-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Short Gold Appraisal Guide na Dapat Basahin ng mga PalaParaang Suki
August 01, 2022
Sa panahon ngayon, mahalaga ang magkaroon ng iba’t-ibang investments. Pwede kang kumuha ng mga investment plans sa mga companies, o mag-open ng bank accounts with high interest rates. Pero hindi maikakaila na isa sa mga best investments ngayon ay ang pagkakaroon ng gold lalo na kung titingnan ang price ng gold per gram sa Pinas
Naransan mo na ba ang mga panahong kailangang-kailangan mo na ng pera? Saan ka madaling makakakukuha nito? Dito pumapasok ang importansya ng pagkakaroon ng gold jewelry. Ang daming dahilan kung bakit sulit ang gold investment. Maliban sa madali mo itong mapapalitan sa pera sa oras ng kagipitan, consistent na mataas ang demand sa gold, dahil maraming pwedeng paggamitan nito.
Pero bago ka pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop para sa kanilang pawning services, kailangan mo munang malaman kung paano ba mag-appraise ng gold. Ano nga ba ang appraisal? Ang appraisal ay ang estimated worth or value ng isang item, tulad ng alahas. Ang gumagawa ng appraisal ay ang mga authorized appraisers ng mga authorized na pawnshop. Mahalagang malaman mo kung paano ito ginagawa para naman mas ma-estimate mo ang makukuha mong pera kapag isinangla mo ang gold jewelry mo.
Kaya sa article na ito, aalamin natin kung anu-ano ang mga bagay na dapat mong bigyang-pansin pagdating sa mga item na balak mong isangla.
How to Appraise Gold Safely at Home
First thing’s first mga Suki, paano ba kilatisin ang gold para malaman ang halaga nito? Ang best thing to do siyempre ay pumunta sa pinakamalapit at pinagkakatiwalaan na Palawan Pawnshop para bukod sa mabigyan ka nila ng estimation ng halaga ng iyong gold, malalaman mo rin kung paano mo masusulit ang iyong pagsasangla.
Pero kung gusto mo mag-appraise muna sa bahay, may mga batayan na pwede mong i-check para magkaroon ng sariling estimation sa iyong item. Ilan sa mga ito ang sumusunod
1. Visual Test for gold testing
Gamit ang isang magnifying glass, suriin ang iyong gold jewelry. Malalaman mo na totoo ang gold mo at pwede itong isangla kung hindi ito discolored o mukhang may mantsa. Tandaan suki na ang gold ay hindi makinang gaya ng mga napapanood natin sa mga pelikula o cartoons! Sa katunayan, ito ay may matte yellow finish.
Nakasulat din ang karats ng iyong gold. Subalit, madali lang itong dayain kaya huwag ito ang gamitin na pangunahing batayan para tukuyin ang halaga ng iyong gold.
2. Vinegar Test for gold testing
Pwede mo rin alamin kung may halaga ba ang iyong jewelry gamit ang mga ingridients na kadalasang makikita sa bahay gaya ng suka. Ihanda ang iyong gold sa isang hindi maliwanag na kwarto. Ipatong ito sa isang cloth dahil papatakan ito ng kaunting suka. Pag napatakan na, maghintay ng 5 minutes. Kung walang nagbago sa kulay ng iyong gold, ibig sabihin ito ay legit.
Isa pang option ay ilublob ang iyong gold sa suka sa loob ng 15 minutes. Malalaman mong may halaga ito kung walang pagbabago sa kulay nito.
Iwasan ang mga makikitang guide online gaya ng mga scratch test dahil baka masira ang gold mo gamit ang tests na ito. Muli, kung natatakot kang masira ang quality ng iyong gold, maasahan mo ang Palawan Pawnshop sa pagsukat ng halaga nito para sa’yo.
Bukod sa mga nabanggit, hindi lamang ang pakikilatis ng iyong gold ang dapat mong isipin Suki. Dapat kinikalatis mo rin alin ang best pawnshop sa Pilipinas para sa’yong transactions. Ano pa nga ba ang pinaka best at walang kuskos balungos na pawnshop company sa Pilipinas kung hindi ang Palawan Pawnshop!
How To Appraise Gold Jewelry
Ngayon alam mo na Suki kung ano ang safe na pwede mong gawin sa bahay para masukat at kung totoo ang iyong gold item, ito naman ang mga bagay na dapat mong tandaan bago magsangla sa Palawan Pawnshop. Tingnan ang mga batayan na tinitingnan ng Palawan Pawnshop sa pag-appraise ng iyong gold:
1. Purity
‘Pag nakakarinig ka na may 24-karat gold jewelry itong kakilala mo, ano ang una mong reaksyon? Kadalasan, ang reaksyon ng iba ay “Wow, ang sosyal!” Pero ano nga bang ibig sabihin ng 24 karat na yan at napapa-wow ang iba?
Ang karat ay ang ratio ng pure gold to alloy metal tulad ng silver or copper. Hinahaluan talaga ng alloy metal ang pure gold dahil malambot ang pure gold, kaya kailangan nito ng mga ibang metal para magamit sa paggawa ng alahas. Dahil dito, pag mas mataas ang karat ng gold jewelry mo, siguradong mas mataas ang makukuha mong value nito.
Pero Suki, hindi naman dahil 10 karat or 14 karat lang ang gold jewelry na meron ka, hindi mo na ito maaaring isangla or gawing gold investment. Pwede pa rin naman, mas mababa nga lang ang halaga pero mas magagamit mo naman ito sa pang-araw-araw.
Advisable na gamitin ang mga mas mababang karat na jewelry dahil may iba itong halong metal na mas matibay. At saka ilabas mo lang ang 24 karat mo pag mga pangmalakasan at sosyaling events. Iwas-nakaw pa sa jeep kung lalabas ka lang pala mag-grocery o papasok sa trabaho.
2. Cleanliness
Ang malinis na gold jewelry ay maganda na sa paningin, maaaring maganda pa ang makuhang halaga! Baka mapakunot lang ang noo ng mga tao sa pawnshop pag nagdala ka ng gold na singsing na may putik pa or may alikabok. Dagdag pa dito, malaking kabawasan ang dumi sa kinang ng alahas mo, na susi para maging mas kaakit-akit pa ito.
Kaya naman, ugaliing linisin ang mga alahas mo. Hindi mo naman kailangang lumabas pa at humanap ng maglilinis ng gold investments mo, dahil may mga simpleng jewelry cleaning hacks na maaari mong subukan.
3. Presyo
Mahalaga ring malaman ang presyo ng gold jewelry na meron ka. Paano mo nga naman ma-e-estimate ang appraisal nito kung wala kang idea kung magkano ito noong binili mo? Paano kung binili mo lang ito out of impulse or nagandahan ka lang basta? Kaya mahalaga rin talaga na bago bumili ng alahas, magbasa muna ng gold shopping guide para naman masulit mo ang paggamit at pagsangla nito.
Eh pano naman kung bigay lang pala sayo yung gold na singsing or hikaw mo? Hindi naman okay na itanong ang presyo nito, lalo na kung kunwari ito ay nanggaling pa sa ex mo.
Ang pwede mong gawin ay tingnan ang brand ng gold jewelry na meron ka, lalo na kung nasayo pa ang kahon nito. Kung mga top jewelry brands ito tulad ng Cartier or Bulgari, maaaring maging mataas ang appraisal nito.
4. Quality
Totoo ba yung gold jewelry mo? Masasagot mo ito agad kung bumili ka sa mga kilalang jewelry stores, lalo na kung ikaw pa ang pumili ng design nito sa mismong store. Pero kung nabili mo lang ito sa tabi tabi at paniwalang paniwala ka naman sa sinabi ng nagtitinda sa kalidad nito, dapat mo muna itong i-check sa pamamagitan ng iba’t-ibang tests. Maaaring sundan ang mga easy steps para malaman kung fake ang iyong alahas, at pwedeng pwede mo itong gawin sa bahay.
Makakatulong din kung alam mo ang pinagkaiba ng gold-filled versus gold-plated. Ang mga gold-filled na alahas ay mas mataas ang value dahil hindi ito basta bastang nag-fafade at nagagasgasan. Pang-forever, kumbaga.
Ang gold-plated naman na alahas ay gumagamit ng mga non-gold na base materials, tapos tsaka lalagyan ng molten gold coat. Mas madali itong magasgas or mag-fade. Budget-friendly ito kaya malamang mas mababa din ang appraisal.
5. Functional Pieces
Sabihin nating may 24 karat ka nga na necklace, pero nagagamit mo pa ba ito? Kamusta naman yung hooks at chain nito? Syempre, dapat maayos at nagagamit pa rin ang gold jewelry mo pag naisipan mo na itong isangla. Sayang naman kung pendant na lang ang masasangla mo dahil nasira mo yung buhol buhol na chain ng necklace mo.
Kaya kung meron kang gold jewelry, ugaliing alagaan ito sa pamamagitan ng maayos na paglilinis nito. Para sa mga gold pieces na maaaring magkabuhol buhol tulad ng chains o kaya maaring mawala agad tulad ng pakaw ng mga hikaw, ilagay ito sa mga hiwa-hiwalay na kahon o kaya sabitan.
Iwasan rin ang pagsuot ng kahit anong alahas kapag lalangoy sa beach o pool, at kung maghihiking sa bundok. Good luck naman sa paghahanap ng singsing o hikaw sa dagat o sa bundok pag nalaglag ito.
6. Rarity
Sabi nila, bawat alahas ay may kwento. At ang bawat kwento na meron ang alahas mo ay makakaapekto sa presyo nito, lalo na kung tipong mala-panahon pa ni Magellan ang gold jewelry mo. Ang mga antique na alahas o gamit ay tunay na mataas ang magiging appraisal, dahil mahirap na hanapin ito o nag-iisa lang ito. Ito nga siguro yung mga tipong tinuturing na national treasure at dapat ilagay sa National Museum.
Kung ang alahas mo naman ay custom-made maaari ring maging mababa ang appraisal value nito. Ito ay dahil sa “custom” design tulad ng engraved names, important dates, etc. dahil hindi naman lahat naiintindihan o significant ang date o pangalan na nakalagay.
Benefits ng Pagsasangla sa Palawan Pawnshop
Ngayong malinaw na Suki ang batayan kung paano kinikilatis ng Palawan Pawnshop ang iyong gold, dapat ikaw rin ay maging magaling sa pagkikilatis ng pawnshop na pagkakatiwalaan mo.
Sa Palawan Pawnshop, pwede ka mamili ng iba’t-ibang Pawning packages sa iyong pagsasangla para ikaw ang makapagtakda kung ilang interest ang pinaka swak sayo.
Bukod dito, mayroon pa bang ibang pawnshop na may added benefits gaya ng Suki Card na maaaring magbigay sayo ng discount sa interest? Siyempre wala at Palawan Pawnshop lang ang meron nito!
O di ba? Pak na pak. Bukod sa ang daming options na pwede pagpilian para sa’yong sitwasyon, marami ka rin pwedeng makuhang discounts bilang bahagi ng loyal na family ng Suki na patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa Palawan Pawnshop.
Ang gold investment ay napakagandang investment. Pwede mo itong gamitin sa pang-araw-araw o kaya isuot lang sa mga pangmalakihang events. At sa panahong nangailangan ka ng pera, pwede mo itong isangla. Ugaliin lamang na i-check ang mga nabanggit sa article na ito para naman mas ma-estimate mo ang makukuha mong halaga at alin-alin sa mga gold jewelry mo ang pwedeng pwede mo isangla.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024