng hangin ang apoy, mas lalaki pa ito at mahirap apulahin.
-
7. Kung may na-trap sa loob ng nasusunog na bahay, huwag basagin ang bintana para hindi ma-suffocate sa usok
Tulad ng sinabi sa number 6, kapag nahanginan ang usok, mas lumalaki ito. Maaaring concerned ka sa mga na-trap sa loob ng bahay, Suki, kaya ang pinakamaganda mong magagawa sa sitwasyong ito ay tumawag agad ng mga bumbero at ipaalam sa kanila ang lokasyon ng mga taong nakulong sa loob ng bahay. Mas alam ng mga professional na ito kung paano ligtas na ilalabas ang mga tao sa loob ng bahay at apulahin agad ang sunog.
-
8. Magkaroon ng fire extinguisher sa bahay
Fire extinguishers ang kadalasan nang ginagamit para apulahin ang apoy. Medyo pricey ang mga ito at may expiration date pero huwag kang manghinayang na bumili nito Suki dahil nakasalalay dito ang family safety niyo.
Pwede kang magtanong sa mga bumbero sa lugar niyo para malaman kung anong uri ng fire extinguisher ang swak sa inyong tahanan. Ang perang pinambili mo ng fire extinguisher, pwede mo pang kitain ulit, pero ang buhay na mawawala dahil sa sunog, hindi mo na maibabalik pa.
-
9. Turuan ang mga bata na huwag paglaruan ang apoy
Dahil sa curious ang mga bata, maaaring paglaruan nila ang ilang mga gamit sa bahay na pwedeng pagsimulan ng sunog tulad ng posporo, kalan, o lighter. Simula pagkabata, magandang bigyan agad ang mga anak ng fire prevention lesson tulad ng hindi paglalaro ng mga bagay na ito para hindi magkaroon ng sunog sa lugar ninyo. Ilagay rin hangga’t maaari ang mga bagay na ito sa lugar na hindi nila maaabot.
-
10. Umattend sa mga fire safety lessons
Kadalasan na tuwing fire prevention month, may mga seminar at trainings ang mga barangay tungkol sa fire prevention. Kung may idaraos na ganitong mga event sa inyong lugar, daluhan ito. Ang isang oras na mailalaan mo upang matutunan ang fire safety ay walang hangganang tulong sa’yo at sa iyong kumunidad.
-
11. Pag-aralan ang iba’t-ibang paraan kung paano aapulahin agad ang apoy
Meron ba kayong fire extinguisher sa bahay, opisina, o paaralan? Hindi sapat na meron lang kayo nito para maapula ang apoy. Syempre, dapat alam niyo kung paano ito gamitin. Pwede kang magpaturo sa mga bumbero sa inyong lugar para sa wastong paggamit ng fire extinguisher.
Tandaan ang PASS na acronym sa tamang paggamit ng fire extinguisher:
Pull the pin
Aim at the base
Squeeze trigger
SweepPwede ka ring magpaturo sa lokal na bumbero para sa iba pang paraan ng pag-apula ng maliliit na apoy sa loob ng tahanan. Ang isa pang fire prevention lesson na dapat tandaan ay ito: pwedeng maging daluyan ng kuryente ang tubig kaya huwag basta-bastang apulahin ang apoy gamit ito.
-
12. Seryosohin ang mga fire drill na ginagawa sa paaralan, opisina, at barangay
Minsan hindi siniseryoso ng ilan ang fire drill na isinasagawa sa paaralan, opisina, o barangay. Pero tandaan na ang mga drills na ito ay dinisenyo para turuan ang lahat na maging kalmado at alerto sa anumang uri ng sakunang pwedeng mangyari. Kaya makinig nang mabuti at sumunod sa mga tagubilin na sinasabi sa inyong fire drills at ituro din ito sa mga kapamilya mo.
-
13. Alamin ang mga fire hazards sa tahanan at sa palibot nito
Maglaan ng oras upang suriin ang loob at labas ng bahay ninyo para sa mga maaaring pagmulan ng sunog tulad ng mga wirings. Pag-usapan bilang pamilya ang mga pagbabagong dapat ninyong gawin sa loob at paligid ng tahanan para maiwasan ang mga fire hazards na ito.
-
14. Ayusin ang pag-iimbak ng flammable materials sa bahay
Ang mga flammable liquids tulad ng gaas, solvent, cleaning agents, thinners, pandikit, pintura, at iba pang raw materials ay pwedeng sumabog o pagmulan ng sunog kung hindi maayos ang pag-iimbak at pagtatabi ng mga ito. Huwag itago ang mga bagay na ito sa lugar na malapit sa heating source. Mas maganda kung itatago ang mga ito sa lugar na may malamig na bentilasyon o sa labas ng bahay.
-
15. Alamin ang mga first aid procedure para sa mga paso mula sa sunog
Kung napaso ka dahil sa apoy, buhusan ito ng malamig na tubig para gamutin ang mga paso mo sa loob ng tatlo hanggang limang minuto. Takpan ito ng malinis at tuyong tela saka humingi ng medikal na tulong mula sa ospital o ambulansya.
-
16. Maging alerto kapag nakaamoy ng gas leakage o usok
Kung sakaling may maamoy ka na gas leakage o usok sa bahay niyo o malapit dito, hanapin agad ang pinagmumulan nito para malaman kung may nagsisimula na bang sunog sa inyo. Maganda ring family safety lesson ang pagtuturo sa mga anak na magsabi agad sa mga nakatatanda kung nakakaamoy sila ng usok sa loob ng tahanan o kapag may nakita silang nag-overheat na appliance o gamit sa bahay o nag-spark na mga saksakan.
-
17. Huwag i-overload ang mga saksakan at extension cords at bunutin ang mga appliances sa saksakan
Minsan, hindi na natin napapansin na napakarami na palang mga gamit ang nakasaksak sa mga saksakan o extension cords. Pwedeng mag-overload at sumabog ang mga saksakang ito at pagmulan ng sunog. Ugaliing bunutin ang mga appliance na di na ginagamit, kasama na ang mga charger ng cellphone, tablet, at laptop kung full charge na ang mga ito.
-
18. Alamin ang mga first aid procedure para sa mga paso mula sa sunog
Kung nasusunog ang isang high-rise building at nandoon ka, huwag gumamit ng elevator para makababa agad; sa halip ay gumamit ng hagdan. Kapag may sunog, pwedeng magkaroon ng electrical issues. Pwede kang makulong sa loob ng elevator o pwede itong magbukas sa floor na nasusunog.
-
19. Huwag tangkaing apulahin ang apoy nang mag-isa
Kapag nagawa mo na ang mga pangunahing hakbang sa pag-apula ng maliliit na sunog pero hindi pa rin ito namamatay, tumawag ka na agad ng tulong sa mga kapamilya mo at mga bumbero. Kung hindi ka agad hihingi ng saklolo, mabilis na lalaki at kakalat agad ang apoy.
-
20. Huwag nang bumalik sa loob ng kuwarto o bahay na nasusunog
Maraming dahilan kung bakit gusto ng mga taong bumalik sa loob ng nasusunog na bahay. Kung halimbawa ay may naiwan kayong alagang hayop sa loob ng bahay, sa halip na pumasok ulit sa inyong bahay, agad itong ipaalam sa mga bumbero para sila ang magligtas sa mga naiwan ninyong alagang hayop.
Kung babalikan ang mga naiwang gamit ninyo sa bahay, tandaan mo Suki na mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa mga gamit na iyon. Pero kung sakaling napakahalaga talaga ng isang bagay na naiwan mo sa loob, sabihin agad ito sa mga bumbero para makuha nila ito.
-
21. Huwag ilipat ng lugar ang mga bagay na nasusunog para hindi kumalat
Karaniwan nang sa kusina nagsisimula ang sunog dahil sa mantika, init, at apoy na pwedeng pagsimulan ng sunog. Kung masunog ang kawali na pinaglulutuan mo, tandaan ang fire prevention lesson na ito: huwag ilipat ito papunta sa lababo para mabuhusan ng tubig.
Maaari kang magtamo ng second at third-degree burns kapag nagtalsikan ang mantika. Sa halip, takpan ito at patayin ang kalan. Buhusan ito ng maraming baking soda o asin. Pwede rin itong apulahin gamit ang fire extinguisher o basang tela.
-
22. Huwag maging careless smoker
Ang sigarilyo at paninigarilyo ay isa sa tatlong pangunahing sanhi ng sunog. Kung maninigarilyo, iwasang gawin ito sa kama o sofa. Huwag iwanang nakasindi ang sigarilyo at wag itapon agad ang mga laman ng ashtray sa basurahan. Kailangang lumamig muna o basain ng tubig ang mga ashes at cigarette butts bago ito itapon.
-
23. Mag-avail ng Premium Pamilya ProtekTODO
Makakatulong din ng malaki sa pamilya ang pagkakaroon ng swak na insurance para tiyak na ProtekTODO ang lahat anumang sakuna ang inyong harapin. Sa halagang Php100, pwede na kayong mag-avail ng Premium Pamilya ProtekTODO insurance na handog ng Palawan Pawnshop. Ang insurance na ito ay may kasama nang fire assistance na nagkakahalaga ng Php5,000.
Mahirap ang masunugan. Masakit ito hindi lang sa damdamin, kundi maging sa bulsa. Dahil nagmamalasakit sa’yo ang Palawan Pawnshop, laging isaisip ang 23 fire prevention lessons na ito, Suki upang masigurado ang safety ng pamilya at maiwasan ang sunog.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024