-
Services
-
Pera Padala
Mura, mabilis, at walang kuskos-balungos! Palawan Express Pera Padala is a fast, easy, convenient, and simple domestic money remittance service brought to you by Palawan Pawnshop. Learn more about us here today!
-
Pawning
Always the Matatag, Maaasahan, and Mapagkakatiwalaan. With over 3,000 branches nationwide, Palawan Pawnshop accepts gold jewelry items with high appraisal and lowest interest rates at a fast and reliable service. Pawn now!
-
International Remittance
Fast, Reliable, Affordable, and Hassle-free International Money Transfer.
-
-
Partner With Us
-
International Partner
Palawan Express Pera Padala is continuously expanding its network through partnership with reputable remittance companies worldwide to deliver fast and secure remittance payout to millions of Filipino beneficiaries in the country.
-
Corporate Client
Palawan Express Pera Padala offers tailored partnerships to meet client’s strategic business objectives. We render corporate solutions to make sure client accounts are profitable and growing.
-
Domestic Partner
Palawan Express Pera Padala widens its network through accrediting reputable entities as Authorized Agents. This greatly helps our valued customers to quick and easy access to Palawan Express remittance services across the country.
-
- Press Room
- Promos
- Advocacy
- FAQs
- About Us
- Careers
Go for Gold: Jewelry na Perfect Gift Ngayong Pasko
May 12, 2021
Are you already making a list and checking it twice? Konting kembot na lang, Pasko na mga beshies! Wala pa man ang bonus, malamang sa utak mo pa lang, ubos na ‘yan. Sa mga Pinoy kasi, walang hindi afford kapag Pasko lalo pagdating sa mga mahal natin sa buhay. Minsan lang naman, ‘di ba?
Gift-giving, exchange gifts, monito monita --- ano man tawag mo d’yan, lahat ‘yan ay mga tradisyon tuwing Pasko na nagmula sa diwa ng pagbibigayan. Isang beses sa isang taon, iniisip natin kung ano ba ‘yung pwede mong ibigay sa mga taong mahal mo para maramdaman nila na espesyal at mahalaga sila.
Mug na naman ba? Picture frame? O baka naman tuwalya. Walang kamatayang bath set kaya? Okay naman ‘yan, dahil sabi nga nila “it’s the thought that counts.” Pero kung gusto mong gawing exception ang Paskong darating at maging mas thoughtful, bakit hindi mo isama sa listahan ang gold jewelries?
Hep, hep, hep! For sure, sasabihin mo agad, “naku, yayamanin naman masyado.” Totoo na giving gold jewelry as gifts ay hindi kasing affordable ng mug o tuwalya, pero pang-habambuhay naman. Noon pa man, isa na ang jewelries sa mga madalas i-regalo. And since the beginning, giving gold jewelries is a great way of expressing how much a person means to you. Marami na ring klase niyan ngayon gaya ng yellow gold, white gold, at rose gold.
Naisusuot, napapamana, sentimental, timeless, at good investment — ilan lang ‘yan sa mga dahilan bakit magandang panregalo ang gintong alahas. Don’t worry, afford mo ‘yan lalo na kung ngayon pa lang ay magsisimula ka na bumili at naghahanap ka na ng supplier.
Narito ang mga types of gold jewelry na pwede mong ibigay sa mga espesyal na tao sa iyong buhay ngayong darating na Pasko.
Gold watch
Babae man o lalaki, kikiligin kapag binigyan ng gold watch. Isa kasi itong timepiece na walang kupas. Perfect accessory rin sa trabaho man o mga okasyon.
Maraming ibig sabihin ang relo. Para sa magkasintahan, simbolismo ito na bawat oras na magkasama kayo ay mahalaga. Sabi nga nila, time is the most valuable gift. Para bang sinasabi mo na bawat oras ko, ilalaan ko para sa’yo. Naks!
Sa magulang, kapatid, o kaibigan, sinisimbolo rin nito na you cherish every second with them. Sinisimbolo rin nito ang long-lasting ninyong samahan.
Gold ring
Para sa mga matagal nang nagsasama o magkasintahan, ang sing-sing ay simbolo ng habambuhay na commitment. Bilog at walang katapusan. Sinisimbolo nito na ang inyong pag-iibigan ay lalo lang tumatatag. Parang sinasabi mo kay misis na gusto mo siya ulit pakasalan. Instant pogi points ‘yan!
Gold necklace
Ang kwintas ay isa mga types of gold jewelries na classic at timeless. Perfect ito para kay misis o sa girlfriend. This is a gift that would highlight her beauty and will make her shine even more. Kahit gaano kasimple, napapaganda nito ang anumang suot o ayos. Minsan din, force of habit na ng marami na haplusin o damhin ang kwintas sa kanilang mga daliri kapag may extreme na emotion na nararamdaman gaya ng saya, lungkot, kaba, excitement, at kung anu-ano pa. Kaya para na ring sinabi na kahit ano pa ang pinagdadaanan, nandyan haplusin lang ang kwintas, parang nandyan ka na rin.
Gold earrings
Gaya ng kwintas, timeless accessory rin ang hikaw. Kahit pa sa pormahan o simpleng pasyal lang sa mall, ang simpleng gold earrings ay nakaka-enhance ng kahit anong look. Nasa mukha rin ang focus kaya lalong gaganda ang pagbibigyan mo nito. Bukod dito, madalas din ipasa na heirloom o pamana ang hikaw at madalas nga itong “something borrowed” ng bride sa kasal.
Gold pendant
Gusto mo ba ipakita kung gaano mo kakilala ang taong reregaluhan mo? Gusto mo ba ipakita that you are paying attention? Perfect gift ang pendant. Marami kasing klase at hugis yan at kapag na-bullseye mo kung anong design ang bagay at maa-appreciate niya, aba malaking check yan.
Gold locket
Isa sa mga pinaka-personal at sentimental na gold accessory ay ang locket na kadalasan ay kwintas o pendant. Sa mga period movies, makikita mo madalas itong gamitin bilang heirloom at keepsake. Perfect ito na regalo among family members and long-time friends.
Ang isang locket kasi, sumisimbolo sa isang kwento o kasaysayan. Kadalasan may laman itong portrait o litrato na nagpapaalala ng isang mahalagang kabanata --- an episode that reminds you of that time you loved, triumphed, lost, or mourned.
Gold bracelet
Isa pa sa gold jewelries na madalas i-regalo ay bracelet. Medyo mas casual kasi ang dating at marami na ring disenyo para sa lalaki. Madali rin itong i-personalize depende sa bibigyan mo. Maaari itong kabitan ng charms na sumisimbolo sa iba’t-ibang emosyon, paniniwala, milestone o event, at kung anu-ano pa.
Gold pins
Isa sa mga accessories na pwede ring yari sa ginto ay mga pins na kadalasan kinakabit sa damit o buhok. Halimbawa ay mga decorative hair pins o clips na ginagamit ng mga brides o kaya ng mga little girls. Pwede rin yung lapel pin na kinakabit sa damit. Maaari ring isama sa kategoryang ito ang gold brooch for women.
Gold anklet
Gusto mo ba ng regalo na nagsasabing: “I’m with you every step of the way”? Isang gold anklet ang sagot diyan. Nakatago man madalas, ito naman ang tipo ng gold jewelry na madalas hindi na rin tinatanggal at nagiging parte na talaga ng araw-araw. Perfect ito para sa mga kasintahan o kaibigang babae na obsessed sa foot care pati na footwear.
Gold cufflinks
Ang mister, tatay, o kuya mo ba ay madalas naka-suit at naka-porma? Siguradong patok sa kanila ang gold cufflinks. Sa lahat ng bling, ito siguro ang pinakasimple pero matindi ang dating. Boring na kasi ang butones kaya mag-upgrade sa cufflinks. Truly, this is a man’s accessory.
Maraming types of gold jewelries na pwede pagpilian depende sa pagbibigyan mo nito. Binigyan mo na sila ng regalo, may bonus pang investment. Bukod sa timeless at forever valuable na mineral ang ginto, maaari rin itong katuwang sa buhay. Isa ito sa mga pwedeng i-sangla, halimbawa. May bili-sangla service ang Palawan Pawnshop kung saan mga propesyunal na patas at tama mag-appraise ang hahawak sa precious gold jewelry. Low interest na, high appraisal pa!
Ask any Palawan Pawnshop agent sa paraan ng pagtawag – malalaman what kung ano ang contact number of the branch nearest you gamit ang website branch finder – para alamin ang mga detalye.
Related Article
-
Palawan Pawnshop Pet Insurance Para ProtekTODO si Bantay
Blog05 / 29 / 2024
-
Palawan Pawnshop: Your One-Stop Shop for Bills Payment Needs
Blog05 / 29 / 2024