Millennials’ Guide on How to Buy Gold in the Philippines

Blog

March 19, 2021

gold-jewelry-buying-guide-og

Kilala ang millennial generation sa pagiging adventurous sa maraming bagay — sa pag-ibig, sa pakikipagkaibigan, at pati na rin sa pera. Pero dahil adulting na ang mga millennials, dapat maging mature na rin sa pagha-handle ng finances. Mabilis pa namang nagtataasan ang mga bagay at bilihin; dapat handa kang harapin ito, suki!

Isang way para maghanda sa future ay mag-invest sa worthwhile ventures para sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga gastusin ay hindi ka madadala dahil mayroon kang fall back income. Maraming investment opportunities ang available para sa mga millennials pero isa sigurong hindi pa masyadong na-e-explore ay ang pagbili at pag-invest sa gold.

If you don’t know how to buy gold in the Philippines, huwag kang mag-alala! Handog ng Palawan Pawnshop ang gold jewelry buying guide para sainyo, suki!

Ano ang ibig sabihin ng pag-invest sa ginto?

gold-jewelry-buying-guide-1Photo courtesy of Frank Busch via Unsplash

Hindi lang pang-bling-bling ang ginto, suki. Pwede rin ito mapagkuhanan ng siguradong pera. Maraming gamit ang ginto bukod sa alahas; pwede rin itong magamit sa panggagamot at teknolohiya. Kaya naman, napakahalaga ng ginto. Para sa mga millennials na newbie pa lang sa adulting, medyo confusing siguro ang konsepto ng pag-iinvest, lalo na sa ginto.

Essentially, ang investment ay pagbili o pagtaya ng pera sa isang bagay na sa hinaharap ay magkakaroon ng kita. Ang mga bagay na ito ay maaaring hindi pa magagamit sa ngayon, pero malaki ang magiging presyo kapag ibinenta sa kinakabukasan.

Ang pag-invest sa ginto ay pagbili ng mga gold properties. Halimbawa nito ang direktang pagbili ng gintong alahas o bar. Pwede ka ring bumili ng gold shares ng isang gold mining company. Pagkatapos ng initial purchase ng ginto, pwede mo itong itago for safe-keeping hanggang mangailangan ka ng pera o ‘di kaya nama’y lubos na tumaas ang presyo ng ginto.

Bakit dapat bumili ng gold?

gold-jewelry-buying-guide-2Photo courtesy of Pixabay via Pexels

Matagal nang mataas ang halaga ng ginto sa buong mundo. Dati nga’y ginto ang ginagamit bilang pamalit para sa mga produkto at serbisyo, at sa isang punto ng kasaysayan, ginamit bilang basehan ng halaga ng pera ang halaga ng ginto.

Timeless ang value ng ginto; kahit pabago-bago presyo nito, palagi pa rin itong mahalaga. If you buy gold, ito ay long-term investment para sa future mo.

Dapat maging mapagbantay sa mga factors na nakakaapekto sa presyo ng ginto. Isang halimbawa rito ang halaga ng local at foreign currency. Kapag bumababa ang halaga nito, tinatayang tataas ang halaga ng ginto at ito ang tamang oras para ibenta ang gold property mo.

Bakit perfect para sa mga millennials ang pagbili at pag-invest sa gold?

gold-jewelry-buying-guide-3Photo courtesy of Austin Distel via Unsplash

Sa buong mundo, napakahalaga kung tratuhin ang ginto. Pero ‘di tulad ng ibang investment ventures gaya ng real estate, madali lang mapanatili ang gold kaya naman perfect ito para sa mga busy millennials. Hanggang sa mailinis mo nang mabuti ang alahas, hindi ito maluluma o masisira.

Madali lang ding maibenta o maisangla ang ginto dahil sa timeless value nito. Hindi ka mawawalan ng mapagbebentahan nito. Pero kailangan mo ring siguraduhin na mapagkakatiwalaan mo ang makaka-transaksyon mo.

Maraming establishment ang nangbabarat at nanloloko ng customer. Dapat doon ka sa trustworthy na sanglaan, gaya ng Palawan Pawnshop. Sa panahon ng mga emergency at kailangang-kailangan mo ng pera, nariyan ang mahigit 3,000 branches ng Palawan Pawnshop na laging handa para tulungan ka gamit ang pawning service o pagsasangla nito. Sa Palawan Pawnshop, walang kuskos-balungos at siguradong tamang presyo ang offer para sa investment mo!

Magkano ang ginto at saan makakabili nito?

gold-jewelry-buying-guide-4Photo courtesy of Morgan Alley via Unsplash

Sa Pilipinas, hindi gaanong accessible ang mga gold bars o gold coins. Pero buying gold in the Philippines is still easy to do. Kung gusto mong mag-invest sa gold, pwede kang bumili ng gold jewelry o mag-invest sa gold mining companies na nakalista sa Philippine Stock Exchange.

Para sa mga millennials na nagsisimula pa lang sa adulting stage, pwedeng mag-start muna sa pagbili ng gintong alahas. Ito ang pinakamadaling paraan para mag-invest lalo na kung nalilito o gusto mo umiwas sa stock exchange.

Maraming pwedeng pagbilhan ng gold jewelry sa bansa, pero marami ring nagpopostura na lehitimo ang ibinebenta nila pero fake pala. Huwag ka magpaloko sa mga ito at alaming mabuti kung alin ang pekeng alahas at alin ang totoo. Ang tipikal na presyo ng ginto sa Pilipinas ay Php900–2,000 kada gramo ng ginto depende sa karat.

Gold buying tips for beginners

gold-jewelry-buying-guide-5Photo courtesy of Breakingpic via Pexels

If you’re new to buying gold in the Philippines, don’t worry! Narito ang ilang tips para sa future gold investor like you, Suki!

1. Alamin kung kailan pinakamababa ang presyo ng ginto

Tulad ng ibang bilihin, nagbabago rin ang presyo ng ginto. Kaya naman, makakatulong sa newbie investor na malaman kung kailan ang peak time para bumili ng gold sa murang halaga.

Tipikal na mababa ang presyo ng ginto kapag mataas ang stock market at pataas ang pag-develop ng economy. Mas mababa ang demand sa ginto kapag malakas ang economy. Mainam ding pag-aralan kung paano itinatakda ang presyo ng ginto para malaman mo kung gaano kamahal dapat binibili ang alahas.

2. Mag-canvass ng mga dealer

Huwag matali sa isang dealer lang. Maghanap ka ng maraming nagbebenta ng gold at ikumpara ang mga presyong i-offer sa iyo para malaman ang best deal para sa budget mo.

Kailangan mo ring siguraduhing mapagkakatiwalaan ang dealer na makaka-transaksyon mo. Hindi lahat ng jewelry dealer at pawnshop ay maganda ang quality ng ibinebentang alahas. Huwag magpadala sa kinang ng mga nakikita at suriing mabuti ang mga deal na in-o-offer sa iyo para maiwasang maloko.

3. Siguraduhing may written document sa pagbili mo

Bago mo i-finalize ang pagbili mo ng alahas, kailangan mo munang siguraduhin na mayroon kayong kontratang pipirmahan. Importante ito sa lahat ng kasunduang may kinalaman sa pera at investment.

Make sure that when you buy gold, ang bibilhan mo ay nangangakong hindi peke ang alahas. Tingnan ding mabuti kung ang agreement ay mayroong “No Return” o “Refund Policy.” Makakatulong ang written document sa’yo at sa dealer kung sakaling magkaproblema.

Sana ay nasagot lahat ang mga tanong mo on how to buy gold, suki! Sa susunod na panahong naghahanap ka ng pagkakakitaan, sana ay maisipan mong bumili at mag-invest sa gold. Isa itong bagong venture na sure na makakatulong sa iyo sa hinaharap, as long as you’ve done enough research.

Happy investing, mga suki!

Share: