Bakit Mas Wais ang Gold Investment vs. Other Investments

Blog

March 19, 2021

2-1

Ready ka na ba sa iyong wais investment, suki?

Kung hindi ka pa nakakapag-decide, aba’y pwede ka pa naming tulungan diyan! Ikinumpara namin ang halaga ng gold investment, laban sa  ibang pang traditional or financial investment na available dito sa Pilipinas.

Ang ilan dito ay diamond, silver, platinum, real estate, stocks, o bonds. Totoo, may kani-kanyang bentahe at kawalan ang bawat form of investment.

Pero bakit nga ba mas magandang piliin mo ang mag-invest sa ginto? Alamin natin ngayon, Suki!

Gold vs. Diamond

pexels-engin-akyurt-1458867-(1)Photo courtesy of Engin Akyurt via Pexels

Totoo, mas mataas ang resale value minsan ng diamond pero dahil sa pagiging in ng unique engagement rings, ang diamond na may regular cuts ay maaaring bumaba sa halos kalahati ng retail value nito kumpara sa mga diamond na unique ang cuts.

Isa pa, hindi rin naman madaling makahanap ng buyers ng diamond kaya kahit pa malaki ang pwedeng kitain mo rito, hindi mo agad makukuha ang perang kinakailangan mo sa oras ng emergency.

Sa kabilang banda, napaka-versatile ng gamit ginto kaya naman di talaga matatawaran ang value nito. Kung gusto ng isang buyer ang quality at quantity ng gold jewelry o gold coin na meron ka, kahit hindi pa ito ang eksaktong jewelry style na gusto nila, pwede nila itong ipatunaw at ipagawa bilang bagong form of jewelry base sa style at taste nila. 

Gold vs. Silver

pexels-dids-1653227-(1)Photo courtesy of Dids via Pexels

Kung tutuusin, mas mura ang value ng silver kumpara sa gold kaya naman in na in na rin sa ngayon ang silver jewelries. Pero bukod dito, medyo tumataas din ang demand sa silver at dumarami ang investors nito dahil ginagamit ito sa industrial market.

Pero, iba pa rin ang kinang ng ginto. Maraming kulay ang ginto — yellow gold, white gold, at rose gold kaya naman, may ginto para sa bawat preference at budget ng bawat tao. Ano man ang budget mo, mababa man o hindi, pwede kang magsimulang mag-invest sa ginto. Actually, kung may ipinamanang gold jewelry sa iyo ang pamilya mo, may investment ka na agad.

Gold vs. Platinum

Ang platinum ang isa sa pinaka-precious na metal. Dahil mas mahirap itong ma-extract sa lupa at kaunting mga bansa lang ang mapagkukunan nito.Dahil dito, naging mas mahal pa ito kaysa sa value of gold noon. 

Pero bakit mas magandang mag-invest sa ginto? Kasi, mas malaki ang market nito compared sa platinum. Ang ginto rin ay available sa iba’t-ibang lugar at mas madaling i-extract kaya lagi itong available at mas mura. Kung mataas ang investment budget mo, mas maraming ginto kang pwedeng mabili kaya mas madaling palaguin ang inyong gold investments. 

Gold vs. Real Estate

pexels-expect-best-323780-(1)Photo courtesy of Expect Best via Pexels

Undeniably, magandang investment ang real estate kasi hindi lang mataas ang return of investment nito, pwede mo rin itong tirahan. Ang problema, hindi lahat ng tao ay afford ang pag-i-invest sa real estate dahil malaking pera ang kinakailangan mo, ‘di tulad ng ibang mga investments na kung meron kang at least Php1,500, may investment ka na. Isa pa, hindi rin biro ang maintaining costs sa investment na ito kaya talagang kailangan na mataas ang funds mo para sa real estate investment.

Kung sa ginto ka naman mag-i-invest, hindi ka magsisisi, Suki. Ang value of 1 gram of gold ay ‘di man kasing taas ng presyo ng real estate investment pero mas madali at mas mura itong i-maintain kaya hindi sasakit ang ulo mo sa form of investment na ito.

Gold vs. Stocks

pexels-pixabay-210607Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Ang pag-i-invest sa stocks ay merong risks. Minsan, magugulat ka na lang na ang pinaghirapan mong pera ay naglaho ng parang bula kapag bumagsak ang stock market. Isa pa, kailangan mong mag-devote ng time at effort para i-monitor ang kalagayan ng stock investments mo. Kaya ang stocks ay hindi lang nangangailangan ng fund, kailangan mo rin ng time at effort.

Kung demanding ang stocks, ang gold investments, hindi. Kung may ginto ka, hindi mo kailangang i-monitor araw-araw ang presyo nito sa market. Isa pa, kung sakali mang bumaba ang value nito sa merkado, at least, magagamit mo pa rin ito bilang jewelry.

Gold vs. Bonds

Ang bonds ang isa sa safe form of investment dahil konti lang ang risks dito at kadalasan na on time mong matatanggap ang pera galing sa investment na ito based sa napagkasunduan niyo. Pero paano kung magkaroon ng emergency at kailangan mo nang makuha agad ang pera mo?

Kaya naman, Suki, sa mga panahon ng emergency, magandang gold ang maging investment mo. Kung sakaling magkaproblema, pwede mo itong ibenta o isangla ang ginto  sa iba. Dahil magagamit ang ginto at maganda itong investment, hindi mahirap na makahanap ng buyer nito. Kung ang ginto naman na meron ka ay heirloom ng pamilya niyo, pwede mo itong isangla sa isang mapagkakatiwalaang pawnshop at mapapasaiyo agad ang perang kailangan mo. Kapag nakabawi-bawi ka na, pwede mong makuha pa pabalik ang gold jewelry na isinangla mo sa pamamagitan ng pagbabayad dito bago ito maremata.

Invest in gold now!

Kaya naman, Suki, ano mang gold ang meron ka, tandaan na ang value of gold ay hindi matatawaran kung paanong ang kinang nito ay hindi kumukupas. Hindi lang ito isang bagay na source ng pera na maaasahan mo kung sakaling magkaroon ng emergency. Isa itong yaman na pwede mong isuot at ipamana pa nga.

Kaya naman kahit pa 2020 na ngayon at ilang mga dekada na ang lumipas simula nang gamitin ito bilang form of currency, gold is in pa rin, Suki! Mananatili itong valuable. Kaya naman, bilang wais na Suki, maganda kung dito ka mag-i-invest. Promise Suki, hindi ka magsisisi!

Share: