Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through
partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
Madalas sabihin sa mga graduation ceremonies ang “Welcome to the real world.” Totoo naman kasi ‘yun. Hindi naman sa hindi “real” ang mundong ginagalawan mo sa eskwela, pero “real” as in totoong magulo, nakakaloka, at mahirap pero totoo rin namang masaya.
Heto pa ang totoo para sa mga fresh graduates --- totoong mahirap maghanap ng trabaho. The struggle is real, ika nga. Pero kahit pa isang daan kayong nag-aagawan para sa iisang posisyon sa isang kumpanya, hindi pa rin naman imposible na ikaw ang umuwing panalo.
Pero siyempre, hindi naman pwedeng i-asa lang ‘yan sa swerte. May mga dapat ka rin gawing paraan para umangat ka sa iba pang fresh graduates na kasing sigasig mo rin maghanap ng trabaho. Narito ang ilang career tips and advice namin para sa’yo:
Winner at Professional CV at Cover Letter
Kung sanay ka sa mga submissions na maraming arte, ibahin mo ang Curriculum Vitae at Cover Letter. Tandaan mo na ito ang magre-represent sa iyo on paper. Dito naka-depende kung mag-a-advance ka sa iba pang stages ng pag-hire gaya ng examinations at interview. Siguraduhin na maipapakita mo ang galing mo sa mga dokumentong ito. Siguraduhin din na maayos ang format, tama ang grammar, at may picture mo na kagalang-galang at hindi pang-profile picture sa Facebook.
Mahalaga rin na maging honest ka sa paggawa ng iyong CV at Cover Letter. Kung hindi ka naman talaga marunong mag-Chinese, huwag mong ilagay na marunong ka. Dapat honest evaluation ito ng skills mo.
2. Umangat sa job websites
Iba na ang recruitment ngayon. Kung dati gumagastos ka pa ng pamasahe para lang mag-walk-in sa mga kumpanya, ngayon sa internet na lang. ‘Yun nga lang siyempre, marami kang kalaban. Kaya naman dapat na bigyan mo rin ito ng sapat na panahon. Alamin ang mga job portals na credible at maraming trabaho na inaalok. Mag-register at gumawa rin ng profile. Pwede mo rin subukan ang LinkedIn para unti-unti kang makabuo ng professional network mo.
Kung may mga target ka ng kumpanya, maaari ring mag-register sa mga talent pool sa kanilang mga websites.
3. Linisin ang social media profile
Dahil nga digital na ang recruitment process ngayon, nagiging automatic na rin para sa ibang HR officers at managers na hanapin ka sa social media. Kung interesado ang isang kumpanya sa’yo, siguradong tatambay sila sa profile mo para i-stalk ka. Kaya naman kung may mga post ka na unprofessional o wala sa hulog, i-hide mo na ‘yan. Sa mga panahong ito, dapat sineseryoso ang privacy settings.
4. Mag-aral ng ibang skills
Isa sa mga fresh graduate tips na madalas hindi sineseryoso ng marami ay ang pag-develop at pag-aaral ng iba pang skills. Minsan kasi pakiramdam natin alam na natin lahat at eksperto na tayo sa field natin dahil may diploma na tayo. Pero tandaan na learning is a continuous process. Huwag makuntento sa kung anong alam mo.
Halimbawa, ikaw ay communications graduate. Malawak ang industriyang ‘yan. Makakatulong kung mag-aaral ka ng digital media o social media marketing dahil nag-iba na rin naman ang landscape ng communicators ngayon, at marahil ay hindi pa ito kasali sa curriculum sa kolehiyo. May mga libreng kurso na pwedeng kunin sa Internet at may certificate pa. Kung finance graduate ka, pwedeng kumuha ng kurso o sumali sa training seminar tungkol sa stock market investing o online trading. Hindi ganun karami ang entry-level positions kaya kung meron kang “specialty,” mas angat ka. Pwede ring pumasok sa mga extra income na related sa field mo para naman may work experience ka na, may extra income ka pa.
Bukod sa mas magandang idagdag sa CV mo ang mga ganitong training kaysa sa pagiging miyembro ng glee club, makatutulong din ito para i-boost ang iyong confidence at kaalaman mo sa iyong field.
5. Lawakan ang options mo
Hindi porke IT graduate ka eh sa IT companies ka lang titingin ng job opportunities. Hindi dahil finance graduate ka eh sa bangko ka lang maghahanap. Halos lahat naman ng kumpanya ay may mga pare-parehong departamento. Lahat halos ay may Human Resources, IT, at marketing. Gaya halimbawa ng mga posisyon para sa job hiring ng Palawan Pawnshop na naghahanap ng software developer at marketing media coordinator bukod pa sa mga front line employees sa mismong mga branch nila nationwide.
6. Mag-practice para sa interview
Hindi simpleng kwentuhan lang ang job interview kung saan magkukwento ka lang ng mga kaya mong gawin. Dapat mag-practice ka ng husto. Aralin ang iba’t-ibang interview etiquette gaya ng tamang pananamit, make-up at grooming, pagsasalita, pakikipag-usap, pag-shake hands, at kung anu-ano pa. Parang beauty contest, aralin ang sagot sa mga frequently asked questions gaya ng “tell me about yourself” at “why should we hire you.”
7. Mag-focus sa work ethic
Dahil fresh graduate ka pa lang, wala ka masyadong work experience na mapagmamalaki. Pero pwede ka pa ring umangat dahil sa tamang work ethic. Pwede mo itong ipakita sa iyong cover letter at lalo na sa interview. Minsan, mas pinipili ng mga HR managers ang may magandang work ethic kaysa mga graduate mula sa top universities. Maging humble pero confident. Ipakitang gusto mo pang matuto at handa kang ipaglaban ang mga pangarap mo.
8. Matatag na support system
Hindi dapat nawawala ang contact mo sa mga kaibigan at pamilya mo. Hindi dahil may mga koneksyon ang iba sa kanila kundi para maging support system mo sa proseso. Sa paghahanap ng trabaho, mararanasan mong ma-reject at sasabihin mong ang lupit pala talaga ng mundo. Kailangan mo ng mga karamay na magpapatatag ng iyong loob. Kahit pa may trabaho, wag makalimot sa mga kaibigan at pamilya.
Don’t be too hard on yourself. Matutong patawarin ang sarili. May mga pagkakataon na papalpak ka pero okay lang ‘yun. Pwede namang bumawi. Imbes na mawalan ng gana, matuto na bumangon at subukan ito ulit.